Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
DON'T IGNORE ME CRUSH

DON'T IGNORE ME CRUSH

Itoy kuwento Ng isang teenager na may crush sa klase niya pero lagi siyang iniigore Ng mga ito. At Hindi lang ilang isang beses. Pagsapit niya sa kolehiyo. Ganoon din Ang crush niya sa kanya Hindi siya ito pinapansin. kahit na NASA kanya Naman Ang lahat matalino, mabait, mayaman at maganda. Pero dumating Ang Araw na malalaman niya na may crush din sa kanya Ang lalaking crush niya noong kolehiyo.
YA/TEEN
7.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Forsaken Wife

The Billionaire's Forsaken Wife

Labing-walong taon mula nang makabalik si Andrea sa piling ng kanyang tunay na mga magulang. Sa loob ng labing-walong taon na iyon ay wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang makabuo ng masayang pamilya. Kaya nang ikinasal siya kay Alejandro at nabiyayaan ng kambal na anak ay pinangako niya sa kanyang sarili na mamahalin at aalagaan niya ito. Kahit na ang kapalit ay ang masakit na katotohanang hindi siya mahal ng kanyang asawa. Para sa mga anak ay handa siyang magtiis, ngunit gumuho nang tuluyan ang mundo ni Andrea nang hilingin ng kanyang anak, sa mismong araw ng kaarawan nito na si Clarisse na ang ituturing nitong ina at hindi siya. Si Clarisse, ang kababata ni Alejandro. Ang babaeng tanging minamahal nito.
Romance
10492 viewsOngoing
Read
Add to library
Make Me Your Wife

Make Me Your Wife

aeonia
Akala ni Iyana Lopez ay hindi na siya muling tatapak pa sa mansyon ng mga Gromeo pagkatapos ang divorce na naganap sa kanila ni Bryant Gromeo. Ngunit isang araw ay natagpuan na lamang niya ang sarili na muling nakatayo sa harap ng mansyon dahil sa aksidenteng naganap sa anak. Baon si Iyana sa utang. Kailangang operahan ang anak niya at kailangan niya ng pera upang mailigtas ang buhay ng anak. Tanging si Bryant na lang, ang ama ng anak niya, ang naisip niyang makatutulong sa kaniya. Ngunit pagkatapos magmakaawa at lumuhod ni Iyana, sa huli ay natagpuan niya ang sarili niyang lumuluha sa labas ng mansyon ng mga Gromeo. Doon siya natagpuan ni Arden Gromeo, ang kapatid ni Bryant. Desperado si Iyana na siyang dahilan ng nangyaring pagtanggap niya sa kasunduan na matagal nang inalok sa kaniya ng lalaki. Papakasalan ni Iyana si Arden kapalit ng pagligtas nito sa anak niya. Ang akala ni Iyana ay natapos na ang problema niya. Ngunit, paano kung 'yon lang pala ang simula?
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Marreid to the secret Billionaire

Marreid to the secret Billionaire

Lumaki si Celestine Navarro sa bahay na kailanman ay hindi naging tahanan. Sa ilalim ng pang-aapi ng kanyang madrasta na si Margarita at ng maldita niyang stepsister na si Veronica, natutunan niyang maging matatag, tahimik, pero palaban. Isang araw, bigla siyang pinapirma sa isang arranged marriage contract—isang kasal na hindi niya maintindihan. Wala siyang ideya kung sino ang lalaki sa papel, at tanging sinabi lang ng abogado ay: “Mas gusto niyang manatiling pribado. Pero simula ngayon, nasa ilalim ka ng kanyang proteksyon.” Ang lalaking iyon ay si Adrian Cruz—isang malamig, makapangyarihang Bilyonaryo at CEO sa isang malaking kumpanya na sanay makuha ang gusto niya. Sa harap ng mundo, isa siyang taong walang emosyon at walang kahinaan. Ngunit sa likod ng kanyang katahimikan, may lihim siyang dahilan: minsan niyang nasaksihan kung paanong hinamak si Celestine ng sarili nitong pamilya. At mula noon, hindi na siya mapalagay. Tahimik niyang inayos ang kasunduan ng kasal—isang paraan para masiguro na walang sinumang makakasakit kay Celestine muli. Habang patuloy siyang binabastos at minamaliit ng mga Navarro, patago namang nakamasid sa kanya ang lalaking handang ipaglaban siya… kahit hindi pa niya kilala. Hanggang isang gabi, nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi kilalang numero: “Hindi mo na kailangang harapin sila mag-isa.” —A.C. Hindi niya alam, ang lalaking iyon ay ang mismong asawa niyang hindi pa niya nakikita—ang lalaking tahimik pero mapanganib magmahal. At kapag dumating ang araw na mabunyag ang katotohanan, malalaman ng lahat… na ang babaeng minamaliit nila ay asawa ng pinakamakapangyarihang lalaki sa lungsod.
Romance
1067 viewsOngoing
Read
Add to library
My Housemate is a Playboy Billionaire

My Housemate is a Playboy Billionaire

Jaybee
Hindi naging maganda ang una at ikalawang pagtatagpo ni Armelle at Hanz. Lalo na ng nalaman nila na pareho silang titira sa iisang bubong. Ngunit hindi akalain ni Armelle na si Hanz ang masasandalan niya sa panahong bigo siya sa pag-ibig. Dumating pa sa punto na nagpanggap ito na boyfriend niya sa harap ng ex-boyfriend niya. Naging maayos ang samahan nilang dalawa at para niyang naging kuya si Hanz. Hanggang sa nagising na lang siya isang araw ay may nararamdaman na siya para sa binata. Inilihim niya ang kanyang pag tangi para hindi magbago ang pakikitungo nito sa kanya. Isa pa, kilala itong playboy. Ayaw rin niyang mapabilang sa mga naging babae nito kahit imposibleng mangyari iyon dahil parang nakababatang kapatid ang turing nito sa kanya. Ngunit hindi inaasahang panauhin ang magpapabilis sa pag-alis niya. Sinabi ng babae na malapit na itong ikasal kay Hanz. Para hindi siya makasira ng relasyon ay umalis siya ng walang paalam. Makalipas ang tatlong taon ay muling nagtagpo ang kanilang landas dahil siya ang magiging bagong sekretarya nito. Akala ni Armelle ay naibaon na niya sa limot ang nararamdaman niya para kay Hanz ngunit nakaramdam siya ng lungkot ng makita niya na kausap ng binata ang babaeng nakaharap niya tatlong taon na ang nakalipas. May pag-asa pa kaya na bumalik sa dati ang samahan nila kung sa araw-araw na pagkikita nila ay malamig na ang pakikitungo nito sa kanya? Hanggang kailan niya ililihim ang tunay na damdamin para sa binata gayong habang lumilipas ang mga araw na kasama niya ito ay mas lalo lamang lumalalim ang pagmamahal niya para rito?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ruthless BILLIONAIRE

The Ruthless BILLIONAIRE

Ang mundo ni Dylan Montenegro ay umiikot sa kita at kapangyarihan hanggang sa araw na makilala niya si Trixie Lopez, isang masiglang babae na ang walang pakialam na personalidad ay yumanig sa kanyang matibay na buhay. Nang hindi alam na nag-a-apply para sa isang kalihim na tungkulin sa ilalim ng kasumpa-sumpa na CEO, ang maliwanag na ugali ni Trixie ay sumasalungat sa malamig na aura ni Dylan, na humahantong sa komedya na hindi pagkakaunawaan at hindi inaasahang mga sandali ng kahinaan. Kung ano ang nagsisimula bilang patuloy na pagtatalo ay nagiging mas malalim, ngunit hindi walang mga hamon ng paninibugho, personal na mga lihim at tunggalian.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Love Beyond Misunderstanding

Billionaire's Love Beyond Misunderstanding

Calliana
Sa galit ni Althea sa lalaking nakabuntis sa pinsan niya, sinugod niya ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang bilyonaryong si Samuel ang napagkamalan at nasugod niya noong araw na iyon, na siya namang ipinagdiriwang ang wedding engagement kasama ang fiancée at pamilya nito. Hindi niya alam na ito pala ang boss niya, at bilang kabayaran sa ginawa niyang pagsira sa wedding engagement nito, kailangan niyang tulungan itong muling ayusin ang nasirang wedding engagement nila ng dating fiancée. Pero paano kung sa kalagitnaan ng misyon niya na ayusin ang nasirang wedding engagement ng dalawa, siya namang pagkahulog nila sa isa’t isa ni Samuel?
Romance
102.4K viewsCompleted
Read
Add to library
A Promise Necklace

A Promise Necklace

"The most painful goodbyes are the ones that are never said and never explained" Napilitan tanggapin ni Sandra Lyn Santiago ang alok ng best friend niya na palitan ito bilang secretary kahit alam niya kung gaano kasungit at kasama ang boss nito. She doesn't have a choice. Kailangan niya ng trabaho para makapagtapos ang mga kapatid. How long could she stay as his secretary? Kung tila galit ito sa mundo at pinaglihi sa sama ng loob. Halos araw araw para siyang nasa impyerno. He is likes a dragon that is ready to attack her with his fire. But, why is it everyday he also making her remember a memory from the past. Would she be able to fill in the missing piece in his boss's heart? OR She will experience heartache for the second time.
Romance
1019.1K viewsCompleted
Read
Add to library
ROSE BEHIND THOSE LETTERS

ROSE BEHIND THOSE LETTERS

Si Rosanne Oliveros ay isang anonymous writer sa isang writing platform. Ikinagulat na lamang niya isang araw nang may magkagusto sa kaniyang anonymous writing persona. At mapaglaro nga naman ang tadhana dahil ang taong may gusto sa kaniya ay nagugustuhan ng kaniyang kapatid. Dahil doon ay gumawa ng plano ang kapatid niya at nagkunwaring siya; ginamit ng kapatid niya ang kaniyang anonymous writing persona para mapansin ng lalaki. Niloko nilang dalawa ang lalaking inosente. Hindi man agree sa bagay na iyon ay wala nang nagawa pa si Rosanne dahil naipit siya sa mga utang na loob sa kapatid. Ano ang gagawin niya? Paninindigan na lang ba niya at kukunsintihin ang panloloko ng kapatid? Subaybayan ang kuwento ni Rosanne Oliveros tungo sa pagpapakatotoo.
Romance
2.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status