Hearts Under Contract

Hearts Under Contract

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-07-23
Oleh:  JennyBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
40Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

A mistaken kiss. A ruined engagement. A contract that changed everything. When small-town doctor Mirabelle Santos accidentally kisses a stranger in Manila, she unknowingly shatters the engagement of billionaire Jiro Del Fierro. To protect his reputation, Jiro forces her into a one-year contract as his substitute wife. Living under one roof with the cold and dangerous Jiro was supposed to be a nightmare—until secrets unravel, feelings grow, and a past filled with lies, betrayal, and stolen identities threatens to destroy them both. Would love survive despite of all hindrances that traps their way?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1: Wrong Guy

Mainit ang sikat ng araw nang bumaba ng bus si Mirabelle Santos sa Maynila. Sa isang kamay ang maliit niyang luggage, sa kabila ang cellphone na walang tigil sa pag-check ng address na ipinadala ng boyfriend niya. Malawak ang kaniyang ngiti at animo'y nanalo siya sa loto dahil sa saya niyang nararamdaman. After two years of long-distance relationship, finally, makikita na rin niya ang lalaking unang nagpatibok sa puso niya, it's Bryan.

"Block 10, Unit 5… Ito na yata ‘yun," bulong niya sa sarili habang naglalakad. Sa wakas, makakatikim na rin siya ng tunay na relationship goal moment at warm hug mula sa kanyang nobyo.

Nasa isang eleganteng hotel siya. Maraming taong naka-amerikana at bestida. May parang private event sa loob at halata na mayayaman ang nasa loob. Nagdalawang-isip siyang pumasok, pero nang tingnan niya ang kopya ng address na ibinigay ng nobyo niya, ito na iyon.

She walked through the glass doors, heart racing. Then she saw him—tall, handsome, naka-itim na suit, at napapalibutan ng mga bisita. Wala siyang pakialam sa iba. Sa isip niya, ito na ‘yun. Siya na ‘yun.

"Love!" sigaw niya habang tumatakbo palapit. Hindi niya man lang naisip na baka matisod siya at madapa. Agad niyang niyakap ang lalaki at hinalikan sa labi, mahigpit, matamis, at punong-puno ng pananabik.

Pero...

Biglang natahimik ang paligid. Parang huminto ang mundo. Narinig niya ang isang baso na nabasag.

“Who the hell are you?” malamig at matalim na tinig ang sumalubong sa kanya.

Doon lang niya tiningnan ang mukha ng lalaki. Hindi siya ngumiti. Imbis na kilig, galit ang naramdaman niya mula rito. Hindi ito ang nobyo niya. It's not Bryan.

"Oh my God..." bulong niya. Umatras siya ng kaunti, napayuko, at namutla.

"Security!" sigaw ng isang babae mula sa stage

Lumingon si Mirabelle dito. Isang maganda, matangkad na babae na naka-red gown ang nakatitig sa kanila habang may mga luha sa mata. Bigla siyang nakaramdam ng konsensiya. Kahit hindi man niya sinasadya ang nangyari ay kasalanan niya pa rin dahil hindi siya naging masuri, mas nangibabaw sa kaniya ang excitement. Sa isip niya, sinisisi na niya ang boyfriend niya kasi maling address yata ang naibigay.

“Jiro, paano mo nagawang halikan ang ibang babae sa harap ng engagement party natin?!”

Engagement party?!

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mirabelle at biglaang nanginig ang kabiyang mga tuhod. Hindi lang siya nagkamali ng yakap at halik. Nakasira siya ng relasyon, at ang malala pa, engagement party ang nasira niya.

Ang tanging panalangin na lang niya ay lamunin siya ng lupa pansamantala upang maisalba sa kahihiyan na kaniyang nagawa.

"You just ruined everything," malamig na wika ng lalaking tinawag na Jiro. His eyes were dark, angry, and dangerous.

Dahan-dahan siyang umatras, hawak-hawak ang bag. "Sorry po! Akala ko po kasi—"

“Get her out of here. Now.” Malakas na sigaw ng babaeng umiiyak.

Dalawang security guard ang lumapit sa kanya, pero bago pa siya tuluyang mailabas, nagsalita ulit si Jiro. "Wait. Let her stay."

Lumingon ang lahat sa kanya. Tila ba'y lahat sila nagulat sa tinuran ng lalaki. Kaniya-kaniyang bulungan ang mga bisita.

"What?!" sigaw ng babaeng naka red gown. “You’re keeping her after what she did?!”

“I’ll handle it,” sagot ni Jiro. “Everyone, I apologize. We’ll reschedule the engagement.”

Nagkagulo sa event hall. Ang media sa labas ay pilit na kumukuha ng balita. Si Mirabelle, nanginginig pa rin, at hindi alam kung saan siya pupunta.

Ilang oras matapos ang insidente, nakaupo siya sa isang maliit na karinderya malapit sa hotel. Nanginginig pa rin ang kamay niya habang sinusubukang i-contact si Bryan.

No response pa rin. Tila ba'y maling address yata ang naibigay o baka naman nasa ibang universe pala ito.

“Come on… please reply…” umiiyak na bulong niya. "Where are you? I need you…"

Biglang may dumating na itim na sasakyan sa harap niya. Bumaba ang isang lalaking naka-itim pa rin. Si Jiro.

Lumapit ito sa kanya at walang anumang emosyon ang mukha. “Get in.”

Napatingin si Mirabelle sa kanya, takot ang nangingibabaw. “Bakit po? Hindi ko po sinasadya ‘yung nangyari kanina, akala ko po talaga ikaw si---"

“You humiliated me in front of the media, ruined my engagement, and now my investors are pulling out. You owe me.”

“I said sorry already! Hindi ko po kayo kilala! I didn’t mean to do —”

“Get in the car,” ulit ni Jiro, this time mas malamig. “Unless gusto mong mawala ang lisensya mong medical… permanently.”

Natigilan si Mirabelle. Paano niya nalamang doctor siya? Nang mapansin niyang may mga lalaking naka-itim din sa gilid ng kalsada, napilitan siyang sumakay. Pakiramdam niya kasi, mas delikado kung mananatili pa siya sa labas.

Pagdating sa Del Fierro mansion, tahimik lang siya habang pinapanood si Jiro maglakad papunta sa private room. Sumunod siya dito ng tahimik at hindi niya iwasang kabahan sa mga susunod pa na p'weding mangyari.

“This is a contract,” ani Jiro, sabay abot ng papel. “You’ll pretend to be my fiancée for one year. In exchange, you’ll get ₱1 million per month. Safe and stable life. After that, you disappear.”

“Excuse me?! Bakit ako?!” pasigaw niyang sagot. “Hindi ako laruan—” tila ba'y nakalimutan niya pansamantala na siya pala ang may kasalanan sa lalaking kaharap.

“You’re already involved. Whether you like it or not. And if you refuse... well, accidents happen.”

Lumamig ang katawan ni Mirabelle. She felt trapped. Wala na siyang contact sa boyfriend niya. Wala rin siyang ibang matatakbuhan dito sa Maynila. At ang lalaking kaharap niya—mapanganib na tao.

She clenched her fists. “This is insane.”

“So is destroying someone’s future with one kiss,” maanghang na sagot ni Jiro.

Napalunok siya. Hindi niya naisip na ganito kahirap ang magiging kapalit ng isang maling yakap.

“Fine,” mahina niyang sagot. “I’ll do it. But only for one year.”

Jiro smirked. “Welcome to hell, sweetheart.”

That night, habang nasa silid niya sa mansion, may narinig siyang mga katok. Nang buksan niya ang pintuan, walang tao, pero may isang sulat sa sahig.

Ang nakasulat lang:

“You shouldn’t be here. He’s not who you think he is.”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status