Okay na ba iyang mga sugat mo sa tuhod?" tanong ni Darvis pagkapanhik nila ng sala. "Galos lang 'to," malamig na sagot ni Psalm at nagpatuloy sa hagdanan. "Hon, I'm sorry. Can you tell me more of what happened to you last week?" Bumuntot ang lalaki sa kaniya."Tapos na iyon, wala nang saysay na balikan pa. Naresolba na rin naman ang issue. Hayaan na natin."Sinabi naman niya ang tungkol doon noong kasagsagan ng unos para sana kompirmahin na wala siyang kasalanan pero nakinig ba sa kaniya si Darvis? Hindi. What's the use of bringing it up now? Mas may panahon pa ito para kay Pearl kaysa tulungan siyang kumalap ng katibayan gaya ng ginawa ni Ymir."Psalm, I'm sorry, okay?"Huminto siya at nilingon ang asawa. "For what?""Hindi ko alam na ganoon ka-seryoso ang nangyari sa iyo tapos niyaya pa kita sa kompanya para ayusin ang problema."Tumawa siya ng bahaw. "Kung pupunta man ako roon, hindi iyon para sa kompanya." "Alam ko, pupunta ka roon para sa akin. Laging kapakanan ko ang iniisip
Kahit sa police station ay may media na nag-aabang. Pagbaba pa lang nina Psalm at Darvis sa sasakyan ay dinumog na sila ng mga ito. Sinubukan siyang itago ng asawa sa likod nito habang ni-regulate ng mga pulis ang crowd para makadaan sila papasok ng presinto."Everyone, I ask for your consideration. We're still in the process of investigating the issue and we are hoping the truth will come out soon. But I assure you, my wife did not hire anyone to put the victim in this painful situation," nagsalita si Darvis. Hindi inasahan ni Psalm na dedepensahan siya ng lalaki. Pero sa halip na ma-appreciate ang ginawa nito, feeling niya'y huli na dahil nasa punto na sila na hindi na niya kayang maniwala sa anumang gesture ng kabutihan mula sa asawa."Nahuli na ang tatlong miyembro ng gang na gumahasa kay Ms. Sheena at kayo ang itinuro nila. Paano ninyo papatunayan na inosente kayo, Madam Florencio?"Nagiging agresibo na ang reporters at ayaw siyang tigilan."Sinabi ko na sa inyo na walang kinala
Na-realize ni Psalm na hindi lang siya ang mapeperwesyo kung hindi niya haharapin ang media kahit pa wala naman siyang dapat ipaliwanag. Nakakatakot kung ang social media na ang lalason sa utak ng mga tao, maski walang katibayan madidiin siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Tatlong araw na mula nang pumutok ang issue at halos mag-camping na sa labas ng mansion ang taga-media. Kada katulong na lumabas ay hinaharang at tinatanong. "Lalabas ako, Lucille, kakausapin ko ang press. Dito lang kayo," bilin niya sa kasambahay matapos ibigay dito si Chowking."Mag-iingat po kayo, Madam," worried na pahabol ng katulong.Pagtawid pa lamang niya sa pulta-mayor ay sinalubong siya ng kislap ng mga camera na wari ay kidlat sa gitna ng bagyo. Takbuhan ang mga reporter mula sa iba't ibang broadcasting network at nag-uunahan sa pag-umang ng microphone sa kaniya. "Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa paratang na rape at frustrated murder?""May katotohanan ba lahat ng sinabi ni Madam Daisy?""T
Hinatid lang ni Darvis pauwi ang asawa. Balak niyang pumunta sana ng opisina pero natanggap niya ang tawag ni Pearl. Bakas sa tono ng dalaga ang stress. Naintindihan niya kung naapektuhan ito sa sinapit ng anak ni Madam Daisy, kaibigan nito ang biktima. Pero hindi niya mapilit ang sarili na ibigay ang buong simpatiya kung si Psalm naman ang malalagay sa alanganin. Kilala niya ang asawa. Marahil ay hindi siya gaanong pamilyar sa mga ganap noong kabataan pero sa loob ng pagsasama nila, kabisado niya ang puso nito. Likas itong may mabuting kalooban. Ang kabaitan nito ay walang sinusunod na pamantayan. Kumbinsido siya na inosente ito at napagbintangan lang sa kasalanang wala naman itong ideya. "Nandito ka na rin!" Sumalubong sa kaniya si Pearl pagpasok niya ng sala. Umiiyak na yumakap sa kaniya ang dalaga. "Takot na takot ako, Kuya. Di ko akalaing kayang gawin iyon ni Ate sa kapwa babae. Pinagahasa niya talaga si Sheena!" sumbong nito. Naiiritang itinulak niya ito palayo. "Tama na n
Umiling si Darvis. Walang sinabi pero halatang hindi kontento sa narinig. Hinawakan nito sa kamay si Psalm at muli nilang nilapitan ang mga pulis."Sasama ako sa police station, kung pwede 'wag nýo na siyang i-handcuffs," anito sa dalawang pulis."Copy that, Mr. Florencio. Anyway, hindi pa naman natin napatutunayan kung may katotohanan ang bintang sa kaniya. She is innocent unless proven guilty."Hindi man lang siya makapagbihis. Nanlalagkit na siya. Dapat pala tinanggap na lang niya ýong damit na binigay ni Ymir bago siya nito ihatid pauwi kanina. "Lucille!" tawag ni Psalm sa kasambahay."Madam?" Lumapit si Lucille, nasa mukha ang hinagpis at pag-aalala. Naglabasan din ang ibang mga katulong. Kahit papaano naramdaman niya nasa kaniya ang simpatiya ng mga ito. Sa haba ng panahong nanilbihan sa mansion ang mga kasambahay, kabisado na siya ng mga ito. Wala siyang naging kaaway, maliban lang siguro kay Pearl na kung titingnan naman mula sa point of view ng society ay normal away lang ma
Napuyat sa kahihintay ng balita si Pearl kung tagumpay ba o hindi ang plano nila ni Madam Daisy. Pero sa halip na magalit pagkat hindi pa rin nagparamdam ang manghuhula'y kalmado at masaya ang dalaga dahil buong magdamag niyang kasama si Darvis. Kaaalis lang ng lalaki. Busog na naman siya sa mainit na tagpo nila. Kapag si Darvis talaga, hindi siya nabibitin. Kontento siya lagi dahil napaka-aktibo nito sa kama.Nakangiting binalingan niya ang cellphone at muling tinawagan si Madam Daisy. Halos naka-sampung missed calls na siya. "Pearl! Nasaan ka?" Boses na may kasamang panaghoy ang tumawid mula sa pintuan. Kasunod ang manghuhula na umiiyak at hindi niya maipinta ang hitsura dahil sa dungis."Madam, ano'ng nangyari?""Si Sheena, nasa hospital at nag-aagaw-buhay! Ginahasa siya ng gang at sinaksak. Nakita siya ng mga pulis kanina sa tapunan ng basura. Tulungan mo ako, Pearl, baka mamatay ang anak ko!" Nanginginig ang mga kamay at abot-abot ang pag-agos ng mga luha ng babae.Hindi nakahuma