Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
10698 viewsOngoingIdinagdag sa Library 24 Beses bilang walang kawala
Read
+Library
Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire

Substitute Bride Of The Dangerous Billionaire

Sa mismong araw na bumalik ang pandinig ni Venice ay iyon din ang araw na nalaman niyang matagal na pala siyang pinagtataksilan ng boyfriend niyang si Asher. Isang taon siyang naging bingi sa katotohanan, wala siyang kamalay-malay na ang kinakapatid pala ng boyfriend niya ay ang kabit nito at ang dahilan kung bakit siya nawalan ng pandinig. Halos magunaw ang mundo ni Venice sa nalaman ngunit sa isang tawag ng ina sa balita nitong pagtakas ng kanyang step sister sa sarili nitong kasal, hinihiling ng kanyang ina na siya ang pumalit at magpakasal kay Hendrick Monteverde, isang bilyonaryo, at kinakatakutan sa pagiging marahas nito sa negosyo, walang kasing lamig kung makitungo at babagsak ang negosyo ng kanilang pamilya sa oras na malaman nitong tumakas ang mapapangasawa niya. Walang pagdadalawang isip itong tinanggap ni Venice dahil sa hinagpis niya sa kanyang taksil na boyfriend, sa isiping ito siya makakapaghigante ay agad niyang tinanggap ang alok kahit pa wala siyang kaalam-alam kung sino nga ba talaga ang lalaking pakakasalan niya. “Even if it 's against my will, I’ll do everything to make you suffer twice.” puno ng sakit na itinaga ni Venice sa sarili.
125 viewsOngoingIdinagdag sa Library 4 Beses bilang walang kawala
Read
+Library
Running Away With His Child

Running Away With His Child

Pagkatapos ng limang taon na pagkawala, bumalik si Astrid Alejandro sa Pilipinas dala ang isang desisyong akala niya ay makakapagpalaya sa kanya mula sa mapait na nakaraan. Ngunit sa isang gabing puno ng alak, init, at maling pagkakataon, muli niyang nakasama ang lalaking pilit niyang tinatakasan noon, si Xavian Avanzado. Ang lalaking minsan niyang minahal… at iniwan nang walang paalam. Para kay Xavian, ang pagkawala ni Astrid ang naging dahilan ng limang taong impyerno. Limang taon ng galit, obsession, at walang katapusang paghahanap. Kaya ngayong muli niyang nahawakan ang babaeng sumira sa kanya, hindi na niya ito hahayaang makatakas pa. Ngunit paano kung may mas mabigat pang dahilan kung bakit biglang naglaho si Astrid noon? At paano kung ang pagbabalik niya ay hindi lang para harapin si Xavian… kundi para protektahan ang lihim na matagal niyang itinago? Sa muling pagtatagpo ng dalawang pusong sugatan, muling mag-aalab ang pagmamahal, galit, at pagnanasang akala nila’y matagal nang namatay. Ngunit sa mundong puno ng kapangyarihan, obsession, at mga sikreto, hanggang saan nila kayang ipaglaban ang isa’t isa? O muli na namang may tatakbo palayo… kasama ang batang bunga ng kanilang nakaraan?
364 viewsOngoingIdinagdag sa Library 10 Beses bilang walang kawala
Read
+Library
 Red Rose [Filipino/Tagalog]

Red Rose [Filipino/Tagalog]

Si Kalila Madison Ramirez ay bagong estudyante lamang sa Gatewood University. Wala siyang kaide-ideya sa sitwasyong napasukan niya. Desenteng paaralan pero maraming sekreto at kababalaghan. Sumpa raw ayon sa mga mag-aaral. Ang mga tao ay konektado at isa isang pinapaslang. Walang may alam. Lahat kinakabahan. Bawat biktima ay may hawak na pulang rosas. Sino? Sino ang may kagagawan? Sino ang susunod? Siya na ba? Ngunit, papaano siya makakalabas sa gulong wala naman siyang kinalaman?
1040.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 839 Beses bilang walang kawala
Read
+Library
Wife For Sale

Wife For Sale

Blazingfire
Si Tyronia Gonzales ay anak sa labas ng kanyang ama. Namatay ang ina niya dahil sa panganganak sa kanya kaya naman sa bahay ng ama niya siya nakatira, at lumaki. Kahit pa mayaman ang ama niya ay kahit kailan ay hindi siya naging buhay prinsesa dahil galit sa kanya ang asawa ng ama niya. Walang araw na sinasabi nito na anak lang siya sa labas, at malandi ang ina niya kahit hindi naman totoo. Isang araw dahil nalulugi na ang kompanya ng ama niya ay nakaisip ng paraan ang asawa nito. Nabalitaan nito na naghahanap ng mapapangasawa si Grey Del Rosario. Bibili ito ng mapapangasawa dahil walang gustong magpakasal dito dahil sa sunog nitong itsura. Binenta si Tyronia ng asawa ng ama niya, at wala siyang nagawa. Naging madali din naman kay Tyronia na mahalin ang binata lalo na't mabait ito sa kanya, at binibigay ang lahat ng gusto niya. Pero natatakot siya na baka magbago ang pakikitungo ng binata sa kanya kapag nalaman nitong isa lang siyang bastardo. Pero ang mas malaking tanong ay handa ba siyang makita ang mukha ng asawa na nakatago sa maskara? Handa kaya niya itong tanggapin kapag nalaman niya ang malaki nitong lihim sa kanya?
102.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 90 Beses bilang walang kawala
Read
+Library
Taming the Ruthless CEO

Taming the Ruthless CEO

Si Keira Amara Lacson ay napilitang pumasok sa isang kasunduang kasal. Ang kanyang mapapangasawa ay walang iba kundi si Xavier Cross Dela Vega, ang kinatatakutang CEO na kilala sa pagiging malupit at walang awa. Ginawa niya ito upang iligtas ang negosyo ng kanyang ama, ngunit hindi niya inaakalang hahakbang siya sa isang mundong puno ng lihim at panganib. Akala niya ay simpleng pagpapanggap lamang ang lahat, ngunit habang tumatagal ay may mga bagay siyang natutuklasan tungkol kay Xavier. May mga pagkakataong ipinapakita nito ang lambing at pag-aalaga, ngunit may mga sandaling tila ibang tao ang kanyang kasama. Magulo ang kanyang nararamdaman, lalo na at tila may mga lihim na itinatago ang buong pamilya Dela Vega at ang mga taong nakapaligid sa kanila. Habang lumalalim ang kanilang ugnayan, sunod-sunod na lumalabas ang mga katotohanang yumayanig sa kanyang paniniwala. Ang kanyang pagkikita at kasal ay tila hindi sadyang tadhana lamang at may mas malalim na dahilan ang lahat ng ito. Sa gitna ng mga nakatagong plano at nakaraang puno ng galit ay may isang nakakagulat na rebelasyong naghihintay na mabunyag ang isang katotohanang magbabago ng lahat at magtutulak sa kanila sa isang sitwasyong hindi nila inaasahan.
70 viewsOngoingIdinagdag sa Library 2 Beses bilang walang kawala
Read
+Library
WHEN TROUBLE COMES LOVE

WHEN TROUBLE COMES LOVE

Bitter_sweet
Olive Perez is known as the lousy b*tch troublemaker. She comes from a wealthy family and can easily obtain anything she wishes. Though Olive is often seen as a "troublemaker" due to her rebellious nature, she was a kindhearted and sweet young woman. She had a strong sense of justice and was never afraid to stand up for what she believed in. She was also generous and treated people with respect, regardless of their social status. Pero paano kung ang katulad ni Olive na walang kinakatakutan at inaatrasan ay biglang manlumo nang makita mismo ng dalawang niyang mga mata kung paano binawian ng buhay ang kanyang mga magulang na walang kalaban-laban? It was a traumatizing and emotionally draining experience for her, and she's never been able to get over it. Sino ang magiging sandalan niya? Sino ang mananatili sa tabi niya para damayan siya? Aragon Hudson, a handsome and clever guy, who hates troublemakers like her showed up in her life amid her tragic life. Ang binatang ito ang magiging balikat niya sa sandaling paghihinagpis niya sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Ngunit paano kung ang inakala niyang mananatili sa tabi niya kahit pa ano ang mangyari ay iwan rin siya sa kadahilanang isa siyang troublemaker? What could be the destined faith waiting for the both of them? Would it be love, hate, or destruction in each other's lives?
1.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 35 Beses bilang walang kawala
Read
+Library
Magically Bonded

Magically Bonded

Miss Gold
Bitbit ang galit at sakit sa puso ni Selena ay nangako siya sa sariling tatapusin niya ang kanyang misyon at ipaghihiganti ang mga kasamahang walang awang pinatay ng mga Itim na Salamangkero. Pero pano niya gagawin yun kung sa kanyang matagumpay na pagtakas ay may bagong hamon ang Tadhana? Sa isang iglap, nagising nalang siyang walang alaala ng kanyang buhay. Wala na ang misyong ipinangako niyang gawin maging kapalit man nito ay ang buhay niya. Sa kanyang paghahanap ng kasagutan sa mga tanong sa kanyang isipan ay marami siyang makikilalang kaibigan. Hanggang sa pumasok siya sa Akademya ng mga kabataang may Espesyal na Kakayahan. Doon ay magsisimulang bumalik ang mga memorya nang nakaraan. Sa lugar na iyon ay makikilala niya ang mortal na kaaway na siyang may malaking parte sa nakalimutang misyon. Ang lalaking nakatadhana sa kanya. Pero mapaibig niya kaya ito sa kanya kung may minamahal na itong iba? Matapos niya kaya ang kanyang misyon kung kapalit nito ay sisirain niya ang kaligayahan ng lalaking mahal niya? Magically Bonded. Isang kwento ng paglalakbay, paghihiganti at pag-ibig ng isang dalaga. Isang dalagang nakatadhana sa isang dakilang misyon.
1.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 58 Beses bilang walang kawala
Read
+Library
ARRANGE MARRIAGE WITH THE BILLIONAIRE

ARRANGE MARRIAGE WITH THE BILLIONAIRE

Her name is Zera. Ang bunso sa dalawang mag-kapatid. Sapilitan siyang ipinakasal ng kanyang mga magulang sa Isang lalaking mag-sasalba sa kanilang kompanya. Si Vladimir. Ang lalaking matagal ng itinatangi ni Zera. Pero anong klaseng buhay Ang mararanasan niya sa isang taong Galit at walang pagmamahal sa kanya. Hanggang saan Ang pagmamahal ng isang Zera. Makakaya ba niyang mag-patuloy kung pati magulang niya ay walang pagmamahal sa kanya? Tanging ang magiging anak na lamang ang kakampi niya. Pero kung pati ito mawala sa kanya. Hanggang saan rin aabutin ang Galit niya? Marami pa natuklasan si Zera sa nakaraan niya. nawalan siya ng anak, pinagtaksilan pa siya ng kanyang kapatid na hindi naman pala sila mag-kaano ano. Marami sekreto ang natuklasan si Zera. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Makakaya pa bang baguhin ni Vladimir ang mga pangyayari kung sa pagbalik ng nakaraan ay may isang Courtney chandria na anak ng sobrang yaman sa ibang Bansa mula sa Spain. Malayong malayo sa babaeng pinakasalan niya. Sino si Countess Courtney chandria? Bakit nasa kanya Ang Mukha ng kanyang Zera? Bakit langit lupa ang kaibahan nito sa kanya Asawa.
1010.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 383 Beses bilang walang kawala
Read
+Library
I STOLE MY SISTER'S HUSBAND AND HIS HEART

I STOLE MY SISTER'S HUSBAND AND HIS HEART

Paano kung ipinalit kang ipakasal sa isang ruthless Mafia boss na may 60 days na lang para mabuhay? Si Adeline Mendez o mas kilala sa tawag na ‘Ada’ ay walang nagawa nang pilitin sya ng mga magulang na ipalit sa nakakatanda nitong kapatid na ikakasal na sana sa isang Business Tycoon at Billionaire na si Segno Velarde, sa kadahilanang tumakas ang kanyang kapatid bago pa man ito makatungtong sa simbahan. Walang nagawa ang dalaga kundi ang sundin ang gusto ng mga magulang nito. Kaya sa isang iglap ay naging asawa na ito ng isang Bilyonaryo. Pero ang akala nitong magiging buhay ay taliwas sa nasaksihan nya. 'Ni hindi sya pinapansin ng asawa nito at parang hangin lang sya sa pagkalaki-laki nilang Mansion. Hanggang sa may madeskubri nya ang lihim ng asawa-- may 60 days na lang ito para mabuhay? Paano kung ang pinakasalan mong lalake ay may kunting panahon na lang para mabuhay? Ano ang gagawin ni Adeline para sulitin ang kakarapot na panahong ito para makasama ang asawa kung hindi naman sila magkasundong dalawa? Paano uusbong ang pagmamahalan sa pagitan ng lalakeng maraming lihim sa kanyang pagkatao? Masusulit kaya ang 60 days para matutunan nilang mahalin ang isa't-isa?
10523 viewsOngoingIdinagdag sa Library 17 Beses bilang walang kawala
Read
+Library
PREV
1
...
2930313233
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status