Sa kabila ng takot at pag-aalinlangan, kinailangan niyang magsuot ng maskara upang maitago ang tunay na layunin. Alam niyang hindi magiging madali ang bawat hakbang, ngunit ang hustisya para sa kanyang kakambal ang nagbigay sa kanya ng lakas.
Habang iniinom ang gatas na iniabot ni Luke, hindi mapigilan ni Belle ang pag-isip ng mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan. May bahagi ba si Luke sa trahedya ng kanyang kambal? Totoo ba ang sinasabi nito o isa lamang palabas ang mga matatamis na salita? Pinilit niyang itago ang emosyon, pilit na hindi magpakita ng bahid ng duda.
Samantala, si Luke ay patuloy na nakatitig sa natutulog nilang anak. "Alam mo, Ana," biglang sambit ni Luke, boses nito ay puno ng lungkot at pagsisisi. "Noong nawala ka, parang nawala rin ang kalahati ng buhay ko. Hindi ko alam kung paano ako nagpatuloy."
Tumango si Belle, ngunit hindi sumagot. Pinilit niyang ipakita ang pagiging kalmado kahit ang puso niya'y tumitibok nang mabilis.
"Mahal, ayaw ko nang ulit mangyari iyon. Kaya sana… bumalik na tayo sa dati. Ang pamilya natin, ang pagmamahalan natin," sabi pa ni Luke, ang kamay nito ay banayad na humawak sa kanyang braso.
"Oo," sagot ni Belle, pilit na ngumiti. "Subukan natin." Ngunit sa kanyang isipan, ang mga salitang iyon ay walang laman—isang kasinungalingang kailangan niyang gawin upang manatili sa masalimuot na labanang ito.
Nang makaalis si Luke at mag-isa na muli si Belle, hinawakan niya ang journal ni Ana sa ilalim ng unan. Sa bawat pahina nito, nararamdaman niya ang kirot at takot ng kanyang kakambal. "Hindi ko hahayaan na walang managot sa nangyari sa'yo, Ana," tahimik niyang isinumpa habang tinititigan ang natutulog na si Anabella. "Magsisimula ako kay Sheila."
Ngunit alam ni Belle na hindi magiging madali ang misyon niyang ito. Sa mansyon na puno ng mga lihim, kailangang mag-ingat siya sa bawat kilos. Isang maling galaw, at maaaring hindi lang siya ang mapahamak kundi pati ang mga taong iniwan ni Ana.
Sa gabing iyon, habang tahimik ang mansyon, nanatili si Belle sa tabi ng kanyang pamangkin. Hindi niya mapigilang mapaisip kung anong maaaring kahinatnan ng lahat ng ito. Sa bawat hakbang patungo sa katotohanan, alam niyang mas lalong magiging delikado ang kanyang sitwasyon. Ngunit sa likod ng lahat ng takot, naroon ang tapang—isang tapang na dulot ng pagmamahal at pagkakapatiran.
At sa kabila ng lahat ng panganib, isa lang ang malinaw kay Belle: hindi siya titigil hanggang sa maibalik ang hustisya sa pangalan ng kanyang kakambal. Mananatili siya bilang si Ana, kahit ang katotohanan ay tila unti-unting nagpapakita sa kadiliman.
Habang nagdaraan ang mga araw, lalo niyang nararamdaman ang bigat ng kanyang desisyon. Hindi lamang ang sariling buhay niya ang nakataya kundi pati ang kinabukasan ng sanggol na si Anabella. Sa kabila ng kanyang pangako kay Ana, hindi niya maiwasang makaramdam ng takot—hindi lamang sa mga lihim ng pamilyang Villa kundi pati na rin sa lumalalim na damdamin niya para kay Luke.Sa isang tahimik na gabi, habang nagpapalitan ng maiikling kwento si Belle at si Luke sa veranda, biglang nagsalita si Luke nang may lungkot sa tinig, "Alam mo ba, Ana, minsan iniisip ko, kung hindi nangyari ang aksidente… kung hindi kita nawala…" Tumigil ito, tila pinipilit pigilin ang emosyon. "Hindi ko na alam kung paano mabubuhay ulit kung mawawala ka pang muli."
Napatitig si Belle sa kanya. Ang paraan ng pagsabi nito, ang lungkot at kirot sa mga mata ni Luke, ay tila mga patalim na tumutusok sa kanyang dibdib."Luke…"mahina niyang sagot, pilit hinahanap ang tamang salita upang itago ang kanyang tunay na damdamin.
"Alam kong nahirapan ka," dagdag pa ni Belle, pilit ginagaya ang boses at tono ng kanyang kakambal. "Pero nandito na ako ngayon. Babawi tayo."Ang bawat salitang iyon ay may bahid ng paninindigan at pagsisinungaling, ngunit hindi niya maaaring ipakita ang pagkakakilanlan niya bilang Belle.
Habang papalapit si Luke upang yakapin siya, pilit niyang itinatago ang kaba. Ang init ng yakap nito ay tila bumabalot sa kanyang pagkatao, binibigyan siya ng ginhawa ngunit sabay rin ng pagkalito."Miss na miss kita,"bulong ni Luke sa kanyang tenga. Ang init ng hininga nito ay nagdulot ng kilabot sa kanyang balat. "Hayaan mo, magsisimula ulit tayo. Gagawin kong mas masaya ang buhay natin."
Nagpigil si Belle. Ang puso niya ay parang isang tambol na kumakabog nang malakas, hindi dahil sa takot kundi dahil sa damdaming ayaw niyang ipaalam sa sarili."Oo, magsisimula ulit tayo," tugon niya, ngunit sa likod ng mga salitang iyon ay ang paninindigan niyang hanapin ang katotohanan.
Samantala, si Sheila naman ay nag-aapoy sa galit sa kanyang kwarto. Hawak ang cellphone, pilit niyang kinokontrol ang kanyang mga tauhan na tila wala namang kakayahang tuparin ang kanyang utos. "Sinabi ko sa inyong patayin si Ana, bakit hanggang ngayon andiyan pa siya?" malupit niyang tanong sa kabilang linya."Ma'am, hindi namin magawa ang plano,"sagot ng isang lalaki. "Palaging may bantay sa mansion, at hindi namin alam kung paano lalapit."
"Mga inutil!" sigaw ni Sheila, halos mabasag ang cellphone sa kanyang kamay. "Kapag hindi niyo ginawa ang inuutos ko, mas malaki ang mawawala sa inyo kaysa sa pera ko. Tandaan niyo 'yan!" Agad niyang pinatay ang tawag, saka ibinato ang cellphone sa kama.
Ngunit bago pa man siya makapag-isip ng susunod na hakbang, biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya si Belle—o si Ana, sa paningin ng lahat—na nakatayo sa pintuan. Ang malamig na ekspresyon nito ay tila nagpapadala ng kilabot sa kanya.
"Sheila," malamig na wika ni Belle. "Parang balisa ka nitong mga nakaraang araw. May problema ba?"
Nagulat si Sheila ngunit mabilis na nagpakalma ng sarili. "Wala, Ana," sagot niya, pilit na ngumingiti. "Medyo stressed lang sa trabaho."
Hindi nawala ang malamig na titig ni Belle habang dahan-dahang lumalapit. "Stressed? O may ginagawa kang hindi ko alam?" Ang boses niya ay tila isang sibat na tumutusok sa isipan ni Sheila.
"Ano bang ibig mong sabihin?" sagot ni Sheila, kunwaring nagtataka. "Bakit parang pinagdududahan mo ako?"
Huminga nang malalim si Belle, pinipilit ang sarili na huwag magpakita ng sobrang galit. "Wala naman,"sagot niya, pilit na ngumiti. "Nag-aalala lang ako. Alam mo naman, pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi na ako sigurado kung sino ang maaasahan ko."Hindi nakapagsalita si Sheila. Ramdam niya ang banta sa boses ni Belle, ngunit hindi niya maaaring ipakita ang kanyang takot. Habang papalabas si Belle ng kwarto, muling nagkaroon ng apoy sa kanyang mga mata si Sheila. "Kung akala mo, Ana, matatakot mo ako, nagkakamali ka. Hindi mo ako matatalo."
Kinabukasan, habang inaalagaan ni Belle si Anabella sa hardin, tila walang kapayapaan sa kanyang isipan. Ang mga galit na mata ni Sheila, ang lambing na boses ni Luke, at ang mga alaala ng kanyang kakambal ay tila nagiging tinik sa kanyang puso. Hawak ang maliit na kamay ng pamangkin, tahimik niyang ibinulong, "Wag kang mag-alala, Anabella. Hanapin ko ang pumatay sa mommy mo. Hindi kita iiwan. Hindi ko hahayaan na magdusa ka tulad ng mommy mo." Ngunit bago pa niya matapos ang kanyang pangako, biglang naramdaman niya ang mga kamay ni Luke na bumalot sa kanyang baywang. Hinalikan siya nito sa pisngi at bumulong, "Mahal, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Napatigil si Belle, pilit na ikinubli ang gulat. "Wala naman," sagot niya, pilit na ngumiti. "Iniisip ko lang ang kinabukasan natin." Ngumiti si Luke, ngunit sa likod ng mga mata nito ay tila may mga tanong na hindi maitanong."Sana nga, Ana, hayaan mong buuin natin ulit ang pamilya natin. Miss na miss na kita. Sana hindi mo ako layuan."Ang init ng boses nito ay tila bumalot sa kanyang puso, ngunit hindi siya maaaring bumigay. Hindi ngayon. Hindi kailanman, hanggang hindi niya natatagpuan ang katotohanan.Habang naglalakad papasok sa mansyon si Luke, tahimik na pinunasan ni Belle ang luhang bigla na lamang pumatak mula sa kanyang mga mata. Sa likod ng kanyang paninindigan at tapang, hindi niya maiwasang madurog ang puso niya sa gitna ng masalimuot na labanang ito.
Sa kanyang isipan, naroon ang paulit-ulit na panata:"Ana, hindi kita bibiguin. Para sa'yo, para kay Anabella, at para sa hustisya, ipagpapatuloy ko ang laban na ito. Hindi ako susuko."
Sa isang umagang payapa, habang si Ana ay abala sa paglalaro kay Anabella sa sala, umakyat si Belle sa silid niya hawak ang kanyang cellphone. Sa kamay niya'y naroon ang mabigat na balita na matagal na niyang gustong iparating sa kanyang mga magulang—isang balitang puno ng kabiglaanan, luha, at muling pagkabuo.Habang nakatayo sa gilid ng bintana at tanaw ang bughaw na langit, pinindot niya ang pangalan ng kanyang ina—Sophia Smith—at ilang segundong pag-ring, may pamilyar na boses ang sumalubong sa kanya."Hello, darling! Good morning!" bati ng kanyang ina mula sa kabilang linya. Nasa likod nito ang mahinang boses ni Clyde, ang kanyang ama, na mukhang abala sa paghahanda ng almusal sa kanilang bahay sa Sydney, Australia."Hi, Mom… Dad…" nanginginig ang boses ni Belle. Ramdam niya ang kaba sa dibdib. "May mahalaga po akong sasabihin sa inyo… Please, makinig lang muna kayo at huwag kayong magugulat.""Bakit, anak? Anong nangyari? Okay ka lang ba diyan sa Japan? Si Anabella? Si Luke?" su
Habang nagsimula siyang maglakad patungo sa isang bench na nakatayo sa gilid ng hardin, ang mga alaala ng nakaraan ay muling sumik sa kanyang isipan. Si Nanay Glenda at Tatay Romero—ang mga magulang na hindi siya iniwan. Ang mga simpleng sandali ng pagpapatawad, ng pagmamahal, at ng mga kwentong ibinahagi sa kanya. Ang kanilang mga mata na puno ng kabutihan, ang mga palad nilang nag-alaga sa kanya sa mga panaho'ng hindi niya matandaan. Isang matamis na sakit na nagbigay ng lakas sa kanya upang magpatuloy.Sa kabila ng lahat ng kalituhan sa kanyang isipan, naramdaman ni Ana na may mga bagay na hindi kailanman mawawala—mga alaala ng pagmamahal at mga pangako na gagabay sa kanya. “Hindi ko sila malilimutan,” bulong niya sa sarili.Si Anabella, ang anak niyang matagal niyang nawalan ng pagkakataon. Hindi pa man niya maaalala ang buong kwento ng kanilang nakaraan, ramdam niyang may malalim na koneksyon sila. May mga bagyong dumaan sa buhay nila, ngunit ngayon ay natutunan niyang yakapin si
Kinabukasan, pag-gising ni Ana, ang kanyang puso ay puno ng emosyon at kabuntot na tanong. Bawat hakbang na ginugol niya sa paglalakad sa hardin ng kanilang tahanan ay puno ng bigat at saya. Ang kanyang mga kamay ay naglalakbay sa mga malamlam na halaman, ang mga dahon ay nagsasayaw sa hangin. Ang kalikasan na parang sumasalamin sa kanyang buhay—matagal nang nawawala, ngunit ngayon ay muling nakahanap ng kanyang sarili.Hindi pa siya ganap na nakaka-move on, ngunit natutunan niyang tanggapin ang kanyang bagong buhay. Ngunit may mga alaala na patuloy na nagbabalik, at ang mga tanong ng "sino ako?" at "saan ako patungo?" ay patuloy na bumangon sa kanyang isipan. Ngunit sa bawat hakbang, natutunan niyang yakapin ang kasalukuyan.Hinawakan niya ang kanyang cellphone, nagdadalawang-isip sa isang sandali. Gusto niyang magpatuloy at magbagong-buhay, ngunit may mga tao sa buhay niya na hindi niya kayang iwanan—ang mga magulang na tumulong sa kanya, na nag-alaga sa kanya sa oras ng kanyang pag
Hapon na. Ang sikat ng araw ay unti-unting humihina, tumatagos sa mga kurtinang puti at lumilikha ng mga ginintuang guhit sa sahig ng sala. Sa isang sulok ng bahay, naupo si Ana sa sahig habang hawak ang isang maliit na stuffed bunny. Sa tabi niya, tahimik na nakaupo si Anabella, may hawak na libro ng kulay at krayola.Tahimik ang bata. Tila nahihiya. Si Ana nama’y nakatingin sa kanya, pinag-aaralan ang bawat galaw—ang bawat tahimik na titig, ang bahagyang pagkagat sa labi, ang pagkapilyang ngiti na tila pamilyar... kahit wala siyang maalala.“Anabella,” mahina ngunit puno ng lambing ang tinig ni Ana. “Alam mo ba… araw-araw, iniisip ko kung paano ko sasabihin sa’yo… na mahal kita. Kahit hindi pa bumabalik lahat ng alaala ko.”Dahan-dahang tumingin ang bata sa kanya. “Talaga po, Mommy?”Hindi napigilan ni Ana ang pagtulo ng luha. “Oo, anak. Mommy mo ako. Kahit hindi ko pa maalala kung paano kita inalagaan noon… ramdam ko. Ramdam ng puso ko na ikaw ang anak ko.”Lumapit si Anabella. Ini
Sa isang tahimik na sulok ng hardin, nagtakda ng isang pribadong pag-uusap sina Luke at Adrian. Si Baby Leo ay natutulog na sa kwarto, at si Ana ay abala sa paglalaro kasama si Anabella. Nasa pagitan ng mga malalaking puno, ang hangin ay malumanay, at ang mga huni ng ibon ay nagbibigay ng himig sa paligid.Tumayo si Luke mula sa isang bench at naglakad papunta kay Adrian. Mabilis ang mga hakbang nito, at ramdam ni Adrian ang bigat ng mga mata ni Luke. Agad na tumingin si Adrian sa kanya, may pag-aalala sa kanyang mga mata.“Luke, ano ang—” nagsimula si Adrian, ngunit agad siyang pinutol ni Luke.“I need to talk to you,” wika ni Luke, ang tinig ay malalim at tahimik. “Tungkol kay Ana.”Nag-angat si Adrian ng kilay, ngunit hindi umalis sa lugar. “Ano'ng nangyari? May problema ba?”“Gusto ko lang iparating… na may plano akong gawin,” simula ni Luke. "Plano kong mag-file ng annulment."Naguluhan si Adrian. “Annulment? Bakit? Para saan?”Luke ay huminga ng malalim, napabuntong-hininga. “Hi
“Ramdam ko na anak ko siya,” bulong ni Ana, hawak pa rin ang kamay ng kakambal. “Kahit hindi ko pa alam noon, kahit wala pa akong alaala, may bahagi ng puso ko na kumikirot tuwing nakikita ko siyang lumalapit sa’yo… sa kanya. Ngayon alam ko na—dugo ko siya, laman ng laman ko. At pinalad siyang mahalin mo gaya ng pagmamahal ng isang tunay na ina.”“Ginawa ko lang ang sa tingin ko’y tama,” umiiyak na sagot ni Belle. “Noong pinanganak siya, para akong naguluhan—parang may kulang. At sa bawat ngiti niya, parang may aninong bumabalot sa’kin. Ngayon ko lang naiintindihan—dahil hindi ko siya ganap na anak. Anak mo siya, Ana. Ikaw ang ina niya.”Tumango si Ana, bakas sa mukha ang kalmadong pagtanggap sa katotohanan. “Pero ikaw ang naging sandalan niya. At sa panahong wala ako, ikaw ang naging ilaw niya. Kaya hindi ko kailanman ipagkakait sa kanya ang pagmamahal mo. Hindi ko siya aagawin sa’yo, Belle. Sa halip, gusto kong makasama siya—tayong dalawa. Tayong tatlo nina Luke… bilang iisang pamil