Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
663 viewsCompletedAdded to Library 16 Times as toothpaste gamot sa singaw
Read
+Library
The Dangerous Man Weakness

The Dangerous Man Weakness

Dahil sa sobra-sobrang pagmamahal ni Salome sa nakababatang kapatid ay pumayag siya sa kagustuhan ng kapatid na sumunod sa syudad na pinagtatrabahuan nito. Ngunit hindi niya alam na balak siya nitong gawing pambayad sa utang. Huli na ang lahat nang matagpuan niya ang sarili sa kama kasama ang gwapong estranghero. At si Treous Elagrue na isang kilalang walang puso at makapangyarihan sa mundo ng mga mafia ang siyang nakauna sa kaniya at sapilitang umangkin sa kaniya. Ngunit hindi niya aakalaing magbubunga ang kababuyan na ginawa nito sa kaniya. Dahil sa takot ay itinago niya ang bata at pinalaki itong mag-isa. Ngunit mapagbiro ang tadhana dahil nalaman ni Treous ang tungkol sa bata at ngayo'y sapilitan itong kinuha ng lalaki sa kaniya. Ngunit gagawin ni Salome ang lahat upang mabawi lamang ang anak. Kahit pa ibaba niya ang sarili at lumuhod sa harapan ni Treous.
1071.2K viewsCompletedAdded to Library 2.8K Times as toothpaste gamot sa singaw
Read
+Library
Into The Other Side: The Last Vessel

Into The Other Side: The Last Vessel

CG Tomodachi
Lexcel Faith Marshall is a normal student with normal life not until her grandmother died. Simula burol ng kanyang lola ay kung ano-anong mga nakikita at napapanaginipan niya. Sa takot na magkatotoo ang kanyang mga panaginip ay gumawa siya ng paraan para alamin ang dahilan kung bakit ito nangyayari sa kanya, sa tulong ni Levi- isang bagong salta sa lugar nila. Sa paghahanap ng sagot sa kanilang katanungan ay dinala sila sa nakaraang nababalot ng misteryo sa buo nilang pagkatao na maaring sisira sa kanilang hinaharap.
105.4K viewsCompletedAdded to Library 210 Times as toothpaste gamot sa singaw
Read
+Library
HER GAME

HER GAME

realisla
THE GAME SERIES Book 1 out of 5 "So better be wise enough in playing because this is much more exciting than her game." Si Akemi Sean Lee, isang babaeng nagmahal, nasaktan at maghihiganti. Matapos ang trahedyang itinuring bangungot sa tanang buhay niya, binago niya ang sarili sa dating siya. Nagsikap, nagtapos, at nagpakadalubhasa siya sa New York sa engineering. Makalipas ang limang taon, bumalik siya ng Pilipinas. Wiser. Bolder. Braver. Bumalik siya para sa tatlong taong nagsukdol sa kanya sa kahirapan. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Puso sa puso. Nagbalik siya para sa kanyang laro—ang laro ng paghihiganti. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa kanyang laro, may malaking bagay pa siyang matutuklasan. Isang bagay na dudurog muli sa kanyang puso at pagkatao. Paano niya kaya haharapin at malalagpasan ang larong inakala niyang kanya?
103.1K viewsCompletedAdded to Library 119 Times as toothpaste gamot sa singaw
Read
+Library
Falling for My Boss

Falling for My Boss

Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili. Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia. Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito. Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas. Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?
23.3K viewsCompletedAdded to Library 723 Times as toothpaste gamot sa singaw
Read
+Library
Falling for My Ex's Dangerous Uncle

Falling for My Ex's Dangerous Uncle

Mahilig ka ba sa mapanganib na pag-ibig—at sa lalaking alam mong dapat mong iwasan pero hindi mo kayang talikuran? “Hindi ka na niya pag-aari… dahil pinili mong mapasakin.” Engaged siya sa pamangkin— pero napangasawa niya ang tiyuhin. Sa araw na iniwan ni Cassandra De Villa ang lalaking nagtaksil sa kanya— gumuho ang mundong pinangarap niya. At ang sumalo sa kanya? Si Ismael Vergara. Mapanganib. Walang awa. At mortal na kaaway ng dati niyang nobyo—at ng pamilya nito. Sa isang iglap—napunta siya sa lalaking hindi niya kayang kontrolin. Sa lalaking dapat niyang katakutan. Ngunit habang tumatagal—hindi na takot ang nangingibabaw sa puso niya. Kundi isang damdaming mas delikado. Hindi siya pinilit. Hindi siya kinuha. Siya ang lumapit. Siya ang nagtiwala. At sa huli—kusang-loob niyang ibinigay ang sarili. Dahil sa sandaling piliin mo si Ismael— wala nang balikan. Sa mundong puno ng kasinungalingan, kapangyarihan, at paghihiganti— kaya ba niyang panindigan ang desisyong siya mismo ang gumawa? O tuluyan siyang malulunod— sa lalaking siya mismo ang pumili? Para ito sa mga mahilig sa suspense romance, forbidden love, at sa mga lalaking alam mong delikado—pero hindi mo pa rin kayang iwanan. 😈
104.7K viewsOngoingAdded to Library 186 Times as toothpaste gamot sa singaw
Read
+Library
IN BED WITH A BILLIONAIRE

IN BED WITH A BILLIONAIRE

Aquarius Pen
Isang nude model si Larabelle. Naghuhubad sa harap ng camera. Professional na babaeng bayaran ng mga bilyonaryo para sa panandaliang aliw. Sanay na siya sa ganitong takbo ng kaniyang buhay. Walang gustong sumeryoso. Sa kama lang ang trabaho. Hindi rin naman siya naniniwalang may tunay na pagmamahal na naghihintay sa kaniya. Hindi siya umaasang may lalaking darating na magpabago sa kaniyang estado at mag-ahon sa kaniya mula sa lubak. Habang siya ay nabubuhay, mananatili siyang parausan ng mga bilyonaryo. "Walang putik ang pwedeng magmantsa sa pagmamahal ko sa iyo, Lara. Kung ang gabi ay may buwan, mayroon kang ako na kahit sa dilim ay hindi ka iiwan." Paniniwalaan ba niya ang sinabing ito ng isang lalaking kasing tayog ng buwan ang agwat mula sa kaniyang kinaroroonan?
103.3K viewsOngoingAdded to Library 66 Times as toothpaste gamot sa singaw
Read
+Library
Marrying the Frigid Incognito Magnate

Marrying the Frigid Incognito Magnate

Nang mawala ang nakatatandang kapatid, napilitan si Geraldine sa contract marriage na s-in-etup ng kanyang magulang sa kanya - na mapangasawa ang panganay na anak ng Pamilyang Jenses, ang misteryosong anak na nagpalago ng negosyo ng pamilya nila na si Fenrir. Dahil sa desperasyon, pumayag siya...para umalis sa pamilya na hindi pinaramdam sa kanya ng pagmamahal. Ngunit sa kanyang paglakad sa aisle, kinapos siya ng hininga. Ang lalaking naghihintay sa altar ay hindi isang estranghero sa kanya - kundi ang lalaking minsan niyang nilandi sa bar nang sapilitan.
10705 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as toothpaste gamot sa singaw
Read
+Library
A Hot Night With a Billionaire Stranger

A Hot Night With a Billionaire Stranger

Dahil sa sobrang kalasingan sa birthday party ng best friend ni Bella, sa maling kama siya bumagsak—sa kama ng isang bilyonaryong estranghero na parang halimaw kung mang-angkin. Akala ni Bella, sapat na ang pagtakas nang madaling-araw para makalimutan ang lahat. Pero nang dahil sa lagnat at sakit ng katawan, napilitan siyang magpa-check up sa ospital. Ang hindi niya inaasahan: ang doktor na haharap sa kaniya ay ang lalaki ring pumatay sa kaniya sa sarap kagabi!
173 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as toothpaste gamot sa singaw
Read
+Library
MY  SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE

MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE

Si Bonita Georgina Martinez aka Borge ay isang scholar student sa High East International University at nagmula sa probinsiya ng cebu. Dahil panganay sa pitong magkakapatid at nagmula sa mahirap na pamilya ay nagsumikap siya. Bukod sa pagiging scholar ay working student din siya. Para makapag- padala ng pera sa kanyang mga magulang at makatulong sa mga ito. Minsan din ay sumasali siya sa mga beauty pageant para may ipangdadag sa kanyang mga pambili ng mga projects. Morena beauty, matangkad at matalino. Dahil sa nag- iisa lang siya sa maynila ay wala siyang masyadong kakilala kundi ang kanyang mga professor at mga kaklase. Dahil sa kapabayaan ng isang tenant ng kanyang bording house na inuupahan ay nasunog ang kanyang tinutuluyan. Kaya naman nang malaman ng isa sa kanyang professor na si Mrs. Trina Cruz ang kanyang sitwasyon ay inalok siya nitong tumira muna sa kanyang bahay dahil wala naman daw siyang kasama sa bahay. Dahil ang kanyang mga anak ay sa condo unit nakatira. Pero hindi niya naman aakalain na ang isang anak nito ay isang sikat na celebrity ng bansa at ang kanyang ultimate happy crush! At nakilala niya ng personal si Kristoff Dale Cruz aka Toffy Cruz ang kilabot ng mga kolehiyala dahil sa galing nitong kumanta at umarte sa harap ng camera. Modelo at endorser ng iba’t – ibang mga sikat na produkto sa bansa. Dahil sa isang kontrobersiyal na kinasangkutan nito ay nagpahinga muna ang binata sa showbiz at maninirahan kasama ang kanyang ina. Matatagalan kaya ni Borge na tumira sa bahay ng kanyang professor kasama ang kanyang ultimate happy crush…??? Paano kung ma- inlove sa kanya ang isa Toffy Cruz??? Paano niya haharapin ang mga fans ng loveteam nito na magiging bashers niya?....
101.1K viewsOngoingAdded to Library 22 Times as toothpaste gamot sa singaw
Read
+Library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status