LOGINIsang hapon, habang nasa sala si Nicole ng mga Martinez, dumating si Christopher mula sa opisina.
“Hi, Nicole. Where's Selena?” “May meeting siya. Pabalik na din daw siya in a bit.” Tumango ang lalaki. “Have you eaten?” “Not yet.” “Let's get something to eat. May pagkain sa kusina, sabay na tayo kumain.” Hindi niya alam kung bakit napangiti siya. “Sure.” Habang kumakain sila, madami na sila napagusapan, ang trabaho, ang mga plano ni Selena, at ang mga bagay na gusto nitong gawin kapag nagkaroon na sila ng anak. “She's been looking forward to this for a long time,” sabi ni Christopher. “I know.” “Sometimes sobrang naguiguilty ako.” Napatingin si Nicole. “Why?” “Because I know how much she blames herself. Lagi ko sinasabi sa kanya na Wala siyang kasalanan at okay lang sa akin kung hindi kami magkaanak.” Napayuko si Nicole. “Ang swerte talaga ng kaibigan ko sa'yo, Chris.” Ngumiti nang bahagya si Christopher. “And I'm also lucky to have her.” Parang may kumurot sa puso ni Nicole. Muli na naman niyang narinig ang katotohanang ayaw niyang tanggapin. Mahal ni Christopher si Selena. At kahit gaano siya kalapit sa lalaki, hindi niya maaaring burahin ang katotohanang iyon. Ngunit hindi iyon ang makakapagpapigil sa binabalak niya. Sa halip, lalo niyang pinanghawakan ang pag-asang balang araw ay magbabago ang lahat. Makalipas ang ilang araw, dumating ang resulta ng unang pagtatangka. Negatibo. Nang malaman iyon ni Selena, ilang segundo siyang hindi nagsalita. Nasa kanilang mansyon silang tatlo nang sabihin ng doktor ang resulta sa telepono. “I'm sorry,” mahinang sabi ni Nicole. Ngunit agad siyang niyakap ni Selena. “It's okay. Hindi natin kontrolado ang lahat.” Napaluha si Selena. Hindi dahil sinisisi niya si Nicole. Kundi dahil sa unang pagkakataon, naramdaman niyang maaaring mas mahirap ang prosesong ito kaysa sa inaasahan niya. Nang gabing iyon, nadatnan siya ni Christopher sa silid-aklatan. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang isang lumang album ng kanilang kasal. “Love?” Mabilis niyang isinara ang album. “Hey.” Umupo si Christopher sa tabi niya. “Are you okay?” Tumango siya, ngunit hindi niya mapigilan ang mga luha. “I'm sorry, Chris.” Kumunot ang noo ng lalaki. “For what?” “Because I can't give you a child.” Agad siyang niyakap ni Christopher. “Don't ever apologize for that.” “Pero gusto mo ring maging ama, diba?” “Yes, I do. But I want to be a father with you and not with someone else, ilang beses ko ba na sasabihin sa’yo yan, Love.” Napahigpit ang yakap ni Selena. “Promise me you won't leave me.” Napahinto si Christopher. Pagkatapos, hinawakan niya ang mukha ng asawa. “I'm not going anywhere, at never kitang iiwan.” Naniwala si Selena. Dahil tatlong taon niyang nakita ang pagmamahal nito. Hindi niya alam na sa kabilang panig ng bahay, tahimik na nakaupo si Nicole habang nakatingin sa cellphone niya. May litrato si Christopher na kakakuha lamang niya noong hapunan nila. Hindi niya alam kung bakit niya iyon kinunan. Ang alam lamang niya, gusto niyang magkaroon ng alaala sa bawat pagkakataong kasama niya ang lalaki. At habang nakatingin sa litrato, tumunog ang kanyang cellphone, may mensaheng dumating mula sa hindi kilalang numero. [Unknown: Hindi mo ba naisip na kapag nabuntis ka, mawawala rin sa iyo ang pagkakataong manatili sa tabi niya?] Nanlamig ang mga kamay ni Nicole. Ilang segundo siyang nakatitig sa mensahe bago niya ito binura. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ngunit tama naman ang sinabi nito. Kapag nabuntis siya, magsisimula na ang countdown. Siyam na buwan lang iyon at pagkatapos, kailangan na niyang lumayo. At kung walang magbabago sa panahong iyon, tuluyan na niyang mawawala si Christopher. Kaya sa gabing iyon, binuksan niya ang kanyang drawer. Kinuha niya ulit ang maliit na lalagyan ng pills. At muli, ininom niya ang nakasanayan niyang gamot. Hindi pa siya handang mawala si Christopher at ayaw niya sayangin ang pagkakataon na mapalapit dito. Lumipas ang ilang linggo bago sila nagkaroon ng pagkakataong subukan muli. Sa ikalawang pagkakataon, mas maingat si Selena. Nagbawas siya ng mga gawain upang makasama si Nicole sa mga konsultasyon. Naghanap siya ng mga impormasyong makatutulong sa kanilang proseso at sinigurong hindi napapabayaan ang kalusugan ng kaibigan. Ganun din si Christopher. Maya’t maya ang pangungumusta nito kay Nicole at mas naging madalas ang kanilang paguusap. Minsan ay pinapadalhan din ni Chris ng pagkain si Nicole at dumadalaw ito sa bahay masiguro lamang na okay lang ito. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi pa rin nagtagumpay ang pagtatangka. Muli silang nabigo. Sa pagkakataong iyon, hindi na umiyak si Selena sa harap ni Nicole. Ngumiti lamang siya at sinabing magpapahinga muna sila bago magdesisyon sa susunod na hakbang. Ngunit nang makauwi siya, nagkulong siya sa kanilang silid. Nakita siya ni Christopher na nakaupo sa sahig, hawak ang isang maliit na pares ng medyas na binili niya ilang buwan na ang nakalipas. “Selena…” Hindi siya agad sumagot. “Love, look at me.” Dahan-dahan siyang tumingin sa asawa. “Paano kung hindi talaga ako maging ina?” Napaluhod si Christopher sa harap niya. “Then we'll find another way to build our family, we can adopt.” “Paano kung hindi ko kayang ibigay sa iyo ang gusto mo?” Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. “Then I'll remind you that you're already enough.” Napaiyak si Selena. Sa kabilang banda, habang pinagmamasdan sila ni Nicole mula sa may pintuan, may isang damdaming hindi na niya kayang itago. Inggit at selos. Hindi dahil sa yaman ni Selena, hindi dahil sa marangyang buhay nito kundi dahil sa paraan ng pagtingin ni Christopher sa kanyang asawa. Ganoon din niya gustong tingnan siya ng lalaki at mahalin. At sa gabing iyon, gumawa siya ng isang desisyong hindi na niya kayang bawiin. Sa ikatlong pagtatangka, hindi na niya iinumin ang kanyang contraceptive pills. Hindi niya alam kung gaano katagal bago siya mabuntis at hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nalaman ni Selena ang lahat. Ngunit may isang bagay siyang alam. Kung gusto niyang magkaroon ng pagkakataon sa lalaking minamahal niya, kailangan niyang tumigil sa paghihintay. At sa unang pagkakataon, hindi na lamang ang kanyang puso ang handang magsinungaling pati na din ang kanyang mga kilos. Hindi alam ni Nicole na habang itinatago niya ang kanyang lihim, may isang taong nakamasid sa kanya mula sa labas ng bahay. Isang taong may alam sa kanyang ginagawa. At isang taong naghihintay lamang ng tamang panahon upang ibunyag ang katotohanan.Pagkatapos ng ikatlong kabiguan, nagpasya si Selena na magpahinga muna.Hindi niya gustong tuluyang maubos ang kanyang lakas sa paulit-ulit na paghihintay. Sa kabila ng kanyang pagnanais na magkaroon ng anak, alam niyang kailangan din niyang alagaan ang sarili.“Let's take a break,” sabi niya kay Nicole habang nag-aalmusal sila.Napatingin ang kaibigan.“Are you sure?”Tumango si Selena.“Hindi ko gustong madaliin ang lahat. Kailangan nating magpahinga at pag-usapan kung ano ang susunod na gagawin.”“Okay.”“Hindi ibig sabihin nito na sumusuko na ako.”Ngumiti si Nicole.“I know.”Ngunit sa loob-loob niya, may halong takot ang naramdaman niya. Kung magpapahinga si Selena, baka dumating ang araw na maghanap ito ng ibang surrogate. At kapag nangyari iyon, mawawala ang dahilan niyang manatili sa tabi ni Christopher.Hindi niya maaaring hayaang mangyari iyon. Kaya sa mga sumunod na araw, sinimulan niyang pag-isipan kung paano niya mapananatili ang kanyang puwesto sa buhay ng mag-asawa.Hi
May mga kasalanang nagsisimula sa isang simpleng kasinungalingan. Isang bagay na itinatago dahil sa takot at isang desisyong ginagawa dahil sa pag-asa.Para kay Nicole, nagsimula ang lahat nang itago niya ang kanyang contraceptive pills sa drawer ng guesthouse.Hindi niya itinapon ang mga ito. Hindi pa niya kayang gawin iyon dahil may bahagi sa kanyang sarili na nagsasabing maaari pa siyang umatras, maaari pa niyang itama ang kanyang mga desisyon bago pa tuluyang masira ang lahat.Ngunit sa tuwing nakikita niya si Christopher, nawawala ang kanyang determinasyong maging tapat.Matagal na din niyang minamahal ang lalaki. Ilang taon na rin niyang pinagmamasdan ang kaligayahan ng kaibigan sa piling nito. At sa loob ng tatlong taon, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na sapat nang maging kaibigan siya ni Selena.Ngunit hindi na sapat iyon.Hindi matapos niyang makita kung gaano kadaling mapalapit kay Christopher kapag may dahilan siyang manatili sa kanilang bahay. Hindi matapos niyang m
Isang hapon, habang nasa sala si Nicole ng mga Martinez, dumating si Christopher mula sa opisina.“Hi, Nicole. Where's Selena?”“May meeting siya. Pabalik na din daw siya in a bit.”Tumango ang lalaki.“Have you eaten?”“Not yet.”“Let's get something to eat. May pagkain sa kusina, sabay na tayo kumain.”Hindi niya alam kung bakit napangiti siya.“Sure.”Habang kumakain sila, madami na sila napagusapan, ang trabaho, ang mga plano ni Selena, at ang mga bagay na gusto nitong gawin kapag nagkaroon na sila ng anak.“She's been looking forward to this for a long time,” sabi ni Christopher.“I know.”“Sometimes sobrang naguiguilty ako.”Napatingin si Nicole.“Why?”“Because I know how much she blames herself. Lagi ko sinasabi sa kanya na Wala siyang kasalanan at okay lang sa akin kung hindi kami magkaanak.”Napayuko si Nicole.“Ang swerte talaga ng kaibigan ko sa'yo, Chris.”Ngumiti nang bahagya si Christopher.“And I'm also lucky to have her.”Parang may kumurot sa puso ni Nicole. Muli na
Sa Mansyon.Nasa silid-aklatan si Christopher nang dumating si Selena. Nakasuot ito ng puting polo at itim na pantalon, habang abala sa pagbabasa ng ilang dokumento tungkol sa kanilang negosyo.“Love?”Agad itong tumingin sa kanya.“Hey. How was your day, Love?”Umupo si Selena sa tabi nito.“We need to talk.”Ibinaba ni Christopher ang mga dokumento.“I'm listening.”Huminga siya nang malalim.“I talked to Nicole about surrogacy.”Hindi agad sumagot ang lalaki. Alam nitong ilang buwan nang pinag-iisipan ni Selena ang posibilidad na iyon, ngunit alam din niyang hindi madali para sa asawa ang desisyon.“So ano, pumayag ba siya?”“Hindi pa final ang lahat. Kailangan pa naming dumaan sa medical evaluations at legal consultations. Pero pinag-iisipan niya.”“Bakit naman siya ang napili mo?”“Because I trust her.”Tahimik na pinagmasdan ni Christopher ang asawa.“Selena, gusto kong malaman mo na hindi mo kailangang gawin ito para lang mapasaya ako. Tanggap ko na ang lahat. Okay lang ako ka
“Mrs. Martinez, kinalulungkot ko po, based on your results, mababa po ang posibilidad na mabuntis kayo.”Tahimik na nakatingin si Selena sa doktor.“Wala na po bang ibang paraan para mabuntis ako?” mangiyak ngiyak na tanong niya.“Mayroon mga fertility treatment na pwedeng subukan pero based sa lab results mo maliit talaga ang chances. Pero may ibang paraan naman kung gusto niyo talaga maagkaanak. If you are aware about Surrogacy”Napayuko si Serena.“Surrogacy, Dra.?”Nadidinig niya na ang tungkol dito at may kilala din siya na gumagawa nun, subalit ayaw sana niya na ibang babae ang magdadala ng anak na pinapangarap niya.Ngunit tatlong taon na silang kasal ni Christopher at tatlong taon na rin silang naghihintay.Sa unang taon pa lang nilang pagsasama, nag-iisip na sila ng magiging pangalan ng kanilang magiging anak. Sa ikalawang taon naman nagsimula silang bumili ng maliliit na gamit para sa magiging nursery Hanggang sa tumigil na sila sa pagbili ng mga iyon.Sa mga bawat negati







