LOGINIsa ang pamilyang Ramirez sa pinakamayaman at pinakama-unlad na pamilya sa Pilipinas. Samantalang ang pamilya naman ng mga Saavedra ay malapit nilang kaibigan. Noong halos mabankrupt ang kompanya ng mga Saavedra, ang pamilyang Ramirez ang tumulong sa kanila upang makabangon. At bilang pagpapasalamat at pagtupad na rin sa kasunduan. Nangako si Gabriel na papakasalan niya si Monica upang mas lalong maging malakas ang kani-kanilang kompanya.
Kasal na sila ng malaman ni Monica ang lahat. Hindi siya nagalit, tinanggap niya ang lahat dahil nga gusto niya si Gabriel at akala niya ay may gusto rin ito sa kanya pero ang katapatan pala nito ay hawak ni Ericka.
Ang pagsasama ni Monica at Gabriel ay hindi na bumalik pa sa dati. Habang nadadagdagan ang araw, unti-unti na nilang nakaksanayan na huwag magpansinan. Kinabukasan maagang lumabas pumunta si Monica sa hospital para bisitahin ang kanyang nanay.
“Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Nag-aaway ba kayo ni Gabriel? Kapag pupunta ka rito ay namamaga ang mata mo na para bang galing ka sa matinding pag-iyak,” malungkot na pag-uusisa nito.
“Mama, hindi po kami nag-aaway.” Nakangiting sabi niya. Natatakot siyang sabihin ang totoo. Dahil ang tingin nila kay Gabriel ay pinamabuting manugang. Gumugulo rin sa isip niya ang mga isiping “Paano niya sasabihin na may ibang mahal at may anak sa ibang babae si Gabriel at paano niya sasabihin sa mga ito na balak na nilang makipaghiwalay.”
Bigla ay dumating ang kanyang nakakabatang kapatid. Si Kevin. Yinakap niya ito. Nakasuot pa ito ng uniform at mukhang kagagaling lang sa school.
“Ate, nakita ko si Kuya Gabriel,” masiglang sabi ng bata.
“Saan mo siya nakita?” pinipilit pakalmahin ni Monica ang sarili dahil baka kapag nag-ingay pa ang kapatid niya ay malaman ng kanyang ina ang totoo.
“Nakasabay ko siya sa elevator. Akala ko nga ay didiretso siya dito kay mama pero may dadalawin daw muna siya. Nakita ko siyang pinindot ang 11th floor,”dugtong pa ng bata.
“Ma, lalabas lang ako. Puntahan ko lang si Gabriel.” paalam ni Monica Hindi na niya hinintay na sumagot ang kanyang ina dahil tumakbo na siya palabas. Sumakay siya sa elevator at pinuntahan ang sinabing floor ng kapatid. Habang naglalakad siya sa pasilyo at bahagyang sinisilip ang bawat kwarto. Hindi siya makapali. Natatakot siya.
Huminto siya sa pinakadulong pintuan. Bahagya itong nakabukas. Sumilip siya rito at nakita niya ang kanyang asawa na si Gabriel. Yakap nito ang isang babae na pasyente.
Nakilala niya ang mukha nito. Si Ericka Buenaventura. Ang babaeng ikamamatay ni Gabriel kapag nawala.
“Ericka, Salamat sa Diyos at okay kana,” takot na takot na sabi ni Gabriel. Samantalang si Monica ay nasa labas ng pintuan bitbit ang matinding sakit ng kanyang nasaksihan.
Bigla ay umupo si Ericka, ikinulong niya ang braso niya sa baywang ni Gabriel at ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Maya ay isinabit niya ang mga kamay niya sa leeg ni Gabriel.
“Gabriel, maaari mo ba akong samahan dito ngayong gabi? Natatakot kasi ako, wala akong kasama. Ayoko namang dalhin dito ang anak natin, baka mahawa sa akin,” malungkot na sabi ng babae.
Pikit-matang nakatingin at nakikinig si Monica sa labas. Sobrang sakit para sa kanya na makita ang asawa, kung paano alagaan ang ibang babae. Napapatanong tuloy siya sa sarili niya na “kaya naman pala sa iba, bakit hindi sa akin?” Sa matinding pag-iisip ay napatingin siya sa suot na pulseras ng babae. Kamukhang-kamukha ito ng pulseras na ibinigay sa kanya ni Gabriel noong pangalawang anibersaryo nila. Mas lalong nadagdagan ang galit sa puso niya. Hindi na rin niya gustong pakinggan ang mga susunod na pag-uusapan nila. Mabilis na tumakbo siyang tumakbo palayo. Nagtago siya sa isang bakanteng silid at doon ibinuhos ang malakas na paghikbi.
Dahil ayaw ni Monica na makita siyang miserable ng kanyang ina ay minabuti na lamang niyang umuwi sa kanyang bahay. Sinabi niya sa sarili na pag-nakalabas ng ospital ang kanayng ina ay tatapusin na niya ang lahat sa pagitan nila ni Gabriel.
Samantala, sa opsital, matapos alagaan ni Gabriel si Ericka ay nagpaalam muna siya sa bibisitahin ang Nanay ni Monica sa parehong pasilidad. Paglabas niya ng pintuan habang naglalakad siya sa lobby ay napansin niya ang isang nurse na tumatawa, may suot ito ng pulseras na pamilyar sa kanya.
Nang masigurong pulseras iyon ni Monica ay agad niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ng babae.
“Paano napunta sayo ang pulseras na ito?!” galit na tanong niya.
“N-napulot ko po,” nauutal na sagot niya.
Bigla ay kinabahan si Gabriel. Pumasok sa isip niya na baka pumunta rito si Monica at nakita sila. Isinauli sa kanya ng nars ang pulseras at mabilis niyang bumalik sa kwarto kung nasaan si Ericka.
“Pasensya na, hindi kita masasamahan ngayon,” seryosong sabi ng lalaki kaya natahimik ang babae. “Nag-utos rin ako sa mga nars na magpadala ng magbabantay sa’yo,” dugtong pa niya habang hindi naman maipinta ang mukha ng babae.
“Gabriel, nangako ka diba? Sabi mo ay mananatili ka rito,” malungkot na sabi niya. Akala niya ay maaawa sa kanya si Gabriel pero hindi dahil sa matinding kaba na nararamdaman niya para sa asawa.
“May kailangan lang akong asikasuhin sa bahay. Babalik din ako kaagad,”
“Sige. Pasensya na kung naabala kita ng ilang araw. Siguro ay nagtataka na ang asawa mo. Umuwi kana at bumawi ka sa kanya,” malungkot na sabi ng babae pero sa loob nito ay naiinis siya. Dapat siya ang kasama ni Gabriel hindi si Monica. Dahil umpisa pa lang ay siya naman talaga. Sadyang nawalan lang siya ng oras kay Gabriel at huli na nang malaman niyang kasal na ito kay Monica.
“Huwag kang mag-alala, hindi ka kailanman naging abala sa akin. Palagi kang nasa priority list ko,” nakangiting sabi ng lalaki at siniil ng halik si Ericka.
Makalipas ang dalawang araw. Nakalabas na si Monica sa hospital pero walang asawa na dumalaw sa kanya. Pagkauwi niya ng bahay ay inabutan niya si Gabriel na noo'y nasa sala, nakatutok sa kanyang laptop. Dahan-dahan siyang sumilip sa ginanagawa nito. Tinitingnan niya ang larawan nila ni Ericka at ang anak na meron sila. Mabilis na tumikhim si Monica kaya naagawa niya ang pansin ng asawa. Mabilis nitong pinatay ang laptop at nakangiti siyang hinarap."Hi, Babe. Nag-breakfast kana? Gusto mo bang kumain sa labas?" nakangiting sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Monica.Pabagsak niyang inilabas ang Divorce Paper sa harap ni Gabriel na noo'y nanlalaki ang mga mata."Ano to?!" Malakas na sigaw nito at bahagya pang kinalampag ang lamesang nasa pagitan nilang dalawa."Akala mo ba ay bobo ako para pirmahan 'yan? Damn! Divorce Paper yan for godsake!" Dugtong pa niya.Tiningnan lang siya ni Monica. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi natutuwa sa presensya ng asawa."Akala mo diba ba ay bobo
Gabi na nang makauwi si Gabriel. Sinalubong siya ng madilim na bahay, tahimik na para bang walang nakatira. Patay na rin ang mga ilaw. Masiyadong maaga, hindi siya sanay.Hinahanap niya ang presensya ng asawa. Sa tatlong taong pagsasama nila, kahit anong oras pa siya makauwi ay palaging naghihintay sa kanya si Monica. Sabik na sabik itong makita siya palagi at may oras pa na tatakbo ito papunta sa kanya at yayakapin siya ng mahigpit. Ngayon ay nagbago na. Nanlalamig na ang kanyang asawa.Maaga pa lang ay nadatnan na niya na tulog si Monica sa kama. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na noo’y tumatakip sa mukha niya. Bigla itong nagising at gumawa ng distansya sa pagitan nila.“Nasaan ang pulseras na regalo ko sa iyo? Bakit hindi mo sinusuot?” nakakunot-noong tanong ni Gabriel.“Hindi ko alam. Baka nahulog,” tila walang buhay na sagot niya. Na para bang ang pulseras na iyon ay isang basura lang para sa kanya pero ang totoo ay itinapon niya ito. Hindi niya maatim na suutin ito dahil
Isa ang pamilyang Ramirez sa pinakamayaman at pinakama-unlad na pamilya sa Pilipinas. Samantalang ang pamilya naman ng mga Saavedra ay malapit nilang kaibigan. Noong halos mabankrupt ang kompanya ng mga Saavedra, ang pamilyang Ramirez ang tumulong sa kanila upang makabangon. At bilang pagpapasalamat at pagtupad na rin sa kasunduan. Nangako si Gabriel na papakasalan niya si Monica upang mas lalong maging malakas ang kani-kanilang kompanya.Kasal na sila ng malaman ni Monica ang lahat. Hindi siya nagalit, tinanggap niya ang lahat dahil nga gusto niya si Gabriel at akala niya ay may gusto rin ito sa kanya pero ang katapatan pala nito ay hawak ni Ericka.Ang pagsasama ni Monica at Gabriel ay hindi na bumalik pa sa dati. Habang nadadagdagan ang araw, unti-unti na nilang nakaksanayan na huwag magpansinan. Kinabukasan maagang lumabas pumunta si Monica sa hospital para bisitahin ang kanyang nanay.“Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Nag-aaway ba kayo ni Gabriel? Kapag pupunta ka rito ay n
Kinabukasan ay binisita ulit ni Monica ang kanyang nanay sa hospital. Ang kaninang ngiti sa mukha ng matandang babae ay nawala ng makita ang hitsura ng anak. Sa sobrang stress kasi niya nitong mga nakaraang araw ay napabayaan na niya ang sarili niya. Kapansin-pansin din ang pangangayayat ng katawan niya.“Anak, lumapit ka nga,” sabi nito na agad namang sinunod ni Monica. Hinaplos nito ang mukha niya. Nakaramdam siya ng kapayapaan at parang gusto niyang umiyak sa bisig ng kanyang ina pero pinigilan niya. “Bakit ang putla mo? May sakit ka ba? Parang nangangayayat ka, anak.” malungkot na sabi nito.“Hindi lang po ako nakatulog ng maayos.” nakangiting sabi ni Monica, huwag lang mag-alala ang nanay niya.“Nakauwi na ba ang asawa mo?” seryosong sabi ng kanyang Ina. Bigla ay nakagat ni Monica ang ibabang labi. Ayaw man niyang magsinungaling pero mas mabuti kaysa mag-isip siya ng kung ano ano.“Kakauwi niya lang kagabi, Mama,” malumanay na sabi ni Monica.“Kailan siya dadalaw sa akin? Lalab
Lumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin umuuwi si Gabriel. Sa loob ng tatlong araw na yun ay wala siyang natanggap na tawag o mensahe galing sa asawa. Kaya inabala na lang niya ang sarili siya sa pag-aalaga sa kanyang nanay na noo’y nagpapagaling sa hospital. Gustuhin man niyang magsumbong pero ayaw naman niya itong ma-stress dahil kakatapos palang nitong sumailalim sa heart surgery. At ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang. Kaya isinekreto niya ang lahat.At sa wakas, nakauwi na rin siya. Sa bahay na dati ay maliwanag ngayon naman ay sobrang dilim. Sa matinding pagod ay nakatulog ng maaga si Monica. Bigla ay nagising siya dahil sa tunog ng pagbukas ng pintuan. Naramdaman niyang umalog ang kama na para bang may umupo ditongh mabigat na bagay. Amoy niya rin ang matapang na amoy ng pabango. Napamulat siya bigla ng marealize na amoy iyon ng kanyang asawa na si Gabriel.“G-gabriel….” nauutal na pagtawag niya sa lalaki. Hindi ito nagsalita, niyakap lang siya nito ng mahigpit. Ku
Isang buwan na ang lumipas mula nang magpaalam si Gabriel Saavedra sa kanyang asawang si Monica Ramirez na may aasikasuhing business sa Batangas. At ngayon ang itinakdang araw nang kanyang pagbabalik. Kaya hindi magkanda-ugaga si Monica sa paglilinis dahil gusto niya ay madatnan ng asawa ang malinis at maaliwalas na bahay.Isa pa sa ikinatutuwa niya ay ngayon ang Third Anniversary ng kanilang kasal. Kaya abala din siya sa pag-aayos ng mga pagkain at regalo na ibibigay niya sa asawa. Nag-ayos pa siya ng sarili at matiyagang naghintay sa pagdating nito. Pero habang lumalalim ang gabi, nakakaramdam siya ng kakaibang kaba. Alas-nuebe na kasi pero hindi pa rin nakakauwi si Gabriel. At hindi rin kasi ito nagreply sa message niya pati na rin sa tawag. Habang nakaupo sa lamesa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Akala niya ay asawa na niya ito pero galing ang tawag kay Raya, ang kapatid ni GabrieL, sister-in-law niya.“Ate, may sinend ako sa messenger mo. Pakitingnan po. I’m sorry,”







