Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY BELOVED MAFIA BOSS

MY BELOVED MAFIA BOSS

Magkaiba dulo ang mundong kanilang kinagagalawan ngunit nakatakda silang magtagpo sa pinakamasalimuot ng bahagi ng kanilang buhay upang hilumin ang isang malalim na sigalot sa pagitan ng kanilang pamilya. Sa kabila ng kasikatan ni Nadja Santiago bilang sa Djana ay matindi ang kanyang pinagdaraanang problema sa buhay. Nakilala siya sa ibabaw ng entablado dahil sa kanyang nakakaantig na mga awitin. Ngunit ang ningning niya sa itaas ay saglit lang dahil sa inggit at kasakiman. Isang misteryosong lalaki ang nagsamantala sa kanya kaya siya tinalikuran ng kanyang pamilya at kaibigan. Napilitan siyang iwan ang music industry at nagpakalayu-layo. Sa ibang bansa na niya ipinanganak ang kambal na sanggol. Pinilit ni Victor na tumayo sa sariling paa. Ngunit isang lihim ang sinisikap niyang pagtakpan dahil sa sikreto ng pamilyang kanyang pinagmulan. Papatunayan niya sa ama na karapat-dapat siya sa pagiging MAFIA BOSS balang araw ngunit hahadlangan siya ng mas ganid sa salapi at kapangyarihan. Ipinalasap sa kanya ang kalupitan ng mundo hanggang makilala niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Ngunit paano kung ito rin ang magbubunyag sa isang pagkakamali na bahagi ng kanyang nakaraan? Manaig kaya ang pagpapatawad at pagmamahal sa pagitan nina Nadja at Victor? Paano hahadlangan ng kanilang pamilya at mga taong nakapaligid na tunay ang wagas nilang pag-ibig sa isa't isa?
Romance
1019.0K viewsCompleted
Read
Add to library
HER TURN TO BREAK HIM

HER TURN TO BREAK HIM

Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
Romance
105.9K viewsCompleted
Read
Add to library
FUCK ME HARDER, MR. BILLIONAIRE

FUCK ME HARDER, MR. BILLIONAIRE

Prostitute? Yes that's what i am, i have no choice, I need to do this to Survive in life. Si Selene Perez ay isang Prostitute na nangarap na makaalis sa naging buhay niya, kaya laking pasasalamat niya nang makilala niya ang isang bilyonaryong makapagbabago ng buhay niya. Kahit na minsan ay sumagi sa isip niya na hindi na siya makakatagpo ulit ng tunay na pagmamahal dahil sa nakatatak na sa utak niya na isa na siyang maruming babae na walang magmamahal ng totoo. Totoong pagmamahal na sana kung hindi lang natuloy ang plano ng nanay niyang lokohin ang lalaking totoong nagmamahal sa dalaga.
Romance
10830 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to Ugly Woman

Married to Ugly Woman

Pinakasalan ni Andrew si Hannah dahil sa palugi na ang kanilang kumpanya. Napabayaan niya ito dahil sa pagkaaksidente na nangyari kay Ashley. Hindi akalain ng lalaki na ang mapapangasawa niya ay kabaliktaran ng itsura ng kanyang Girlfriend na si Ashley. Samantalang nagpapanggap lang pala si Hannah na pangit para malaman kung ano ang tunay na ugali ni Andrew. Dahil sa napilitan silang magpakasal ay hindi matanggap na isang pangit ang kanyang Asawa. Ano kaya ang magiging buhay ni Hannah sa kamay ng lalaki? Paano niya pakikitunguhan ang ang lalaki kung nandidiri ito sa kanya?
Paranormal
8.713.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Nathan (Only Love)

Nathan (Only Love)

"Buntis ako" "Ganyan ka na ba disperada? Hindi kita pwedeng mahalin!" "Nathan" lumuluhang sambit ni Ellie Mula ng matutong umibig ang batang puso ni Ellie tanging si Nathan lang ang kanyang minahal, at sa labis na pagmamahal na yun nakagawa sya ng paraan upang makasal sa lalaki. Ngunit tama nga ang kasabihan "Hindi masarap ang bunga na hinog sa pilit". Nakipaghiwalay sa kanya si Nathan upang pakasalan ang babaeng tunay na nagmamay-ari ng puso nito. Paano kung malaman ni Nathan na totoong nagbunga ang kanilang pagsasama?
Romance
1027.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Dark Side

Her Dark Side

"Kung inaakala mong masisindak mo ko sa mga ginagawa mo, pwes! Mag-isip ka ng milyong beses Sebastian.. Hintayin mo...kung pa'no 'ako' masindak. At nang sa gayo'n ay maipakita ko sa'yo ang tunay na hitsura ng salitang 'impyerno!'" Banggain mo na lahat, huwag lang ang isang Maruh Velarde. Pero sa isang banda, wala sa bokabularyo ni Drix Tharn Sebastian ang salitang 'talo'.
Other
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Zillionaire’s Bride in Revenge

Zillionaire’s Bride in Revenge

“Ameliá is back,” wika ni Dominic Juarez, kuminang ang guilt sa mga mata nito. Kinibot ni Hazel Xaviera ang dulo ng labi. “And so?” “Let's postpone our wedding.” “What the—” “May malubha siyang karamdaman,” mabilis nitong wika sabay abot ng brown envelope sa kanya. “Mas mabuti siguro na mag-aral ka muna sa abroad.” “Ah, gusto mo akong umalis para may oras kayong maglampungan, tama? Ok, fine!” Marahas niyang hinablot iyon at pinunit hanggang sa magkapira-piraso. “Tsaka hindi na kailangan i-postone ang kasal, let's just cancel it immediately.” Pinagkait kay Hazel Xaviera Trevisan ang lahat simula noong pinanganak siya. Ipinagpalit siya ng kanyang yaya sa anak nito sa tunay niyang pamilya, binenta siya sa misteryosong pamilya, malamig ang turing ng kanyang tunay na mga magulang noong bumalik siya at pinagtaksilan siya ng kanyang fiancée. Ang masakit pa’y paborito ng lahat ang fake daughter na si Amelia. Muli niyang isinulat ang kanyang kapalaran at pinasyang maghiganti. Ngunit sa kanyang paglalakbay ay dinala siya sa mundo ng krimen at natuklasan ang madilim niyang nakaraan. Natuklasan din niya na may lihim na pagtingin sa kanya ang kanyang kinakapatid at ang biglaang paghahabol sa kanya ng dating nobyo. Napagtagumpayan niya kayang maghiganti o magpapadala na lamang sa kanyang emosyon?
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Bestfriend's Enemy

My Bestfriend's Enemy

Maria Angela Gonzales
Mahal ni Jillian ang bestfriend niyang si Mark Wayne Toledo kaya pumayag siya sa offer ni Lance na ipa-realize sa matalik niyang kaibigan na mahal din siya nito. Iyon nga lang sa huli ay na-realize niyang tinangay na ni Ysmael Lance Madrigal ang kanyang puso. Minahal niya si Lance ng higit pa sa pagmamahal niya kay Mark Wayne at sinabi rin nito na mahal siya pero natuklasan niya ang plano nito -- ang patunayan na pati pag-ibig niya kay Mark Wayne ay kaya nitong agawin. Kaya sa huli, tinanggap niya ang alok na kasal ni Mark Wayne.
Romance
109.0K viewsCompleted
Read
Add to library
My secret affair (A life and death contract)

My secret affair (A life and death contract)

Dahil sa kagipitan ay kumapit sa patalim si Sabrina upang maisalba ang buhay ng mga magulang. Tinanggap na ang kaniyang kapalaran at naniwalang wala na siyang karapatan maging masaya at magkaroon ng laya magmahal. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Xavier, ang mayabang na mayaman na magpapatibok ng kaniyang puso. Paano niyang ihahayag sa lalaki ang kaniyang tunay na nararamdaman kung isang madumi at bayarang babae lamang ang tingin nito sa kaniya? May pagkakataon pa kaya para sa isang Sabrina Pascual na makamit ang totoong kaligayahan? O maging sunud-sunuran sa ilalim ng madilim na kontratang magkukulong sa kaniya sa isang bangungot habang buhay.
Romance
489 viewsOngoing
Read
Add to library
Her Sweetest Revenge

Her Sweetest Revenge

Si Miguel Delgado ay isang lalaking mayaman at makapangyarihan, ngunit sa kabila ng kanyang marangyang buhay, isang simpleng dalaga ang bumihag sa kanyang puso—si Celeste Arevalo. Sa kanilang bawat pagkikita, ipinakita ni Miguel ang kanyang kabaitan at wagas na pagmamahal kay Celeste. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Celeste na siya ay mahalaga, na siya ay minamahal nang totoo. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay hindi ipinagkaloob ng tadhana nang matuklasan ni Celeste ang lihim na itinago ni Miguel—may kasunduan ang pamilya nito na ipakasal siya sa anak ng isang mayamang pamilya. Para kay Miguel, wala itong halaga dahil ang tanging mahal niya ay si Celeste, ngunit para kay Celeste, ang balitang ito ay isang taksil na sugat sa kanyang puso. Durog at naguguluhan, umalis si Celeste, iniwan si Miguel at ang mga alaala ng kanilang pagmamahalan. Sa kanyang paglayo, ipinangako niya sa sarili: babalik siya bilang isang taong hindi na mahina at hindi na muling masasaktan. Ang dating mahinhin at maamo niyang puso ay napalitan ng galit at paghihiganti. Ngunit kapag muli silang nagkrus ng landas, matutupad kaya ni Celeste ang kanyang pangakong ipaghiganti ang sarili? O muling aapaw ang tunay niyang damdamin para kay Miguel? Sa pagitan ng pag-ibig at galit, sino ang tunay na mananalo?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status