Mature ContentYslaHabang magkahinang ang aming mga mata ay dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay papunta sa kanyang pisngi. Ramdam ko ang kinis ng kanyang balat kahit halata ang matinding pagod. Hindi lang sa katawan kundi pati sa isipan. Lahat ng problema sa kumpanya, ang mga desisyon, ang pressure na nakaukit sa bawat guhit ng kanyang mukha. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi kailanman nawala ang likas niyang kakisigan. Kahit pagod na pagod siya, para pa rin siyang isang larawang likha ng sining at ang larawang iyon ay akin.Napangiti ako sa sariling isipan. He’s mine. This man is mine.Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya, ang bawat pulgada ng pagitan naming tila naging mabigat, puno ng tensyon at pananabik. Sa hangaring mahalikan siya, halos maglapat na ang aming mga labi ngunit bago ko pa man iyon tuluyang magawa, naramdaman ko ang kanyang daliri na marahang humawak sa aking baba, ginagabayan ako… at saka dumampi ang kanyang mga labi sa akin.Sa simula, ang
Ysla“Lola, kamusta po ang pakiramdam niyo?” mahinahon kong tanong ng tuluyan na akong makalapit sa kanya. Gabi na, oras na ng kanyang pagtulog, at gaya ng nakasanayan, nais ko lang tiyaking wala siyang nararamdamang kirot o kahit anong hindi kanais-nais.“Okay naman, apo,” nakangiti niyang tugon, at kahit pa mahina na ang boses niya dahil sa pagod, dama ko pa rin ang init ng kanyang pagmamahal.Kung tutuusin, medyo maaga pa para sa kanya, pero mas gusto niyang nagpapahinga na habang tahimik pa ang buong bahay. Kakatapos lang naming maghapunan ni Nathan. Hindi namin siya kasabay dahil nauna na siya para nga makapagpahinga siya ng maaga.“Mabuti naman po kung ganon,” sagot ko habang inaabot ang kanyang comforter. “Tandaan niyo po, ito ang buzzer ninyo. Kapag may naramdaman po kayong kahit ano, kahit konting kirot sa ulo o sa dibdib, huwag na po kayong magdalawang-isip. Pindutin niyo lang ito agad, ha?” Inilagay ko ang maliit na buzzer sa tabi ng kanyang unan, siniguradong maaabot niya
YslaMasaya akong malaman na kahit papaano ay unti-unting bumubuti ang lagay ni Lola Andrea. Hindi pa man siya ganap na magaling, ngunit ayon sa kanyang doktor, may mga palatandaan na ng unti-unting pagbuti ng kanyang kondisyon, isang bagay na sapat na para gumaan kahit paano ang bigat sa dibdib ko.Hindi ko maikakaila, natatakot pa rin ako para sa kanya. Sa tuwing naaalala ko ang mga rebelasyong ibinunyag ni Lola, lalo na ang pagkakabanggit niya kay Blesilda, parang may bumabalot na pangamba sa akin. Hindi ko kayang ipagsapalaran ang kaligtasan ng mahal kong lola, kaya agad kong iminungkahi kay Nathan na isama na namin siya sa bahay upang mas mabantayan namin siya nang mabuti. Hindi na rin ako nagtaka nang mabilis siyang pumayag, alam kong nauunawaan niya ang bigat ng sitwasyon at ang panganib na maaaring sumalubong kay Lola kung mananatili siya sa ospital o sa labas ng aming pangangalaga.Kasama rin naming sinama ang nurse ni Lola Andrea. Hindi ko inakala na magtitiwala ako agad sa
NathanNasa opisina ako ngayon, nakaupo sa likod ng desk na tila mas mabigat kaysa karaniwan. Kailangan kong asikasuhin ang ilang mahahalagang bagay na hindi ko pwedeng ipagpaliban, kahit pa ang isip ko’y paulit-ulit na bumabalik kay Ysla.Naiwan siya sa ospital para bantayan si Lola, salamat sa Diyos at ligtas na ito sa kritikal na kondisyon. Ngunit kahit nakalagpas na sa panganib, kailangan pa rin ng matinding pag-aalaga at masusing monitoring mula sa mga doktor.Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok si Damien, dala ang isang folder. Diretsong nilapag niya ito sa ibabaw ng aking mesa.“Sir, may share po talaga si Mr. Borromeo sa kumpanya,” seryoso niyang sambit habang pinapanood akong kunin ang dokumento.Kinuha ko ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang nilalaman. Habang lumalalim ang binabasa ko, unti-unting nabuo ang koneksyon, si Dad. Si Dad mismo ang naging daan upang makabili ng shares si Andres Borromeo.Kumirot ang sintido ko. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng
YslaNasa ospital kami ngayon, at pakiramdam ko'y parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko. Wala akong ibang magawa kundi sundan ng tingin si Nathan habang pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng pintuan ng emergency room, kung saan kasalukuyang nilalapatan ng lunas si Lola Andrea.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba kaming narito. Tila huminto ang mundo habang naglalaban sa loob ko ang kaba, galit, at awa. Siguro ay hindi na talaga kinaya ng katawan ng matanda ang sunod-sunod na tensyon na binigay ng mag-ama.Napailing na lamang ako habang dumadako ang paningin ko kay Nathaniel, ang ama ni Nathan. Kahit bakas sa mukha nito ang pagkabalisa at pag-aalala, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis o baka galit na rin lalo na at siya ang puno’t dulo kung bakit nangyari ang lahat ng ito.Today was supposed to be Lola Andrea’s 70th birthday. Dapat sana’y masaya kami ngayon na sine-celebrate iyon, nakikipagdaupang palad ang matanda sa kanyang mga kaibigan.Pero h
YslaAno raw? Engaged to be married?Napakunot ang noo ko. Anong kabaliwan na naman ito? Hindi ba’t malinaw na malinaw na tapos na sina Nathan at Blythe? Ano ang iniilusyon ng ama niyang si Nathaniel?Napailing na lang ako habang lihim na pinipigilan ang inis na bumalot sa akin. Kung patuloy na pangungunahan ng matandang iyon ang anak niya, malabo talagang magkaayos pa silang mag-ama. Hindi ba niya alam kung gaano kasalimuot ang emosyon ni Nathan tuwing siya ang usapan?At si Blythe? Gosh, ilang beses na siyang tinanggihan ni Nathan, diretsahan, harapan, walang pasikot-sikot. Pero andito parin siya, nakangiti, umaasa, at parang walang naririnig. Ang tibay ng mukha, ‘ika nga.Nagtama ang mga mata namin ni Nathan sa gitna ng kaguluhan. Hindi pa pwedeng ipagsigawan ang totoo tungkol sa amin, hindi pa panahon. Pero kilala ko siya. Alam kong makakaisip siya ng paraan para pabulaanan ang mga kalokohang binitiwan ng kanyang ama.“Nathaniel, anong kalokohan ‘yan?” singhal ni Lola Andrea. “Baki