Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)

Dahil sawa na si Thea sa pagbubunganga ng ina. Napilitang mag-abroad ang dalaga. Graduate siya ng BS Tourism. Sa isang construction company siya nakakuha ng trabaho sa Dubai. Maliban sa pag-o-opisina, on-call cleaner din siya. Isang araw, tinawagan si Thea ng kaibigan para maglinis ng unit ng boss nito. Sa isang hotel and casino nagtatrabaho ang kaibigan. Wala siyang hinihindian na part-time, kaya umo-oo kaagad siya. Hindi sukat akalain ng dalaga, na ang sikat na miyembro ng banda, na si Keith Hernandez pala ang kanyang kliyente nang gabing iyon. Kilala ito sa tawag na KH. Hindi niya maiwasang hangaan ito ng sobra. Sa loob ng dalawang buwan na pamamalagi ng binata, siya lang ang bukod tanging naglilinis at cook nito. At, sa maikling panahon na iyon, natutunan ni Thea na mahalin si Keith. Naisuko pa niya sa binata ang iniingatang perlas ng silangan, kahit na may iba itong minamahal. Hanggang kailan siya magiging rebound? Ano kaya ang gagawin ni Thea kapag nalamang ikakasal na pala ang binata sa iba?
Romance
1028.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Danger Zone: Fight to Survive

Danger Zone: Fight to Survive

Habang papunta sa kanilang paaralan, ang dalawang magkaibigan ay nadatnan ang sariling tumatakbo sa gitna ng magulong kapaligiran. Isang experimento ang gumimbal sa boung Pilipinas at bumago sa buhay ng maraming tao at ang pagbangon ng mga patay na kumakain ng laman ng mga buhay. Sa gitna nito isang grupo ng mga kabataan ang tinadhanang magkatagpo upang tuldukan ang pandemyang bumalot sa sanlibutan.
Sci-Fi
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Dirty & Ruined: The Devil I Married

Dirty & Ruined: The Devil I Married

Isang kasal na itinakda ng kontrata. Isang gabing puno ng tukso. Isang lihim na babago sa lahat. Dahil sa desperasyon, napilitan si Seraphina Eloise Madrigal na pakasalan ang mayamang military officer na si Colonel Archimedes Carter. Sa halip na isang tahimik na buhay, natagpuan niya ang sarili sa gitna ng pang-aapi ng kanyang biyenan at ang muling pagbabalik ng first love ng kanyang asawa. Nang piliin ni Archimedes na alagaan ang ex nito, tuluyan siyang lumayo. Pero bago siya tuluyang makawala— isang gabi ng kapusukan ang nag-iwan sa kanya ng kambal. Pagkalipas ng ilang taon, isang lalaking puno ng pagmamahal at kabutihan ang dumating sa buhay niya, si Dr. Wyatt Carter, ang doktor ng kanyang anak. Sa wakas, may isang lalaking tunay na nagmamalasakit sa kanya. Pero isang matinding lihim ang hindi maitatago ng panahong lumipas. Pa’no kung ang dalawang taong nagparamdam sa kaniya ng magkaibang emosyon ay iisa? Ngayon, pipiliin ba niyang lumayo… o manatili sa lalaking may dalawang katauhan—isa na minahal niya at isa na minsang sumira sa kanya?
Romance
9393 viewsOngoing
Read
Add to library
Unwavering Desire

Unwavering Desire

arkisharohe
Nakakabulag ang pag-ibig at hindi natin minsan mahinuha ang kayang abutin nito. Isa si Aia sa nasilo ng pakiramdam na ito. Minahal niya ang lalaking buong akala niya ay ang totoong nagmamahal sa kaniya, ngunit sa paglipas ng mga panahon ay nalaman niyang may isang katauhan pa pala sa likod ng lalaking kaniyang minahal. Sa lihim na pagtingin ng CEO kay Aia ay hindi na niya mapigilan ang bugso ng damdamin, dito ay natagpuan niya ang sariling walang saplot katabi ng kanyang amo. Sobrang sakit ng ulo niya nang maalala niya ang mga maiinit na tagpong pinagsaluha nila nung gabing yaon. Tinitigan niya ang maamong mukha ng lalaki at inilapit ang labi sa ilong nito. Napaluha siya at agad na bumangon ng kama para pulutin ang mga damit na walang pigil na inalis ng lalaki mula sa kanyang katawan. Gulong gulo ang utak na lumabas ng silid, tinakasan niya ang lalaking kaulayaw niya kagabi. Ang daming tumatakbo sa utak niya. Hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang amo. Nag-iwan ito ng note bilang tanda ng pag-alis niya sa trabaho, "This will serve as my last day, sir."
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Be my Boyfriend,Senyorito

Be my Boyfriend,Senyorito

Teaser:Jefferson Alcantara -the heir and soon to be CEO of Alcantara Holdings .Nasa kaniya na ang lahat karangyaan,kayamanan at taglay rin ang gandang lalaki na hinahangaan at kinababaluwan ng halos lahat ng kababaihan .Shiella Miranda-anak ng katulong na magmamahal sa binata. At dahil sa pagibig ay magagawang makiusap ni Ella na makiusap na maging boyfriend ito ng palihim kahit sa loob lang ng dalagang buwan,dahil gusto ng dalaga na magtiwala at mapatunayan na magagawang mahalin siya sa ng binata .Ngunit ng mapapayag naman niya ito ay malalaman niyang hindi pala ganoon kadali dahil pinatigas na nito ang puso at sinabing hindi na kailanman ito maniniwala sa pagibig.Makakaya ba niyang gawin ang lahat at maghintay kung kailan siya matutunang mahalin ng binata o susuko na lang tulad ng palaging sinasabi nito sa kaniya?
Romance
10966 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

Isa akong stripper o sa madaling salita, tagabigay ng ligaya sa mga lalaking nagnanais ng mainit na sandali tuwing gabi. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang kliyente kong Zander Almeda. Isang flash lamang ng kamera nang magbago ang buhay ko at naging instant hot issue sa social media. At sa isang iglap, ang stripper na katulad ko ay naging instant girlfriend ng isang bilyonaryong CEO na si Zander Almeda sa bisa ng agreement na magkukunwari ako sa harap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit paano ko mapipigilan ang puso ko kung mahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya? Paano kung malaman ng lahat ng tao na isa akong dating tapagbigay ng ligaya sa mga lalaki sa isang club? Kaya niya ba akong ipaglaban?
Romance
10213 viewsOngoing
Read
Add to library
ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO VERSION)

ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO VERSION)

WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, an outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. Napakarami nila at silang lahat ay lumalapit sa kanya ng kusa. Dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. Subalit, paano na lamang ang reputasyon ng kanyang ama? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan gayong ang babaeng pinili niyang pakasalan ay hindi nila kauri. At ayon sa kanyang ama ay magdadala ng malaking kahihiyan sa kanilang angkan. Nakahanda ba siyang manindigan para sa nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya? Willing ba siyang kalabanin ang kaniyang ama kahit ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng lahat ng mayroon siya at lahat ng pinaghirapan niya? Susugal ba siya para kay Lara na walang alam sa tunay niyang pagkatao? Ano nga ba ang kinabukasan ng isang pagmamahalang sa simula pa lang ay puno na ng kasinungalingan at pagpapanggap?
Romance
1024.7K viewsCompleted
Read
Add to library
HER TURN TO BREAK HIM

HER TURN TO BREAK HIM

Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
Romance
105.8K viewsCompleted
Read
Add to library
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1018.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Fierce Love of the Arrogant Man

Fierce Love of the Arrogant Man

“Nasaan ang singsing?” “Ano?” Mabilis na binawi ng babae ang kanyang kamay. “Tinatanong ko kung nasaan ang singsing,” mariing ulit ni Stefan habang nakatitig nang masama sa kanyang kasintahan. “Ah... naiwan ko yata sa opisina. Kasi madalas akong naghuhugas ng baso ng kape, kaya tinanggal ko muna at itinabi. Baka magasgas kasi,” paliwanag ng dalagang si Natalie na bahagyang nakapagpakalma kay Stefan. “Kapag tinanggal mo ‘yan, ituturing kong gusto mong makipagbitiw sa kasunduan ng kasal.” “H-hindi naman po. Itinabi ko lang, hindi ko naman tinatanggal ng tuluyan.” “Kung gano’n, isuot mo ngayon din,” singhal ng lalaki na may halong pagbabanta. “Oo na, isusuot ko,” sagot ng babae na may bahid ng tampo. Kinuha niya ang bag sa tabi, binuksan iyon, at inilabas ang singsing ng kanilang kasunduan. Isinuot niya iyon sa kanyang daliri at ipinakita sa kanya ang likod ng kamay.
Romance
105.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status