Lucky Me, Instant Daddy
Sa likod ng inakala niyang perpektong buhay ay may nakatagong, 'galit, inggit at kasakiman' na rason kung bakit siya ay naulila. At ngayon, kailangan niyang magpakasal upang ma-isalba ang kumpanya na tanging alaalang naiwan ng kaniyang mga magulang.
Sa itinakdang araw ng kanilang kasal ay saka niya nalaman na ang lalaking ipinagkasundo sa kan'ya ng abuela ay ang lalaking lihim niyang minamahal.
Mabubuntis si Fern ngunit hindi sa kaniyang asawa– Kun 'di sa lalaking nais na sana niyang kalimutan. Dahil do'n ay nalaman niyang pinagtataksilan siya ng asawa at kaniyang matalik na kaibigan.
Zarina Fern Samañiego-Arceta, sa kaniyang pagbabalik ay siyang pagku-krus nila muli ng landas ng taong ibinaon niya sa limot.
Sa kanilang muling pagtatagpo ; Asawa, kaibigan at nakaraan. Kanino ang may mas nakakagulat na rebelasyon?