Chapter: Chapter 5 - Underworld“Sige, 'wag ka nang magsalita ng kung ano-ano diyan,” naiinip na sambit ni Sean. “Bilisan mo at sumakay ka na sa kotse. Pumunta ka muna sa hotel para batiin ang mga bisita. Maghintay ka hanggang sa matapos ang birthday party ngayong araw, saka mo tanggapin nang buong-puso ang parusa. Pagkatapos ay pakinggan mo ang paliwanag ni lola tungkol sa annulment.”Napuno ng galit ang mga mata ni Mark: “Sinabi ko nang ayoko!”Nagalit din si Sean. “Ikaw na walang kuwentang tao ka, naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, ano?”Habang nagsasalita, binuksan ni Sean ang pinto ng kotse, bumaba, at mabilis na sumugod papunta kay Mark na nakasakay sa motor. Agad niya itong inambahan ng sipa!Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilihis ni Mark ang motor at matagumpay na naiwasan ang sipa ni Sean.Pagkatapos, bumaba si Mark sa motor at malakas na sinipa si Sean sa tiyan!Isang playboy si Sean. Araw-araw siyang may kasamang girlfriend kaya napakahina ng katawan niya. Sa isang sipa lang ni Mark, tumalsik na
Last Updated: 2026-10-28
Chapter: Chapter 4 - BullyMabigat ang mga patakaran ng pamilya Gutierrez. Sa pinakamagaang parusa, hindi ka makakalakad ng ilang araw. Sa pinakamalala naman ay pwede pang mabali ang mga daliri mo.Agad ding tinawagan ni Jade si Mark.“Ano 'yon?” Mabilis na sinagot ni Mark ang telepono.“Pinapapunta ka ni Lola rito.”“Ayoko.” Agad na ibinaba ni Mark ang telepono.Hindi inaasahan ni Jade na tatanggihan siya ni Mark nang ganoon kabilis. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kaniyang lola, “Ayaw niya pong pumunta.”Nang mapansin ang nakakailang na sitwasyon, mabilis na nagsalita si Beatrice, “Ma, ika-80 kaarawan niyo po ngayon. Asikasuhin muna natin ang okasyon niyo at 'wag niyo na pong pansinin ang walang kuwentang 'yan.”Ngunit matigas ang ulo nito. “Kahit sinong pag-aari ng pamilyang ‘to, tao man o aso, ay kailangang magpunta sa oras na inutos ko!”Pagkasabi niyon, tumingin siya kay Sean. “Apo, pumunta ka at dalhin mo siya sa akin!”“Sige po.”Pinatunog ni Sean ang mga daliri niya. Siya ang madalas mam-bully k
Last Updated: 2026-10-28
Chapter: Chapter 3 - Pamilya GutierrezSa Okada Manila ginanap ang ika-80 na kaarawan ng lola ni Jade. Alas diyes ng umaga nang magsimula ang kaniyang birthday banquet na gaganapin sa isa sa mga pinakamagandang hotel dito sa Manila.Pero bago 'yon, nakiusap ang matandang ginang na magtipon muna ang lahat sa kaniyang private villa.“Happy birthday po, Lola!” pagbati ni Jade.“‘Ma, sana po humaba pa ang buhay niyo at umabot ka ng dalawang daang taon!”Sa loob ng villa, napakaraming tao ang nagtipon. Lahat sila ay mga anak at apo ni Mrs. Gutierrez.Si Mrs. Gutierrez ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na si Ramil Gutierrez at ang pangalawa na si Romulo Gutierrez, na tatay naman ni Jade.Mayroon namang anak na lalaki si Ramil na si Sean, at isang babae na si Shaira, na halos kaedad lang ni Jade.Sa ngayon, ang ari-arian ng pamilya Gutierrez na higit sa sampung bilyong piso, pati na rin ang kapangyarihang hawakan at pamunuan ang mga kumpanya ng pamilya, ay nasa mga kamay pa ring lahat ni Mrs. Gutierrez.Kaya naman ang
Last Updated: 2026-10-28
Chapter: Chapter 2 - True IdentityPara masagot ang mga tawag mula sa customer anumang oras, may nakasabit na Bluetooth headphones sa tainga ni Mark. At sa oras na ito, tumutugtog ang kanta ng Beyond na "Early Train" sa kaniyang headphones.Habang nakikinig sa tugtog, biglang naalala ni Mark noong unang beses niyang makilala si Jade tatlong taon na ang nakakalipas.Pinanganak si Mark sa isa sa mga pinakamayaman at pinakamisteryosong pamilya sa mundo gaya ng pamilyang Madrigal, Ortigas at Miranda.Pero hindi nila alam na ang pinakamisteryosong pamilya ay ang pamilya Ayala.Mayroon silang mahigit isang trilyong piso na asset, pero sobrang tahimik lang nila. Hindi makikita ang mga pangalan nila sa listahan ng mga mayayamang tao.Hindi lang 'yon, iba rin ang paraan ng pagpapalaki at pagtuturo nila sa kanilang mga anak kumpara sa iba.Sobrang binigyang-pansin ng lolo ni Mark ang pagpapalaki sa kaniyang mga anak at apo.Isang halimbawa rito si Mark. Nagsimula siyang mag-aral ng martial arts sa edad na lima at natuto rin siya
Last Updated: 2026-10-28
Chapter: Chapter 1 - Caught in the ActThe Manila Hotel“Sir, nandito na po ang takeout niyo.” Kumatok si Mark sa pinto ng hotel room suot ang kaniyang takeout uniform.“Sandali! Nandiyan na.”Nang bumukas ang pinto ng kwarto, bumungad kay Mark ang isang lalaki at isang babae, dahilan para matulala siya sa kinatatayuan niya.Hindi kilala ni Mark ang lalaking nagbukas ng pinto. Pero sa likod ng lalaki, ang magandang babaeng nakasuot ng bathrobe ay walang iba kundi ang asawa niyang si Jade!BLAG!Agad na nahulog sa lupa ang takeout na hawak ni Mark mula sa kaniyang mga kamay.Parang kanina lang, curious pa siya kung sino ang nagpa-deliver nito.Isang five-star hotel naman kasi ang The Manila Hotel, at ang mga taong nagche-check-in dito ay hindi naman nagpapa-takeout.Kung magpa-deliver man sila, hanggang sa lobby lang sila papayagan ng hotel.Pero ang lalaking ito ay nakahanap ng paraan para maipa-deliver kay Mark ang pagkain nang deretso na mismo sa kwarto.Pero sino ba naman ang mag-aakala na makikita pala ni Mark ang sa
Last Updated: 2026-10-28