Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Destined to be Mr. CEO’s Wife

Destined to be Mr. CEO’s Wife

Si Chloe ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang sa isang Matandang negosyante matapos matalo sa sugal ang kaniyang mga magulang. Pilitin man niya ang kaniyang sarili ay hindi makaya ng kanyang sikmura ang makasama si Valentino ng dahil lamang sa kasalanan ng kaniyang mga magulang. Hanggang mag krus ang landas nila ni Riley at mabuo ang kanilang isang gabing pinagsaluhan. Tumakas si Chloe sa kasal nila ni Valentino Rosso sa tulong ng kanyang kaibigang si Kean, ngunit dahil sa kahihiyan ay sinundan siya nito sa ibang bansa at nag eskandalo sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Dumating naman si Riley para ipagtanggol niya si Chloe sa mga magulang nito at kay Valentino. Abangan ang mga susunod na mangyayari sa pagitan ng mga magulang ni Chloe at mga gulong ihahatid nito ng dahil sa pagpili ni Chloe na manatili sa piling ni Riley .
1020.5K viewsCompletedAdded to Library 759 Times as xie xie ni
Read
+Library
Sa Kama ng Diablong Bilyonaryo

Sa Kama ng Diablong Bilyonaryo

"Now that you are property, you will do anything I say. Now, undress!" Inakala ni Celestine Roselli na sa pagkamatay ng kaniyang asawa na si Rolando ay makukuha na niya ang yaman nito at makakasama ang kaniyang lihim na kasintahang si Jasper. Ngunit ang hindi niya inasahan ay ang pagdating ng bilyonaryong sing-sama ng diablo, si Roman Valezarte. Labag man sa loob ni Celestine ay wala siyang nagawa nang naisin siyang angkinin ni Roman, dahil kung hindi siya susunod sa nais nito ay tiyak na kamatayan ang kaniyang sasapitin. Ano nga ba'ng magagawa ni Celestine kasama ang diablong bilyonaryo? Makakatakas kaya siya rito?
9.21.7K viewsOngoingAdded to Library 33 Times as xie xie ni
Read
+Library
His Brother's Wife

His Brother's Wife

Angelo "Ang" Rodriguez is a broken man, matapos mawala ang babaeng pinakamamahal ay tuluyan nang nagbago ang binata maliban pa sa nangyari sa pinakamamahal nitong kapatid na si Anthony ngunit isang bagay ang hindi matanggap ng binata at iyon ay ang asawa ni Anthony na si Miranda Sandoval, ang gold digger na babaeng pinakasalan ni Anthony ng nasa US pa ito at gagawin ni Ang ang lahat para mawala ang naturang babae sa buhay nila ngunit ang hindi inaasahan ni Ang ay ang mahulog ang loob sa naturang babae sa babaeng apat na beses nang kinasal.
926 viewsOngoingAdded to Library 31 Times as xie xie ni
Read
+Library
Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Rouzan Mei
Hindi inaasahan ni Yorzuana Ghitt na ibebenta siya ng kaniyang mga magulang sa isang lalaki kapalit ng bilyon-bilyong halaga. Naisipan lang na bilhin siya ni Roger Mizores dahil sa pagnanasa niya rito at walang halong pagmamahal sa dalaga. Ngunit sa kabila ng pagiging matigas na puso ni Roger, paninilbihan ang isinukli ni Yorzuana sa kaniya hanggang sa magsawa ito dahil sa pag-amin ng binata na binili lamang niya ito. Nasaktan, nagpakamatay ngunit muling babangon. 'Yan ang nangyari kay Yorzuana nang hindi niya inaasahan. May magagawa ba si Roger para sa dalaga?
5.5K viewsOngoingAdded to Library 191 Times as xie xie ni
Read
+Library
CEO's Missing Heir  ( Diary of a Prostitute)

CEO's Missing Heir ( Diary of a Prostitute)

Hindi matatanggap ni Tyler ang biglaang pagkamatay ng kapatid niya habang nasa malayo siya, ang guilt at bigat ng kalooban dahil sa isang pagkakamali sa kapatid noon, ay labis na nagpahirap pa sa kanya. Ngunit ang lalong labis na nagpabigat ng saloobin ni Tyler ay ang huling kahilingan ng kapatid bago ito lagutan ng hininga, halos hindi makapaniwala si Tyler na ang ipapakiusap ng kapatid ay ang pakasalan niya at alagaan ang babaeng kalaguyo nito. Paano matatanggap ni Tyler na ang nais ng kapatid niyang pakasalan niya ay bukod sa kabit na nito, ay babaeng bayaran pa. Pero ang kasalanan sa kapatid na halos naging bangongot sa gabi-gabi ni Tyler ang nagtulak sa kanya para mangako sa kapatid. Ipinahanap ni Tyler ang babae para bigyan ng offer ng malaking halaga upang pakasalan pero hihiwalan din matapos lamang ang isang taon. Ngunit sa kanyang pagiimbestiga ay nalaman ni Tyler na ang lahat ng ari- arian ni Theona kanyang kapatid ay isinalin nito sa babaeng kalaguyo, kaya pinagisipan ng hindi maganda ni Tyler ang babae at pinagbintangan na may kinalaman sa pagpapakamatay ng kapatid niya. Samantala, Si Erika ay naman handang gawin ang lahat mabuhay lamang si "Dos" lahat ay gagawin niya kahit pa ang ibenta ang kaluluwa.Tahimik na silang namumuhay mag ina. Isang beses man silang kumain sa isang araw ay ayos lang basta ang mahalaga ay magkasama sila at maayos ang anak. Pero hindi akalain ni Erika na guguho ang mundo niya isang araw nang sumulpot ang isang lalaki at nagpakilalang kapatid ng ama ng kanyang anak. "Kung balak nitong kunin ang anak niya ay maghahalo ang balat sa tinalupan. Hindi siya papayag na ilayo sa kanya si "Dos"
105.7K viewsCompletedAdded to Library 176 Times as xie xie ni
Read
+Library
Bastarda Series-||: Love in the time of CHAOS

Bastarda Series-||: Love in the time of CHAOS

Isang pagkakamali ang nagawa ni Aria ng gabing iyon. Hindi sapat ang kinikita niya bilang janitress sa isang fastfood chain, kasabay ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Dahil sa kahirapan ng pamumuhay ay nagawa niyang tanggapin ang alok sa kanya ng kapit bahay niyang nagtatrabaho sa club, dahil kailangang maoperahan ang kaniyang tatay sa lalong madaling panahon. Hindi lingid sa kaalaman ni Aria na isa s'yang ampon, natagpuan na lang ito ng pamilyang kumopkop sa kanya noong sanggol pa lamang ito sa tabi ng dalampasigan noon. Hindi nito alam na ang lalaking kumuha ng serbisyo nito ng gabing iyon ay maimpluwensyang tao likas na mayaman at tinitingala ng lahat. FUCKLERS DAX MONTEFALCO 25year old isang multi billionaire at businessman ng bansa na nilagyan ni Aria ng sleeping pills ang iniinum nitong alak upang hindi makuha nito ang matagal na n'yang iniiangatan pagkakababae. Sa edad ni Aria na 20 year old ay wala pa itong nagiging karelasyon kaya ganun na lamang ang pag-iingat nito sa kanyang sarili. Paano kaya matatakasan ni Aria ang lalaking pilit syang hinahanap upang maparusahan sa pagkakasalang panloloko nito sa lalaki? Sana inyo pong subaybayan ang kwento nila Mr. Fucklers Dax Montefalco at ni Aria Zelle Celedonio sa LOVE IN THE TIME OF CHAOS Bastarda Series-two akda ni J.C.E CLEOPATRA.
105.3K viewsCompletedAdded to Library 111 Times as xie xie ni
Read
+Library
Married to the Brokenhearted Billionaire

Married to the Brokenhearted Billionaire

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Eliana “Yana” Ledesma. Biglang namatay ang ama, at lahat ng ari-arian nila misteryosong napunta sa kanyang malupit na madrasta. Pinalayas siya at ilang araw syang nagpalabuy-laboy sa kalsada. Isang gabi, muntik na siyang mapahamak… Mabuti na lang ay nailigtas siya ng isang estranghero. Si Adrian Villaverde. Siya ang kasalukuyang CEO ng Villaverde Group. Isang bilyonaryong laging nasa front page ng dyaryo. Hindi lang dahil sa galing niya sa negosyo kundi dahil sa misteryong bumabalot sa pagkawala ng dati niyang asawa na si Leira. Habang nakikituloy si Yana sa puder ni Adrian, nagulat siya nang bigla itong nag-abot ng kontrata na kailangan nilang magpakasal. Hindi kailangan magkaroon ng seremonya, sex, o kahit damdamin man lang. Sa papel lang talaga. Pero habang tumatagal ang pananatili niya sa mansyon, mas dumarami ang tanong kaysa sagot: Pinili ba sya ni Adrian pakasalan dahil kamukha niya ang ex-wife nito? Ano ba talaga ang dahilan ng biglaan na pagkawala ni Leira? At bakit sa bawat kilos ni Adrian, parang may pinipigilan itong sabihin? Kasabay ng paglalapit ng loob nila ni Adrian, isang bagay ang hindi maikaila ni Yana… Mas dumadami ang mga tanong kaysa sagot. Kailangan niyang maging mapagmatyag kung gusto niyang makasiguro na ang lalaking pakakasalan niya ay hindi isang halimaw na nagpapanggap lang.
452 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as xie xie ni
Read
+Library
Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare

Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare

Si Samantha Gomez ay bunga ng isang pagkakamali—isang "bastarda" sa mata ng kanyang mayamang ama. Pinabayaan siya kasama ng ina na may karamdaman. Sa gitna ng hirap at pang-aapi ng kanyang madrasta, ang tanging tumulong sa kanya ay ang kanyang Ninang Amanda—ang matapang na CEO ng Soliven Holdings. Dahil sa utang na loob, ibinuhos ni Samantha ang buong oras niya sa pagtatrabaho bilang executive secretary nito. Ngunit may isang malaking problema sa maayos na niyang buhay—si Enrico Soliven. Si Rico ang nag-iisang tagapagmana ng mga Soliven—gwapo, matalino, pero isang spoiled brat at playboy na walang ibang ginawa kundi bwisitin ang araw ni Samantha. Lumaki silang turingan ay magkapatid, pero sa bawat mapanuksong tingin at lapit ni Rico, unti-unting nahuhulog ang loob ni Samantha—isang bagay na pilit niyang pinipigilan. ​Habang pilit na inaabot ni Samantha ang kanyang pangarap at ang atensyon ng kanyang "dream boy" na si James, lalo namang nagiging mapang-angkin si Rico. Sa likod ng mga asaran at tensyon, may mga lihim na pilit itinatago ang kanilang mga pamilya—mga katotohanang maaaring sumira sa tanging pundasyong pinanghahawakan ni Samantha. ​Sa mundong puno ng kataksilan at panlalait, paninindigan ba ni Rico ang pagiging "sutil" para makuha ang puso ng kanyang kinakapatid? O mananatili silang bilanggo ng nakaraang pilit silang pinaghihiwalay?
118 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as xie xie ni
Read
+Library
A Billionaire's Confession

A Billionaire's Confession

Janvir Neo Dela Fuente- isang multi-billionaire businessman at isang mafia. Suplado pagdating sa mga babae at mainitin ang ulo. Shin Madeleine Andrada- isang mahirap na single mom na mamasukan bilang maid ng mga Dela Fuente. Laging pinag-iinitan ng ulo ni Janvir si Shin dahil sa kagagawan ng kasamahan nyang maid at sya ang laging pinagmumukhang may kasalanan na umabot pa sa puntong sinuspende sya ng kanyang amo. Kasabay ng kanyang suspension may hindi inaasahan na mangyayari na sya mismo ang makakakita. Malalaman ni Janvir ang tungkol sa sitwasyon ni Shin kaya mas lalo itong nagalit nang malaman nyang may anak si Shin at iisipin nyang gagamitin lang sya ni Shin para buhayin silang mag-ina. Umalis si Janvir ng bansa para kalimutan ang mga nangyari. Habang wala si Janvir sa bansa, mababago ang takbo ng buhay ni Shin. Hindi nagtagal bumalik si Janvir ng Pilipinas. Magkikita ang dalawa nang hindi inaasahan . Marerealize ni Janvir na mahal pa nya ang dalaga kung kailan hindi na sya kilala ng puso at isip nito. Bibigyan kaya ng tadhana ang dalawang puso na nawalay ng matagal na panahon ? May pag-asa pa kayang mabuksan ni Janvir ang puso ng dalaga at maamin ang tunay nyang nararamdaman?
1012.9K viewsOngoingAdded to Library 515 Times as xie xie ni
Read
+Library
Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

Ex-Husband, Hindi Mo Ako Pag-aari

"Hinding-hindi ko na siya mamahalin!" Si Dexie Hansley ay ang nakamamangha at mapagmahal na asawa ni Luke Huxley Dawson, ang bata, kaakit-akit, at matagumpay na pinuno ng isang bilyong dolyar na kumpanya. Sa kabila ng pangako ni Dexie kay Luke Huxley Dawson, hindi niya kailanman natanggap ang pagmamahal at atensyon na kailangan niya mula sa kanya bago ang kanyang hindi napapanahon at trahedya na pagpanaw. Matapos makakuha ng pangalawang pagkakataon sa buhay, kinumpleto ni Dexie ang diborsyo at tinapos ang kanyang isang panig na relasyon kay Luke Huxley Dawson. Gayunpaman, ang desisyong ito ay nag-trigger ng pagbabago kay Luke Huxley Dawson, na ngayon ay lantarang lumalaban sa kanyang nakaraang pag-uugali. Maisasaalang-alang pa ba ni Dexie na bigyan ng isa pang pagkakataon si Luke Huxley Dawson na mabawi siya? Ano ang mangyayari kapag sinubukan ni Luke Huxley Dawson na bawiin siya?
69.7K viewsCompletedAdded to Library 272 Times as xie xie ni
Read
+Library
PREV
1
...
2021222324
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status