Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Unexpected Bride

Unexpected Bride

Sa araw na dapat ay pinakamasaya sa buhay ni Roxanne, pinili niyang tumakas kaysa ikasal sa lalaking hindi niya mahal. Alam niyang magiging miserable lamang siya- tulad ng sinapit ng kanyang ina sa isang arranged marriage. Ngunit ang pagtakas ni Roxanne ay nagbunsod ng matinding galit mula sa kanilang lolo, tanging pamilyang mayroon sila. Upang hindi mapahiya ang pamilya, nagdesisyon ang lolo na ipakasal ang nakababatang kapatid na si Cathryn kapalit ng kalayaan ni Roxanne. walang magawa si Cathryn kundi tanggapin ang kapalaran - ang ikasal sa lalaking kinaiinisan niya si Mark, isang kilala arogante at malamig ang ugali. Sa panig naman ni Mark, buo ang paniniwala niyang si Roxanne ang pakakasalan niya. Ngunit sa harap ng altar, ibang babae ang humarap sa kanya - si Cathryn. Isang kasal na hindi planado. Isang pag - iisang dibdib na puno ng galit, sakit at tanong. Sa gitna ng isang Unexpected Wedding, mabubuo ba ang pag- ibig sa pagitan ng dalawang taong pinilit lamang ng tadhana? O tuluyan lamang silang dudurugin ng mga lihim, galit at sugat ng nakaraan?
Romance
287 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
One Hot Night with the CEO

One Hot Night with the CEO

Isang gabing hindi dapat nangyari ang naging simula ng lahat. Sa gitna ng kalituhan at isang insidenteng kinasangkutan ng droga, napadpad ang isang simpleng babae sa bisig ng pinakabatang CEO sa bansa—si Sebastian Cross. Isang gabi ng lambing at pagkakamaling hindi nila lubos na naunawaan, at kinaumagahan, naglaho siya na parang panaginip. Nang matuklasan niyang buntis siya, pinili niyang tumakas kaysa harapin ang isang mundong siguradong dudurog sa kanya. Iniwan niya ang lungsod, ang nakaraan, at ang lalaking hindi niya akalaing magiging ama ng kanyang anak. Sa isang tahimik na probinsya, isinilang ang kanyang anak at doon niya piniling buuin ang buhay nilang dalawa—mag-isa, tahimik, ngunit puno ng pagmamahal. Samantala, si Sebastian ay nilalamon ng konsensya at mga tanong na hindi niya masagot. Sa kabila ng tagumpay at kapangyarihan, may bahagi ng kanyang buhay na patuloy na kulang—ang babaeng nawala at ang posibleng anak na hindi niya kailanman nakilala. Muling magtatagpo ang kanilang landas sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, kakayanin ba ng pagmamahal ang bigat ng mga sugat, lihim, at takot? O huli na ang lahat para sa isang pamilyang isinilang mula sa isang gabing dapat sana’y nakalimutan?
Romance
10398 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Martina : Love and Lies

Martina : Love and Lies

Rubye GT
Lumaki at nagkaisip si Martina na palagi nang naroon sa kanyang tabi si Jethro. Ayon dito, ay ito raw, at ito lamang, ang tanging lalaking nakalaan para sa kanya. At pinatunayan naman iyon ng binata, hindi lamang sa babaeng iniibig, kundi maging sa mga taong nakapaligid dito. Buong akala ni Martina ay pulos kilig at kaligayahan lamang ang hatid ng pag-ibig. Ngunit, mayroon bang pag-iibigang hindi sinusubok ng mapaglarong tadhana? Paano kung mga taong malalapit sa kanya ang gamitin nitong tauhan sa larong iyon. Kasabay ng pagkatuklas ng isang lihim na magpapabago ng kanilang mundo.
Romance
104.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Contract Marriage With The Billionaire CEO

The Contract Marriage With The Billionaire CEO

Si Mariel Dela Cruz ay isang simpleng babae na napunta sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan nang maging personal assistant siya ng malamig at makapangyarihang CEO na si Craig El Greco. ‎Sa likod ng pagiging ruthless billionaire, unti-unting nahuhulog si Craig kay Mariel—hanggang sa maging mapanganib na possessive na pag-ibig ang pagitan nila. ‎Ngunit may lihim ang nakaraan: ang Dela Cruz at El Greco ay may madilim na kasaysayan ng paghihiganti at pagbagsak ng pamilya. ‎Sa gitna ng galit, sekreto, at isang babaeng handang wasakin sila— ‎maaari bang manatili ang pag-ibig kung ang katotohanan mismo ang kalaban nito? ‎
Romance
9 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
REBORN AS A HEIRESS

REBORN AS A HEIRESS

Busilak ang kanyang puso. Mabuting anak at kapatid. Puno rin siya ng pangarap. Pero sa edad na beinte kuwatro, FAITH AVILA was diagnosed with lung cancer. Sa araw ng kamatayan ng dalaga, isang aksidente ang magpapabago ng kanyang tadhana... Magigising na lang siyang nasa katauhan ni FATE SY, an eighteen-year old heiress na biktima ng hit and run. Paano niyang haharapin ang mundong malayong-malayo sa kanyang nakagisnan? She must hide her identity just to survive. And she can't commit a forbidden love. Pero mapipigilan kaya niya ang pusong huwag tumibok sa taong pag-aari na ng iba?
Romance
104.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10945 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town

My Vegetative Husband is the Hottest Billionaire in Town

Mature Content! "Do you want to divorce your useless husband and be with me instead?" Ang baritonong boses na iyon mula sa kaniyang likuran ay nagpatinding ng kaniyang balahibo. Tila muling nabuhay ang katawang lupa ni Adeline nang marinig muli ang boses na iyon. Pumikit siya, dinama ang init ng hininga ng estranghero hanggang sa nahagip ng kaniyang tingin sa pamilyar na tattoo sa ilalim ng pulsuhan nito. Takot ang lumukob sa kaniyang pagkatao, natabunan ang init na nararamdaman. Mabilis siyang humiwalay sa lalaki habang tinatambol ng kaba ang kaniyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang nakatitig sa itim na mga mata ng lalaking tila lalamunin siya ng buhay. "I-Ikaw?" Ngumisi ang mapula nitong mga labi, "Hello, my beautiful wife. Fancy seeing you here." *** Sa ngalan ng paghihiganti, nagpakasal si Adeline sa isang lalaking nakaratay. Ang tanging gusto niya lamang ay mabigyan ng hustisya ang dinanas niya sa kamay ng dating asawa at stepsister. Maayos sana ang lahat kung hindi lamang siya ginugulo ng isang misteryosong lalaki na nakasiping niya sa gabi ng kaniyang kasal. Dumagdag pa ang gulo nang biglang magising ang kaniyang asawa. Adeline was so confused but she knew she would choose the right path. Ang tama ang pipiliin niya pero isang sikreto ang biglang sumabog sa kaniyang harapan na nagpagulantang sa kaniyang buong pagkatao.
Romance
1074.8K DibacaOngoing
Tampilkan Ulasan (11)
Baca
Tambahkan
Justforkikay
I highly recommend this story sa mga naghahanap ng plot na revenge sakitan.. maganda sya at nakuha ni author Ang interest ko. mapapaisip ka nalang sa bawat chapter. maganda Ang daloy ng plot so far sa mga nababasa ko hindi Ako naboringan....
NJ
Happy 1.2k views!!!!! Thank you po sa bumabasa at nagbibigay ng gems! Patuloy pa po nating suportahan ang kwento nina Drake at Adeline dahil marami pang pasabog sa mga susunod na kabanata. Ihanda ang sarili sa nakakakilig, nakakagigil, nakakaiyak at nakakatuwang mga susunod na eksena! Happy Reading!
Baca Semua Ulasan
A Stolen Night of Seduction

A Stolen Night of Seduction

BabyblueAye
Para sa kaniyang inang may sakit, kinailangan ni Kaia na maghanap ng trabaho na makakatulong sa kaniyang humanap ng malaking pera para sa pagpapagamot ng kaniyang ina. Kahit na masira pa ang kaniyang buong pagkatao, gagawin niya kumita lang ng pera na makakatulong sa kaniya sa pagpapagamot ng kaniyang Nanay. Seduction is the only key to success. Pero makakaya kaya niya kung kainosentehan ang namamayagpag sa kaniyang isipan? Magtatagumpay kaya siya sa balak niyang gawin na nakawin ang puso ng lalaking alam niyang mahirap paamuhin?
Romance
975 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?
Romance
3.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET

EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET

itsmeaze
Si Arielle Natividad o mas kilala bilang AGENT RED, ay isang miyembro ng JUSTICE CREED. Ang samahang kinabibilangan niya ay konektado sa mga Government Agencies na nagpapatupad ng kaayusan sa bansa kagaya ng mga Police at NBI Agents. Dahil sa pagiging mainipin nito ay muntikan ng mapahamak ang mga kasama niya sa isang mission. Kaya napagpasiyahan ng mga nasa higher ups na bigyan siya ng sariling mission bilang parusa—EXPOSING THE BILLIONAIRE'S SECRET. Nagpanggap siya bilang tatanga-tanga na babae. Sa pagpapanggap na iyon ay nalaman niya ang natatagong pag-uugali ng lalaki—ni Ace Raiden Benedict. Mailap at masungit ito ayon sa deskripsiyon ng iba ngunit para sa kaniya, ang lalaki ay isang arogante at mahilig makipagbangayan sa kaniya. Ano kaya ang mangyayari sa kaniyang mission? Ano nga ba ang itinatago na sekreto ng bilyonaryong lalaki?
Romance
101.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status