Tumingin nang mas malinaw si Bryan. Hindi siya puwedeng magkamali.Ang postura. Ang presensya. Ang malamig ngunit mabigat na tingin."Mr. Gold..." bulong niya, halos hindi makapaniwala."President Gold."Napalunok siya nang mariin, nanlamig ang batok."A-Ano pong ginagawa ninyo rito?" tanong niya, nanginginig na ang boses, tila may halong takot at pagpupugay.Tiningnan siya ni Richard. Isang tingin lang. Wala ni katiting na emosyon.Isang tingin na kayang durugin ang pagmamataas ng isang tao.Kinilabutan si Bryan.Bigla siyang tumayo. Pinagpag ang puwet, nag-ayos ng polo, tapos agad na yumuko."Ako po pala si Bryan Fuentebella... may-ari ng Fuentebella Holdings. Isang maliit na kumpanya sa city... isang karangalan po, Mr. President, na makita ang presidente ng Gold Prime Enterprises sa munting village na ito."BOOM."PRESIDENT NG GOLD PRIME ENTERPRISES?!" sigaw ng isang nakarinig.Parang nahulog sa kawalan ang lahat ng tao. Natahimik."Ano raw 'yon?!" tanong ng isa, nakakunot ang noo.
Sa puntong iyon, inilapag ni Fae ang dala niyang tray sa mesang malapit sa lilim ng puno. Maayos ang kilos at kalmado, para bang siya ang bida sa isang prime-time teleserye.Lumapit siya kay Richard at mahinang nagtanong, "Anong nangyayari rito?"Ngumiti si Richard, bahagyang umiling. "Dumating na 'yung mga tao. Maya-maya pa magsisimula na ang meeting."Tumango si Fae. "Sige, babalik muna ako, malapit nang matapos 'yung niluluto." Ngumiti siya at tumalikod na.Ngunit bago siya tuluyang makaalis..."Miss, teka!"Napatigil si Fae at lumingon, magalang na nginitian ang tumawag. "Bakit po?" tanong niya, inisip na isa lamang itong villager ng Gold Village.Pak! Parang tinamaan ng kidlat si Bryan.Ang ngiti ni Fae ay parang liwanag na direktang sumuntok sa puso niya. Muntik na siyang mapaatras — hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa ganda at lambing ng boses ni Fae. Hindi niya alam kung ano ang susunod na sasabihin at mabilis na nag-isip at walang malay na nagtanong:"May turon ba?"Napakagat
Nagtaas ng kilay si Aling Doray. "Aba aba, akala ko may asawa ka na? Bakit parang naglalaway ka?"Biglang napatingin si Cassandra sa asawa niya — si Bryan, na patuloy pa rin sa pag-scroll ng stocks at walang pake sa drama."Ruben," utos niyang muling mabilis, "buksan mo ulit 'yang upuan. Bilisan mo.""Bakit po ba? Akala ko po—""Just do it!"Napatayo si Ruben, nagkamot ng ulo habang binubuksan ulit ang upuan. Si Cassandra naman ay umupo, inayos ang buhok, inayos ang make-up, taas ang kilay — pero habang sinusulyapan si Richard, sinisiguradong mas maganda ang anggulo ng pagkakaupo niya.Ngunit lumapit si Richard kay Tiya Nora, at ni hindi man lang tumingin kay Cassandra. Parang wala lang siyang espesyal sa eksena. Ang ngiti ni Cassandra ay parang kandilang sinindihan tapos biglang tinapunan ng tubig."Tiya Nora, maayos pa ba rito? Kanina parang may sigawan," tanong ni Richard.Tumawa si Nora, "Ay anak, okay lang
Napipikon na si Cassandra, ngunit sa halip na umalis na lamang palayo tulad ng matinong payo ng kanyang pride, bigla siyang bumalik. May diin ang bawat pitik ng kanyang stiletto sa lupa, tila nilindol ang sementadong daan sa bawat hakbang niya."Ruben!" sigaw niya sa bodyguard. "Ibalik mo ang upuan. Dito tayo. Ngayon din!"Napakamot ng ulo si Ruben, halatang mas gusto pa niyang ipatapon ang sarili sa septic tank kaysa makisawsaw sa drama ng amo niya. Pero utos ay utos. Dahan-dahan niyang binuksan ulit ang folding chair at inayos ito sa ilalim ng lilim ng puno ng mangga.Ngumiti nang malapad si Aling Doray, sabay taas ng kilay. "Ay 'wag mong sabihin... Cass, nakapagdesisyon ka na? Gusto mo na bang kuhanan kita ng discount sa punerarya? Marami akong connection sa memorial services, bigyan kita ng VIP package, may libreng lamay pa at sampung araw na dasal!""Ano?!" halos pasabog ang boses ni Cassandra. "Tigilan mo ako, Doray! Hindi mo ako kilala!""Talaga lang, ha?" sabat ni Aling Doray
"Anong ginagawa ng dalawang 'to rito?" bulong niya kay Mang Dante."May bago na namang eksena," sagot ni Mang Dante sabay subo ng tinapay. "Baka may pa-ramp modeling si Madam."Nang makalapit ang dalawa, tumayo si Aling Doray, tumango sa ilang elders bago lumapit sa kanila. Diretso ang lakad, parang may nilulutong away."Ano'ng ginagawa n'yo rito, ha? Hindi naman kayo imbitado," madiin niyang tanong, diretso sa mata ng babae.Inayos ng babae ang kanyang buhok habang nakataas ang kilay, saka tinanggal ang shades. Nagkatinginan silang dalawa—Aling Doray, ang haligi ng barangay tsismisan, at si Cassandra Gold-Fuentebella, dating taga-Gold Village na napangasawa ang negosyanteng si Bryan Fuentebella at ngayo'y pabalik-balik sa village para lamang ipagyabang ang mga alahas niya at kotse."Tumigil ka nga diyan, Doray," sabi ni Cassandra sabay tiklop ng kanyang hand fan. "Wala akong kailangan sa imbitasyon. I came to see the circus, ika nga. May narinig akong balita eh... may bumalik daw. Ak
Habang masaya ang buong bahay at punô ng halakhakan, biglang nagpaalala si Richard habang nakaupo sa sofa kasama ang pamilya."Mamaya po, magtitipon 'yung mga elders at tanod ng village sa labas. May hinanda akong konting regalo para sa kanila. Pang-thank you na rin.""Ay naku, ang bait mo talaga anak," sabi ni Nanay Iska habang nakangiti. "Eh wala naman akong gaanong gagawin mamaya, ako na magluluto ng meryenda para sa kanila.""Ay Nay, ako na po. Tutulong ako," sabing masigla ni Fae habang nakangiti."Ay hindi na, iha. Bisita ka namin. Magpahinga ka na lang. Mamaya, kwentuhan na lang kayo ni Richard sa veranda."Biglang sumingit si Richard na may maaliwalas na ngiti."Nay, huwag kayong mag-alala, masarap magluto si Fae. Promise, kahit ako nabihag sa adobo n'ya."Medyo napataas ang kilay ni Iska. "Talaga? Akala ko mala-prinsesa ang asawa mo, mukha siyang galing sa mayamang pamilya at may sariling sampung kasambahay. Di ko inakalang marunong pala siya sa kusina."Tumawa si Fae. "Nay,