Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Secretary Ex-wife

The Secretary Ex-wife

Zachy
Si Zai Ramirez, 22 taong gulang ay isang simpleng babae na nakapagtapos lamang ng High School na kasalukuyang nagtratrabaho sa isang mall.Kung saan nakilala niya ang lalaki na una niyang inibig,ang kaniyang asawa na si Zachary Lu, isang half Chinese. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay may kaakibat na pagsubok na humantong sa kanilang hiwalayan.Pero walang kaalam-alam ang lalaki na nagbunga ang kanilang pag-ibig.Dalawang taon ang lumipas ng sila ay muling pagtagpuin ng tadhana ng maging sekretarya siya ng dati niyang asawa na ikinabigla din niya na baka ay malaman na nagkaanak sila at ilayo ang bata sa kaniya.Malaman kaya ito ni Zachary?Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagtagpo ulit?Magkabalikan kaya sila?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Ex-husband's Regrets

My Ex-husband's Regrets

Walang ibang nais si Hyacinth Hilton-Ferrer kundi ang matanggap ni Vash Arsean Ferrer, ang kanyang asawa, ang kanilang anak na si Sean Vander Ferrer. Pinangako niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat para lang makuha muli pabalik ang asawa niya mula sa traydor niyang kaibigan na si Megan Briones. Sabi niya sa sarili niya ay hindi siya susuko hangga't hindi sila natatanggap ni Vash. Ngunit, bawat tao ay napapagod din. Dahil ayaw na ni Hyacinth na masaktan pa ang anak niya ay pinili na lang niyang sumuko sa pagmamakaawa sa asawa niya. Sa hindi inaasahan, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Akala niya ay siya ang maghahabol sa kanyang asawa, ngunit kabaligtaran pala.
Romance
1017.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother

Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother

Bunga ng bawal na relasyon, sa batang edad ay hindi sinasadyang nabuntis si Hilary El Fuente ng kanyang stepbrother na si Zacchaeus Parkenson. Sapilitang pinabalik ang lalake ng New Jersey ng kanyang madrasta at ama dahil sa natuklasan nilang lihim. Palibhasa ay bata pa kaya walang ibang choice si Hilary kung hindi ang sumang-ayon sa nakakapanghinang suggestion ng stepmother niya at ama na ipa-adopt nila ang bata matapos na manganak upang mabawasan umano ang kahihiyan ng prominente nilang pamilya sa mga kakilala. Ngayong natapos na sa pag-aaral si Hilary at abot-kamay na ang mga pangarap. May pag-asa na kayang mabuo ang hangad niyang simpleng pamilya kahit huli na? Siya, si Chaeus at ang naging supling nila.
Romance
1024.4K viewsCompleted
Read
Add to library
You caught me, Mister

You caught me, Mister

janeebee
" YOLO " is her life motto. Sa edad na bente tres anyos, walang ginawa si Devon Valencia kundi ang magpakasaya sa buhay at waldasin ang perang ibinibigay sa kaniya ng ama. Wala siyang pangarap sa buhay—o kung mayroon man, hindi niya iyon alam at wala rin siyang balak alamin dahil alam niyang siya rin naman ang hahawak sa negosyo ng pamilya nila pagdating ng araw. Young, wild and free. Literal ang pagiging malaya ng isang Devon Valencia para gawin ang lahat ng gusto niya. Sa isang pitik lang ng daliri niya, nasa kamay na niya ang hinahangad niyang makuha, maliban na lamang ang atensyon ng isang binatang kabaliktaran ng ugaling mayroon siya. Isang maginoo,responsable at matipunong lalaki, Pablo Santino Regalado. Isang magsasaka na ang tanging hangad ay maiahon sa hirap ang kaniyang magulang. Sa edad na bente sais, naka-plano na ang gusto niyang mangyari sa buhay dahil maaga siyang namulat kung gaano kalupit ang realidad. Nakahanda siyang gawin ang lahat maibigay lang ang buhay na ipinangako niya sa pamilya. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng pagtatalo ang isip niya nang alukin siya ng isang trabaho na may magandang suweldo at wala siyang ibang gagawin kundi ang bumuntot sa magiging amo niya. Kung tutuusin, walang nakikitang problema ang binata sa pagiging isang bodyguard dahil batak naman ang kaniyang katawan at nakasisiguro siyang kaya niyang gampanan nang maayos ang trabahong ibinibigay sa kaniya. Subalit 'yong ideya na isang matapobre ang dalagang babantayan niya, tila mas gugustuhin pa niyang makasama ang mga kalabaw na ilalim ng araw. Kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo ng palaman. Kapag nahulog ka sa taong hindi nagpapakita ng interes sa'yo, siguraduhing may bitbit kang hagdan.
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
It's Just I Love You (TagLish)

It's Just I Love You (TagLish)

(COMPLETED) Unang kita ni Nate kay Ian akala niya talaga babae ito dahil mukhang babae talaga ito. Ilang beses na niyang nakita si Ian at nagkagusto na siya sa binata kaya ginawa niya ang lahat para mahawakan ang leeg ni Ian at mapanatili ito sa tabi niya kahit alam niya nang lalaki ito at walang pagasang mahalin siya nito dahil pera lang ang habol nito sakanya, pero handa parin siyang isugal ang lahat para kay Ian at pagbayarin ang lahat ng nanakit dito. Ian Mercado ay leader ng Red Assasins na nangarap magbagong buhay. Embes na pumatay para magkapera, pinasok niya ang smuggling at doon niya nakilala si Nate Guevara diyos ng Rogue Sharks, mayari ng Casino Clique at karamihan sa hidden piers na magagamit niya para makapagnegosyo sa iba pang bahagi ng mundo. Pumayag si Ian na samahan si Nate ng isang gabi para ipagamit sa kanya ang mga pagaaring peir ni Nate pero mula nung nakasama siya nito at kahit alam na ni Nate na lalaki siya wala parin itong balak pakawalan siya. Doon na siya pumayag magpagamit kay Nate kapalit ang pera. Akala niya talaga dahil sa mukhang babae siya kaya hinahabol siya ni Nate, di niya alam na matagal nang alam ni Nate na lalaki siya at gusto parin siya nito. Mahal ni Ian ang pera dahil ito ang nagpanatili sa kanyang buhay mula nung itakwil siya ng sariling pamilya, dahil sa katauhan niya. Mapalambot kaya siya ni Nate na walang ginawa kundi gamitin at pwersahin siya kahit ayaw pa niya o magugustuhan niya ang mga ginagawa ng lalaking to sa pagkatao at katawan niya. Patuloy parin kaya siyang mahalin ni Nate once na malaman lahat ng sekreto at pinagdaanan niya?
LGBTQ+
105.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)

"Sa mundo ng kasalanan, hindi lahat ng mga nagbebenta ng laman ay mga taong nawalan ng puso, at hindi rin lahat ng mayayaman ay kayang bilhin ang kapatawaran." Si Sandra Asuncion, ay isang babaeng ipinanganak sa marangyang pamilya at busog sa pagmamahal, ngunit natuldukan ito nang mangyari ang isang hindi inaasahan na massacre sa kaniyang buong pamilya. Nang mangyari iyon ay nawala sa kaniya ang lahat at napilitang siyang ibenta ang sarili para mabuhay. Sa mga gabi ng mga halakhakan, alak, at kasalanan, naging tanyag siya bilang “Ang Babaeng May Mabentang Laman.” Ngunit sa likod ng mga halik na walang saysay, isang gabi ang nagpabago sa lahat. Ang gabi na nakilala niya si Zaniel Arthur Mercer, isang multi-billionaire na kayang bilhin ang lahat lalong-lalo na ang laman ni Sandra. Ang dapat sana’y isang gabi ng bayaran ay nauwi sa paulit-ulit na pagkikita, hanggang sa ang pagkahumaling ay nauwi sa pag-ibig. Ngunit paano mo mamahalin ang lalaking nagmula sa pamilyang nagpapatay sa buong angkan mo? Sa pagitan ng init ng katawan at pagmamahal, paghihiganti at kapatawaran, kailangang pumili ni Sandra. Ang ipaglaban ang lalaking minahal niya, o ang kaluluwang matagal nang winasak ng mga Mercer? Dahil sa mundong ginagalawan nila, walang kasiguraduhan kung alin ang mas masakit para kay Sandra: Ang maging isang prostitute na patuloy na niyuyurakan ng karamihan? O, ang mahalin ang taong may dugong nananalaytay mula sa mga taong dahilan ng kaniyang matagal nang paghihirap? Isang madilim, mainit, at mapusok na kwento ng pag-ibig, kasalanan, at pagtubos. Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo, para sa pag-ibig na hindi mo kailanman inaasahan na darating upang mas lalo lamang na palalain ang iyong sitwasyon?
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Mistress By Contract

Mistress By Contract

Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, napilitan si Amara na pirmahan ang isang kontrata. Isang kasunduang magtutulak sa kanya na maging exclusive mistress ng isang makapangyarihang CEO, si Dominic Severino. Ang kapalit:, malaking halagang kailangan niya upang mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid. Ngunit malinaw ang kondisyon ng kontrata, hindi siya dapat mahulog kay Dominic. Para kay Dominic, ang relasyon nila ay dapat manatiling lihim at walang kasamang emosyon. Para kay Amara, ito ay sakripisyo, isang kasinungalingang kailangan niyang itago sa lahat, lalo na’t ang tunay niyang pagkatao ay hindi niya maaaring ipaalam. Subalit habang lumilipas ang mga gabi, nagsisimulang mabali ang mga patakaran. Nagiging possessive si Dominic, ayaw siyang pakawalan kahit pa malinaw ang kasunduan.
Romance
210 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO Boss Is My Ex-lover

The CEO Boss Is My Ex-lover

Akala ni Marianne “Anne” Dela Fuente tama ang desisyong iwan si Isagani Malcon. Sa tingin niya kasi ay walang magandang kinabukasan kung pipiliin niya ito. Kahit mahal niya si Isagani, pinili niyang lumayo dahil sa isang dahilan na siya lang ang nakakaalam. Paglipas ng walong taon, nagtagpo silang muli. Nag-apply si Anne sa isang malaking kumpanya at laking gulat niya nang malaman na ang may-ari nito ay si Isagani, ang lalaking iniwan niya noon. Ngayon, si Isagani na ang may kapangyarihan. At sa halip na pagmamahal, galit at paghihiganti ang bumabalot sa kanya. Gusto niyang iparamdam kay Anne ang sakit ng panahong iniwan siya nito. Pero paano kung sa gitna ng galit, muling umigting ang damdamin na matagal na nilang pilit kalimutan?
Romance
184 viewsOngoing
Read
Add to library
Muling Pagtibok ng Puso

Muling Pagtibok ng Puso

Jam Mike
Pag-ibig, isang salita ngunit marami ang ibig sabihin. Pag- ibig, tila ba simple lamang, ngunit ang totoo ay kayang gawin lahat sa ngalan ng pagsinta. Mayroon bang mas sasakit pa sa pusong pinagtaksilan matapos mong gawin at ibigay ang lahat maging ng iyong buhay sa taong tangi mong minahal? Matapos basagin at durugin ng pinung- pino ang iyong puso ng taong tangi mong pinagkatiwalaan nito, may kakayahan ka pa bang magpatawad at umibig muli? Matapos mong maghintay ng walang hanggan sa pangakong labis mong pinanghawakan ngunit sa huli’y tanging panlilinlang lamang ang iyong napala, may lakas ka pa bang muling magtiwala sa mundo? Papaano mo ipagpapatuloy ang buhay kung hindi mo na kilala maging ang sarili mo mismo?
103.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Pinalitang Boyfriend: Iba na ang Tinitibok ng Puso

Pinalitang Boyfriend: Iba na ang Tinitibok ng Puso

Pinuntahan ko ang boyfriend ko matapos kong marinig ang tungkol sa pakikipaglandian niya sa college senior niya. Habang papunta ako doon, naaksidente ako at dumaranas ng pansamantalang pagkawala ng memorya pagkatapos ng head injury. Nagmamadali siyang pumunta sa ospital ngunit itinuro ang kanyang dormmate na parang walang emosyon at sinasabing boyfriend ko ‘yon. Gusto niyang gamitin ito para tuluyan makawala sakin. Wala akong kamalay-malay dito kaya hinawakan ko ang kamay ng gwapong dormmate niya at tinitigan siya ng nagningning na mga mata. "So, ikaw ang boyfriend ko." Maya maya ay nabawi ko na ang alaala ko pero gusto ko pa rin makasama ang gwapong dormmate. Gusto kong putulin ang relasyon sa tunay kong boyfriend, ngunit siya ay nag drama.
Short Story · Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status