Share

Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid
Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid
Author: Chelle

Chapter 1

Author: Chelle
last update Last Updated: 2025-02-28 22:02:52

Chapter 1

"Sabi nila bahay ang lilinisan ko at nag-iisa lang ang magiging amo ko. Whooah! Parang palasyo naman ang laki ng bahay na ito. Baka kahit isang araw hindi ko matapos linisin ang buong bahay. Magkandaligaw-ligaw pa ako. Baka tigok ang abot ko nito," bulalas ko.

"Nagrereklamo ka ba?"

"Huh? Sino ang nagrereklamo?" tanong ko agad. "Hindi pa nga nagsisimula ang laban, susuko na ako? Para sa pamilya ko ang laban na 'to." Sabay lingon ko sa nagsalita, nagulat at napatulala pa ako.

"Follow me!" ma-awtoridad na sabi ng poging lalaki na ito. Siya ba ang amo ko?

Naupo ito sa upuan niya. Parang opisina siguro niya ito. Ako naman ay nakatunganga lang.

"Sit!"

"Saan po sir?" kabado niyang tanong.

"Damn!" nainis na yata ang poging ito. "Mamili ka sa apat na upuan na nasa harapan ko kung saan mo gustong umupo! Don't waste my time, baka masesante kita agad!" iritadong sabi ni pogi.

Nagulat ako, ito pala ang magiging boss ko. Napanganga ako, excited tuloy akong magtrabaho dito dahil araw-araw may yummy akong makikita.

"Stop staring at me, woman!" pagalit na sabi nito. Napahilot pa sa sentido niya. "Can you tell me about how you usually handle things around the house?"

"Eh, sir, pwede pa-translate sa Tagalog po?" kimi ko na tanong.

"Masipag at marunong ka ba sa gawaing bahay? Ayaw ko ng tatamad-tamad na kasambahay. Ayaw ko sa kasambahay na hindi marunong sumunod sa bawal at hindi bawal sa loob ng pamamahay ko. Naiintindihan mo ba?"

"Wala akong inuurungan na trabaho, sir. Kailangan ng taga-linis ang palasyo na ito. Kailangan ko rin ng pera kaya give at take lang tayo. Kung kinakailangan mag-ala Wanda ako para mahukos-pukos ko ang trabaho ko sa napakalaking bahay na ito, gagawin ko, sir! Ituturing ko na parang bahay ko na ito, sir. At kung sino man ang burara at makalat, ako mismo ang sisisante sa kahit sino. Kahit ikaw pa, sir, kahit sino ka man," sagot ko agad.

Nakita ko itong nakakunot ang noo. "Are you done?" seryoso nitong tanong sa akin. "Makakaalis ka na,"

"Tanggap na ba ako, sir?" tumili ako kahit wala pang sagot.

"Not yet! I-training ka na muna ni Manang ng isang linggo. Siya na bahala sa'yo. Makakalabas ka na!" pagsusungit ng magiging amo ko.

Nawala ang excitement niya. Kailangan niyang pagbutihin ang trabaho niya para magustuhan siya ni sir at si Manang. Sana makuha niya ang kiliti nila.

"Manang, nagtatrabaho po ba kayo dito?" magalang kong tanong.

"Hindi. Taga-sita lang ako dito, taga-bantay sa mga tamad na katulong, taga-turo ng mga gawaing bahay, at sermon sa mga malalanding katulong," istrikta nitong sagot sa akin.

"Ang ganda naman po ng trabaho ninyo dito, Manang. May ganito pa lang trabaho dito?" kimi kong sabi.

May naalala ako kaya nagtanong ulit ako.

"Ahm... Manang, ano po ang trabaho ko dito?" alanganin ko pa na tanong.

"Ano ba ang in-applyan mong trabaho? Hindi ba katulong? Ano ba trabaho ng katulong dito?" mataray na tanong ng matanda.

"Taga-linis po ng bahay, taga-laba, taga-luto, taga-hugas, taga-walis, taga-palengke, at taga-bantay ng amo kapag may ginawa siyang masama sa sarili," dagdag ko pa sa huli. "At kung may bata, aba Manang, kalabisan na iyon. Magiging wonder robot na ako niyan," sabi ko pa.

"Hindi ka pa nga nagsisimula, nagrereklamo ka na!" napapitlag ako sa nagsalita na pumasok sa loob ng kusina. Si sir, sungit pala.

"Good afternoon, Sir," bati agad ng matanda.

"Wala pong nagrereklamo dito, sir. Sir, yes sir!" sabay salute ko pa. Natigil lang ako nang kalabitin ako ng matanda.

Napayuko naman ako agad nang makita kong masamang tingin ang ipinukol ng amo ko sa akin.

"Buy me food, I'm hungry!" pasupladong utos nito sa akin.

"Saan po ako bibili ng food, sir?" tanong ko. Pero tumalikod na ang amo namin. Naglakad palabas ng kusina.

"Sa fast food restaurant diyan lang sa labas. Paglabas mo ng mansyon, pakaliwa ka lang at makikita mo na ang fast food restaurant," marami pang sinabi sa akin bago ako umalis para bumili ng pagkain ng amo namin.

'Kabago-bago ko pa lang dito, ito na agad ang unang utos ng masungit kong amo. Hindi ko pa nga alam ang pasikot-sikot dito eh.' nag-maktol ang isip ko.

Nagmadali na akong nagtungo sa gate. "Gosh... Wala bang bike dito para makarating agad sa gate? Aba, ang layo ng nilakad ko mula sa mansyon, ah. Bweisit na 'yan!" reklamo ko pa.

Kaliwa raw, sabi ni Manang. Pero nagtanong na lang ako sa nakita kong security guard. Tinuro naman nito agad. Nakahinga ako ng maayos dahil malapit lang pala talaga ang bilihan ng pagkain.

Maraming tao ang nakapila kaya pumila na rin ako. Sana lang 'wag magsungit ang amo ko kapag matagal ako dito dahil mahaba ang pila.

Nang ako na ang bibili, sinabi ko agad ang order ko. Nagtaka ako kung bakit number ang binigay nila. Ako naman si tanga, agad na lumabas ng fast food restaurant bitbit ang number na ibinigay ng cashier.

Umuwi akong mansyon na nagtataka dahil wala naman akong ideya sa pagbili ng pagkain sa mga ganitong fast food restaurant. Tamang karenderya lang kami kumakain ng mga kapatid ko. Kahit si Honeybee at Clown, hindi pa namin napasukan ito, pa kayang restaurant na ito.

Pagpasok ko sa kusina, nadatnan ko roon si Manang na mukhang nagluluto na.

"Oh, ang bilis mo naman, eneng?" takang tanong nito sa akin.

"Eh, ito lang po kasi ang binigay ng cashier number lang. Anong gagawin ko sa number, Manang? 'Yong order ko pagkain tapos ito ang ibinigay ng cashier," simangot ko.

"What the... idiot!" sigaw ng amo ko. "Ipapakain mo sa'kin ang table order number na 'yan? Where's the food? Saang lupalop ka ba ng mundo at hindi mo alam ang simpleng pag-order ng pagkain? Fvck!" galit na galit na sigaw ng amo ko.

"Ito kasi ang binigay ng cashier, sir. Kaya umuwi na ako agad. Akala ko ganito 'yung kakainin mo... I mean akala ko i-deliver nila dito." natatakot kong sagot.

"Go take the food now, habang may pasensya pa ako sa'yo. Baka hindi kita matansya, papalayasin na kita agad dito! Fvck!" mura na naman nito.

Kaya nagmadali na akong bumalik sa fast food restaurant para makuha ang pagkain ng amo kong gwapo na may ubod ng sama ng ugali. Parang dinosaur, idagdag pa na mukhang kakain ng fresh na taong katulad ko. Nakakatakot.

Pagkuha ko sa order ng pagkain ay agad na rin akong umalis doon. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating lang sa mansyon agad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Helen Tuzon
hihihihihihihihihihihihihihi problemado c attorney pero pag tumagal tyak mas sakit ang bagsak mo attorney "SAKIT SA MATA SAKIT SA TYAN SAKIT SA UTAK SAKIT SA KUNSUMISYON SAKIT SA ULO "BABA/TAAS HIGIT SA LAHAT "SAKIT SA PUSO KC TYAK MA-I-INLAB KA SA KATANGAHAN NG KATULONG MO" KAYA HUMANDA KA NA ATTY
goodnovel comment avatar
Dolores Raza
hahahaha,, Ganda ng story
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Umpisa pa lang nakakatawa na,kwela .........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 140

    Chapter 140 Harrison "Don't you dare, Mom!" sigaw ko nang galit! Nagulat ang mga magulang ko. Napatayo pa silang dalawa sa gulat. Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko sa mga nalaman! "Anak!" sabay pa nilang sambit. Mukhang apologetic si Dad, si Mom no emotion. Lumapit ako sa kanila sa sala. Masama akong nakatingin kay Mommy na parang wala lang sa kanya ang narinig ko. "All this time, ikaw lang pala ang may kasalanan sa lahat kung bakit nagkasakit ang kapatid ko dahil sa kagagawan ninyong mag-asawa! Anong klase kayong mga magulang!" galit na sumbat ko. Uminit ang ulo ko sa narinig. Namula na rin ang mukha ko sa galit sa kanila! My God! "It's not my fault kung bakit naging mahina ang kapatid mo! Ang tanga kasi mamili ng lalaki! Kung sana nakinig siya sa akin..." "Bullsh!t!" sigaw ko. "Kung sana hindi mo siya pinakialaman, hindi sana siya humantong sa depression at kamuntik ng magpatiwakal! Kung hindi ka nanghimasok sa buhay ng kapatid ko! Masaya na sana siya ngayon! It's y

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 139

    Chapter 139 Margarita Emosyonal ang mga magulang ko nang makita ang kalagayan ko. Nagkwento ako tungkol sa nangyari sa restaurant, pati na ang pagkonpronta ko sa isang kusinera. "You mean sinabi niyang hindi ikaw ang nagpapasahod sa kanya? So sino ang nagpapasahod kung ganoon?" tanong ni Hershey. "Siguro dahil sa pagkakasampal ko sa kanya kaya binuko niya ang sarili niya. Si Tiffany raw ang nagpapasahod sa kanya." "Tiffany?" sabay-sabay na tanong ni Hershey at ang kanyang mga lolo’t lola. Si Harrison walang reaksyon, nakikinig lang, pero kita sa mga mata nito ang galit. "Oo. Ang bastos niya sumagot sa akin kaya nasampal ko siya. Kaya sinabi ko na last duty na niya sa araw na kinumpronta ko siya. Tapos ayon nga ang nangyari, biglang may sumabog sa kitchen area. Kamalas-malasan lang dahil bigla akong pumasok sa loob nang may naamoy akong sunog. Kaya ito ang nangyari sa akin. Parang na-karma ako agad sa pananakit ko sa kusinera na iyon," mahabang paliwanag ko. "Deserve niya

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 138

    Chapter 138Margarita Nagising ako na madilim na sa paligid. Naalala ko ang nangyari sa restaurant ko. Kinabahan ako na baka nasa langit na ako. "Ahhhh!" sigaw ko dahil sa dilim ng kapaligiran. Natakot ako na baka nasa loob na ako ng nitso. Maya’t maya, biglang sumakit na ang ulo ko. Napadaing ako sa sakit. May yumakap sa akin. Niyayakap ba ako ng Panginoon para pagaanin ang pakiramdam ko? Biglang gumaan ang pakiramdam ko sa yakap nito."Huh? Patay na ako?" bulong ko. Kinapa ko ang sarili ko. Buo pa naman ako. May katawan pa ako, hindi pa rin naman nabawasan ang boöbs ko. Maumbok pa rin. Ibig sabihin, buhay talaga ako. Hindi kasi tumagos ang kamay ko sa taong yumakap sa akin. Kinapa ko rin ang katawan nito. Buhay talaga ako. Thanks God, buhay ako. Hindi pa ako patay. "Shhh... It's me. You are safe now, Mahal!" Dahil sa malamyos na boses nito, mapayapa na naman akong nakatulog. Kinabukasan, nagising ako sa ingay sa tabi ko. Naramdaman kong may mga humahalik sa pisngi ko

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 137

    Chapter 137 Harisson "Let's go, mga anak, ihatid ko na kayo sa sasakyan. Sa bahay na lang muna kayo nila Lolo at Lola titira ngayon," sabi ko dahil wala yata silang balak tumayo sa tabi ng Nanay nila. "Gusto po namin dito, Daddy. Sama ikaw bantay kay Nanay," pakiusap ni baby Hollis. "Gusto namin dito, Daddy. Ayaw namin umalis tabi ni Nanay. Wala ikaw kasama dito po," segunda naman ni baby Molly. "Please po, Daddy," pakiusap pa nilang dalawa. "Lolo, Lola, sorry po, pero gusto po namin dito kay Nanay. Dito lang po kami tabi niya," sabi pa ni baby Hollis. "Hindi po kami aalis dito po," matigas na sabi ni baby Molly. Bumuntong-hininga na lang ako. Nakakaunawa naman sila, grandparents ko. Kaya tumango na lang sila. "Yakap na muna kayo kay Lolo at Lola, mga anak, dahil aalis na sila. Balik na lang ulit sila bukas dito," ibinaba ko na silang dalawa. Ayaw pa sana nila bumaba, kaso binuhat ko na silang sabay at ibinaba. Yumakap na sila at agad rin na lumapit sa kama ng Na

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 136

    Chapter 136 Harisson Iniwan ko na muna ang kaibigan ni Marga nang may kumatok na naman. Baka ang mga anak ko na ang dumating kasama ang mga lolo’t lola nila."Daddddyyyy!" sigaw ng kambal sabay takbo at yakap sa akin. Mabilis ko naman silang binuhat na dalawa at mahigpit na niyakap. Inalis na nila ang suot na mask sa mukha. Gumaan ang pakiramdam ko nang halikan nila ako sa pisngi. Lumambot ang expression ko at gumaan ang kalooban ko. They really are my therapists, my stress relievers, and my happiness. "I love you guys. I miss you both," masuyong sambit ko. "We love you too Daddy! We love Nanay too!" sagot nilang dalawa. Malapad akong napangiti. "Si Nanay po?" tanong ni baby Hollis, palinga-linga sa paligid. "I'm sorry mga anak kung nagsinungaling si Daddy. Ayoko lang na mag-alala kayo kay Nanay kaya dinala ko na lang kayo dito para ma-visit niyo si Nanay. Baka hinihintay niya kayo mga anak bago magising," mahinahon kong sabi sa kanila. Nag-iba agad ang expression ng muk

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 135

    Chapter 135 Harisson Limang araw na hindi pa rin nagigising si Marga. Hindi ko ito iniwan hangga't hindi ito nagigising. Tawag na rin nang tawag si Grandma dahil sa mga bata. Hinahanap na nila kami. And here they are again, tumatawag na naman sila. Kaya wala na akong choice kundi sagutin ang tawag nila. Private naman ang kwarto ni Marga, pwede ko silang dalhin rito para makita nila ang Nanay nila. Nahirapan na kasi akong magdahilan pa. "Daddddyyyyy!" rinig ko agad ang iyak ni baby Molly. Na-stress na naman ako dahil sa pag-iyak nila. "Sshhh... stop crying, baby ko," alo ko. "Bakit tagal-tagal niyo namang uwi, Daddy? Ayaw niyo na ba sa amin?" iyak nito. Nahabag na naman ako. Wala na naman akong ibang sinisisi kundi ang mga taong gumawa nito kay Marga! Damn it! Pagbutihin ninyong magtago dahil kapag nahanap ko kayo, ibabaon ko na kayo agad sa lupa ng buhay! "It's not like that, baby ko. We miss you so much. May hindi magandang nangyari lang kaya hindi pa kami makak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status