Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

Limang taon nang asawa si Dr. Vera Almonte ni Riley Garcia, ngunit sa buong panahon ng kanilang pagsasama, palagi siyang pangalawa. Sa bawat gabi at sa bawat katahimikan ng kanilang bahay, malinaw na may isang babaeng hindi niya kailanman kayang palitan—ang unang babaeng minahal ng kaniyang asawa, si Carla Mendoza. Sa mismong kaarawan ni Vera, nalaman niyang siya’y buntis. Inakala niyang iyon na ang magiging dahilan para sa wakas ay piliin siya ni Riley. Ngunit bago pa man niya maibahagi ang balita, isang mas masakit na katotohanan ang dumurog sa kaniya—buntis din si Carla, at iisa ang ama ng mga batang iyon. Doon niya napagtanto na kailanman ay hindi siya naging tunay na asawa, kundi isang pansamantalang kapalit lamang. Pinili ni Vera ang paglayo. Nag-file siya ng annulment at ipinadala iyon kay Riley, upang hindi na siya maging sagabal sa pagmamahalan ng dalawa. Nilihim niya ang sariling pagbubuntis upang protektahan ang sarili at ang anak na pilit niyang ipinaglaban. Ngunit hindi lahat ng lihim ay nananatiling ligtas. Sa takot na maagaw si Riley, sinira ni Carla ang tanging bagay na natitira kay Vera. Sinagasaan siya nito, at sa isang iglap, nawala ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Nang magising si Vera sa loob ng ospital, isang lalaking hindi niya inaasahan ang nadatnan niyang nagbabantay sa kaniya—si Rico Garcia. Ang nakatatandang kapatid ni Riley. Isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay kumuha ng gusto niya, at ngayon, ginamit niya ang kapangyarihan niya upang protektahan si Vera. Isang kontratang kasal ang inalok ni Rico. Kapalit ng proteksyon, si Vera ay magiging kanya—sa pangalan, sa buhay, at sa mundong hindi na niya maaaring talikuran. Ngunit sa isang kasal na itinayo sa galit at paghihiganti, hanggang saan hahantong ang lahat kapag minahal ka ng lalaking handang wasakin ang sarili niyang kapatid para sa ‘yo?
1014.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 380 kali sebagai y'ami
Tampilkan Ulasan (26)
Baca
+Pustaka
ArtofPollyanna
Interesting plot. Akala ko magiging sila ng lalakeng minahal niya. Hindi naman siya deserve ng lalakeng yon. Mabuti nang mapunta siya sa tulad ni Rico. Maganda yung may pa cliff hanger kaya for sure mapapaisip ang mga readers kung anong mangyayari sa story na 'to. Highly recommend ...
Duskara Morvane
Hi, guys. Available na po ang stand-alone story nina Sam at Daddy GAB. Pwede kayong direct na magbasa roon. Check niyo lang sa profile ko. Ito ang title: 𝗜𝗡 𝗕𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗦𝗖𝗨𝗠𝗕𝗔𝗚 𝗛𝗨𝗦𝗕𝗔𝗡𝗗'𝗦 𝗥𝗨𝗧𝗛𝗟𝗘𝗦𝗦 𝗙𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 (𝗦𝗣𝗚) Maraming-maraming salamat! 🤍
Baca Semua Ulasan
AUDITION FOR HER BED

AUDITION FOR HER BED

Si Nosgel Jademara Francisco, dalawampu’t walong taong gulang, ay hindi naniniwala sa salitang "pag-ibig." Ang kanyang mundo ay umiikot lamang sa tatlong bagay: kasunduan, kontrol, at salapi. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng malawak na yaman at ang punong tagapamahala ng Vance Industries. Sa kanyang silid-tulugan at saanman siya magpunta, iisa lamang ang kanyang batas: Siya ang laging masusunod. Dahil dito, nagpagawa siya ng isang anunsyo na kumalat sa buong siyudad: "Nagpapahanap ng Lalaki. Taas: 6 talampakan pataas. Lakas at tibay: Buong gabi. Katapatan: Walang pasubali. Pagkasira ng Puso: Maaaring mangyari." Hindi naghahanap ng kasintahan si Nosgel. Ang kailangan niya ay isang ari-arian—isang lalaking magsisilbi lamang sa kanyang kagustuhan at magpapasaya sa kanyang katawan Hanggang sa dumating si Gabriel Hawthorne, dalawampu’t anim na taong gulang, ang lalaking tila pinakadesperado sa lahat ng nag-aplay. Gwapo, matapang ang tingin, at tila mayaman kung kumilos kahit na ang totoo ay lugmok siya sa utang. May limampung milyong piso siyang kailangan—isang halagang handa niyang ibigay kahit anong mangyari—para sa kanyang dating kasintahan na si Scarlet Merry, na umano’y dumaranas ng malubhang sakit na leukemia. Pumirma siya sa kontrata nang walang pag-aalinlangan. Hinubad niya ang kanyang damit at dangal. Mula sa araw na iyon, pag-aari na siya ni Nosgel... katawan man o kaluluwa. Ngunit dito nagsimula ang gulo Binili niya ang katawan nito upang punan ang kanyang pag-iisa at lamunin ang kanyang pighati. Ngunit paano kung sa paglipas ng panahon, ang gusto na niyang angkinin ay hindi na lamang ang katawan nito... kundi pati na rin ang pusong matagal nang hindi umiibig? AUDITION FOR HER BED Binili niya siya upang makalimot. Ibinenta niya ang sarili para sa isang sinungaling. Ngunit ano ang mangyayari kapag ang may-ari ay nagsimulang mahulog sa kanyang sariling pag-aari?
10107 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 3 kali sebagai y'ami
Baca
+Pustaka
TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

Jessica Adams
BOOK 1: TIMELESS ONES Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya? BOOK 2: JOURNEY TO FOREVER Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba. BOOK 3: UNBROKEN VOW Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusi'y posible ring masira?
9.5K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 274 kali sebagai y'ami
Baca
+Pustaka
One Night, Bound Forever (SPG)

One Night, Bound Forever (SPG)

‘Isang gabi. Isang babae. Isang pagkahumaling na nagpabagsak sa pinakawalang-awang boss ng mafia.” Si Kristoff Ortega ay hindi lang isang pangalan; isa itong batas sa madilim na mundo ng mafia. Siya ang hari—malamig, kalkulado, at walang sinumang nabubuhay na nangahas sumuway sa kanya. Ang buhay niya ay nakaayos sa tatlong bagay: kapangyarihan, pera at ang takot na ibinibigay niya sa lahat. Sanay siyang nakukuha ang lahat, at ang mga babae para sa kanya ay mga pampalipas-oras lamang. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago sa isang gabi. Sa isang pagkakataon na hindi niya inaasahan, nakasama niya ang isang misteryoso at napakagandang babae, si Paola. Hindi siya katulad ng iba; may tapang sa kanyang mga mata, isang apoy na tila hindi natitinag sa reputasyon ni Kristoff. Para sa kanya, ang gabing iyon ay dapat sana’y isa lang sa marami—gagamitin at iiwanan. Ang pagnanais na iyon ay mabilis na naging isang mapanganib na pagkahumaling (obsession). Si Kristoff, na laging sanay na siya ang may kontrol, ay nagsimulang maging pabigla-bigla. Ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang hanapin si Paola, na tila naglaho sa mundo. Ang pagkawala nito ay isang direktang sampal sa kanyang pagkalalaki at kapangyarihan. Nang sa wakas ay muli silang magkrus ng landas, natuklasan niyang ang babae ay may sariling mga sikreto—mga sikretong maaaring ikapahamak nilang dalawa. Dito nagsimula ang tunay na labanan ng kapangyarihan. Habang sinusubukan ni Kristoff na ikulong at angkinin ang babae sa ilalim ng kanyang dominasyon, mas lalo itong lumalaban. Ang bawat pagtanggi ng babae ay lalong nagpa-alab sa kanyang simbuyo ng damdamin, na humila sa kanilang dalawa sa isang mapanganib na laro ng pag-ibig, selos, at panganib. Ang babae ay naging ang kanyang kaisa-isang kahinaan—isang bagay na natutunan gamitin ng kanyang mga kaaway laban sa kanya.
9.82.5K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 75 kali sebagai y'ami
Baca
+Pustaka
Begging for Love

Begging for Love

Blurb: Mariemar Martinez isang simpleng dalaga na puno ng pangarap sa buhay. Ngunit sa kabila ng taglay na kabutihan at ganda isa sa pangarap ng dalaga ay mahalin ng pamilyang kinabibilangan n’ya. Handa si Mariemar gawin ang lahat makamit lang ang pagtanggi sa pamilyang ni minsa’y hindi siya binigyang halaga. Maging lahat ng kanyang mga ginawa at nagagawa. Hanggang saan kayang ibigay ni Mariemar ang pag ibig na wagas para sa pamilya at sa lalaking natutunan na ng puso n’yang itanggi kahit pa sa una palang ay binawalan na siya at naitinala na sa kasunduan na walang pupuntahan ang pag-ibig na yun?. Mahahanap ba ni Matiemar ang daan para makalaya ang puso n’ya sa sakit at makamit nga kaya ang matagal n’yang ninanais?. Arthes “Azul” Hermoso bunsong anak ni Hayes Hermoso at si Sharina Hermoso taliwas sa isang anak ng mag asawang Hermoso ang gawi ni Arthes. Isang malamig at walang buhay na binata na ito mag mula ng iwan ng nobya na Erra Marco dahil sa mga isyu at pangarap sa buhay. Noon ay isang playful at buhay na buhay ang isang Azul ngunit dadalhin si Azul sa isang kasunduan na mas magbibigay ng gulo sa isip, puso at buong sistema niya. Gagawin ni Azul ang lahat upang mabawi si Erra sa kahit anong paraan para sa isang Azul ang naka plano na noon pa ay kailangan maisakatuparan kaya walang puwang ang bagong damdamin.Pipiliin kaya ni Azul ang paninindigan o susundin niya ang tunay na nararamdaman?. Mababago ba ng pagdating ni Mariemar ang matagal ng plano o mananatiling nanlilimos lamang ng pag ibig ito?. Samahan natin ang isa sa mga anak ng mag asawang Hermoso. Mahanap kaya nina Arthes at Mariemar ang ligaya na tulad ng tinatamasa nina Sharina at Hayes?
107.8K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 187 kali sebagai y'ami
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
394041424344
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status