Memories of Erie
Para akong bata na nag-aabang sa bedtime story.
Tumingin siya sa kawalan at pinagpatuloy ang kuwento. "Nang mawala kasi ang bestfriend ko, ako na ang umako sa pag-aalaga kay Potchi. Kahit ayaw ng parents ko, kasi allergic ako sa mga aso, o pusa, basta may balahibo. Hikain kasi ako," saglit niyang pinutol ang sinasabi at ngumiti siya ng mapait, mukhang may inaalala siya. "Nangako kasi ako kay Melisa.. na aalagaan kong mabuti si Potchi... At saka," muling naputol ang sinasabi niya dahil nagsisimulang mag-unahan uli sa pagpatak ang mga luha niya, "nangako ako sa sarili ko na hindi ko papabayaan si Potchi, gaya ng nagaww ko kay Melisa. Pero... nawala rin sa akin si Potchi, wala na ang best buddy
Sikat na Kabanata