Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Nobody Daddy is a Billionaire (Tagalog)

His Nobody Daddy is a Billionaire (Tagalog)

Magic Heart
Sa araw ng kaniyang kasal, biglang nawala si Carie at kinalaunan ay idineklarang patay. Subalit paglipas ng dalawang taon, muli siyang magbabalik na mas mayaman, mas malakas, at mas matapang dahil asawa na siya ng bilyonaryo na kinatatakutan ng lahat. Buo ang isip niyang pagbayarin ang mga taong umapi sa kaniya at bawiin ang lalaking dapat sana ay pinakasalan niya, subalit hindi madali iyon dahil sarili niyang pamilya ang kaniyang kalaban. Kahit binabalot ng galit at paghihiganti ang puso ni Carie, isang lalaki ang mananatili sa kaniyang tabi- si Leon. Leon Marquez- ang lalaking pinagkakatiwalaan ng pinakamayamang pamilya sa buong Asya. Isusugal niya ang buong buhay at trabaho alang-alang sa babaeng humihingi ng kaniyang tulong. Magpapanggap siyang mister ng asawa ng kaniyang amo habang nagtatago ito, ngunit hindi sinasadyang iibig siya kay Carrie. Gamit ang taglay na karisma, gwapong mukha, at mala-adonis na katawan; aakitin niya ang misis ng kaniyang boss. Ngunit hindi sapat ang pagmamahal niya sa mapanlinlang na tadhana. Baon ang sakit sa inaakalang kataksilan, lalayo si Carie at kamumuhian din siya nito. Hanggang sa magtagpo ang landas ni Leon at ng isang batang lalaki. Tatawagin siya nitong daddy. Matanggap kaya ni Leon ang anak na hindi niya nakikilala? Magawa kaya niyang ipaglalaban ang kaniyang mag-ina kung ang tingin ng iba ay isa lamang siyang NOBODY?
106.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 162 Beses bilang twice kpop sana
Read
+Library
BROKEN VOW

BROKEN VOW

Mugsy Wp
Si Yuan, isang simpleng lalaking nangakong habambuhay mamahalin si Donna Angeles. Isang simpleng babaeng namuhay mag-isa. Nangako siya na habambuhay itong mamahalin subalit nagkaroon siya ng misyon. Kailangan niyang hanapin ang may-ari ng microchip kaya umalis siya at tumungo sa England. Sa pagdating niya doon sa England ay Microchip ang kaniyang nakita. Isang pag-ibig sa piling ni Mitch Madrigal, Anak ng kaniyang kaaway. Sa piling ni Mitch, pansamantala niyang nakalimutan ang lahat ng pangako niya sa Pilipinas, Nakalimutan niya si Donna. Pagkalipas ng Tatlong-taon ay masaya silang namuhay ni Mitch bilang mag-asawa pero hindi lahat ng pangako ay hindi natutupad. Isang araw nakarating sa kaniya ang balitang ginahasa si Donna at ngayon nga ay nagdadalang-tao ito. Nang gabing iyon ay tumawag ito sa kaniya at sa kasamaang palad ay si Mitch Madrigal ang nakasagot ng tawag na para sana sa kaniya. Hindi akalain ni Mitch na may kasintahan si Yuan sa Pilipinas at ang masakit ay nagdadalang-tao ito at hindi niya maatim na mamuhay nang payapa sa piling ni Yuan habang may batang lumaki ng walang ama. Sa boung buhay niya, palagi siyang nakatago at kinukutya ng kambal niya at hindi niya hahayaang may ibang batang makaranas nito kaya kahit na parang hinahati ang puso niya sa sobrang sakit ay pinili niyang palayain si Yuan. Pinili niyang sirain ni Yuan ang pangako nito sa kaniya kesa sa inosenteng bata.
2.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 103 Beses bilang twice kpop sana
Read
+Library
When Love Must Be Secret (18+)

When Love Must Be Secret (18+)

Pagkagising ni Desiree, wala ni isang saplot sa katawan niya. Ngunit higit pa sa pagkabigla niya ay ang taong natutulog sa tabi niya—ang lalaking pinakaayaw niya sa lahat. Mas lalo pa siyang nabahala dahil ramdam pa rin niya ang init ng gabing iyon na ayaw man niyang aminin, ay tumatak sa isip niya. "Ano, gusto mong ituloy ito o gusto mong ibaon na lang sa limot at magpanggap na walang nangyari?" "Ang ibig mong sabihin, gusto mong akuin kitang responsibilidad ko dahil nagtalik tayo?" malamig na tanong ng lalaki, sabay taas ng kilay. Ang gwapo nitong mukha ay may halong pang-aasar na lalong nagpa-init ng ulo ni Desiree. Halos gusto na niyang sugurin at kalmutin ito. Halos sumabog sa inis si Desiree. Hindi man lang niya napag-isipan nang gano’n kalalim ang nangyari kagabi. "Hindi!" Sigaw niya, sabay irap at iwas ng tingin. "Isang beses lang iyon, wala nang dapat pag-usapan pa. Wala akong pakialam." Nagkibit-balikat siya at malamig na nagsabi, "Mas mabuti pang kalimutan na lang natin pareho ang lahat. Walang nasaktan, walang talo." Hindi naman siya magpapatali sa isang lalaki kahit pa... napakahusay nito sa kama. "Kung gano’n, ayos," sagot ni Terrence habang nag-uunat at naglakad palabas ng kwarto na parang walang nangyari. Ngunit bago siya tuluyang lumabas, lumingon pa ito at mayabang na nagsabi, "Sana lang hindi mo ipagmalaki kahit kanino na nakuha mo ako."
964 viewsOngoingIdinagdag sa Library 23 Beses bilang twice kpop sana
Read
+Library
The Billionaire’s Gorgeous Maid

The Billionaire’s Gorgeous Maid

BLURB: Si Desyrie ay lumuwas ng Maynila bitbit ang isang pangarap: ang makapag-aral at makatulong sa pamilya. Taglay ang ganda ng isang tipikal na Pilipina—morena, may mapungay na mga mata, at hubog ng katawang pang-modelo—madali sana siyang makakahanap ng mapapangasawa. Ngunit sumumpa siya: hinding-hindi siya magpapakatanga sa pag-ibig gaya ng kaniyang ina. “Bahala na kung tumandang dalaga,” ang madalas niyang bitaw na salita. Sa kabilang banda, si Lumiere Salvatiero ay isang bilyonaryong kinalimutan na ang salitang "pagmamahal." Matapos iwan ng kaniyang fiancée para sa ibang lalaki, ang dating butihing boss ay naging malamig, mabalasik, at lunod sa trabaho. Para sa kaniya, ang mga babae ay iisa lang ang habol: ang kaniyang yaman. Ngunit magbabago ang lahat sa isang hapon. Sa tapat ng kaniyang mansyon, isang napakagandang babae ang nakatayo habang binabasa ang poster: HIRING: YOUNG MAID. Sa isang sulyap, Lumiere was starstruck. Ngunit agad niyang iwinaksi ang nararamdaman. Para sa kaniya, isa lang din si Desyrie sa mga babaeng gagamitin ang ganda para makuha ang kaniyang pera. Doon magsisimula ang isang laro ng pangungutya, pagtitiis, at damdaming pilit itinatago sa likod ng mga malamig na titig. Will Desyrie’s fierce heart break Lumiere’s icy walls? O magiging isa lamang siyang biktima ng nakaraan ng lalaking ayaw nang maniwala sa pag-ibig? "I thought he was my forever, but he was just a lesson. My real hero was always right beside me."
10219 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang twice kpop sana
Read
+Library
Ang Debut Ng Socialite

Ang Debut Ng Socialite

Matapos mag-graduate ng socialite training course, ang aking kapatid na babae ay nanumpa na magpakasal sa isang mayamang pamilya. Upang lumikha ng mga pagtatagpo kay Pierce Holden, ang prinsipe ng mga socialite, ang kapatid ko ang nagmaneho ng aking kotse, na gustong i-tailgate si Pierce at bumunggo sa sasakyan nito. Tinapakan ko ang preno at sinabi sa kapatid ko na hindi tanga ang mga Holden. Hindi namin kayang bayaran ang sasakyan ni Pierce, kahit na isuko namin ang lahat ng mayroon kami. Pagkatapos, nagkaroon si Pierce ng isang marangyang kasal na ikinagulat ng bansa. Nababaliw na ang kapatid ko sa selos, sinabing siya na sana ang bride kung hindi dahil sa pagpigil ko sa kanya noon. Dahil sa sama ng loob, binunggo niya ang kanyang sasakyan sa akin at pinatay ako. Nang muli kong imulat ang aking mga mata, nakita ko ang aking sarili sa front passenger seat. Kumpiyansa na ngumiti si ang kapatid ko, napako ang tingin niya sa mamahaling sasakyan sa harapan namin. "Sigurado akong mabibighani sa akin si Pierce kapag nakita niya ako. Hindi ko na kailangan magmaneho ng isang basura na ganito kapag nakasama ko na siya." Ngayon naman, hindi ko na siya pinigilan. Tinapakan niya ng madiin ang pedal ng gas, na naging sanhi ng pagbangga ng kotse laban sa sports car na may presyo na napakalaking halaga ng pera.
1.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 38 Beses bilang twice kpop sana
Read
+Library
One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire

One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire

Si Eloise Odette Biazon ay isang tahimik ngunit matatag na babae na buong pusong naglilingkod sa kompanya ng kanyang ama. Simple lang ang pangarap niya, isang lalaking magmamahal nang tapat at isang pamilyang mabubuo sa pundasyon ng tiwala. Ngunit sa gabing akala niya’y simula ng forever niya, naging bangungot ang lahat. Ipinagkanulo siya ng lalaking minahal niya at ibinenta ang kanyang virginity kapalit ng promosyon. Isang pagkakamali sa suite ang nagdala sa kanya sa ibang lalaki… kay Locklan Reed Herrera, isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto, maliban sa pag-ibig. Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang buhay ang nabuo. Nang gipitin ng mga utang ang kanyang kapatid at manganib ang kalagayan ng kanyang amang may sakit sa puso, napilitan si Eloise na harapin muli ang lalaking nais na sana niyang kalimutan. Ngunit si Locklan ay may sariling problema rin - kailangan niyang magpakasal at magkaroon ng tagapagmana upang masiguro ang kanyang pamana at mapanatili ang kanyang business empire. Isang kasunduang may katapusan. Isang kasal na walang damdamin. Isang taon upang gampanan ang papel ng ‘perfect marriage’. Ngunit paano kung ang galit ay maging pagnanasa? Paano kung ang pagpapanggap ay mauwi sa tunay na damdamin? Sa likod ng malamig na kasunduan at mapait na nakaraan, maaaring ang puso rin ang tuluyang sumugal. At kapag dumating ang oras ng pagpili, kalayaan o pag-ibig? Handa ba silang sirain ang kontrata… para sa isa’t isa?
104.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 106 Beses bilang twice kpop sana
Read
+Library
Pursuing you my Lexus Armani

Pursuing you my Lexus Armani

Inaya wanted to feel love and be loved ngunit pakiramdam niya ay napakamalas niya sa pagmamahal. She was arranged to be married to Lexus Armani as early as nine years old she was so happy because she liked Lexus from the very first time she saw him. Kaya naman pumayag na siyang magpakasal dito when she reached her 20 years old. But Lexus only see her as a job at hindi man lang sineryoso ang kasal nila. He even brought women in their home na ikinagalit niya ng sobra. She was so depressed to the point na oras na saktan siya ng matindi ni Lexus ay hindi na siya magdadalawang isip na tapusin ang sarili niyang buhay. And it happened.. She commit suicide sa mismong kamay pa ni Lexus. Akala niya ay matatapos na ang buhay niya, and Lexus was so mad when she wakes up and decided to locked her up in his room. She thought it will all ended ngunit biglang nagbago sakanya si Lexus from cold and insensitive to the most caring man. She just wishing na sana mahalin din siya nito kagaya ng obsession na nararamdaman niya para dito. Until she got pregnant and runaway pregnant. But after three years ay nagkita sila ulit nito and he blackmailed her para maiuwi sa bahay nito kasama ang anak nila na obviously anak nito dahil sa mga mata nito. But when Lexus starts touching her again lahat ng alaala at pagmamahal niya dito ay bumalik. At ang tanong can Lexus love her now?
1015.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 621 Beses bilang twice kpop sana
Read
+Library
The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback

The Unwanted Daughter's Ruthless Comeback

Carmelle grew up carrying nothing but unanswered questions—sino siya talaga, bakit siya iniwan, at bakit ang pagmamahal na dapat ay para sa kanya ay palaging malayo, parang hindi niya kailanman maaabot. Abandoned by her family’s nanny right after she was born, kinuha siya at itinago, para si Morgana—ang anak ng yaya—ang mabigyan ng mas magandang buhay. Buhay na dapat sana ay kay Carmelle. Labing-walong taon ang lumipas, natagpuan siya ng tunay niyang pamilya. Pero imbes na yakap at pag-asa, malamig na tingin, paghahambing, at walang katapusang paboritismo ang sumalubong sa kaniya. Sa mata nila, she was never the daughter they lost—she was an intruder. Isang estranghero sa sarili niyang dugo. Si Morgana, ang adopted daughter na pinalaki nila, ang naging golden child. Palaging tama. Palaging pinaniniwalaan kahit walang ebidensya. Palaging pinipili, kahit mali na. At si Carmelle? Kahit anong gawin niya, palagi siyang mali. Laging siya ang sisi. Mga kasalanang hindi niya ginawa, sa kanya isinisi. Mga gulong hindi niya sinimulan, sa kanya ibinato. Hanggang pati si Anton—ang fiancé niya, ang taong akala niya kakampi niya ay unti-unting lumayo at naniwala sa kasinungalingan. Hanggang isang araw, unti-unting lumabas ang katotohanan. Lahat ng sakit, paninira, at paratang na ibinato kay Carmelle… si Morgana pala ang nasa likod. Hanggang kailan niya kakayanin ang mundong paulit-ulit siyang sinasaktan? Kakayanin pa ba niyang magpatawad kung ang puso niya ay unti-unti nang nagiging bato?
102.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 81 Beses bilang twice kpop sana
Read
+Library
My Chubby Romance

My Chubby Romance

bleu_ancho15
Walang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroon siya ng chatmate na Kano na nagpapahiwatig sa kanyang gusto siya nito ay dun siya nabuhayan ng dugo na mangarap ulit. Lalo na ng magsabi itong handa daw itong puntahan siya sa Pilipinas para makipagkilala at personal siyang ligawan. Maayos na sana ang lahat maliban lamang sa isang problema: buong akala ng Kano ay seksi siya. Kung noong bata pa siya ay chubby na siya ay mas dumoble pa ata ang pagtaba niya ngayong nagdalaga na siya. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi siyang inaasar na mataba ng kapitbahay niya mula pagkabatang si Brix; na siya namang nag-alok sa kanya na tutulungan daw siyang magpapayat kapalit ng pagiging modelo ng gym na pag-aari niya. Galit man siya dito ay pumayag na rin siya alang alang sa pangarap niyang makarating sa Amerika. Kasabay ng pagpapapayat niya ay ang unti-unting pagkawala ng galit niya kay Brix. Ang puso niyang dati'y nababalutan ng kolesterol ay nagsisimula ng tumibok para sa binatang wala ng ibang ginawa noon kundi asarin siya. Mababago kaya nito ang matagal na pangarap niyang makapunta ng ibang bansa?
2.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 80 Beses bilang twice kpop sana
Read
+Library
Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Ang aking asawa ay isang air traffic controller. Sa aming mga nakaraang buhay, ang aking anak na babae ay inatake sa puso nang ang flight na aming sinasakyan ay humarap sa isang bagyo. Nakipag-ugnayan ako sa aking asawa sa control tower para maghanda ng priority landing. Kasabay nito, bumagsak ang kabilang flight na sinasakyan ng soul mate ng asawa ko matapos tamaan ng kidlat. Ang aking asawa ay kumilos nang normal pagkatapos ng insidenteng iyon. Gayunpaman, nang maglaon sa kaarawan ng aking anak na babae, ikinulong niya ang aking anak na babae at ako sa bahay, at kami ay sinunog hanggang sa mamatay. "Kung hindi ka nagrequest ng priority landing, hindi sana bumagsak ang flight ni Kelly! Sa tingin ko ay wala namang problema sa anak mong babae. Ginawwa mo lang yun dahil sa selos mo para kay Kelly, ikaw ang rason ng pagkamatay ng ilang daang mga inosenteng buhay.” Ang aking anak na babae at ako ay hindi nakatakas, kami ay namatay nang kakila-kilabot. Sa susunod na pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa araw na ang aking anak na babae ay inaatake muli sa puso. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang nadiskonekta ng asawa ko ang tawag ko sa control tower. Gayunpaman, nang malaman niyang namatay ang aming anak na babae dahil sa atake sa puso, nabaliw siya.
1.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 31 Beses bilang twice kpop sana
Read
+Library
PREV
1
...
2122232425
...
29
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status