"Meet me at the hotel," utos ni Darvis kay Pearl habang pinipiga sa hindi maitagong galit ang cellphone na nakadiin sa tainga.Tinawagan niya ang dalaga pagkatapos mabili ang necklace na kaparehas ng anniversary gift niya kay Psalm. Ini-auction daw ang kwintas doon sa Mauritius bilang bahagi ng charity donations ng royal family sa isang foundation for the poor. Ipinalit niya ang kwintas sa pekeng necklace at lumabas ng opisina. Ayos na sa ngayon, kahit magtawag ng gemologist ang asawa niya wala na siyang dapat ipangamba. "Fred, lalabas muna ako. Baka hindi na ako makabalik, i-cancel mo muna ang meetings ko," bilin niya sa secretary."Masusunod po, Sir." Talima ni Frederick. Sakay ng SUV ay bumiyahe si Darvis patungong Melrose Hotel. Naroon na sa suite nila si Pearl at naghihintay. Nakangiting sumalubong sa kaniya ang dalaga at kumapit sa kaniyang batok."May reward ba ako? Nag-stay lang ako sa bahay at hindi lumabas, sinunod ko ang gusto mo, nagpakabait ako," ungot nitong tumingkay
Peke ang kwintas? Namilog ang ulo ni Darvis sa realization na iyon. But how come? Gawa mula sa finest quality ng diamond ang necklace. "Wait," usal ng lalaki nang may natanto. "You fucking woman!" mahina niyang mura. Baka pinalitan ni Pearl ang kwintas ng imitation noong umalis siya para ibili ito ng pagkain. Naisip siguro ng dalaga na babawiin din niya ang necklace once hahanapin iyon ni Psalm. Bwesit! Naisahan siya ni Pearl. Paano niya lulusutan ang bagong dagok na ito? Kung sasabihin niya sa asawa na ang kapatid nito ang maygawa, para na rin niyang inamin ang iniingatang sekreto. Kung hindi naman niya sasabihin, iisipin ni Psalm na binigyan niya ito ng fake necklace. Either way, maiipit siya. "Ready na ako," abiso ni Psalm na halos di niya napansin ang paglapit dahil abala ang utak niya. Tumingin si Darvis sa asawa at tumango. Pupunta sila ng yoga studio ngayon. "Hindi ba mainit iyang suot mo?" komento niya sa outfit nito. Komportable naman ang malambot na leggings pero ang
Aburidong binuksan ni Darvis ang emails mula sa kaniyang cellphone at sinagot ang iilang business transactions online. Starred as urgent ang mga iyon at dapat ay doon niya sa opisina inaasikaso. Pero buong araw siyang ginagambala ni Pearl at ayaw paalisin. Iyon ang kaibahan ng dalaga kay Psalm. Alam ng asawa niya ang halaga ng kaniyang oras sa kompanya hindi tulad ng kapatid nitong sarili lang ang iniisip. Kumunot ang noo niya nang pumasok ang notification tungkol sa international award na natanggap ni Dr. Ymir Venatici sa larangan ng medisina. Another mile, another challenge for him. Venatici is a tough opponent to beat for the range of bachelors in the country. He stood in the pinnacle of fame and wealth. Kahit sa mga tulad niyang may gap ang marriage status ay nagiging banta na ang doctor. Binasa niya ang artikulo sa ibaba ng photo ni Ymir Venatici. Naaasar talaga siya sa anino ng ngiti ng lalaki. That smug face. Para sa mga babae, ideal man ang doctor. Para sa kagaya niyang lal
Fred: Madam, pwede ba tayong magkita sa north cafe?Chat ng secretary na nabasa ni Psalm pagkatapos ng tanghalian. Negatibong bagay na agad ang tumatakbo sa isip niya dahil sa random na mensaheng iyon. Stress at tiyak masisira lang ang araw niya kung may kinalaman sa asawa niya ang sasabihin nito pero second time na naglakas-loob si Frederick na i-reach out siya. Pwede niya sigurong pagkatiwalaan pa ng kunti ang secretary ata gagawing mata at tainga niya roon sa opisina.Nagbihis siya at nagpaalam kay Lucille na aalis muna saglit. Pumunta siya sa location na nasa chat. Tagong table sa sulok ang puwesto ni Frederick. Kumaway ito pagpasok niya. "Madam, nag-order na ako ng macchiato para sa inyo, upo po kayo," iniurong nito ang sofa para sa kaniya."Thank you, Fred, pero hindi ako magtatagal ha? May ibang appointment kasi ako. Naisingit ko lang ito dahil dahil along the way naman sa venue na pupuntahan ko ngayon.""Yes po, Madam, hindi rin naman po ako maaring magtagal dito. May trabaho
Okay na ba iyang mga sugat mo sa tuhod?" tanong ni Darvis pagkapanhik nila ng sala. "Galos lang 'to," malamig na sagot ni Psalm at nagpatuloy sa hagdanan. "Hon, I'm sorry. Can you tell me more of what happened to you last week?" Bumuntot ang lalaki sa kaniya."Tapos na iyon, wala nang saysay na balikan pa. Naresolba na rin naman ang issue. Hayaan na natin."Sinabi naman niya ang tungkol doon noong kasagsagan ng unos para sana kompirmahin na wala siyang kasalanan pero nakinig ba sa kaniya si Darvis? Hindi. What's the use of bringing it up now? Mas may panahon pa ito para kay Pearl kaysa tulungan siyang kumalap ng katibayan gaya ng ginawa ni Ymir."Psalm, I'm sorry, okay?"Huminto siya at nilingon ang asawa. "For what?""Hindi ko alam na ganoon ka-seryoso ang nangyari sa iyo tapos niyaya pa kita sa kompanya para ayusin ang problema."Tumawa siya ng bahaw. "Kung pupunta man ako roon, hindi iyon para sa kompanya." "Alam ko, pupunta ka roon para sa akin. Laging kapakanan ko ang iniisip
Kahit sa police station ay may media na nag-aabang. Pagbaba pa lang nina Psalm at Darvis sa sasakyan ay dinumog na sila ng mga ito. Sinubukan siyang itago ng asawa sa likod nito habang ni-regulate ng mga pulis ang crowd para makadaan sila papasok ng presinto."Everyone, I ask for your consideration. We're still in the process of investigating the issue and we are hoping the truth will come out soon. But I assure you, my wife did not hire anyone to put the victim in this painful situation," nagsalita si Darvis. Hindi inasahan ni Psalm na dedepensahan siya ng lalaki. Pero sa halip na ma-appreciate ang ginawa nito, feeling niya'y huli na dahil nasa punto na sila na hindi na niya kayang maniwala sa anumang gesture ng kabutihan mula sa asawa."Nahuli na ang tatlong miyembro ng gang na gumahasa kay Ms. Sheena at kayo ang itinuro nila. Paano ninyo papatunayan na inosente kayo, Madam Florencio?"Nagiging agresibo na ang reporters at ayaw siyang tigilan."Sinabi ko na sa inyo na walang kinala