MALAKAS na dumighay si Jav. Nakakulumbabang nakatingin lamang si Elorda sa kanya. Ang kapal ng ngiti nito at tila may kakaibang kislap sa mga mata. Napabaling siya ng tingin sa asawa. "Akala ko ba hindi ka pa kumakain? Bakit ako lang ang kumain? At nanonood ka lang habang kumakain ako." Napaayos ng upo si Elorda. "Ha? Busog na ako... busog na akong makitang busog ka. Saka, kaya nga kita ipinagluto. Para sa'yo lahat ang pagkain na inihanda ko. Kung pati ako kumain, e 'di hindi na para sa’yo..." sabi niya na napakamot pa ng ulo. Tumawa ng malakas si Jav. May itinatago palang pagiging komedyante ang asawa. Pero ang natitiyak niya, umandar na naman ang hormones nito o baka nga, naglilihi na naman. "Alam mo, ‘pag ganyan ka, parang gusto ko nang magpaluto ng ulam sa’yo araw-araw," biro niya habang nilalapit ang plato para isubo ang natirang ulam. "Tumigil ka nga diyan," sabay kurot ni Elorda sa tagiliran niya. "Baka sa sunod na buwan, gusto mo na namang toyo ang laging ulam mo." "Eh ‘
NAKATAYO si Jav sa tapat ng pinto ng bahay nilang mag-asawa. Ayaw pa niyang pumasok sa loob. Sirang-sira ang mood niya. Hindi niya alam kung paano haharapin si Elorda. Dagdag pa ang mga magulang niyang pilit na ibinubuyog si Dindi sa kanya, na lalong nagpapagulo ng isip niya. Akala niya, kapag pinakasalan niya si Elorda ay magkakaroon na siya ng katahimikan sa puso. Pero hindi pa rin pala. Ngayon, iniisip na niya kung paano sasabihin sa mga magulang niyang kasal na siya, na may asawa at anak na siya. Napapikit siya, napabuntong-hininga. Parang may bumigat sa dibdib niya habang pinipigilan ang sarili na hindi bumigay. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang eksenang iniharap sa kanya si Dindi, yung mga sulyap ng ina niya, at yung pag-asang malinaw na nakasulat sa mukha ng ama niya. “Anong klaseng asawa ba ako? Bakit hindi ko sila kayang ipaglaban?” bulong niya sa sarili. Ilang saglit pa ay narinig niya ang marahang pagbukas ng pinto. Si Elorda. Nakatayo ito sa gilid ng pintuan. M
ANG dami pa nilang napagkuwentuhan ni Tess. Hindi na talaga siya sanay na hindi kasama ang kaibigan sa iisang bahay. Parang simula noong mawalay siya sa kanyang sariling pamilya ay ito na ang naging karamay niya. Pero ngayon na may asawa na siya, kailangan na niyang humiwalay kay Tess. At para makabawi sa asawa dahil sa kanyang inasal ay naghanda siya ng masarap na hapunan. Sinarapan niya talaga para hindi mapahiya kay Jav. Patingin-tingin si Elorda sa malaking orasan sa sala habang nanonood ng TV. Parang kulang na lang ay hindi lubayan ng kanyang mata ang kamay ng wall clock. Alas sais na ng gabi, kanina pa uwian nila Jav sa office. Ang alam niya ay alas singko normal na uwian ng mga nagtatrabaho sa opisina. Malamang sa malamang ay ang asawa niya ang may-ari ng kompanya, kaya puwedeng mauna siya umuwi. Pero lumipas ang isang oras ay wala pang Jav ang umuuwi ng bahay. PANAY ang tingin ni Jav sa kanyang wristwatch. Umuwi siya sa mansyon, ang plano niya ay sandali lang sana. Pero h
ANG sama ng timplada ng mukha ni Jav nang pumasok sa kanyang opisina. Unang araw pa lang nila ni Elorda bilang mag-asawa, pero nagkatampuhan na agad. Napahinga siya ng malalim at nangalumbaba sa kanyang lamesa. Halos hindi niya nagawang ngumiti kahit nang batiin siya ng mga empleyado sa lobby kanina. Sa isip niya, paano siya makakapagtrabaho ng maayos kung bagong kasal kayo pero hindi n'yo man lang nasolo ang isa't isa? Muntik pa talagang tuluyan na ma-bad trip sa kanya si Elorda. Ganito pala kahirap ang buhay may asawa. Unang araw, pagsubok kaagad. Sakit ng ulo... Hayst.. Napahinto siya sa malalim na pag-iisip. Nang biglang kumatok si Annie, ang matagal na niyang sekretarya. “Sir Jav?” “Pasok,” malamig niyang tugon. Maingat na bumukas ang pinto. Sumilip si Annie, hawak ang clipboard sa dibdib. “May bisita po kayo. Nasa labas po si Sir Kevin po. At tumawag rin po ang mommy n’yo kanina. Kahapon pa siya tumatawag, hindi kayo pumasok sa office. Wala naman po akong maisip na idadah
NAGMULAT ng kanyang mga mata si Elorda. Napabalikwas siya ng bangon nang makita ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana. "Hala! Tanghali na..." nausal niya saka, napahawak sa kanyang sintido. Unang araw niya bilang asawa ni Jav, tinanghali pa siya ng gising. "Anong klase kang asawa, Elorda? Hindi kayang gumising ng maaga" Kastigo niya sa sarili. Napakamot tuloy siya sa kanyang ulo. Baba na sana siya ng kama nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napatunghay siya sa gawi ng pintuan. "Breakfast, mahal ko. Nagluto ako, sa bed ka na kumain," sabi ni Jav na dumiretso sa center table sa harap ng sopa. Sinusundan ni Elorda ng mata si Jav. "I will just prepare, bathe and be ready at work. Alam mo kailangang kong magdbole sipag dahil lumalaki na ang pamilya natin. Of course, I'm the one who will provide everything you need, sweetheart..." usal pa ni Jav na nakapameywang na tumingin kay Elorda. Ang dami ng sinabi niya pero kahit isa ay wala siyang narinig mula sa asawa. Ni good morning o
KANINA pa nasa loob ng banyo si Elorda. Kabado siya dahil sinilip niya si Jav sa siwang ng pinto, nakaupo ang asawa sa kama at nakasandal ang likod sa headboard ng kama habang ang mga mata ay nakapikit. Hindi niya malaman kung ito ay tulog na o gising pa. First night nila ito pagkatapos ng kanilang kasal kanina, honeymoon night nila ni Jav. Dumating siya sa edad na mag-kuwarenta pero ngayon pa talaga siya kinabahan sa buong buhay niya. Pero, buntis naman siya. Siguro'y walang mangyayari. "Ano bang pinag-iisip mo, Velora? Ano bang puwedeng mangyari sa inyo ni Jav?" Suway na tanong ng sariling utak. Mas siya pa ang nagiging mahalay ang iniisip. Napapakamot siyang pinihit ang knob ng pinto ng banyo papasok saka, lumabas. Napamulat si Jav ng kanyang mga mata nang marinig ang pag-igik ng pinto ng banyo. Gustong matawa ni Jav sa nakikitang itsura ni Elorda. Dahan-dahan pa itong naglalakad palapit sa kanya. "What happened to you? Ang tagal mo sa loob ng banyo..." "Huh? Wala lang. Gano