Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bound to the Billionaire's Desire

Bound to the Billionaire's Desire

Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang  piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mafia Lord's Elusive Wife

The Mafia Lord's Elusive Wife

alittletouchofwinter
"Boss, nawawala si Madamé! Dala-dala niya rin si Young Master!" "What? Look for them! Or I'll bury all of you six feet under the ground!" Mabilis na nagkilusan ang lahat sa sigaw ng Mafia Lord patungkol sa asawa nito at hinanap ang kanilang Madame na laging tinatakbuhan ang asawa. Binuksan ni Amelia ang mga mata isang araw na walang naaalala tungkol sa kanyang nakaraan. Pero isang lalaki ang bumungad sa kanya at nagpakilala na asawa niya ito. May mga tanong man na nabuo sa utak, walang alinlangan na nagtiwala si Amelia kay Lance dahil sa pakiramdam niya, mahal niya ang lalaki. Pero paano kung malaman niyang si Lance ang dahilan kung bakit wala siyang maalala tungkol sa sarili at ang buong pagsasama nila ay kasinungalingan lang? Magagawa pa ba ni Amelia na ibigay muli ang tiwala sa lalaki kahit pa mahal niya ito kung isa si Lance sa mga taong una pa lang ay gusto na siyang mawala sa mundo?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Sinful Obsession

A Sinful Obsession

Kasabay ng pagkamatay ng kasintahan ni Catalina na si Dominic ay ang pagkatuklas niya sa totoong pagkatao nito. He's not the simple office staff that she thought he was. He's the underboss of the Blackstone Organization, an organization led by his eldest brother, Apollo. Dahil sa relasyon niya kay Dominic ay biglang nalagay sa panganib ang kanyang buhay, lalo na nang matuklasan ng organisasyon ang tungkol sa kanya at sa pagdadalang-tao niya. It's not just her life that's in danger, but as well as her unborn child's. It was when Apollo decided to get her against her will for her safety. As the mafia don, it would be easy for Apollo to protect her. But it got more complicated. Their rival was after her and her unborn child. At iisa lang ang nakikitang paraan ni Apollo para mas mapanatili siyang ligtas---iyon ay ang pakasalan siya. As the mafia don's wife, she will be untouchable. Paano pa maibabalik ni Catalina sa dating tahimik ang buhay niya? At paano na lang kapag natuklasan ni Apollo ang lihim tungkol sa pinagbubuntis niya? Will she find a way to escape their dark world? Or will she be forever trapped as Apollo's obsession?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

Nasa gitna ng pagbabago si John Enriquez mula sa kaniyang pagiging babaero nang biglang dumating sa buhay niya ang babaeng inakala niyang pang habang buhay na. Ngunit nang malaman niya na ang edad pala nito ay kalahati ng edad niya ay agad niya itong nilayuan. Si Leila Mercedez, isang babaeng may malaking pangarap sa mundo ng pag-arte. Gumuho ang matayog niyang pangarap matapos niyang malaman na siya pala ay nagdadalang tao. Nabuntis siya ng lalaking naka-one night stand niya. Ang lalaking inabandona siya matapos na gamitin. Dahil masyado pang bata si Leila at hindi siya pwedeng umuwi sa kanila, hinanap niya ang lalaking naka-disgrasya sa kaniya. Halos magmakaawa siya rito na panagutan ang dinadala niya. Tiniis ni Leila ang lahat ng pagtataboy ni John sa kaniya alang-alang na lang sa batang dinadala niya. Minahal niya ito sa kabila ng pagiging malupit nito sa kaniya. Nagsama sila sa iisang bahay para lang sa bata. Hanggang isang araw ay natutunan ni Leila na mahalin ang sarili niya. Nagsumikap siya na makamit ang pangarap niya at tinanggap na anak lang niya ang kayang mahalin ni John at hinding-hindi mangyayari na makakamit niya ang pagmamahal nito. Paano kung kailan nakahanap si Leila ng bagong pag-ibig ay saka naman niya malalaman na mahal pala siya ni John? Ano ang gagawin ni John para mabawi si Leila? Ang anak ba nila ang magbubuklod sa kanilang dalawa?
Romance
9.9107.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Maid Who Stole My Heart (Filipino)

The Maid Who Stole My Heart (Filipino)

Kailangan na kailangan ni Cassy ng pera para sa may sakit niyang ina kaya napilitan siyang nakawin ang mamahaling kuwintas ng amo niyang babae. Hindi pa naman siya sumasahod kaya wala pa siyang pera at kahit naman may sahod na siya ay hindi pa rin sapat 'yon para sa pagpapagamot ng may sakit niyang ina. Walang kaalam-alam si Cassy na nakita pala siya ng anak ng amo niyang babae na si Zach na ninakaw ang kuwintas na 'yon. Walang umaamin sa kanilang mga katulong kung sino ang kumuha ng kuwintas na 'yon kahit siya. Kinausap siya ni Zach at sinabi sa kanya na nakita siya nito na ninakaw ang kuwintas ng mommy niya. Takot na takot si Cassy matapos na sabihin 'yon ni Zach sa kanya. Nagmakaawa siya kay Zach na huwag isusumbong sa mommy nito dahil posibleng mawalan siya ng trabaho. Zach was obsessed with her. He really wants to fuck her. Sinamantala nga ni Zach ang pagkakataon na 'yon kaya sinabihan niya si Cassy na hindi siya magsusumbong sa mommy niya tungkol sa nalalaman niya kung papayag si Cassy sa nais niya na maka-sex ito. Papayag kaya si Cassy sa nais na 'yon ni Zach? Paano kung hindi? Mawawalan siya ng trabaho kapag hindi siya pumayag. Wala siyang kaalam-alam na may gusto pala si Zach sa kanya. Hindi lang nais nito na maka-sex siya kundi nais rin nito na maging girlfriend siya kaso nga lang ay isang katulong lamang siya.
Romance
211.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Awakened as the Billionaire's Wife

Awakened as the Billionaire's Wife

Isang trahedyang gabi ang nagtapos sa buhay ni Elena Marquez, isang babaeng nabuhay na puno ng pagsisisi at mga pangarap na hindi natupad. Sa kanyang huling hininga, iisa lamang ang hiling niya ang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga maling desisyon ng nakaraan. Ngunit ang ikalawang buhay na ibinigay sa kanya ay higit na mas kumplikado kaysa sa inaasahan niya. Nagising si Elena sa katawan ni Aurelia Deveraux, ang asawa ng isang makapangyarihang bilyonaryong si Sebastian Deveraux. Ayon sa lahat, dalawang taon nang comatose si Aurelia matapos ang isang malubhang aksidente, kaya’t ang bigla nitong paggising ay itinuring na isang himala. Ngunit para kay Elena, ito ay isang bangungot na puno ng tanong at takot—sapagkat siya ay nabubuhay sa katawang hindi kanya, sa isang buhay na hindi niya pinili. Habang sinusubukan niyang umangkop sa marangyang mundo ng mga Deveraux, unti-unti niyang natutuklasan na ang aksidenteng naglagay kay Aurelia sa coma ay hindi isang simpleng trahedya. Sa likod ng mga ngiti at pakikiramay ay may mga taong may itinatagong ambisyon at lihim lalo na ang babaeng matagal nang nagnanais na mapalapit kay Sebastian. Sa kabila ng pagdududa at emosyonal na distansya, unti-unting nabubuo ang isang kakaibang koneksyon sa pagitan ni Elena at ni Sebastian isang damdaming hindi batay sa alaala ng nakaraan, kundi sa taong unti-unti nilang nakikilala sa kasalukuyan. Ngunit hanggang kailan kayang itago ni Elena ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao? At kapag nalaman ni Sebastian ang lahat, pipiliin ba niya ang babaeng minahal niya sa alaala o ang kaluluwang minahal niya sa kasalukuyan? Isang kwento ng ikalawang buhay, lihim, at pag-ibig na susubok sa hangganan ng katawan, kaluluwa, at kapalaran.
Romance
84 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Desiring the Nanny

Desiring the Nanny

TAGALOG STORY She is an Education graduate, pero ayaw niyang magturo dahil maiksi lang ang pasensya niya. Ngunit kailangan niya ng stable job para maging proud sa kaniya ang mga magulang niya at hindi isipin ng mga ito na grumadwayt lang siya para tumambay. Pero paano kung alukin siya ng malaking halaga para maging yaya ng anak ng crush niya? Pagiging yaya lang ang pinasok niya pero bakit wife at mommy na agad ang tawag sa kaniya ng mag-ama?
Romance
1037.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Can I be Him?

Can I be Him?

Raeliana
Hindi dahil gusto mo ang isang tao at gagawa ka ng paraan upang magkalapit kayo, magkakaroon ka na ng tsansang maging kayo. Hindi rin porket pinipilit mong maging relevant sa buhay nila, ibig sabihin e mapapansin ka. Minsan, mananatili't mananatili kang nobody sa buhay nila.At ganoon na nga ang naranasan ni Lyle kay Ridge.Sinubukan niyang maging parte ng buhay nito, magbukas ng pinto ng oportunidad para sa kanilang dalawa at umasang may tsansa silang dalawa. Pero sa huli, sa ibang tao pa rin nakatingin si Ridge — iba pa rin ang minahal nito at wala siyang palag doon.Kaya heto siya ngayon sa kalagitnaan ng kawalan. Pinagmamasdan ang binatang kay tagal niyang minahal na sumaya sa piling ng iba. Bubulong na lamang sa hangin at sasabihing sana... sana siya na lang.
LGBTQ+
9.916.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Twin Fate: Wife, Please Love Me Again

Twin Fate: Wife, Please Love Me Again

Sa loob ng dalawang taon, inakala ni Valerie na may pag-asa siyang mapalambot ang pusong kasingyelo ng kanyang asawang si Harvey Alcantara. Ngunit isang araw, nagbago ang lahat—nalaman niyang hindi siya ang tunay na anak ng pamilyang Lozano, at kasabay nito, itinakwil siya ng kanyang sariling pamilya at itinaboy mula sa buhay na marangyang inakala niyang kanya. Sa isang iglap, nawala ang lahat—pamilya, pangalan, at maging ang kasal na pinanghawakan niya nang buong puso. Pinalitan siya ng babaeng tunay na may karapatang maging anak ng Lozano… at maging asawa ni Harvey. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkawala, isang hindi inaasahang katotohanan ang mabubunyag—isa siyang bahagi ng isang makapangyarihang pamilya na mas higit pa sa kayang ipagkait ng mga Lozano at Alcantara. At sa kanyang pagbabalik, hindi na siya ang Valerie na kayang aapihin ng sino man.
Romance
107.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MY MILITARY CRUSH

MY MILITARY CRUSH

Jeiara Kyrie Mendez, an 18 years old student whom arrange marriage with Lance Hiro Del Castillo, a 31 years old great soldier. at age of 10 they encountered, he has been her hero. Iniligtas sya ni Lance sa kamay nang mga kumidnap sa kanya para Sana sya pasabugin, naging tulala sya sandali dahil sa trauma na dinanas pero mabuti nalang at nandyan si Lance palagi, she once told him na gusto nya syang maging Asawa when she grow up. pero matapos Ang confession nya ay di na nagpakita Ang lalaki, tinanong nya Ang parents nya tungkol dito but they only said that his on a big mission. nagpagaling sya at naging mabuting anak at estudyante gaya nang payo nito at Ang sinabi nitong kahit saang man sya mag punta ay lagi itong nariyan para sa kanya. Dumating Ang araw nang kanyang ika 18th birthday, Masaya Ang lahat except her bukod kasi sa hiniwalayan nya Ang kanyang mahal na nobyo ay di nya pa alam Kong kanino sya ikakasal pero nagulantang sya nang Makita at malamang Kong sino Ang pakakasalan nya. Si Lance, Ang sundalong naging una nyang hinangaan sa pinaka murang Edad pa lamang. matapos iannounce Ang kanilang Engagement ay Hindi paman nagsisimula Ang kanilang love story ay may gusto nang sumira nito, si Brenda Ang ex ni Lance na first love nito. will they both fall inlove in each other despite sa gap nang kanilang mga Edad? Pano Kung mahulog ulit si Lance sa pagpapapansin ni Brenda? will, Sabi nga nila mahirap kalaban Ang First Love.
Romance
109.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1617181920
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status