CHAPTER 9 —THE HOSPITAL was quiet, but in Eros’s chest, his heartbeat felt confused, heavy, and filled with an unparalleled sense of dread. He was still holding his cellphone — his grip tight, as if it were his last connection to the reality that just moments ago his mother had spoken of.“Anak, your dad had a heart attack. We’ve already brought him to the hospital. We’re at St. Luke’s now. Please come as soon as you can...”Parang umalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang tenga. Ang mga susunod na segundo ay tila naging mabagal. Saglit siyang napatingin sa paligid — sa emergency room na kanina lang ay puno ng buhay at ingay, ngayon ay parang lumayo sa kanyang ulirat. Tila nawala sa kulay ang lahat, at tanging ang bigat ng sitwasyon ang kanyang dama.He took a deep breath. Amid the chaos in his mind, he struggled to remain calm. He forced himself to regain his proper rhythm — just as he would in the operating room when a patient’s life depended on his hands.“Focus, Eros. Your d
CHAPTER 8 —TAHIMIK ang paligid nang maglakad si Eros at Veronica pababa mula sa rooftop. Marahan ang bawat hakbang nila, na para bang ingat ka ingat na 'wag makagawa ng ingay. Ramdam ni Eros ang lamig ng gabi, pero mas ramdam niya ang bigat ng nararamdaman ng dalagang katabi niya. Sa mga oras na iyon, pansamantalang nawala sa isip niya ang sakit na dulot ng mga salitang binitiwan ni Gwyneth. Sa halip, ang atensyon niya ay nakatuon lamang kay Veronica — ang babaeng kanina lang ay muntik nang sumuko sa bigat ng mundo.Inihatid niya si Veronica sa kwarto nito para makapagpahinga. Sa isang private room ang tinutuluyan ng dalaga na sagot ni Knives bilang pagtanaw nito ng utang na loob sa dalaga. Maging ang hospital at medicine fee ay sagot din ng kaibigan niyang si Knives kaya wala nang dapat pang problemado si Veronica kundi magpagaling.Pagpasok ni Eros sa kwarto ng dalaga, kaagad niyang naamoy ang banayad na lavender scent na mula sa air-humidifier na siya mismo ang bumili para rito.
CHAPTER 7 — TAHIMIK na sinara ni Eros ang pinto ng kanyang opisina. Naiwan sa loob ang lamig ng mga salitang binitiwan kanina ni Gwyneth. Nakatanaw lang siya sa malayo, pilit pinapakalma ang dibdib na tila biglang sumikip.“I know matagal mo na akong gusto. Since college, right? Nakakatawa ka na, to be honest.”Hindi niya alam kung anong mas masakit — ang marinig na alam ni Gwyneth ang nararamdaman niya at tinuring lang iyon na biro, o ang makita na mas pinili nitong habulin ang kaibigang si Knives kahit alam nitong iba na ang tinitibok ng puso nito.Huminga siya nang malalim, pinisil ang tungki ng kanyang ilong, at nagdesisyong lumabas. Hindi na niya kinaya ang sikip ng opisina at pakiramdam niya ay naso-suffocate siya. Kailangan niya ng hangin. Kailangan niya ng katahimikan.Tahimik na naglakad palabas si Eros, pinilit na huwag magpakita ng emosyon kahit pa may ilang staff na bumabati sa kan'ya sa habang dumaraan. Pagdating niya sa dulo ng hallway, hindi na siya naghintay pa ng ele
CHAPTER 6 — ANG TAHIMIK na hallway ng South Manila Medical Hospital ay nagambala ng marahang yabag ng isang doktor na sa bawat hakbang ay nagiging sentro ng atensyon. Si Doc Eros Vaughn Smith, ang kinikilalang pinakamagaling na general surgeon ng ospital, ay tahimik lamang ngunit malakas ang dating. The tall figure strode down the hospital hallway, every step exuding quiet confidence. His height, posture, and striking good looks — as if sculpted in the mold of Henry Cavill — were impossible to miss. The crisp lines of his scrub suit only highlighted the strength in his shoulders, the ease in his movements, and the kind of presence that seemed to command the air around him without even trying.Bawat nurse, doktora, at pati mga pasyente ay napahinto. Para bang tumigil sandali ang mundo nang dumaan si Eros sa harapan ng mga ito. ‘Yung iba pa nga ay nagkunwari na nagtse-check ng chart o nag-ayos ng IV drip, pero obvious naman ang mga pasimpleng sulyap habang dumaraan ang gwapong doktor.
CHAPTER 5MATINDI ang tensyon sa loob ng operating room. Ang tunog ng monitor na kumakatawan sa bawat tibok ng puso ng batang pasyente ay tila papalayo na — pabagal nang pabagal at pahina nang pahina.“Heart rate dropping—60… 55… 50,” ulat ng anesthesiologist, may halong kaba ang tinig.“Massive bleeding on the right thoracic cavity, Doc,” sabi ng first assist.Hindi kumurap si Eros habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng dugo mula sa pumutok na pulmonary artery. Pero kahit na ganoon, nanatili pa rin siyang kalmado dahil alam niyang bawat minuto ay mahalaga.“Scalpel. Bigyan n'yo ako ng better exposure. Retract the lung gently, 'wag niyong durugin ang tissue.”Agad na iniabot ng scrub nurse ang scalpel, at marahang inurong ng assistant ang kanang baga, lumilikha ng mas malinaw na view sa pinagmumulan ng dugo.“Large vascular clamp, right pulmonary artery,” utos ni Eros.“Doc, BP’s crashing. 70/40. Heart rate 45. We’re losing him,” bulalas ng anesthesiologist.“Epinephrine, one milligram
CHAPTER FOURMALAMIG ang gabi, pero hindi iyon naramdaman ni Eros Smith habang nagmamaneho patungo sa Imperial Palace. Outside his car, the lights of Makati resembled stars brought down to the earth. Towering buildings, billboards vying for attention, and vehicles speeding along the streets - a city that seemed to have no room for emotions such as weariness, sorrow, or yearning.Pero sa loob ng kotse ay kabaliktaran. Tahimik at mabigat ang hangin, na para bang bawat segundo ay nagpapapaalala kay Eros ng mga salitang binitiwan ng kanyang daddy ilang oras lang ang nakalipas."Sayang ka, Eros. We invested in your education so you could become our rightful heir - not to waste your time playing games in some hospital!""Don't you feel any pity for your family? Is this really what you've chosen - to throw your life away patching up the blood and wounds of people who have nothing to do with you?" dagdag pa nito.Hindi na niya mabilang kung ilang beses niya narinig ang ganito. At sa bawat pag