Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Dirty Nights with Uncle Lucio

Dirty Nights with Uncle Lucio

Dahil sa iskandalong nangyari sa unibersidad na pinasukan ni Aria Calvari, ipinadala siya ng kanyang madrasta sa probinsya. Ayaw ng kanyang madrasta na ang pamilyang Calvari ay malagay sa alanganin. Ngunit akala niya’y tahimik ang buhay na naghihintay sa kanya roon. Sa halip ay napunta siya sa bubong ng kanyang Uncle Lucio. Si Uncle Lucio Navarro ay isang misteryosong lalaki. Hindi ito tunay na tiyuhin ni Aria dahil orphan si Uncle Lucio na itinuturing na kapatid ng yumaong ama ni Aria. Gayunman, maraming naririnig na tsismis si Aria. Si Uncle Lucio ay isa rawng babaero, kriminal, dating sundalo at posibleng isang mamamatay-tao. Noong una, puros kaba ang nasa katawan ni Aria dahil sa malamig na tingin at mapang-akit na katahimikan ni Uncle Lucio. Habang lumalalim ang kanilang pagkakaibigan ay mas lumalalim din ang pagnanasa nila sa isa’t isa. Pinipigilan lamang ni Uncle Lucio ang kanyang sarili dahil alam niyang bawal ang kanyang iniisip na nagkagusto kay Aria. Ngunit ang ginawa ni Aria, inakit siya nito. Makasalanan ang dalaga. Masiyado itong dalaga dahil malaki ang agwat ng kanilang edad. Masyadong delikado at higit sa lahat ay ang masyadong malapit sa kanyang nakaraan. Sa gitna ng lahat, kahit anong layo niya kay Aria, siya namang patuloy na paglapit nito. Hanggang sa hindi na niya na pigilan ang kanyang sarili. Ang makasalanang gabi nilang dalawa ni Aria ay nasundan pa ng maraming beses. At kung kailan nagkaroon na sila ng magandang ugnayan, siya namang pag gitna ng mga tsismis. Muling nabuhay ang akusasyon laban kay Uncle Lucio. Maraming nagsasabi na isa raw siyang salot na sumisira sa buhay ng babae? Ngunit para kay Aria, handa ba siyang tumakbo palayo, o panindigan niya ang lalaking unang nagturo sa kanyang umibig ng totoo, kahit sa madilim na oras? Ano ang pipiliin ni Aria?
Romance
10556 viewsOngoing
Read
Add to library
The World of A Marriage Life

The World of A Marriage Life

Walang mapagsidlan ng saya ang puso ni Nieves Solanna o mas kilala sa pangalan na Snow nang maikasal siya sa pinakamamahal niyang lalaki na si Dalton Travis Donavan. Simula pagkabata ay wala na siyang ibang hiniling at pinangarap pa kundi ang maikasal kay Dalton. Anak ito ng Tito Gilbert niya, isa sa mga matalik na kaibigan ng Papa niya at nang marinig niya na hinihingi nito ang kanyang kamay para sa isang kasal ay walang pag-aalinlangan siyang pumayag. Kahit na alam niyang ang tanging dahilan lamang nito ay para sa family business nila. Forced into a marriage to merge their family business, Dalton Travis Donavan found himself falling in love with his wife. Mabait, mapagmahal at maalaga ang kanyang naging asawa kaya naging madali para sa kanya na masuklian ang pagmamahal na ibinibigay ni Snow sa kanya. Pero kakasimula pa lang nilang dalawang mag-asawa nang muling bumalik ng bansa ang isang babaeng minsan na rin niyang minahal. Walang iba kundi si Samantha Perez. Tinukso at inakit nang dating kasintahan kaya nagawa niyang pagtaksilan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at tanggapin siya. "NILOKO MO AKO! AKO NA WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAHALIN KA! IKAW ANG UNANG SUMIRA SA PAGSASAMA NATING DALAWA! ANG SAKIT NA IBINIGAY MO SA AKIN ANG SIYANG NAGING DAHILAN PARA KAMUHIAN AT GANTIHAN KITA!" malakas na sigaw ni Snow sa asawang si Dalton habang puno ng mga luha ang kanyang buong mukha. "Oo, inaamin kong nagkamali ako. Pero hindi sapat 'yon para gantihan mo ako, Snow! Nag-iba ka na, at alam kong ako ang may kasalanan sa lahat nang ito," puno ng pait na sagot ni Dalton. Kaya pa kayang ibalik muli ang dating matamis na pagmamahalan? Kung nakaukit na sa buong puso at utak nila ang sakit at pagtataksil sa isa't isa.
Romance
10865 viewsOngoing
Read
Add to library
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Bastarda Series-|√: Deal of Love

Bastarda Series-|√: Deal of Love

Siya si Chryll Araneta, 19 year old. Maganda, may balingkinitang katawan at morena ang kutis ng kanyang balat. Si Chyrll ay anak ni Police General. Wilson Araneta sa kanyang dating kasintahan, hindi niya alam na nabuntis niya ito noon bago sila maghiwalay at ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng kanyang ina. Nalaman nalang niya na may anak siya dito ng madengue at nanganganib ang buhay ng bata na kailangan agad itong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Simula noon ay kinuha nito ang bata sa kanyang dating kasintahan na hindi nagustuhan ng kanyang asawa. Bata pa lamang si Chyrll ay nakakaranas na ito ng kalupitan sa kanyang step-mother at sa kapatid nitong si Carlyn, ng tumuntong siya sa edad na dese-otso ay natuto siyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Walang kaalam-alam si General Wilson sa nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at anak na panganay at sa bunso nito. Dahil sa kagustuhan ni Chyrll bumukod ng tirahan ay nagkaroon sila ng kasunduan ng kanyang ama, papayag lamang ito kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa, kaya napag-isipan niyang magtayo ng negosyo at ito ang Chyselle Coffee Shop ng kaniyang kaibigan. Habang namamahala siya ng negosyo nila ng kanyang kaibigan ay pinagpatuloy parin nito ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. At doon niya nakilala si Red Simon Marcos na isang negosyante ng mag hurado ito sa ginanap na ntramurals sa university. Unang kita pa lamang niya sa binata ay nagkagusto na siya dito. Lahat ng lakad nito ay inaalam niya ng palihim, hanggang sa nahuli siya at hindi ito nagustuhan ng binata. Atin pong alamin kung paano mapapaibig ni Chyrll o mapaibig nga ba niya ang isang Red Simon na mahilig maglaro ng damdamin ng isang babae. At sabay-sabay din po nating tuklasin ang kanilang mga tinatagong lihim.
Romance
104.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
363738394041
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status