Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming the Casanova Billionaire

Taming the Casanova Billionaire

WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian. Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
Romance
1011.6K viewsOngoing
Read
Add to library
TEACHER DAHLIA

TEACHER DAHLIA

"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." --- Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang teacher Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniyang ama sa nakaraan. *** Nagtuturo sa isang paaralang elementarya si Dahlia Perez. Baguhan lamang siya sa isang lungsod. Dahil nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, kinuha niyang trabaho ang maging isang guro. Ngunit sa halip na ang kaniyang propesyon ang kaniyang isinaalang-alang ay iba ang sadya niya sa pamamagitan nito.
Mafia
700 viewsOngoing
Read
Add to library
ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.
Romance
1010.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unforgettable Mistake

The Unforgettable Mistake

'Isang babaeng nagkukubli buhat sa madilim at masamang nakaraan at isang lalaking nakatali sa isang pag-ibig na masisira dahil sa isang kapusukan' Ang akala ng lahat, mayroong masaya at perpektong buhay ang isang Caren Aldover . Buhat sa marangyang pamumuhay, sa magandang katangian, magandang mukha at magandang katawan. Pero hindi nila alam sa kabila ng pagngiti at pagtawa niya, nagkukubli ang tunay niyang nadarama. Isang bangungot sa buhay niya na hanggang paglaki ay kanyang dinadala. Pilit man niyang kalimutan pero hindi niya makayanan. Dahil ang pangyayaring iyon ay nakatatak na sa kanyang isipan. Lalong-lalo na ang epekto sa kanyang katawan. She became a nympho because of her tragic and dark past.. She tried everything para malabanan iyon until she met Carl Jayvee Rosal. Isang lalaking nagkukubli sa isang inosente at maamong mukha na parang hindi makakagawa ng kasalanan. He looks like an angel pero ang hindi nila alam may nagtatagong ibang katauhan sa loob niya. Katangian na tanging si Caren lang ang nakakapag-palabas at sa dalaga niya lang ipinapakita. Isang pilyong katauhan na nakatago sa isang maamo at inosenteng mukha. Ano ang mangyayari sa dalawang taong pinagtagpo na parehong may itinatagong ibang katauhan? Isang babaeng nakulong sa isang masalimoot na nakaraan at isang lalaking magiging gamot sa kanyang kakaibang nararamdaman. Isang inosenteng lalaki ang matutuksong gumawa ng kasalanan dahil sa malaking tukso na nasa kanyang harapan.Tukso na hindi niya kayang pigilan dahil nagawa nitong palabasin ang nagtatagong katauhan sa loob ng kanyang katawan. Nagsimula sila sa isang pagkakamali pero magagawa pa kaya nilang itama pa iyon sa bandang huli? *R18 *Read at your own risk *Not suitable for young readers
Romance
9.29.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Ningas NG Atraksyon

Ningas NG Atraksyon

Isang atraksyon na nauwi sa mainit na gabi ng hindi sinasadya. Nagbunga, hanggang sa panagutan ngunit wala sa sentro ang pag-ibig kundi para lamang sa responsibilidad na kailangang magawa. Magkakaroon kaya ng pag-asa ang dalawang taong pinagtagpo sa hindi sinasadyang pagkakataon?
Romance
10972 viewsOngoing
Read
Add to library
His Secretary's Secret

His Secretary's Secret

Nagsimula ang lahat sa pagiging Fubu nilang dalawa hanggang sa humantong sa bawal na pagmamahalan sa apat na sulok ng office
Romance
10316 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Husband's Hidden Identity

My Billionaire Husband's Hidden Identity

Para matakasan ang toxic na tiyahin ni Felicity Chavez, kaagad siyang pumayag na magpakasal kay Thorin Sebastian—ang lalaking ka-blind date niya na inireto mismo sa kan'ya ng tiyahin. Nagdesisyon si Felicity na pakasalan ito dahil sa dinami-dami ng mga inireto sa kan'ya ng kanyang Tita Lucille, si Thorin lang ang pinakadisente sa lahat. Nagsama si Thorin Sebastian at Felicity Chavez sa iisang bubong, at kahit estrangherong sila sa isa't-isa ay naging maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Iyon nga lang, walang kaalam-alam si Felicity na mayroong lihim na identity ang kanyang asawa—ito lang naman ay isang bilyonaryo na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa! Ano ang gagawin ni Felicity sa oras na matuklasan niya ang sikreto ng asawa? At paano papanindigan ni Thorin ang pagpapanggap gayong hindi naman siya sa sanay sa ordinaryong buhay? May sumibol kayang pagmamahalan sa dalawang tao na pinagbuklod ng kasinungalingan?
Romance
9.719.1K viewsOngoing
Read
Add to library
A Deal With The Billionaire

A Deal With The Billionaire

Si Lyrica ay galing sa isang pamilya sa probinsiya, siya ay sumubok makipagsapalaran sa Maynila. Doon ay nakilala niya ang binatang si Lucian, inalok siya nito ng isang kasunduan, isang kasunduang hindi niya mahindian. Ano kaya ang mangyayari sa kasunduan ng dalawa? Mahuhulog kaya ang loob nilang dalawa sa isa't isa? Ano ano kaya ang mga sikretong mabubunyag sa pagpasok nilang dalawa sa kasunduan?
Romance
1075.4K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status