Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I'M DREAMING OF YOU

I'M DREAMING OF YOU

RRA
Blurb: Malaking katuparan para kay Olivia ang maipakasal siya kay John Carlos na ikalawang anak na lalaki ng pamilya Carlos ngunit lingid sa kanyang kaalaman na kayamanan lamang niya ang siyang dahilan ng pagpayag nito na pakasalan siya. Hindi matanggap ni John Carlos na ipinambayad utang siya ng kanyang mga magulang, kaya naman hindi nito binigyan ng magandang pagtrato si Olivia. Dahil doon ay inatake si Olivia sa puso na kinakailangan pang dalhin sa America. Ngunit sa pagtataka ng kanyang asawa at pamilya nito ay ibang tao na si Olivia ng magbalik sa kanila. Isang Olivia na handang maghiganti at bawiin ang lahat ng sa kanya. May natitira pa kayang pag-ibig sa puso niya para kay John? O galit pa rin ang siyang mamayani hanggang sa huli?
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE AND MYSTERY

LOVE AND MYSTERY

BLURB OF THE STORY Ang simpleng buhay ni Cassey ay biglang nagbago dahil sa isang aksidente. Pagkatapos niyang magising sa pagkaka-comatose ay nagkaroon siya ng partial amnesia. Hindi niya maalala ang mga nangyari bago siya naaksidente. Ngunit kasabay ng pagkakaroon niya ng amnesia ay ang pagkakaroon naman niya ng kakayahang makakita ng mga kaluluwa ng taong namayapa na. Dahil sa bagong kakayahan niyang iyon ay nakilala niya ang kaluluwa ng kamamatay pa lamang na artistang si Dindy Arevalo. Humingi ito sa kanya ng tulong na iparating niya sa fiance nitong si Marcus Monteverde na hindi ito nagpakamatay katulad ng pagkakaalam nito at muling pa-imbestigahan sa lalaki ang dahilan ng pagkamatay ng aktres. Dahil mahirap ang ipinapagawa ng kaluluwa ni Dindy kaya tinanggihan niya ito. Ngunit sa bandang huli ay nagdesisyong siyang tulungan ito dahil na rin sa walang tigil na pangungulit nito sa kanya. Pero paano niya sasabihin kay Marcus na nakikita at nakakausap niya ang fiancee nito at ang tungkol sa nais iparating ng babae dito nang hindi siya magmumukhang nababaliw sa mga mata ng binata? At ano ang gagawin niya ngayong nalalagay sa panganib ang buhay niya dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa pagtuklas ng tunay na dahilan ng pagkamatay ni Dindy?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Beautiful Mess

Beautiful Mess

“Tungkol sa proposal mo, tinatanggap ko na,” bulong ko na parang sikreto kahit na kaming dalawa lang naman ang nakakarinig. “Hmm?” Himig niya habang nginunguya ang natirang burger sa bibig. “Gawin na natin,” medyo malakas at may confidence na sabi ko. “Gawin ang ano?” Sabay lagok sa kaniyang drink. Dapat nagdahan-dahan ako kung alam ko lang na magugulat siya. Hindi sana ako nabasa nang mabuga niya ang drink niya. “Magsex tayo.” __________ Pagkatapos na ipamukha ng fiance kung gaano siya kainutil dahil walang experience sa sex, lumapit si Luntian sa isang tinatawag nilang "untouchable stripper" na si Reyna para turuan siya nito sa larangan ng sex. Sa gitna ng maiinit nilang lessons, mapipigil ba nila ang damdamin na hindi mahulog? Mapapanindigan ba ang kasunduang walang mahuhulog? Paano kung may epal pang ex-fiance na gustong bumalik? At paano kung aksidenteng nabutas ang condom?!
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|

SOLD TO BE THE BILLIONARES WIFE|FILIPINO|

[MATURE CONTENT] Not suitable for young audience. R-18 Lumaking sunod sa luho si Adrianne Cueva. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Pero paano kung malaman niya na ang lahat ng tinatamasa niya pala ay hindi naman pala sa kaniya at sa mga magulang niya? Kundi sa isang taong hindi niya pa nakikilala. At sa pagtungtong niya ng labing-walong taon ay isang rebelasyon ang nagpaguho ng mundo niya. She was sold to be a billionare's wife. Siya ay bayad ng utang ng kaniyang mga magulang. Pero paano siya ngayon dahil tila wala itong balak na gawin siyang asawa, instead she will be a SLAVE, but not only an ordinary slave but His SEX SLAVE.
Romance
10369.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Play with me, Mr. Rafa

Play with me, Mr. Rafa

Isang mabuting anak si Nathalie Jimenez sa kanyang mga magulang ngunit pinipilit siya ng mga ito na magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. Isang matagumpay na business man si Rafael Blake. Halos nasa kanya na ang lahat. Nagtatrabaho si Nathalie sa Blake Company at may lihim na pagtingin kay Rafael ang pinsan ng kanyang boss. Isang gabi ay may nangyari sa kanila dahil sa truth or dare na laro ng kanilang mga kaibagan. Pagkatapos nang gabing iyon ay naging friends with benefits na sila. Magbabago ba kasunduan nila? Paano kung may sekreto si Rafa, matatanggap kaya ito ni Nathalie?
Romance
1023.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Carrying The Professor's Twins

Carrying The Professor's Twins

Sanay na sa sakit si Olivia Margarette Gallego, sa ipinararamdam pa lamang ng kanyang magulang sa kanya sa araw-araw ay nag-uumapaw na siya. Ngunit iba pala ang sakit iyong mahal at pinagkatitiwala mong tao ang siyang mangloloko sa'yo. Nalaman niyang kasal na pala ang kanyang anim na buwang nobyo at may anak pa! Sa pinaghalong kalungkutan at pighati, pumara siya ng taxi at tumungo sa isang club at doon nagpakalawing, umaasang mawala na ang sakit kinabukasan. Ngunit kinabukasan at iba ang namulatan ng kanyang mga mata. Nakahiga siya sa isang malaking kama at katabi ang nag-iisang terror mathematics professor, si Mr. Wrecker Silas Monroe. Ang akala niyang isang gabi lamang ng pagkakamali, ang hindi niya alam ay panghabangbuhay niyang dadalhin ang bunga niyon. May pag-asa pa bang makatatagpo siya ng lalaking mamahalin siya ng tunay? O makukuntento na lang siya sa pagmamahal para sa kanyang mga anak?
Romance
1032.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Bound To Marry Mr. Sarmiento

Bound To Marry Mr. Sarmiento

Alona Walhati
Sobrang pagdadalamhati ang naramdaman ni Leigh nang mabalitaang patay na ang kaniyang kapatid. Ang kaniyang kapatid na tanging pinagkakatiwalaan at tanging taong nagmahal sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang wala na siya. At hindi lang pala siya ang hindi makapaniwala sa nangyari. Because Klare's soon-to-be husband thought that the Cabrera family was just trying to fool him. Paano kung isang araw ay may kumidnap sa iyo at inakalang ikaw ang babaeng mapapangasawa niya? Anong gagawin mo kapag malaman mong may posibilidad na may kinalaman ang lalakeng iyon sa pagkamatay sa nag-iisang taong nagmahal sa iyo? Would you escape or would you stay and uncover the truth? Ang k'wentong ito ay tungkol kay Leigh na napagkamalan ni Xavier Sarmiento bilang si Klare, ang babaeng mapapangasawa niya na sa kasamaang palad ay naaksidente sa araw ng pagkikita nilang dalawa. Determined to know the truth behind her ate's death, she gave up explaining that she's not Klare and pretends to be her. But what if, mula sa simula pa lang, Leigh is bound to marry Mr. Sarmiento.
Romance
855 viewsOngoing
Read
Add to library
Mundong Pagitan

Mundong Pagitan

Sa ika-limang taon ng pagsasama nina Gwyneth Payne at Asher Crowe, sinabi ni Asher ng tatlong beses na gusto niyang isama si Liana Quayle para mag-migrate. Ibinaba ni Gwyneth ang mga platong kakahanda lang niya at nagtanong kung bakit. Naging prangka siya sa kanya. “Hindi ko na ito gustong itago mula sa iyo. Nakatira si Liana sa katabing residential area natin. Siyam na taon niya akong kasama, at malaki ang utang ko sa kanya. Kailangan ko siyang isama kapag nag-migrate tayo.” Hindi umiyak si Gwyneth o gumawa ng gulo. Sa halip, bumili siya ng ticket para kay Liana sa flight nila. Iniisip ni Asher na sawakas nakakaintindi na siya. Sa araw na nilisan nila ang bansa, pinanood ni Gwyneth si Asher at Liana na sumakay sa flight. Pagkatapos, tumalikod siya at sumakay sa ibang eroplano na dadalhin siya pabalik sa tahanan ng mga magulang niya.
Short Story · Romance
1.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Secret Affair with My Hot Ninong

Secret Affair with My Hot Ninong

Matapos mamatayan ng mga magulang, natagpuan ni Liana ang sulat ng kanyang ama na naglalaman ng isang pangakong proteksyon mula sa Ninong niyang si Rafael Vergara. Sa pag-asang matulungan siya nito, lumuwas siya sa lungsod. Ngunit ang inabutan niya ay hindi ordinaryong Ninong, isang bilyonaryong haciendero, gwapo, at makapangyarihan ngunit sobrang istrikto. Tinanggap siya nito bilang kasambahay, kapalit ng pagkakataong makapag-aral. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nagiging malabo ang hangganan ng respeto at pagnanasa. Hanggang sa ang pangako nitong proteksyon ay nauwi sa pagkahumaling. Paano na kung ang Ninong niya ang dahilan ng bawat tibok ng kanyang puso? Ngayon, siya ay bihag ng pag-ibig na ipinagbabawal… sa lalaking hindi niya dapat mahalin, ang kanyang Ninong na nakatakda ng ikasal sa kasintahan nito.
Romance
1010.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status