LOGIN
“Mrs. Martinez, kinalulungkot ko po, based on your results, mababa po ang posibilidad na mabuntis kayo.”
Tahimik na nakatingin si Selena sa doktor. “Wala na po bang ibang paraan para mabuntis ako?” mangiyak ngiyak na tanong niya. “Mayroon mga fertility treatment na pwedeng subukan pero based sa lab results mo maliit talaga ang chances. Pero may ibang paraan naman kung gusto niyo talaga maagkaanak. If you are aware about Surrogacy” Napayuko si Serena. “Surrogacy, Dra.?” Nadidinig niya na ang tungkol dito at may kilala din siya na gumagawa nun, subalit ayaw sana niya na ibang babae ang magdadala ng anak na pinapangarap niya. Ngunit tatlong taon na silang kasal ni Christopher at tatlong taon na rin silang naghihintay. Sa unang taon pa lang nilang pagsasama, nag-iisip na sila ng magiging pangalan ng kanilang magiging anak. Sa ikalawang taon naman nagsimula silang bumili ng maliliit na gamit para sa magiging nursery Hanggang sa tumigil na sila sa pagbili ng mga iyon. Sa mga bawat negatibong pregnancy test ay naging isang sugat na pilit niyang itinatago sa likod ng kanyang ngiti. Hindi naman siya sinisisi ni Christopher at iyon ang lalong nagpapahirap sa kanya. Mas gusto niya na sigawan siya, iparamdam sa kanya na wala siyang silbi dahil mas marahil ay mas madali niyang maiintindihan ang sakit. Ngunit sa tuwing nakikita siya ng kanyang asawa na umiyak, mahigpit siyang niyayakap nito. Sa tuwing sinasabi niyang baka hindi sila magkaroon ng anak, ang asawa niya ang unang nagpapaalala na maaari pa rin silang maging masaya. Kaya mas lalo siyang natatakot. Paano kung dumating ang araw na mapagod na si Christopher sa paghihintay? Paano kung sa likod ng mga yakap at pangakong iyon ay mayroon din itong pangarap na hindi niya kayang tuparin? “Pag-uusapan po muna namin ng asawa ko, Dra.,” sabi niya sa doktor. “Of course, Selena. Hindi niyo kailangan magmadali dahil ang mahalaga ay pareho kayong handa.” Tumango si Selena at kinuha ang kanyang handbag. Habang palabas ng klinika ay tumunog ang kanyang cellphone. Isang mensahe mula kay Christopher. [Love, kumusta ang checkup? Tawagan mo ako kapag tapos ka na so I can pick you up.] Napangiti siya sa kabila ng bigat ng kanyang dibdib. [No worries, Love. Huwag mo na akong sunduin, pauwi nadin ako. Usap na lang tayo mamaya.] Mabilis naman nagreply ang kanyang asawa. [Is everything okay?] Matagal na nakatitig si Selena sa screen bago ito nakasagot. [Let’s talk when you get home. I love you.] [I love you more.] Napapikit siya. Sana, sapat na ang pagmamahal at sana hindi niya kailangang mag-alala sa mga bagay na wala sa kanyang kontrol. Ngunit sa araw na iyon, naisip niya ang taong kilala niya na alam niyang gumagawa ng surrogacy at dito nagsimulang mabuo sa kanyang isipan. Ang tanging taong maaari niyang lapitan ay ang babaeng pinagkakatiwalaan niya nang higit kaninuman. Si Nicole Sevilla. Ang kanyang matalik na kaibigan. “Limang Milyon, pumayag ka lang please. Sabihin mo lang kung kulang pa, dadagdagan ko.” Muntik nang mabitawan ni Nicole ang kanyang tasa ng kape. Magkatapat silang nakaupo sa isang restaurant sa Makati. Dati, madalas silang magkita roon upang magkuwentuhan tungkol sa trabaho, pag-ibig, at mga simpleng problema sa buhay. Ngunit ngayon, ibang usapan ang kanilang haharapin. “Gusto kong mag-surrogacy,” iyon na lang naiisip kong paraan. Huminga nang malalim si Selena. “Gusto kong ikaw ang maging surrogate ko, Nicole.” Tuluyan nang ibinaba ni Nicole ang tasa. Ilang segundo siyang nakatitig sa kaibigan, para bang naghihintay na matawa ito at sabihing biro lamang ang lahat. “Nagpapatawa ka ba, Selena?” “Hindi ako nagbibiro, seryoso ako.” “Alam kong nakagawa ka na nito noon at alam kong naiintindihan mo kung gaano kaseryoso ang proseso. At higit sa lahat, ikaw lang ang taong pwede ko na pagkatiwalaan.” Napayuko si Nicole. Hindi alam ni Selena na sa sandaling iyon, may ibang naiisip na si Nicole. Isang p***o na pilit niyang sinara ng ilang taon. Dahil sa loob ng ilang taon, may isang pangalan siyang hindi kailanman nagawang burahin sa kanyang isip. Si Christopher Martinez. Ang asawa ng kanyang matalik na kaibigan. Ang lalaking unang nagparamdam sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng magmahal nang tahimik. Naalala pa niya ang una nilang pagkikita. Nasa isang restaurant sila noon, at ipinakilala siya ni Selena sa lalaking ilang buwan nang nililigawan nito. “Chris, meet Nicole, my best friend.” Ngumiti si Christopher at iniabot ang kamay. “Nice to meet you, Nicole.” Isang simpleng pagbati lamang iyon ngunit hindi niya alam kung bakit nanatili sa kanyang alaala ang tunog ng boses nito. Hindi niya alam kung bakit sa bawat pagkakataong nagkikita sila, mas lalo niyang gustong mapalapit dito. Nung araw ng kasal nila Selena at Christopher, habang nakatayo siya bilang bridesmaid, pinigilan niya ang mapaluha, hindi dahil hindi siya masaya para sa kaibigan kundi dahil sa araw na iyon, tuluyan niyang tinanggap na may isang lalaking hindi niya kailanman maaaring angkinin. At ngayon, ang kaibigan niya mismo ang kusang nag-aalok sa kanya ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ng lalaki. Hindi bilang kaibigan at hindi din bilang bisita kundi bilang babaeng magdadala sa anak nito. “Nicole?” tawag ni Selena. Napakurap siya. “Sorry. Napaisip lang ako.” “I know this is a big decision. Hindi kita pipilitin, pero sana matulungan mo ako.” “Bakit ako?” Napaluha nang bahagya si Selena. “Dahil hindi ka na iba sa akin, pamilya na ang turing namin sa’yo. Dahil kung may ibang babaeng gagawa nito, baka palagi akong mag-alala. Pero kung ikaw, alam kong iingatan mo ang magiging anak namin at Hindi mo kami lolokohin.” Pamilya. Ang salitang iyon ang lalong nagpabigat sa kanyang dibdib. Dahil ang babaeng tumatawag sa kanya ng pamilya ay ang babaeng maaaring niyang masaktan. “Okay, magkano nga ulit ang offer mo?” tanong ni Nicole. Kailangan niya din talaga ng pera dahil may mga obligasyon ang pamilya niya na hindi na niya kayang akuin nang mag-isa. Matagal na siyang nagsisikap na makabangon, ngunit bawat pagkakataong umaangat siya ay may panibagong problemang dumarating at iyon ay ang pagkakasakit naman ng kanyang ama. “Five million pesos, pero kung kulang pa sabihin mo lang” sagot ni Selena. “Bukod pa sa lahat ng gastusin sa medical procedures, pagkain, checkups, at iba pang pangangailangan mo hanggang sa panganganak.” Nanlaki ang mga mata ni Selena. Limang milyon. Sapat na upang mabayaran ang mga obligasyon ng kanyang pamilya at magkaroon ng bagong simula, mapapagamot na din niya ang kanyang ama. Ngunit ang tunay na dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso ay hindi ang halaga. Kundi ang pagkakataong mapalapit kay Christopher. “Ano naman ang mga kondisyon?” tanong niya. Tumango si Selena. “Pagkatapos mong manganak, siyempre ibibigay mo sa amin ang bata at lalayo ka na. Hindi kita gustong saktan, Nicole. Pero gusto kong malinaw ang lahat. Gusto kong lumaki ang anak namin na walang komplikasyon sa relasyon natin.” Hindi agad nakasagot si Nicole. Pagkatapos ng siyam na buwan, mawawala na naman siya sa buhay ni Christopher. Ngunit paano kung sa siyam na buwang iyon ay may magbago? Paano kung sa bawat araw na kasama niya ang lalaki ay unti-unti nitong makita ang mga bagay na hindi nito nakikita sa sarili nitong asawa? Hindi niya dapat iniisip iyon. Ngunit hindi rin niya kayang pigilan ang pag-asang matagal nang nakatago sa kanyang puso. “Pag-iisipan ko,” sabi niya. Tumango si Selena. “Take your time. Hindi kita mamadaliin, ayokong din naman magsisi ka sa desisyon mo.” Pero nang gabing iyon, hindi na kailangang mag-isip nang matagal ni Nicole. Alam na niya ang sagot. Habang nakaupo siya sa kanyang silid, pinagmamasdan niya ang nakatagong picture ni Christopher sa kanyang cellphone. Tatanggapin na niya ang alok. Hindi lamang dahil sa pera kundi dahil sa unang pagkakataon, magkakaroon siya ng dahilan upang manatili sa tabi ng lalaking matagal na niyang minamahal. Hindi niya kailangang agawin si Christopher. Kailangan lamang niyang maging bahagi ng buhay nito. At kung may mangyaring hindi inaasahan, marahil ay magkakaroon din siya ng pagkakataong mahalin.Pagkatapos ng ikatlong kabiguan, nagpasya si Selena na magpahinga muna.Hindi niya gustong tuluyang maubos ang kanyang lakas sa paulit-ulit na paghihintay. Sa kabila ng kanyang pagnanais na magkaroon ng anak, alam niyang kailangan din niyang alagaan ang sarili.“Let's take a break,” sabi niya kay Nicole habang nag-aalmusal sila.Napatingin ang kaibigan.“Are you sure?”Tumango si Selena.“Hindi ko gustong madaliin ang lahat. Kailangan nating magpahinga at pag-usapan kung ano ang susunod na gagawin.”“Okay.”“Hindi ibig sabihin nito na sumusuko na ako.”Ngumiti si Nicole.“I know.”Ngunit sa loob-loob niya, may halong takot ang naramdaman niya. Kung magpapahinga si Selena, baka dumating ang araw na maghanap ito ng ibang surrogate. At kapag nangyari iyon, mawawala ang dahilan niyang manatili sa tabi ni Christopher.Hindi niya maaaring hayaang mangyari iyon. Kaya sa mga sumunod na araw, sinimulan niyang pag-isipan kung paano niya mapananatili ang kanyang puwesto sa buhay ng mag-asawa.Hi
May mga kasalanang nagsisimula sa isang simpleng kasinungalingan. Isang bagay na itinatago dahil sa takot at isang desisyong ginagawa dahil sa pag-asa.Para kay Nicole, nagsimula ang lahat nang itago niya ang kanyang contraceptive pills sa drawer ng guesthouse.Hindi niya itinapon ang mga ito. Hindi pa niya kayang gawin iyon dahil may bahagi sa kanyang sarili na nagsasabing maaari pa siyang umatras, maaari pa niyang itama ang kanyang mga desisyon bago pa tuluyang masira ang lahat.Ngunit sa tuwing nakikita niya si Christopher, nawawala ang kanyang determinasyong maging tapat.Matagal na din niyang minamahal ang lalaki. Ilang taon na rin niyang pinagmamasdan ang kaligayahan ng kaibigan sa piling nito. At sa loob ng tatlong taon, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na sapat nang maging kaibigan siya ni Selena.Ngunit hindi na sapat iyon.Hindi matapos niyang makita kung gaano kadaling mapalapit kay Christopher kapag may dahilan siyang manatili sa kanilang bahay. Hindi matapos niyang m
Isang hapon, habang nasa sala si Nicole ng mga Martinez, dumating si Christopher mula sa opisina.“Hi, Nicole. Where's Selena?”“May meeting siya. Pabalik na din daw siya in a bit.”Tumango ang lalaki.“Have you eaten?”“Not yet.”“Let's get something to eat. May pagkain sa kusina, sabay na tayo kumain.”Hindi niya alam kung bakit napangiti siya.“Sure.”Habang kumakain sila, madami na sila napagusapan, ang trabaho, ang mga plano ni Selena, at ang mga bagay na gusto nitong gawin kapag nagkaroon na sila ng anak.“She's been looking forward to this for a long time,” sabi ni Christopher.“I know.”“Sometimes sobrang naguiguilty ako.”Napatingin si Nicole.“Why?”“Because I know how much she blames herself. Lagi ko sinasabi sa kanya na Wala siyang kasalanan at okay lang sa akin kung hindi kami magkaanak.”Napayuko si Nicole.“Ang swerte talaga ng kaibigan ko sa'yo, Chris.”Ngumiti nang bahagya si Christopher.“And I'm also lucky to have her.”Parang may kumurot sa puso ni Nicole. Muli na
Sa Mansyon.Nasa silid-aklatan si Christopher nang dumating si Selena. Nakasuot ito ng puting polo at itim na pantalon, habang abala sa pagbabasa ng ilang dokumento tungkol sa kanilang negosyo.“Love?”Agad itong tumingin sa kanya.“Hey. How was your day, Love?”Umupo si Selena sa tabi nito.“We need to talk.”Ibinaba ni Christopher ang mga dokumento.“I'm listening.”Huminga siya nang malalim.“I talked to Nicole about surrogacy.”Hindi agad sumagot ang lalaki. Alam nitong ilang buwan nang pinag-iisipan ni Selena ang posibilidad na iyon, ngunit alam din niyang hindi madali para sa asawa ang desisyon.“So ano, pumayag ba siya?”“Hindi pa final ang lahat. Kailangan pa naming dumaan sa medical evaluations at legal consultations. Pero pinag-iisipan niya.”“Bakit naman siya ang napili mo?”“Because I trust her.”Tahimik na pinagmasdan ni Christopher ang asawa.“Selena, gusto kong malaman mo na hindi mo kailangang gawin ito para lang mapasaya ako. Tanggap ko na ang lahat. Okay lang ako ka
“Mrs. Martinez, kinalulungkot ko po, based on your results, mababa po ang posibilidad na mabuntis kayo.”Tahimik na nakatingin si Selena sa doktor.“Wala na po bang ibang paraan para mabuntis ako?” mangiyak ngiyak na tanong niya.“Mayroon mga fertility treatment na pwedeng subukan pero based sa lab results mo maliit talaga ang chances. Pero may ibang paraan naman kung gusto niyo talaga maagkaanak. If you are aware about Surrogacy”Napayuko si Serena.“Surrogacy, Dra.?”Nadidinig niya na ang tungkol dito at may kilala din siya na gumagawa nun, subalit ayaw sana niya na ibang babae ang magdadala ng anak na pinapangarap niya.Ngunit tatlong taon na silang kasal ni Christopher at tatlong taon na rin silang naghihintay.Sa unang taon pa lang nilang pagsasama, nag-iisip na sila ng magiging pangalan ng kanilang magiging anak. Sa ikalawang taon naman nagsimula silang bumili ng maliliit na gamit para sa magiging nursery Hanggang sa tumigil na sila sa pagbili ng mga iyon.Sa mga bawat negati







