Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Bound To Be Yours

Bound To Be Yours

Sebastian was a coward, letting fear steal the woman he loved. "If mahal mo talaga ako. Pirmahan mo ang divorce paper na ito at mawala ka na sa paningin ko. Iwan mo na ako at huwag ka na ulit magpapakita sa akin!" sigaw ni Sebastian sa babae a walang buhay ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Tinapon ng lalaki ang divorce paper sa ere at puno ng pagdisgusto nakatingin sa asawa. "Alam mo hindi ko kaya gawin iyon Sebastian." Gumuha ang mundo ni Sebastian noong may makita siya na babae sa loob ng kwarto. Nakahiga ito sa kama na natutulog lang at may hawak na maliit na bote. "Haven!" Now, given a second chance by a twist of fate— Nagising si Sebastian sa isang hospital. Madaming nakakabit na apparatus. Noong inalis niya ang oxygen narealize niya na nabuhay pa din siya. Gusto na niya mamatay. Sebastian travels back in time to right his wrongs. Sa labas ng hospital room nakita niya su Haven Bree Nicastro. Ang first love, childhood friend at pinakamamahal niya. Bumalik siya sa past kung saan buhay pa ang asawa niya at bata pa sila ni Haven. But the past is never as simple as it seems, and winning back Haven's heart might cost him everything. "Binago ko ang pinaka-key point sa pagkasira ng mga Nicastro at Volkov— siguro ito ang kapalit." Maliit ang chance na makalakad pa si Sebastian that's why nanganganib naman ngayon ang posisyon niya bilang tagapagmana at maging asawa ni Haven. Will he conquer all the things its supposed to be his and prove that Haven Is Bound to Be his? "Marry me, Haven."
Romance
354 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The CEO's Bargain Bride

The CEO's Bargain Bride

Sa mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan, ang kasal ay hindi palaging tungkol sa pag-ibig. Minsan, isa lang itong kasunduan. Solen Mira Callisto, isang occupational nurse sa Monteverde Lines Inc., ay biglang nabaon sa utang matapos pumanaw ang kanyang ama. Dalawang milyong piso—isang halagang hindi niya kayang bayaran sa loob ng tatlong linggo. Sa gitna ng kanyang desperasyon, dumating ang isang hindi inaasahang alok mula kay Leonidas “Leon” Monteverde, ang matikas pero mailap na COO ng Monteverde Lines. Bilang susunod na tagapagmana ng kanilang shipping empire, may isang kondisyon bago niya makuha ang kumpanyang matagal nang itinakda para sa kanya. Kailangan niyang magpakasal. Isang kasunduan ang nabuo. Isang taon ng pagpapanggap bilang mag-asawa. Walang damdamin, walang komplikasyon. Para kay Leon, ito ay isang kasunduan lang. Para kay Solen, ito ang kanyang tanging paraan para mabawi ang lahat ng nawala sa kanya. Dapat ay simple lang, pero bakit parang hindi lang basta umaarte si Leon? He’s too convincing and too protective. Sa tuwing tatawagin siyang "asawa ko" sa harap ng iba, hindi niya alam kung dapat ba siyang mataranta o kiligin. Unti-unti, nagiging malabo ang linya sa pagitan ng kasunduan at katotohanan. Sa mundo ng kapangyarihan at intriga, paano kung ang isang relasyong nagsimula sa papel… ay mauwi sa isang bagay na totoo?
Romance
10300 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Hot Billionaire's Husband

My Hot Billionaire's Husband

Blue_Wave
Primo Del Cuesta- nag iisang anak at tagapag mana ng mga Del Cuesta na natali sa isang arranged marriage nang business partner ng kaniyang mga magulang. At dahil kilala ang kanilang pamilya sa buong mundo at ayaw na ayaw nito nang kahihiyan kaya napilitan siyang pakasalan ang anak ng mga Murphy. Siya si Sandra, maganda at may kaaakit akit na alindog ngunit hindi pa rin ito sapat para mapa ibig niya ako, sapagkat alam ko naman na plinano nila 'to ng mga magulang niya. Alam kong palubog na ang kumpanya nila kaya ginawa nila ang kahangalan na ito. Akala nila magiging buhay prinsesa ang anak nila sa kamay ko, pwese hindi mangyayari 'yon. Sisiguraduhin ko na bawat araw na magkasama kami sa iisang bubong gagawin kung miserable ang buhay niya. Ngunit paano kung dumating ang araw na masumpungan mo na lang ang sarili ko na umi-ibig na sa dalaga. Paano mo sisikilin ang sariling damdamin kung ang isini-sigaw nang puso mo ay ang dalaga At paano kung huli na pala ang lahat kung ang dalaga ay naka tali na ang puso sa iba, ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig...
Romance
322 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
SEND TO THE WRONG HEART

SEND TO THE WRONG HEART

Dapat ay para sa foreigner na online boyfriend ni Erica ang nudes na sinend niya—pero sa boss niya napunta. Oo, yung boss niyang halos araw-araw na lang galit sa kanya. Akala niya katapusan na ng mundo niya, lalo na kung malaman ito ng fiancée ng boss niya at ipinost sa social media para sirain siya. Inisip niyang matatanggal siya sa trabaho at wala nang balikan ang reputasyon niya. Pero nagulat siya nang mapanood ang boss niya sa isang interview. Kalmado lang ito at ang sabi: "Girlfriend ko siya. Normal lang naman iyon sa magkarelasyon." At just like that, nasangkot na siya sa isang kasinungalingang hindi niya inasahan. Kapalit ng pagtanggol sa kanya, kailangan niyang magpanggap na girlfriend ng boss niya... at kunwari'y nagmamahalan sila. Hindi ito bahagi ng trabaho niya. Pero bakit parang unti-unti, nagiging totoo ang lahat?
Romance
10307 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
Romance
10303 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Price of the Billionaire Actor's Revenge

The Price of the Billionaire Actor's Revenge

At twenty-five, Heather Martinez sacrificed everything to take care of her younger sibling at matiyak na may matitirhan sila. Pero dahil sa matinding pangangailangan, she had no choice but to enter a dangerous deal with Theo Skye Dawson, isang malupit at misteryosong aktor na kahit sa isang iglap ay kayang baliktarin ang kaniyang mundo. She knew it was a mistake, but she never expected it to change her life forever. Ikinulong siya ng isang kasal na walang pag-ibig, naging bahagi ng mundo ni Theo kung saan siya lang ang talo. Alam niyang malupit ito, walang pakialam sa nararamdaman niya. Pero paano nga ba pipigilan ang pusong natututo nang umibig kahit hindi dapat? Samantala, si Theo, na matagal nang biktima ng kanyang nakaraan, ginamit lang siya bilang pawn sa isang matagal nang laro ng paghihiganti. Pero paano kung hindi niya inaasahang mahuhulog siya sa babaeng minsang balak niyang sirain? As long-buried secrets unravel and old wounds begin to bleed again, will love be strong enough to overcome the pain? Or will their love itself be the ultimate sacrifice?
Romance
288 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Royal Redemption (Chasing Series:02)

The Royal Redemption (Chasing Series:02)

Pipiliin ba ni Jace na yakapin ang pag-ibig na minsan niyang tinangka na takasan, o ang mga anino ng kanilang nakaraan ay maghahatid sa kanila sa pagkakahiwalay magpakailanman? At sa huli, kapag nagising si Luther, matutuklasan ba niyang si Jace ay naghihintay pa rin sa kanya, o talagang nakapag-move on na siya? Sa isang mundo ng panganib at pag-ibig, ang kanilang kapalaran ay nakabitin sa isang sinag ng pag-asa. Ano ang mangyayari sa kanilang kwento? Ang sagot ay nasa hangin, sa isang tadhana na patuloy na naglalaro.
Romance
10266 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Conglomerate Regrets

The Conglomerate Regrets

Ang hiling ng ama ni Beatrice ay maikasal siya bago ito mamaalam sa mundo, and she obediently followed her father's wishes. Beatrice entered into an arrangement marriage with Stefan Hidalgo. However, after just a year of marriage, her husband has surprisingly filed for a divorce. Pinirmahan ni Beatrice ang divorce paper at nagpakalayo-layo. Hindi na niya gugustuhin pa na makita muli ang walang kwenta niyang asawa. Beatrice embarks on a journey to purse her heart desire. But fate has other plans for her, and comes face-to-face with Stefan—nagmamakaawa na balikan niya ito.
Romance
253 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

Tila sanay na sa mga pagsubok ng buhay Amara Santos. Lumaki siyang kinakayod ang lahat para sa kakambal niyang si Selene, na may malubhang sakit na matagal ng dinadala. Ang tanging liwanag sa kanyang madilim na mundo ay ang kanyang kasintahang si Liam dela Cruz, anak ng alkalde. Simula pagkabata, siya na ang kanyang sandigan—ang lalaking nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. Ngunit, isang masaklap na kapalaran ang dumating sa buhay nya. Sa kritikal na oras ng kanyang kapatid sa ospital, iniwan siya ni Liam at ipinagpalit sa isang babae na makakatulong sa kanyang ambisyon na pumasok sa politika. At sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa isang hukay na isang paraan lang ang kalalabasan. "Pakakasalan mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo." Sino ang lalaking ito? Si Ethan? Si Ethan Alcantara. "Simple lang ang kasunduan, Amara," sagot ni Ethan. "Ikaw ang magiging asawa ko, at sa mata ng publiko, magiging perpekto tayong magkapareha. Kapalit niyan, matutulungan ko ang kapatid mo." Tila isang malafairy tale na tagpo ang nangyayari sa buhay ni Amara, at sa palubog niyang kumunoy ay mayroon siyang prince charming na tagapag sagip. Mararanasan nga ba nya ang maging prinsesa? O isa na naman itong pag-papanggap na mapipilitan siyang ituloy dahil sa kasunduang iligtas ang kanyang mahal na kapatid? Hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis na mag-panggap? Magkakaroon nga ba ng pag-ibig sa pagitan nila ni Ethan?
Romance
10281 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
She Calls Him Dad, I Call Him Mine

She Calls Him Dad, I Call Him Mine

Umalis si Elizabeth sa marangyang buhay sa Maynila upang takasan ang isang sapilitang kasunduan—ang pag-date kay Greg, anak ng pinakamayamang negosyante sa lungsod. Sa pagtakbo palayo, hindi inaasahang masisira ang kanyang kotse sa gitna ng isang liblib na lugar. Isang misteryosong lalaki ang dumaan at tumulong sa kanya. Tall, dark, and handsome—isang "prince charming" sa tunay na buhay. Pero hindi niya nakuha ang pangalan nito. Pagdating sa probinsya, ibinahagi niya ang kwento sa kanyang kaibigang si Monique, na agad nilang tinawag ang lalaki bilang "Prince Charming." Ngunit gumuho ang mundo ni Elizabeth nang mapagtanto niyang ang lalaking ito… ay walang iba kundi si Benedict—ang ama ng kanyang kaibigan. Isang single dad na hindi rin inakalang ang babaeng tinulungan niya sa kalsada ay ang magiging dahilan ng muling pagtibok ng kanyang puso. Handa ba si Elizabeth na mahalin ang lalaking hindi niya dapat ibigin? At kaya ba niyang ipaglaban ang damdaming maaaring sirain ang pagkakaibigan nila ni Monique?
Romance
10264 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3839404142
...
44
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status