Share

Chapter 5 - Underworld

last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-28 17:42:06

“Sige, 'wag ka nang magsalita ng kung ano-ano diyan,” naiinip na sambit ni Sean. “Bilisan mo at sumakay ka na sa kotse. Pumunta ka muna sa hotel para batiin ang mga bisita. Maghintay ka hanggang sa matapos ang birthday party ngayong araw, saka mo tanggapin nang buong-puso ang parusa. Pagkatapos ay pakinggan mo ang paliwanag ni lola tungkol sa annulment.”

Napuno ng galit ang mga mata ni Mark: “Sinabi ko nang ayoko!”

Nagalit din si Sean. “Ikaw na walang kuwentang tao ka, naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, ano?”

Habang nagsasalita, binuksan ni Sean ang p***o ng kotse, bumaba, at mabilis na sumugod papunta kay Mark na nakasakay sa motor. Agad niya itong inambahan ng sipa!

Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilihis ni Mark ang motor at matagumpay na naiwasan ang sipa ni Sean.

Pagkatapos, bumaba si Mark sa motor at malakas na sinipa si Sean sa tiyan!

Isang playboy si Sean. Araw-araw siyang may kasamang girlfriend kaya napakahina ng katawan niya. Sa isang sipa lang ni Mark, tumalsik na siya agad.

“Ikaw... ikaw na walang kuwentang tao ka, talagang lumalaban ka pa!”

Nagulat si Sean. Sobra-sobra ang panggagagong ginawa niya kay Mark sa nakalipas na tatlong taon.

Kahit anong panggagago ang ginawa niya kina Jade at sa pamilya nito sa kaniyang harap, kailanman ay hindi nangahas na gumanti si Mark sa kaniya.

Pero ngayong araw, ang nakikitirang manugang na si Mark ay binugbog siya, ang tagapagmana ng pamilya Gutierrez!

Mabilis na tumayo si Sean at kumuha ng isang kutsilyo sa compartment ng kaniyang Maserati.

“Ako na ang magpaparusa sa ‘yo para kay lola! Tatadtarin kita hanggang sa mamatay ka!”

Whoosh whoosh whoosh!

Tatlong beses na sunod-sunod na inatake ni Sean si Mark, pero madaling naiwasan ni Mark ang lahat ng ‘yon.

Nagsimulang mag-martial arts si Mark sa edad na lima at hindi kailanman huminto sa loob ng mahigit sampung taon. Ang mga guro na kinuha para sa kaniya ay mga nangungunang master sa loob at labas ng bansa.

Ang isang tulad lang ni Sean na may isang kutsilyo ay hinding-hindi masasaktan ang isang gaya niya.

Ang kamay ni Mark ay kasingbilis ng kidlat, at sa isang pitik, tinamaan nito ang pulso ni Sean na may hawak na kutsilyo, dahilan para mabitawan at mahulog agad sa lupa ang hawak nito.

Bago pa man muling mapulot ni Sean ang kutsilyo, inunahan na siya ni Mark at sunod-sunod na pinagsusuntok sa mukha.

Bumagsak sa lupa si Sean at hindi na nangahas pa na lumaban kay Mark.

Tiningnan ni Mark ang nakahilatang lalaki sa sahig. “Bumalik ka at sabihin mo sa mga miyembro ng pamilya mo na hindi niyo na ako aso na pupunta at aalis lang kapag tinawag niyo. Walang sinuman ang pwedeng mag-utos sa akin maliban kung gusto kong pumunta!”

Pagkasabi niyon, pinatakbo ni Mark ang kaniyang motor para i-deliver ang susunod na pagkain.

Nabugbog si Sean at pasa-pasa ang kaniyang mukha, pero hindi siya pumunta sa ospital. Magandang pagkakataon ito para makuha ang awa ng kaniyang lola, at hindi niya ito sasayangin.

Nagmaneho siya pabalik sa resort dala ang kaniyang mga sugat. Sa oras na ito, sakto namang lalabas ng resort ang kaniyang lola at ang iba pa, habang naghahanda papuntang hotel para salubungin ang mga bisita.

“Nandiyan na pala si Sean.”

Nakilala agad ni Samantha, ang ina ni Sean, ang pamilyar na sasakyan ng kaniyang anak. Tinuro niya ang sasakyan sa matandang ginang.

Napangiti naman si Mrs. Gutierrez at tumango. “Mabilis talaga kumilos si Sean.”

Inakala ng lahat na dala ni Sean si Mark pabalik, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, mag-isa itong bumaba ng kotse at punong-puno ng sugat at pasa ang kaniyang mukha.

Durog ang puso ni Mrs. Gutierrez. Ang ikatlong henerasyon ng pamilya ay may iisang lalaki lang na si Sean. Kung may mangyaring masama rito, mapuputol ang lahi ng pamilya Gutierrez!

“Apo, bakit ka nabugbog nang ganiyan? Sinong gumawa sa'yo nito?” alalang-alalang tanong ng matandang ginang.

Umiyak si Sean at sinabi, “Lola, 'yong walang kuwentang asawa ni Jade ang bumugbog sa akin!”

“Ano?!” Galit na galit si Ramil at itinuro ang sarili niyang pamilya. “Nangahas ang walang kuwenta mong manugang na saktan ang tagapagmana! Kailangan niyo akong bigyan ng paliwanag tungkol dito!”

Nataranta rin sina Romulo at Beatrice. Manugang nila si Mark, at ang utang na ito ay siguradong sa kanila ibubuntong.

“Ang walang kuwentang lalaking ‘yon, nagdadala lang ng sakit ng ulo sa atin. Kapag nakita ko 'yon, sasampalin ko talaga ang bunganga niya!” bulalas ni Beatrice.

“Tatawagan po ba natin ang pulis, Lola?” tanong ni Sean sa kaniyang lola.

Kailanman ay hindi ginusto ni Mrs. Gutierrez na dinadamay ang kapulisan sa mga ganitong bagay.

“Problema ito ng pamilya. 'Wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong matatanggap niya ang parusang nararapat sa kaniya!”

Pagkatapos, tumingin ang matandang ginang kay Ramil at sinabi, “Ramil, alam kong may mga kakilala kang kaibigan sa underworld. Hayaan mong turuan nila ng leksyon ang hayop na 'yon at dalhin siya pabalik sa akin!”

“Opo!”

Tumingin si Ramil sa sugat sa mukha ng kaniyang anak at gustong balatan si Mark. Agad niyang tinawagan ang isa sa kaniyang mga kaibigan sa underworld.

Pagkalipas ng kalahating oras, sa hagdanan ng isang building sa isang gusali…

Isa itong multi-story building na walang elevator. Katatapos lang mag-deliver ng pagkain ni Mark at pababa na sana sa hagdan.

Biglang may dalawang lalaki ang lumitaw sa harap niya na may taas na higit 1.85 meters, may timbang na humigit-kumulang 200 kilograms, at may mga tattoo sa katawan!

“Ikaw si Mark, 'di ba? Sumama ka sa amin,” tanong ng isa sa mga may tattoo na lalaki.

Tumingin si Mark sa dalawang lalaki at nalaman agad na siguradong ipinadala sila ng pamilya Gutierrez.

“Huling araw ko na 'to sa pagde-deliver ng pagkain ngayong araw. Hindi ako pupunta kahit saan,” sabi ni Mark.

Si Mark ay taong may panimula at may pagtatapos. Naitala na siya bilang chairman ng Roxas Group, at ngayong araw na nga ang kaniyang huling araw sa pagde-deliver ng pagkain.

Walang mataas o mababang trabaho para sa kaniya, kaya gusto niyang tapusin nang maayos ang kaniyang trabaho bilang food delivery rider.

“Mukhang ayaw mo sa maayos na usapan, gusto mo sa santong paspasan!”

Hindi na nagpadalos-dalos pa ang dalawang lalaki at sinugod na agad si Mark.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 5 - Underworld

    “Sige, 'wag ka nang magsalita ng kung ano-ano diyan,” naiinip na sambit ni Sean. “Bilisan mo at sumakay ka na sa kotse. Pumunta ka muna sa hotel para batiin ang mga bisita. Maghintay ka hanggang sa matapos ang birthday party ngayong araw, saka mo tanggapin nang buong-puso ang parusa. Pagkatapos ay pakinggan mo ang paliwanag ni lola tungkol sa annulment.”Napuno ng galit ang mga mata ni Mark: “Sinabi ko nang ayoko!”Nagalit din si Sean. “Ikaw na walang kuwentang tao ka, naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, ano?”Habang nagsasalita, binuksan ni Sean ang pinto ng kotse, bumaba, at mabilis na sumugod papunta kay Mark na nakasakay sa motor. Agad niya itong inambahan ng sipa!Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilihis ni Mark ang motor at matagumpay na naiwasan ang sipa ni Sean.Pagkatapos, bumaba si Mark sa motor at malakas na sinipa si Sean sa tiyan!Isang playboy si Sean. Araw-araw siyang may kasamang girlfriend kaya napakahina ng katawan niya. Sa isang sipa lang ni Mark, tumalsik na

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 4 - Bully

    Mabigat ang mga patakaran ng pamilya Gutierrez. Sa pinakamagaang parusa, hindi ka makakalakad ng ilang araw. Sa pinakamalala naman ay pwede pang mabali ang mga daliri mo.Agad ding tinawagan ni Jade si Mark.“Ano 'yon?” Mabilis na sinagot ni Mark ang telepono.“Pinapapunta ka ni Lola rito.”“Ayoko.” Agad na ibinaba ni Mark ang telepono.Hindi inaasahan ni Jade na tatanggihan siya ni Mark nang ganoon kabilis. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kaniyang lola, “Ayaw niya pong pumunta.”Nang mapansin ang nakakailang na sitwasyon, mabilis na nagsalita si Beatrice, “Ma, ika-80 kaarawan niyo po ngayon. Asikasuhin muna natin ang okasyon niyo at 'wag niyo na pong pansinin ang walang kuwentang 'yan.”Ngunit matigas ang ulo nito. “Kahit sinong pag-aari ng pamilyang ‘to, tao man o aso, ay kailangang magpunta sa oras na inutos ko!”Pagkasabi niyon, tumingin siya kay Sean. “Apo, pumunta ka at dalhin mo siya sa akin!”“Sige po.”Pinatunog ni Sean ang mga daliri niya. Siya ang madalas mam-bully k

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 3 - Pamilya Gutierrez

    Sa Okada Manila ginanap ang ika-80 na kaarawan ng lola ni Jade. Alas diyes ng umaga nang magsimula ang kaniyang birthday banquet na gaganapin sa isa sa mga pinakamagandang hotel dito sa Manila.Pero bago 'yon, nakiusap ang matandang ginang na magtipon muna ang lahat sa kaniyang private villa.“Happy birthday po, Lola!” pagbati ni Jade.“‘Ma, sana po humaba pa ang buhay niyo at umabot ka ng dalawang daang taon!”Sa loob ng villa, napakaraming tao ang nagtipon. Lahat sila ay mga anak at apo ni Mrs. Gutierrez.Si Mrs. Gutierrez ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na si Ramil Gutierrez at ang pangalawa na si Romulo Gutierrez, na tatay naman ni Jade.Mayroon namang anak na lalaki si Ramil na si Sean, at isang babae na si Shaira, na halos kaedad lang ni Jade.Sa ngayon, ang ari-arian ng pamilya Gutierrez na higit sa sampung bilyong piso, pati na rin ang kapangyarihang hawakan at pamunuan ang mga kumpanya ng pamilya, ay nasa mga kamay pa ring lahat ni Mrs. Gutierrez.Kaya naman ang

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 2 - True Identity

    Para masagot ang mga tawag mula sa customer anumang oras, may nakasabit na Bluetooth headphones sa tainga ni Mark. At sa oras na ito, tumutugtog ang kanta ng Beyond na "Early Train" sa kaniyang headphones.Habang nakikinig sa tugtog, biglang naalala ni Mark noong unang beses niyang makilala si Jade tatlong taon na ang nakakalipas.Pinanganak si Mark sa isa sa mga pinakamayaman at pinakamisteryosong pamilya sa mundo gaya ng pamilyang Madrigal, Ortigas at Miranda.Pero hindi nila alam na ang pinakamisteryosong pamilya ay ang pamilya Ayala.Mayroon silang mahigit isang trilyong piso na asset, pero sobrang tahimik lang nila. Hindi makikita ang mga pangalan nila sa listahan ng mga mayayamang tao.Hindi lang 'yon, iba rin ang paraan ng pagpapalaki at pagtuturo nila sa kanilang mga anak kumpara sa iba.Sobrang binigyang-pansin ng lolo ni Mark ang pagpapalaki sa kaniyang mga anak at apo.Isang halimbawa rito si Mark. Nagsimula siyang mag-aral ng martial arts sa edad na lima at natuto rin siya

  • The Worthless Son-in-Law is the World's Richest Heir   Chapter 1 - Caught in the Act

    The Manila Hotel“Sir, nandito na po ang takeout niyo.” Kumatok si Mark sa pinto ng hotel room suot ang kaniyang takeout uniform.“Sandali! Nandiyan na.”Nang bumukas ang pinto ng kwarto, bumungad kay Mark ang isang lalaki at isang babae, dahilan para matulala siya sa kinatatayuan niya.Hindi kilala ni Mark ang lalaking nagbukas ng pinto. Pero sa likod ng lalaki, ang magandang babaeng nakasuot ng bathrobe ay walang iba kundi ang asawa niyang si Jade!BLAG!Agad na nahulog sa lupa ang takeout na hawak ni Mark mula sa kaniyang mga kamay.Parang kanina lang, curious pa siya kung sino ang nagpa-deliver nito.Isang five-star hotel naman kasi ang The Manila Hotel, at ang mga taong nagche-check-in dito ay hindi naman nagpapa-takeout.Kung magpa-deliver man sila, hanggang sa lobby lang sila papayagan ng hotel.Pero ang lalaking ito ay nakahanap ng paraan para maipa-deliver kay Mark ang pagkain nang deretso na mismo sa kwarto.Pero sino ba naman ang mag-aakala na makikita pala ni Mark ang sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status