Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.910.5K viewsCompleted
Read
Add to library
My Bittersweet Mistake

My Bittersweet Mistake

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.
Romance
1072.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Island of Dolls

Island of Dolls

MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta kami sa islang yun. I started to hate dolls. Isang experienced na ayoko ng alalahanin pa. Doon sa... LA ISLA DE LAS MONECAS..
Mystery/Thriller
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

MY BOSS IS MY EX-BOYFRIEND

Lanie
Tatlong taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Cearina Guzman si Ezekiel Wang. He was her first everything—her first love, her first heartbreak. Sa kabila ng lahat ng alalahanin, nagawa niyang iwan si Ezekiel para sa pangarap nito. Ang sabi ng mga magulang ni Ezekiel, tatanggalan ng mana ang anak at hindi na susuportahan financially kapag ipinagpatuloy pa nila ang relasyon. Hindi ito sinabi ni Cearina kay Ezekiel, kaya hanggang ngayon, galit pa rin ang binata sa kanya sa pag-iwan niya. Akala ni Cearina, nakalimot na siya. Pero boom! Muli silang nagkita nang mag-apply siya sa SummitBridge Global—hindi niya alam na ang kompanyang aaplayan niya ay pag-aari ng ex-boyfriend niyang si Ezekiel! At nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi maitatanggi na nandoon pa rin ang mga damdamin na tinago niya. She still wants him. Pero ang daming hadlang sa relasyon nila. Kailangan niyang harapin ang lahat ng ito, pero hindi niya alam kung paano. Ang mga alaala nila, ang mga pangarap na sabay nilang pinangarap—parang nagbabalik sa kanya sa pinakamasakit na mga sandali. Sa kabila ng mga hadlang, ano ang pipiliin niya—ang kanyang sarili o ang pag-ibig na dati niyang iniwan?
Romance
26.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé

From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé

Nagkagulo ang lahat nang malaman ni Cailyn ang pagtataksil ng kanyang nobyo at ng kaniyang sariling kapatid. Nalaman niya na hindi pala siya tunay na anak ng mga Avensa - ang pamilyang nagpalaki at nag-alaga sa kaniya. Sa kagustuhang makilala ang tunay na pamilya, maging ang tunay niyang pagkatao ay sinimulan niya ang pagkalat ng kaniyang impormasyo online. At hindi nagtagal ay natagpuan rin siya ng mga ito. Sa pagkaka-alam niya ay mahirap lamang ang kaniyang mga magulang at nanggaling sa lungsod na kung saan ang buhay ay mahirap, ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na makapangyarihan at mayaman pala nag kaniyang tunay na pamilya. Kilala sa buong bansa bilang pinakamagaling pagdating sa negosyo. At lingid din sa kaniyang kaalaman na malapit sa puso ng mga ito ang kaniyang mapapangasawa - si Jace Veller Figueroa. Isang bilyonaryo at kinatatakutan ng lahat sa buong lungsod na kaniyang kinalakihan.
Romance
179 viewsOngoing
Read
Add to library
Tasha

Tasha

Naniniwala ako na wala na sa impyerno ang mga demonyo, kundi nasa lupa na ang mga ito. Isa lang akong hamak na inosenteng babae. Ngunit nabago ang lahat ng tila kinuha sa akin ang pagiging musmos ko ng mga taong minsang pinagkatiwalaan ko. Inubos nila ako, winasak nila ang pagkatao ko. Ngayon ako naman ang uubos sa mga demonyong ito. Ako si Tasha at ito ang kwento ko.
Mystery/Thriller
3.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Senshi Yuki

Senshi Yuki

"You'll fight for me right?." Nasasaktan siya sa kung paano tumitig ang mga nangungusap na mata ng kaibigan sa kaniya, hindi nito 'yon kailangang gawin. Hindi ito dapat magmakaaawa. Ang propesiya sa mundo ng mga mahika ang siyang pinagtutuonan ng lahat at walang magagawa ang kahit na sino kung hindi sundin ang propesiya, sapagkat ito na ang kanilang tadhana. Subalit hindi sang-ayon si Brythe Gijeon ang dalagang isa sa napili na natatangi sa lahat, kasama ang mga kaibigan na puksain ang kasamaan na lumilipol sa kanilang henerasyon. Nais nilang baguhin ang lahat. Itama ang mga pagkakamali, punan ang mga pagkukulang na nagawa at gawin ang kanilang misyon. Subalit ang tadhana ay mapanlinlang, napaikot sila nito sa makapangyarihang kasamaan. Naging kalaban ang dapat na kasamang lumaban at trinaydor ng lubos niyang pinagkatiwalaan.
Other
3.5K viewsOngoing
Read
Add to library
My Brother's Girl Bestfriend

My Brother's Girl Bestfriend

AKHIRAH MIAMOR
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Dos Del Mundo ay nag pulis ito para maipaghiganti ang ama niya sa mga terorista. Pero paano kung sa pagkakahanap nito sa mga terorista ay mahuhulog siya sa isa sa kanila? Paano reresolbahin ni Captain Dos ang pag-iisa ng dalawang panig na mortal na magkaaway?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

Blueesandy
Si Addison ang nag iisang bumubuhay sa kaniyang mga kapatid simula nang mamatay ang kanilang mga magulang. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, at dahil na rin sa sobrang kalasingan, nagising na lamang siya na may singsing sa daliri at katabing mala-adonis na lalaki sa kama. "Hello there, my dear wife,"
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status