Share

Chapter 2 - True Identity

last update publish date: 2026-10-28 17:38:31

Para masagot ang mga tawag mula sa customer anumang oras, may nakasabit na Bluetooth headphones sa tainga ni Mark. At sa oras na ito, tumutugtog ang kanta ng Beyond na "Early Train" sa kaniyang headphones.

Habang nakikinig sa tugtog, biglang naalala ni Mark noong unang beses niyang makilala si Jade tatlong taon na ang nakakalipas.

Pinanganak si Mark sa isa sa mga pinakamayaman at pinakamisteryosong pamilya sa mundo gaya ng pamilyang Madrigal, Ortigas at Miranda.

Pero hindi nila alam na ang pinakamisteryosong pamilya ay ang pamilya Ayala.

Mayroon silang mahigit isang trilyong piso na asset, pero sobrang tahimik lang nila. Hindi makikita ang mga pangalan nila sa listahan ng mga mayayamang tao.

Hindi lang 'yon, iba rin ang paraan ng pagpapalaki at pagtuturo nila sa kanilang mga anak kumpara sa iba.

Sobrang binigyang-pansin ng lolo ni Mark ang pagpapalaki sa kaniyang mga anak at apo.

Isang halimbawa rito si Mark. Nagsimula siyang mag-aral ng martial arts sa edad na lima at natuto rin siyang mag-piano at mag-violin.

Natapos na niya ang apat na taon ng mga aralin sa business school sa isang unibersidad sa Amerika sa edad na labing-walo.

Para mas mahasa pa ang karakter ni Mark, ipinakasal siya ng kaniyang lolo sa isang second-rate na pamilya, ang pamilya Gutierrez, tatlong taon na ang nakalilipas.

Sa nakalipas na tatlong taon, naranasan ni Mark ang lahat ng uri ng pang-aapi at pagpapahiya sa pamilya Gutierrez. Pinagtiisan niya ang lahat ng 'yon at matagumpay na natapos ang tatlong taong pagsubok.

Plano sana niyang umuwi ngayon at sabihin sa kaniyang asawa na isa siyang bilyonaryo.

“Jade, gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon mo balang araw kapag nalaman mo ang tunay kong pagkatao! ”

Excited na si Mark para doon!

Alas-otso na nang matapos si Mark sa pagde-deliver ng pagkain bago siya nakauwi sa bahay. Nasa isang malaking flat ang kaniyang tinutuluyan sa ika-siyam na palapag.

“Nandiyan ka na pala,” pagbungad ni Jade. “Hindi mo na kailangang magluto ngayong gabi. Nagpa-takeout na ako. Halika na at kumain na tayo.”

Maagang umuwi si Jade para ipaghanda ng pagkain ang kaniyang asawa, na hindi madalas mangyari.

Dahil noon, si Mark ang palaging nagluluto ng pagkain nila.

Nagpalit si Mark ng pambahay na tsinelas at kalmadong sinabi, “'Wag na. Nandito ako para mag-impake ng mga gamit ko.”

Habang nagsasalita siya, naglakad siya patungo sa kaniyang kuwarto.

Hiwalay ang kuwarto ni Mark sa kuwarto ni Jade. Mag-asawa sila sa papel, pero hindi sila kailanman nagtabi sa tulog sa nakalipas na tatlong taon.

Halatang galit na galit si Jade kaya pumasok siya at itinukod ang mga kamay sa kaniyang bewang.

“Ano? Gusto mo pa ring maglayas ng bahay? Dahil lang doon, gano’n ba?”

Patuloy na isinisiksik ni Mark ang kaniyang mga damit sa kaniyang maleta at galit na sinabi, “Dahil lang doon? Sa tingin mo ba maliit na bagay lang ang panlalalaki?”

Hindi na nagpaliwanag si Jade sa pagkakataong ito. Dahil alam niyang kahit ilang paliwanag pa ang sabihin niya, hindi pa rin maniniwala si Mark.

“Oh, ano ngayon!” bulalas ni Jade. “Gusto mo pa bang mag-sorry ako sa 'yo? Kumakain at umiinom ka sa pamamahay ko, dito ka nakatira, kaya kahit na may nagawa ako na kailangan kong ihingi ng tawad, kailangan mong tiisin ‘yon!”

Padabog na isinara ni Mark ang kaniyang maleta at sinabi, “Pinagtiisan ko ang pamilya niyo nang tatlong taon! Pinagserbisyuhan kita na parang prinsesa, pero sa nakalipas na tatlong taon, hindi mo man lang ako tiningnan nang diretso sa mga mata!”

“Pinahiya at ginulpi ako ng nanay mong si Beatrice sa publiko ng ilang beses, at hindi ako kailanman nagreklamo. Wala kayong narinig ni isang salita mula sa ‘kin!”

“Ginagawa rin akong katulong ng tatay mong si Romulo. Pinapagawa niya sa akin ang lahat ng uri ng maruruming trabaho kaya ilang beses din akong nasaktan. Ang perang kinikita ko sa pagde-deliver ng pagkain, napupunta lang lahat sa pagpapagamot ko!”

“Inaapi ako ng tito mo at ng mga anak niya, pero hindi mo man lang 'yon nakita! Kaya mula ngayong araw, ayoko nang magtiis pa. Jade, maghiwalay na tayo!”

Nang marinig na binanggit ni Mark ang tungkol sa pakikipaghiwalay, natulala si Jade at agad na tumawa.

“Ang lakas ng loob mong makipaghiwalay sa ‘kin! 'Wag mo akong sisihin na hindi kita pinagsabihan kapag nakipaghiwalay ka. Hindi ka na makakatira sa malaking condo unit na 'to at hindi ka na makakapagmaneho ng Audi!”

Napangisi si Mark nang may pagmamata. “Malaking condo? Audi? Hindi ko kailangan 'yan!”

“Sige,” pagsang-ayon ni Jade. “Matagal ko na ring gustong makipaghiwalay sa 'yo. Hindi ko alam kung anong kabaliwan ang ginawa ng lolo ko noon at ipinapakasal niya ako sa'yo na isang walang kuwentang tao! Ang pamilya ko ay isa sa mga top-class na pamilya sa bansa, na may higit sa sampung bilyong piso. Walang karapatan ang tulad mong mahirap na maging asawa ko!”

Nag-impake na ng mga gamit si Mark at ayaw na niyang marinig pa ang patuloy na pang-iinsulto nito sa kaniya.

“Sige,” sabi ni Mark. “Bukas ng umaga, pumunta tayo sa Regional Trial Court para mag-file ng annulment.”

“'Wag bukas.” Agad na tumanggi si Jade. “Bukas ang ika-80 kaarawan ng lola ko. Bago mag-alas diyes ng umaga, pupunta ang buo naming pamilya sa bahay ng lola ko para magtipon. Bukod doon, kailangan ko munang sabihin ang bagay na 'to sa pamilya ko.”

Ang kasal ng dalawa ay orihinal na inayos ng mga nakatatanda sa pamilya.

Tatlong taon na ang nakakaraan, wala pang magawa at walang karapatan si Jade para tumutol sa kasal na inayos ng kaniyang pamilya para sa kaniya.

Ngayon, wala pa rin siyang karapatang magdesisyon na makipaghiwalay nang walang pahintulot ng kaniyang pamilya.

Sa mga malalaking pamilya na gaya nila, maraming bagay silang hindi magawa.

Alam din ni Mark na hindi makakapagdesisyon si Jade para sa sarili niya.

“Kung gano’n, ipaliwanag mo 'to sa pamilya mo sa lalong madaling panahon. Hihintayin ko ang tawag mo. ”

Pagkatapos niyon, umalis si Mark bitbit ang kaniyang maleta.

“Bwisit! Walang kuwenta! Kapag nagkahiwalay na tayo, magsisisi ka. Sa loob ng ilang araw, babalik ka ring nakaluhod para magmakaawa sa akin!”

Patuloy na hinabol ni Jade si Mark at pinagmumura ito hanggang sa may p***o ng elevator pero hindi ito pinansin ni Mark at nagwalang-kibo lang.

Dahil alam niya kung gaano katawa-tawa ang mga pinagsasabi nito sa kaniya.

Ang isang taong may daan-daang bilyon na yaman, luluhod at magmamakaawa sa maliliit na pamilya na may ari-ariang isang bilyon lang?

Jade, mag-isip-isip ka na!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 5 - Underworld

    “Sige, 'wag ka nang magsalita ng kung ano-ano diyan,” naiinip na sambit ni Sean. “Bilisan mo at sumakay ka na sa kotse. Pumunta ka muna sa hotel para batiin ang mga bisita. Maghintay ka hanggang sa matapos ang birthday party ngayong araw, saka mo tanggapin nang buong-puso ang parusa. Pagkatapos ay pakinggan mo ang paliwanag ni lola tungkol sa annulment.”Napuno ng galit ang mga mata ni Mark: “Sinabi ko nang ayoko!”Nagalit din si Sean. “Ikaw na walang kuwentang tao ka, naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, ano?”Habang nagsasalita, binuksan ni Sean ang pinto ng kotse, bumaba, at mabilis na sumugod papunta kay Mark na nakasakay sa motor. Agad niya itong inambahan ng sipa!Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilihis ni Mark ang motor at matagumpay na naiwasan ang sipa ni Sean.Pagkatapos, bumaba si Mark sa motor at malakas na sinipa si Sean sa tiyan!Isang playboy si Sean. Araw-araw siyang may kasamang girlfriend kaya napakahina ng katawan niya. Sa isang sipa lang ni Mark, tumalsik na

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 4 - Bully

    Mabigat ang mga patakaran ng pamilya Gutierrez. Sa pinakamagaang parusa, hindi ka makakalakad ng ilang araw. Sa pinakamalala naman ay pwede pang mabali ang mga daliri mo.Agad ding tinawagan ni Jade si Mark.“Ano 'yon?” Mabilis na sinagot ni Mark ang telepono.“Pinapapunta ka ni Lola rito.”“Ayoko.” Agad na ibinaba ni Mark ang telepono.Hindi inaasahan ni Jade na tatanggihan siya ni Mark nang ganoon kabilis. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kaniyang lola, “Ayaw niya pong pumunta.”Nang mapansin ang nakakailang na sitwasyon, mabilis na nagsalita si Beatrice, “Ma, ika-80 kaarawan niyo po ngayon. Asikasuhin muna natin ang okasyon niyo at 'wag niyo na pong pansinin ang walang kuwentang 'yan.”Ngunit matigas ang ulo nito. “Kahit sinong pag-aari ng pamilyang ‘to, tao man o aso, ay kailangang magpunta sa oras na inutos ko!”Pagkasabi niyon, tumingin siya kay Sean. “Apo, pumunta ka at dalhin mo siya sa akin!”“Sige po.”Pinatunog ni Sean ang mga daliri niya. Siya ang madalas mam-bully k

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 3 - Pamilya Gutierrez

    Sa Okada Manila ginanap ang ika-80 na kaarawan ng lola ni Jade. Alas diyes ng umaga nang magsimula ang kaniyang birthday banquet na gaganapin sa isa sa mga pinakamagandang hotel dito sa Manila.Pero bago 'yon, nakiusap ang matandang ginang na magtipon muna ang lahat sa kaniyang private villa.“Happy birthday po, Lola!” pagbati ni Jade.“‘Ma, sana po humaba pa ang buhay niyo at umabot ka ng dalawang daang taon!”Sa loob ng villa, napakaraming tao ang nagtipon. Lahat sila ay mga anak at apo ni Mrs. Gutierrez.Si Mrs. Gutierrez ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na si Ramil Gutierrez at ang pangalawa na si Romulo Gutierrez, na tatay naman ni Jade.Mayroon namang anak na lalaki si Ramil na si Sean, at isang babae na si Shaira, na halos kaedad lang ni Jade.Sa ngayon, ang ari-arian ng pamilya Gutierrez na higit sa sampung bilyong piso, pati na rin ang kapangyarihang hawakan at pamunuan ang mga kumpanya ng pamilya, ay nasa mga kamay pa ring lahat ni Mrs. Gutierrez.Kaya naman ang

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 2 - True Identity

    Para masagot ang mga tawag mula sa customer anumang oras, may nakasabit na Bluetooth headphones sa tainga ni Mark. At sa oras na ito, tumutugtog ang kanta ng Beyond na "Early Train" sa kaniyang headphones.Habang nakikinig sa tugtog, biglang naalala ni Mark noong unang beses niyang makilala si Jade tatlong taon na ang nakakalipas.Pinanganak si Mark sa isa sa mga pinakamayaman at pinakamisteryosong pamilya sa mundo gaya ng pamilyang Madrigal, Ortigas at Miranda.Pero hindi nila alam na ang pinakamisteryosong pamilya ay ang pamilya Ayala.Mayroon silang mahigit isang trilyong piso na asset, pero sobrang tahimik lang nila. Hindi makikita ang mga pangalan nila sa listahan ng mga mayayamang tao.Hindi lang 'yon, iba rin ang paraan ng pagpapalaki at pagtuturo nila sa kanilang mga anak kumpara sa iba.Sobrang binigyang-pansin ng lolo ni Mark ang pagpapalaki sa kaniyang mga anak at apo.Isang halimbawa rito si Mark. Nagsimula siyang mag-aral ng martial arts sa edad na lima at natuto rin siya

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 1 - Caught in the Act

    The Manila Hotel“Sir, nandito na po ang takeout niyo.” Kumatok si Mark sa pinto ng hotel room suot ang kaniyang takeout uniform.“Sandali! Nandiyan na.”Nang bumukas ang pinto ng kwarto, bumungad kay Mark ang isang lalaki at isang babae, dahilan para matulala siya sa kinatatayuan niya.Hindi kilala ni Mark ang lalaking nagbukas ng pinto. Pero sa likod ng lalaki, ang magandang babaeng nakasuot ng bathrobe ay walang iba kundi ang asawa niyang si Jade!BLAG!Agad na nahulog sa lupa ang takeout na hawak ni Mark mula sa kaniyang mga kamay.Parang kanina lang, curious pa siya kung sino ang nagpa-deliver nito.Isang five-star hotel naman kasi ang The Manila Hotel, at ang mga taong nagche-check-in dito ay hindi naman nagpapa-takeout.Kung magpa-deliver man sila, hanggang sa lobby lang sila papayagan ng hotel.Pero ang lalaking ito ay nakahanap ng paraan para maipa-deliver kay Mark ang pagkain nang deretso na mismo sa kwarto.Pero sino ba naman ang mag-aakala na makikita pala ni Mark ang sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status