Admiring Him From Afar
Mystery Girl
Natupad ang pangarap ni Rachelle na ma-interview ang man-of-the-hour ng TV broadcasting na si Carlo Dela Cruz. Matagal na niyang iniilusyon ito. Pero kalabisan nang pangarapin pa niyang maging boyfriend o asawa ito, dahil not in a million years na pag-uukulan siya nito ng espesyal na atensyon.
Nakuntento na siya sa alaala ng una't huling pagkikilala nila--- hanggang sa lumabas sa internet ang litrato nilang dalawa na magkasama sa isang grand and romantic vacation sa Thailand.
Alam niyang edited lamang ang naturang litrato--- ngunit nagdulot iyon ng sukdulang galit sa guwapong broadcaster. Engaged to be married na pala ito, kaya walang pakundangang kinompronta siya nito.
At himala ng mga himala na lamang ang maaring magpalambot sa puso nito....