Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Aniela's Plea

Aniela's Plea

Carmela Beaufort
Aniela's parents committed a hideous crime. Habang pinagdudusahan ang kamalian ng mga magulang ay saka naman dumating ang tagapagligtas niyang si Samuel. Tinulungan siya ng binatang makabangon, mamuhay uli ng normal at makapag-aral. Ngunit tila kadugtong na ng buhay niya ang “kasalanan”, hindi na lamang kasi pagmamahal bilang kapatid ang nais niya mula sa kumupkop. May higit pa siyang hangad, kaya't inakit niya ang binata at nagbunga ang gabing iyon. Ngunit nakalilimutan na yata niya ang dala ng tunay niyang pagkatao sa lalaking mahal na maaaring sumira sa buhay nito. Maaatim ba niyang maranasan nito ang bangungot na pinagdaanan niya oras na malaman ng lahat ang kaniyang itinatago?
105.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 186 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
The Revengeful Heiress

The Revengeful Heiress

Iya Perez
Warning: READ AT YOUR OWN RISK! (WILD AND EXPLICIT SCENES ARE PROHIBITED FOR YOUNGSTERS!) Walang ibang nais si Atasha Revamonte kundi makaranas ng tunay na pagmamahal mula sa taong nais niyang makasama habang buhay. Akala niya ay maligaya at masaya ng buhay ang sasalubong sa kaniya pagdating niya sa Paso De Blas. Akala niya ay langit ang kaniyang mararanasan sa piling ni Marco Madrigal na lalaking kaniyang mahal. Ngunit nagkamali siya. Impiyerno pala ang naghihintay sa kaniya at pagmamalupit ang mararanasan niya sa mga kamay nito. Paano matatakasan ni Atasha ang pamilyang pinagmalupitan siya sa loob ng isang taon? At paano pababagsakin ng dalaga ang pamilya Madrigal na siyang sumira sa buhay niya at sa kaniyang buong pagkatao?
105.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 149 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
The Governor's Affair

The Governor's Affair

author.lavelle
Nahulog sa bitag ng pekeng pagmamahal ng tumatakbong Gobernador na si Alessandro Tuazon si Maisie Trinidad . Dahil sa pag-aakalang tunay ang pagmamahal nito ay binigay niya ang sarili kay Alessandro at pumayag kaagad na magpakasal sakaniya. Ngunit sa hindi inaasahan ay parte pala lahat ito ng plano. Sa maling pagtibok ng puso niya ay nawala sa kanya ang lahat: pamilya at kayamanan. Nilisan niya ang bayan ng La Mystika at sa kanyang pagbabalik, kasama ang apat na gulang na anak ay wala siyang ibang hangad kundi ang maghiganti kay Gobernador Alessandro at sa pamilya nito. Magiging matagumpay kaya si Maisie o siya'y mabibigo at muling magpapadala sa tibok ng puso?
3.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 111 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
My Unexpected Love

My Unexpected Love

Mr. Redeemed
Isang karaniwang empleyado si Cristine Santos sa isang kumpanya sa Makati. Bagamat siya'y ampon ay hindi siya itinuring na hindi tunay na anak ng kanyang mga magulang. Makikilala niya si Carl Montreal na anak ng kanilang CEO at mahuhulog ang loob nito sa kanya ng hindi nito namamalayan. Subalit sa kabila ng kanilang mga nararamdaman ay may mga hadlang na pipigil sa kanilang pagmamahalan. Posible nga kaya na isang babaeng lumaki sa karaniwang pamumuhay at isang lalakeng lumaki sa marangyang pamumuhay ay mahalin ang isa't-isa? Maipaglaban kaya nila ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng mga hadlang? Mapagtagumpayan kaya nila ang mga pagsubok na kanilang pagdaraanan?
104.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 119 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad

My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad

​​"She hid his child. He hid his billions. But little Cupid will bring them together.” ​Nagpanggap na isang mahirap na mekaniko ang bilyonaryong si Nicholas King para makahanap ng tunay na pag-ibig, at nahanap niya ito kay Celine Dela Cruz. Ngunit matapos ang isang mapusok na gabi, biglang naglaho si Nicholas nang walang paalam upang protektahan si Celine mula sa isang banta sa kanyang buhay. Ang hindi niya alam, nabuntis niya si Celine. ​Pitong taon ang lumipas, matagumpay na CEO ng isang Event Planning Company si Celine. Muli silang nagtagpo sa isang engrandeng ball ng King Enterprise, at doon lang nalaman ni Celine na ang "mahirap na mekaniko" na nang-iwan sa kanya ay ang pinakamayamang bilyonaryo pala sa bansa. ​Upang itago ang katotohanan, nagsinungaling si Celine na ang anim na taong gulang na anak niyang si Axel ay anak niya sa ibang lalaki. Dahil kamukha ng ina ang bata, naniwala naman si Nicholas. ​Ngunit dahil kay Little Cupid na si Axel, naging kliyente ni Celine si Nicholas. Walang kamalay-malay ang henyo at pilyong si Axel na si Nicholas ang kanyang tunay na ama, pero ito agad ang pinili niyang maging "perfect match" para sa kanyang Mommy. Gamit ang kanyang talino, palihim na mag-iimbento si Axel ng mga fake dates at accidental meetings para paglapitin ang dalawa. ​Kaya ba ni Celine na panindigan ang kanyang lihim kung ang sarili niyang anak ang tumutulong para mapalapit muli sila ni Nicholas? ​Ano ang gagawin ni Nicholas kapag nalaman niyang ang batang "Little Cupid" sa kanila ay ang sarili niya palang anak?
102 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
Mistress By Contract

Mistress By Contract

Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, napilitan si Amara na pirmahan ang isang kontrata. Isang kasunduang magtutulak sa kanya na maging exclusive mistress ng isang makapangyarihang CEO, si Dominic Severino. Ang kapalit:, malaking halagang kailangan niya upang mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid. Ngunit malinaw ang kondisyon ng kontrata, hindi siya dapat mahulog kay Dominic. Para kay Dominic, ang relasyon nila ay dapat manatiling lihim at walang kasamang emosyon. Para kay Amara, ito ay sakripisyo, isang kasinungalingang kailangan niyang itago sa lahat, lalo na’t ang tunay niyang pagkatao ay hindi niya maaaring ipaalam. Subalit habang lumilipas ang mga gabi, nagsisimulang mabali ang mga patakaran. Nagiging possessive si Dominic, ayaw siyang pakawalan kahit pa malinaw ang kasunduan.
475 viewsOngoingIdinagdag sa Library 17 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]

LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]

(Grant Saavedra's Story) Tanggap ni Kiara na isa siyang 'Single mother' pero hindi pala tanggap iyon ng kanyang anak. Naghahanap ng pagmamahal ng isang ama ang anak niyang si Kian, at isa lang ang nais nito maging daddy, walang iba kundi ang ex niyang si Grant! Paano niya matatanggihan ang kanyang anak kung pati si Grant ay nais din na maging ama para sa anak niya? Mahulog kaya ang damdamin niya sa binata na walang pinakita kundi pagmamahal sa kanilang mag ina? O masasaktan lang siya sa kasinungalingan na malalaman niya? Handa ba siyang sumugal at naisin na lumaban kung malaman niya ang tunay na dahilan sa pagbabalik ng binata sa buhay nila?
1024.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 922 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
The Loyal Wife

The Loyal Wife

Nag-umpisa sa isang arrange marriage Ang relasyon na kailangan buuin nina Niel at Mekki. Dahil pinakasundo sila ng kanilang mga magulang. Dahil may ibang mahal si Niel at kakahiwalay lang nila nito. Kaya Hindi pa ito handa sa bagong relasyon. Pero Wala siyang magawa kailangan niyang tuparin Ang kasunduan ng amang yumao sa mga Reynares sa pamilya ni Mekki. Pero pa ano Pala kong Ang akala na anak Ng mga Reynares ay Hindi Pala tunay na Reynares. Magagawa bang tanggapin iyon ni Niel at Ang kayang Ina? At paano Kong bumalik Ang dating kasintahan nito at gusto niyang bawiin si Niel. Hahayaan ba ni Mekki. Na maagaw si Niel sa kanya. Paano sila magtitiwala sa isa't Isa at patunayan Ang kanilang pagmamahalan.
1.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 71 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
Pinalitang Boyfriend: Iba na ang Tinitibok ng Puso

Pinalitang Boyfriend: Iba na ang Tinitibok ng Puso

Pinuntahan ko ang boyfriend ko matapos kong marinig ang tungkol sa pakikipaglandian niya sa college senior niya. Habang papunta ako doon, naaksidente ako at dumaranas ng pansamantalang pagkawala ng memorya pagkatapos ng head injury. Nagmamadali siyang pumunta sa ospital ngunit itinuro ang kanyang dormmate na parang walang emosyon at sinasabing boyfriend ko ‘yon. Gusto niyang gamitin ito para tuluyan makawala sakin. Wala akong kamalay-malay dito kaya hinawakan ko ang kamay ng gwapong dormmate niya at tinitigan siya ng nagningning na mga mata. "So, ikaw ang boyfriend ko." Maya maya ay nabawi ko na ang alaala ko pero gusto ko pa rin makasama ang gwapong dormmate. Gusto kong putulin ang relasyon sa tunay kong boyfriend, ngunit siya ay nag drama.
1.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 49 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
My billionaire ex-wife

My billionaire ex-wife

Blurb Matapos ang mahabang panahon ng pag-iisa at pagtitiis, isang napakalakas na babae ang sumalubong kay Albert Montenegro sa kanyang pagbabalik sa buhay ni Martina Lopez. Ang dating mabait at mahinhing asawa ay tinapatan na ng isang Maria Martina Acosta na puno ng determinasyon at kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, naging isang makapangyarihang negosyante si Martina sa pamamagitan ng pagtatag ng kanyang sariling kumpanya, ang Ang Acosta Corp. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas at talino upang maabot ang kanyang mga pangarap at patunayan sa sarili at sa iba na siya ay hindi basta-basta lamang. Ang pagkakataon na muling magkita sila ni Albert ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pagkatao. Si Martina ngayon ay hindi na ang dating Martina na handang magpaalipin at magpakumbaba. Siya ngayon ay isang babaeng mapangahas, matapang, at may sariling paninindigan. Hindi na siya nagpaalipin sa kahit anong tao, lalo na sa isang lalaking hindi naman tunay na minahal at pinahalagahan siya. Sa kanyang pagbabalik bilang isang Maria Martina Acosta, ipinakita ni Martina na ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili ang tunay na mahalaga sa buhay. Hindi na siya ang dating babaeng handang gawin ang lahat para lamang mapanatili ang isang hindi masayang relasyon. Ngayon, ang kanyang layunin ay palakasin ang kanyang sarili at patunayan na siya ay hindi kailanman dapat balewalain. Sa pagbabalik ni Martina bilang isang napakalakas na babae, napatunayan niya sa lahat na kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan, maaari pa rin nating baguhin ang ating kinabukasan at maging isang tapat na huwaran ng determinasyon, tapang, at pagmamahal sa sarili. Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa bawat pagsubok na ating haharapin sa buhay, mayroon tayong kakayahan na baguhin ang ating sarili at maging mas malakas at matatag sa bawat pagsubok na darating.
1018.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 631 Beses bilang tunay nabuhay
Read
+Library
PREV
1
...
1718192021
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status