I gave it a kick. The door was rusty enough to open. I even bit my lip when I heard it crash on the grassy land.
Lumunon ako nang matindi. Masyadong mataas ngunit agad napawi ‘yun nang may nakita akong ladder. Dahil kamag-anak ko si Spider-man, agad kong nakatalon kahit hanggang 2nd floor ang dulo nito.
Mabilis kong tinakbo ang madamong paligid. Wala man lang guards na nakabantay sa lugar, kahit nakadungaw sa main veranda na nasa harapan ng mansyon.
Were they very trustworthy?
I’m thinking na sinadya ito para sa kalokohan ni Odin.
Wala silang kaalam-alam na ang bagong miyembro ng pamilyang Jensens ay tumatakbo papalabas ng mansyon.
“Miss Geraldine, anong ginagawa niyo po sa bakod?” tanong ng isang security guard na may name plate na Vergara. Tumatakbo ito papalapit sa ‘kin.
Napa-shh ako sa guard na medyo may kantandaan na. Base sa itsura niya, matagal na siyang naninilbihan dito.
“Ma’am, m-matatanggal po ako sa trabaho kapag umalis kayo -”
“ - mababaliw naman ako kung mananatili ako dito!” Nawala ako sa harapan niya dahil tinalunan ko lang naman ang mataas nilang bakod.
Pinagpag ko ang aking tuhod saka ako kumaripas ng takbo. Bahala na sila kung hanapin nila ko.
Wala silang kaalam-alam na kinulong ako ni Fenrir sa 4th floor ng bahay nila - sa loob ng ilang buwan.
Gaya ng dati, tumatakas ako kapag pakiramdam ko ay nasasakal na ko.
Ito na lang ang kaligayahan ko - maging malaya sa lahat.
Inaakala ko pa na magiging malaya na ko; ngunit dinaig pa ng kamay na bakal at malamig sa yelo ang asawa ko.
Unti-unting lumiliit ang aking paningin sa mansyon. May pa-uphill at downhill ang daan kaya naman ay habol ang aking hininga sa pagtakbo.
Isang malakas na liwanag ang sumambuli sa aking harapan. Isang itim na van na lulan ng limang lalaki na nakaitim ang niluwa sa pinto. Lahat sila naka-shades kahit gabi na, ang isa sa gitna ay may hawak na baril at nakatutok sa ‘kin.
“You’re coming with us, missy.” ani ng lalaking may hawak na baril. Kalbo pero may shades. Kumikintab pa ang ulo mula sa sinag ng buwan.
Umatras ako nang kaunti pero napatalon ako nang pumutok ang baril sa tapat ng aking paa. “Bakit naman may paputok, sir.” Dahan-dahan kong tinaas ang aking kamay. “H-Hindi ako manlalaban…”
Lumapit ang isa sa kanila na long hair at isa pang kalbo pero may kulubot na.
“S-Saan niyo ko dadalhin?” tanong ko habang hinahayaan akong kaladkarin papasok ng sasakyan.
“Ikaw siguro ang asawa ni Fenrir Jensens? Malaki ang atraso niya sa boss namin, ha-ha!” untag ng lalaking long hair na amoy hindi naligo nang isang linggo.
“Jackpot tayo dito, Hector. Ang yummy ng asawa niya.” ani ng lalaking kalbo na kulubot pero hanggang balikat ko lang. Nangangamoy bulok na basura ang hininga dahil binuka niya ang kanyang bibig para pasadahin ang dila sa labi nitong nangingitim. “Syempre, ako muna ang mauuna sa inyong lahat.”
Imbes na manginig ako sa takot ay bumubuga ako ng hangin sa bibig kong nakatikom para matawa. Mukha silang sabog base sa amoy nila.
For sure, namumula din ang mata ng mga ‘to dahil lahat sila naka-shades kahit madilim na.
May mahinang ilaw ang papalapit sa kinalulugar namin. Mga 100 metro mula sa uphill at downhill na kalsada. My heart jumped in with joy, especially when the faint light increased its shine.
Mabilis ang pagpapatakbo na parang mala-drag race ang datingan. Humarang pa ang lalaking kalbo sa paparating na kotse ngunit para siyang bowling pin na tinamaan ng bola.
Ngunit ang kasiyahan na ‘yun ay napalitan ng kaba. Isang pamilyar na itim na SUV ang huminto sa aming harapan.
My heart beat rapidly as the front door opened. Niluwa nito ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Suot ang isang gintong plague mask, naka-all black na tshirt at shorts at may suot na braced knuckles sa parehong kamay.
Narinig ko pa ang malalim nitong paghinga na parang kay Dark Vader habang papalapit sa itim na van.
Kusang umatras ang aking puwitan hanggang sa pinakadulo ng upuan sa second row. Ang mga lalaking dumukot sa ‘kin ay lumabas saka labas ng kanilang sandata.
Fenrir coaxed his head on his shoulders. “`Yan ba ang gagamitin niyo?” he asked teasingly in his deep and sultry voice.
Unang sumugod ang lalaking long hair gamit ang nunchucks pero naiwasan lang ni Fenrir ‘yun. As a counter, siniko niya ang likuran para bumulagta ito.
Pinaikot ni Fenrir ang kanyang braso. “Weak.”
Sabay-sabay sumugod ang dalawang lalaki na natira ngunit sinalubong lang sila ng suntok sa pagmumukha nila. Mukhang basang-basa ni Fenrir ang kilos ng mga nakalaban niya.
Kailan ba siya natutong makipaglaban?
He never got out of his mini home until we met at a bar.
Our eyes met when he finished all those 5 men. Humakbang siya papalapit sa van ngunit niyakap ko ang aking binti. Bumaon pa ng kaunti ang van sa kanyang pagsakay hanggang sa kumalat ang panglalaking pabango. I bet he just got out of the shower before it happened.
His gold plague mask almost touched my lips as he was closer by about a centimeter. Same thing when we met at the bar before.
“Tell me…why did you escape?” he hissed. His fingers laced my cheeks down to my neck and my arms. I felt the warm yet tingling sensation from his touch. “Does it hurt?” he asked, gazing at my wrist which had a bluish bruise.
Umiling ako habang kagat ang aking ibabang labi. Namumula ang aking mata hanggang sa tuluyan nang bumaksak ang luha. My body acted involuntarily - as I wrapped my arms on him.
Patuloy akong humagulgol. In those cries, I ranted on how I was neglected from the day we got married until today. The feeling that my family neglected me and forgot my presence.
I didn’t bother to see his reaction, but I felt a heavy breathing behind his mask. Warmness spread as I felt his arms on my back, gently rubbed it and had a feeling 'Everything's okay, I’m here.’
“...you think that we also agreed to marry our adopted son to your mediocre precious daughter?”My system churned after I heard it. Ampon lang si Fenrir.“Malaki naman ang pakinabang ng ampon namin. Pinayaman niya kami…”Hindi natuloy ang sinasabi ni Tito Loki nang may nasipa akong bagay saka ito nabasag at nagkapira-piraso.Napahinto sila sa pag-uusap saka tumayo. Padungaw-dungaw ang mata kung sino ang nakikinig sa usapan nila.Yumuko ako at mabilis na naglakad na naka-all fours. I can’t afford to be caught. Para akong aso na mabilis gumapang papalayo hanggang sa marating ang staircase papunta sa kwarto namin.“Ayaw bumukas ang pinto!” I jammed the doorknob hopefully it would budge. Wala akong dalang susi. Naririnig ko ang mga yabag ng paa sa paligid. Hinahanap kung sino ang daga ang nagbasag ng vase. Muli kong sinubukan na pihitin ang doorknob ngunit wala pa rin. Napapikit ako. Umaasa na may milagro na bubukas ang pintuan ng kwarto namin. Tila nadinig ang aking panalangin — big
Back to reality. Buhat ng dumalaw kami sa sementeryo ay muling nagkulong ang aking asawang hilaw sa kwarto. Sabi niya, may importante siyang gagawin kaya ako na namang mag-isa… ulit. “Siguro na-realize niya na anak ng demonyo ang asawa niya…” himig ko sa aking sarili. Sumalampak ang kalahati ng katawan ko sa dining. Nakakailang pelikula na ko. Ilang beses ko ng nabasa ang magasin na nasa center table na lukot-lukot na. Nakakakain pa ba siya nang maayos? Binawalan nga siya ng doktor na kumain ng kahit anong processed food — lalo na ang instant noodles. Palagi ko na siya pinaglulutuan ng pagkain sa kusina niya. Aanhin ba ang kusina kung hindi naman gagamitin?“Fenrir,” ani ko habang nakatatlong katok na ko.Nagsalubong ang aking kilay nang hindi siya sumagot sa katok ko. Pinabago nga lang naman niya ang doorknob at susi kaya hindi na ko nakapuslit.Iniba ko ang tono ng pagkakatok gaya sa military clap. “Kapag hindi mo binuksan, akin na ‘to, gago!” pakanta kong sabi ngunit wala rin
Hindi pa ring mawala ang sigawan ng mga tao tungkol sa ‘kin. Mga paratang na matagal kong tinago sa kabila ng panghuhusga nila sa ‘kin.Anak ng demonyo. Walang may kagustuhan sa nangyari kay Yaya Emily. Wala rin akong muwang dahil 5 years old ako nang siya'y namatay. Nalusutan ko ang kaso dahil kulang sa ebidensya pero sarili kong pamilya ang nagpasok sa ‘kin sa isang asylum. Doon ko naranasan ang mapapait na karanasan sa loob. Walang mayaman o mahirap dahil sama-sama kami sa kwarto. May rehas pa na nakaharang sa pintuan at mga 3 bata kami doon. May rasyon din ng pagkain at may mga nars na nananamantala sa iba kong kasama.Hindi nga lang ako magalaw ng iba dahil lumalaban ako sa kanila kaya hindi na rin tinuloy ang mapang-abusong staff sa loob. 10 years old ako nang naisipan nilang ilabas ako. Inaakala ko na magbabago ang turing sa akin ng magulang ko ngunit mas nadama ko ang pagpapabaya nila sa 'kin.“Roxie.” tinawag niya ko para mawala ang mga flashbacks noong nakaraan. Napaling
Tatamae – isa itong Japanese trait na kung saan, iba ang ugali mo in public at mas lalong iba ang ugali kapag mag-isa ka na lang. Kumbaga, araw-araw ay may suot kang maskara pagdating sa pakikisalamuha sa tao. All of us have our own facade. It may be pleasant or rude to others. It attenuates that you have something to protect, or you’re hiding something on your sleeves. Normal sa tao na hindi maging bukas na libro. Minsan, kinakailangan mo ng trusted one para ibahagi ang katago-tago mong sikreto. Hindi mo alam pero maaari din na ang kaibigan na kasama mo ay isa palang matinding kaaway. Hindi ko alam pero naging magaan ang loob ko kay Fenrir. Siya ang may sakit pero siya ang todo asikaso sa ‘kin. Paglulutuan ko sana siya ng arroz caldo pero dahil naalala ko si Yaya Emily ay bigla akong napunta sa outer space. Muli ko naman siyang napilit na lumabas sa kanyang bahay. Igting ang panga at kamao habang nakatuon ang mata sa daan. “Pwede ka namang tumanggi.” sabi ko pero inismiran lang
They said, whatever struggles you have mentally caused by your childhood trauma. As I grew up, I never experienced real love from my parents. They gave more love and attention to my older sister, Gem. Kung nagpaulan ng TLC si God, nasalo ‘yun ng aking ate. While me…they just gave bare minimum. Akala ko, wala ng makapapansin sa ‘kin. Akala ko, wala ng magmamahal sa ‘kin gaya ng ginagawa ng magulang ko kay Ate Gem. That waa the time that my parents brought a young, slender woman in her early 20’s. Her skin was dark, attenuating struggles in life. I was in awe of her doe eyes that were radiating like a sun and a smile that melted my frigid heart. “We got you a nanny,” my daddy said, but all I could see his face was pitch black. “Yes, Geraldine,” a woman with a pitch black face added. “We will be busy with your Ate Gem. You know she needs attention, right?” Yes. All I could do was nod. Anong laban ko? Mas bata ako kumpara kay Ate Gem na malapit na sa pagdadalaga. I mean feeling dal
Isa na lang ang kidney ni Fenrir at si Ate Gem ang donor? Wala naman akong nakitang peklat sa may tagiliran si Ate Gem noon. Saka…palagi siyang nasa bahay bago siya umalis. “Gem didn’t donate her kidney,” ani Fenrir na kinaginhawa ng aking dibdib. “But let’s not dwell about it.” Sumandal ito sa backrest saka dinekwatro ang binti. Pinagsalikop pa niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng tuhod niya. “Let’s cut the chase, is there something wrong with my kidney?”May kinuha siya sa bag niya sa gilid. Isang papel na medyo lukot. “Hmmmm…base sa blood chem at urinalysis mo…wala. Impeksyon lang sa urinary track.” Tumayo si Doctor Santos saka hinampas ang papel sa ulo mo. “Ano bang pinagkakakain mo, bata ka?” singhal nito.Natatawa lang si Fenrir sa kanya.“Sabi mo sa nurse na kumausap sa ‘yo, puro noodles ang kinakain mo. Pinagsabihan na kita tungkol do’n!”Tinakpan ko ng hintuturo ang tainga ko dahil walang humpay na sermon ang pinagsasabi ni Doctor Santos. Nangingibabaw pa ang boses sa buong