Nathan
Wala akong panahon para maghanap pa ng babaeng pwedeng mapakasalan. Hindi iyon bahagi ng plano ko sa buhay ngunit kailangan ko ng asawa para mapaluguran si Lola Andrea.
Nagkataon na may nangyari sa amin ni Ysla, isang pangyayaring hindi ko rin inaasahan kaya naman, siya na rin ang pinili ko. Ako ang nakakuha ng kanyang pagkabirhen kaya hindi na rin masama na gawin ko siyang Mrs. Nathan Del Antonio.
Nalaman ni Damien na aking assistant na may kalaban ako sa negosyo ang magtatangkang gawan ako ng iskanndalo. Kaya naman inayos ng aking assistant ang aking silid upang makakuha ng ibidensya. Hindi ko akalain na magagamit ko yon kay Ysla .
Hindi ko rin inasahan na tatanggi siya, naloloko na ba siya? Hindi ba niya kilala kung sino ang kaharap niya?
Isa pa, hindi ko maiwasang maisip na tila wala siya sa sarili noong gabing iyon. Sa isang banda, lumalabas na nag-take advantage ako sa sitwasyon niya. Pero sa kabila ng lahat, wala na akong balak pang magbago ng desisyon. Ang importante, natapos na ang kasunduan at hindi na siya makakawala pa.
Hindi ko na siya hinayaang lumayo pagkatapos naming magpirmahan. Hindi ko afford ang komplikasyon kung sakaling bigla siyang magbago ng isip at tumakas. Ayaw kong dumating sa puntong kailangan ko pang hanapin siya sa kung saan-saang sulok ng mundo.
Nauna nang bumalik si Damien sa Taguig upang iproseso ang kasal namin ni Ysla. Bago siya umalis, kinuha niya ang mga gamit na naiwan ng babae sa cottage nila ng kanyang nobyo.
Alam ko na ang dahilan ng pagsang-ayon ni Ysla sa kasal. Sinabi ko sa kanya ang dahilan ko at ganon din naman siya sa akin kaya naging malinaw na isa lamang kontrata ang aming pagsasama.
At hindi ko maitangging humanga ako sa kanya sa kabila ng sitwasyong ito.
Matalino siya. Marunong siyang mag-isip at mag-analisa ng mga pangyayari. Hindi siya basta-basta pumapayag sa isang bagay nang hindi inuunawang mabuti ang sitwasyon.
Naisip niya na may motibo ang kanyang tiyuhin. May plano ang mga ito laban sa kanya. Pero naniniwala siyang walang ideya ang kanyang ex-boyfriend tungkol doon batay na rin sa naririnig niyang pakikipag-usap nito sa kanyang pinsan. Isang bagay na hindi ko rin maiwasang pagtuunan ng pansin.
Pagkatapos naming dumaan kina Lola ay agad ko siyang dinala sa bahay ko sa McKinley Hill. Pinili ko ang lugar na ito dahil malapit lang ang aking kumpanya na nasa 5th Avenue sa BGC.
Hindi ko na rin itinago pa sa mga kasambahay kung sino siya sa buhay ko. Kung kasal kami, kailangang tanggapin nilang ganito na ang magiging setup dito sa bahay.
“Make sure na walang lalabas na anumang balita tungkol sa pagpapakasal namin, nagkakaintindihan ba tayo?” Malamig at matigas kong tanong habang pinagmamasdan ang anim na katulong, dalawang houseboy at isang driver na nakahanay sa harapan namin ni Ysla.
“Yes, Sir Nathan,” sabay-sabay nilang sagot.
Isa-isa kong tinignan ang bawat isa sa kanila, inisa-isa ang ekspresyon sa kanilang mukha. Gusto kong siguraduhin na alam nilang seryoso ako sa sinabi ko. Wala akong pakialam kung tingnan nila akong istrikto o masyadong dominante, ang mahalaga, walang maglalabas ng impormasyon sa labas ng bahay na ito.
Pagkatapos ay umakyat kami ni Ysla sa itaas. Kailangan kong ipakita sa kanya ang aming magiging silid. Kasabay nito, nais ko ring maisalansan na niya ang kanyang kaunting gamit na kinuha sa bahay ng tiyuhin niya sa Valle Verde.
“Ito ang ating silid,” aniya ko nang binuksan ko ang pinto. Nauna akong pumasok at walang imik na sumunod siya, tila nagmamasid sa kabuuan ng silid. “Ayun ang walk-in closet. May bakanteng closet na pwede mong paglagyan ng gamit mo.”
Tango lang ang sagot niya kaya nagpatuloy ako. “Nasa loob din ang bathroom sa left side. Walang gamit na pambabae doon kaya kung gusto mong bumili ay sabihin mo lang at lalabas ulit tayo mamaya.”
“Hindi ako maselan, pero kung ayaw mo na ginagamit ang gamit mo, maigi pa ngang bumili na lang ako,” sagot niya nang walang emosyon.
Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Hindi ko alam kung may pahiwatig iyon o sadyang prangka lang siya. Pero imbes na magkomento pa, pinili kong tapusin na lang ang usapan.
“Magpahinga ka muna at mamaya ay babalikan kita para lumabas. Hindi na ako pupunta pa sa kumpanya kaya kung anuman ang mga kailangan mo, ilista mo para wala tayong makalimutan. Ayaw ko ng pabalik-balik.”
Saglit siyang nag-isip bago nagtanong, “May extra ka bang sasakyan na pwede mong ipahiram sa akin? Huwag kang mag-alala, maingat pero sanay akong magmaneho kahit manual pa ‘yan. Ako na lang ang bibili ng kailangan ko para hindi ka na maabala.”
Muli akong napakunot ng noo. Pakiramdam ko ay tila tinatanggal niya ako sa equation. Parang pinaparamdam niyang wala akong silbi. Hindi ako pumayag.
“I already said, lalabas tayo mamaya.”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago marahang tumango. Hindi ko gusto ang reaksiyon niyang iyon. Pakiramdam ko ayy siya pa ang may ayaw na makasama ako.
“Next time, hindi na kita masasamahan. When that happens, pwedeng ikaw na lang mag-isa. Mamili ka na lang ng sasakyan sa garahe na kaya mong imaneho.”
Napatingin siya sa akin nang diretso, waring naguguluhan. Pero pinanatili kong walang emosyon ang aking mukha. Ayaw kong ipakita sa kanya na naaapektuhan ako sa mga simpleng salita niya.
“Kung may kailangan ka, nasa study room lang ako sa baba.”
Pagkasabi ko noon, agad ko siyang tinalikuran bago pa siya makasagot. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon para makapag-react. Sa bahay na ‘to, ako ang masusunod. Hindi ako papayag na mabali ang sinabi ko, lalo na para lang ipakita sa kanya na kaya kong mag-adjust.
Pagpasok ko sa aking study room, na nagsisilbing opisina ko na rin sa first floor ng bahay, agad akong umupo sa likod ng aking lamesa. Binuksan ko ang laptop at saka tinignan kung may email na ako mula kay Damien tungkol sa kasal namin ni Ysla.
Alas dos na ng hapon. Sigurado akong may resulta na iyon. Isang bagay ang gusto ko sa pagiging mayaman ay kaya kong makuha ang mga bagay na gusto ko nang hindi na kailangang dumaan sa matagal na proseso.
At hindi nga ako nagkamali.
Pagbukas ko ng aking email, agad kong nakita ang ipinadalang kopya ng marriage certificate namin ni Ysla.
Isang pagpapatunay na kasal na talaga ako.
Huminga ako nang malalim, isinandal ang likod sa upuan, at ipinikit ang aking mga mata.
At doon, bumalik sa akin ang isang imahe mula sa nakaraan. Mga panahong akala ko ay wala nang kasing saya. Mga panahong kasama ko ang babaeng minamahal ko nang higit sa sarili ko.
Si Blythe Borromeo.
Mature ContentYslaHabang magkahinang ang aming mga mata ay dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay papunta sa kanyang pisngi. Ramdam ko ang kinis ng kanyang balat kahit halata ang matinding pagod. Hindi lang sa katawan kundi pati sa isipan. Lahat ng problema sa kumpanya, ang mga desisyon, ang pressure na nakaukit sa bawat guhit ng kanyang mukha. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi kailanman nawala ang likas niyang kakisigan. Kahit pagod na pagod siya, para pa rin siyang isang larawang likha ng sining at ang larawang iyon ay akin.Napangiti ako sa sariling isipan. He’s mine. This man is mine.Unti-unti kong inilapit ang aking mukha sa kanya, ang bawat pulgada ng pagitan naming tila naging mabigat, puno ng tensyon at pananabik. Sa hangaring mahalikan siya, halos maglapat na ang aming mga labi ngunit bago ko pa man iyon tuluyang magawa, naramdaman ko ang kanyang daliri na marahang humawak sa aking baba, ginagabayan ako… at saka dumampi ang kanyang mga labi sa akin.Sa simula, ang
Ysla“Lola, kamusta po ang pakiramdam niyo?” mahinahon kong tanong ng tuluyan na akong makalapit sa kanya. Gabi na, oras na ng kanyang pagtulog, at gaya ng nakasanayan, nais ko lang tiyaking wala siyang nararamdamang kirot o kahit anong hindi kanais-nais.“Okay naman, apo,” nakangiti niyang tugon, at kahit pa mahina na ang boses niya dahil sa pagod, dama ko pa rin ang init ng kanyang pagmamahal.Kung tutuusin, medyo maaga pa para sa kanya, pero mas gusto niyang nagpapahinga na habang tahimik pa ang buong bahay. Kakatapos lang naming maghapunan ni Nathan. Hindi namin siya kasabay dahil nauna na siya para nga makapagpahinga siya ng maaga.“Mabuti naman po kung ganon,” sagot ko habang inaabot ang kanyang comforter. “Tandaan niyo po, ito ang buzzer ninyo. Kapag may naramdaman po kayong kahit ano, kahit konting kirot sa ulo o sa dibdib, huwag na po kayong magdalawang-isip. Pindutin niyo lang ito agad, ha?” Inilagay ko ang maliit na buzzer sa tabi ng kanyang unan, siniguradong maaabot niya
YslaMasaya akong malaman na kahit papaano ay unti-unting bumubuti ang lagay ni Lola Andrea. Hindi pa man siya ganap na magaling, ngunit ayon sa kanyang doktor, may mga palatandaan na ng unti-unting pagbuti ng kanyang kondisyon, isang bagay na sapat na para gumaan kahit paano ang bigat sa dibdib ko.Hindi ko maikakaila, natatakot pa rin ako para sa kanya. Sa tuwing naaalala ko ang mga rebelasyong ibinunyag ni Lola, lalo na ang pagkakabanggit niya kay Blesilda, parang may bumabalot na pangamba sa akin. Hindi ko kayang ipagsapalaran ang kaligtasan ng mahal kong lola, kaya agad kong iminungkahi kay Nathan na isama na namin siya sa bahay upang mas mabantayan namin siya nang mabuti. Hindi na rin ako nagtaka nang mabilis siyang pumayag, alam kong nauunawaan niya ang bigat ng sitwasyon at ang panganib na maaaring sumalubong kay Lola kung mananatili siya sa ospital o sa labas ng aming pangangalaga.Kasama rin naming sinama ang nurse ni Lola Andrea. Hindi ko inakala na magtitiwala ako agad sa
NathanNasa opisina ako ngayon, nakaupo sa likod ng desk na tila mas mabigat kaysa karaniwan. Kailangan kong asikasuhin ang ilang mahahalagang bagay na hindi ko pwedeng ipagpaliban, kahit pa ang isip ko’y paulit-ulit na bumabalik kay Ysla.Naiwan siya sa ospital para bantayan si Lola, salamat sa Diyos at ligtas na ito sa kritikal na kondisyon. Ngunit kahit nakalagpas na sa panganib, kailangan pa rin ng matinding pag-aalaga at masusing monitoring mula sa mga doktor.Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok si Damien, dala ang isang folder. Diretsong nilapag niya ito sa ibabaw ng aking mesa.“Sir, may share po talaga si Mr. Borromeo sa kumpanya,” seryoso niyang sambit habang pinapanood akong kunin ang dokumento.Kinuha ko ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang nilalaman. Habang lumalalim ang binabasa ko, unti-unting nabuo ang koneksyon, si Dad. Si Dad mismo ang naging daan upang makabili ng shares si Andres Borromeo.Kumirot ang sintido ko. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng
YslaNasa ospital kami ngayon, at pakiramdam ko'y parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko. Wala akong ibang magawa kundi sundan ng tingin si Nathan habang pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng pintuan ng emergency room, kung saan kasalukuyang nilalapatan ng lunas si Lola Andrea.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba kaming narito. Tila huminto ang mundo habang naglalaban sa loob ko ang kaba, galit, at awa. Siguro ay hindi na talaga kinaya ng katawan ng matanda ang sunod-sunod na tensyon na binigay ng mag-ama.Napailing na lamang ako habang dumadako ang paningin ko kay Nathaniel, ang ama ni Nathan. Kahit bakas sa mukha nito ang pagkabalisa at pag-aalala, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis o baka galit na rin lalo na at siya ang puno’t dulo kung bakit nangyari ang lahat ng ito.Today was supposed to be Lola Andrea’s 70th birthday. Dapat sana’y masaya kami ngayon na sine-celebrate iyon, nakikipagdaupang palad ang matanda sa kanyang mga kaibigan.Pero h
YslaAno raw? Engaged to be married?Napakunot ang noo ko. Anong kabaliwan na naman ito? Hindi ba’t malinaw na malinaw na tapos na sina Nathan at Blythe? Ano ang iniilusyon ng ama niyang si Nathaniel?Napailing na lang ako habang lihim na pinipigilan ang inis na bumalot sa akin. Kung patuloy na pangungunahan ng matandang iyon ang anak niya, malabo talagang magkaayos pa silang mag-ama. Hindi ba niya alam kung gaano kasalimuot ang emosyon ni Nathan tuwing siya ang usapan?At si Blythe? Gosh, ilang beses na siyang tinanggihan ni Nathan, diretsahan, harapan, walang pasikot-sikot. Pero andito parin siya, nakangiti, umaasa, at parang walang naririnig. Ang tibay ng mukha, ‘ika nga.Nagtama ang mga mata namin ni Nathan sa gitna ng kaguluhan. Hindi pa pwedeng ipagsigawan ang totoo tungkol sa amin, hindi pa panahon. Pero kilala ko siya. Alam kong makakaisip siya ng paraan para pabulaanan ang mga kalokohang binitiwan ng kanyang ama.“Nathaniel, anong kalokohan ‘yan?” singhal ni Lola Andrea. “Baki