LOGINMabigat ang mga patakaran ng pamilya Gutierrez. Sa pinakamagaang parusa, hindi ka makakalakad ng ilang araw. Sa pinakamalala naman ay pwede pang mabali ang mga daliri mo.
Agad ding tinawagan ni Jade si Mark.
“Ano 'yon?” Mabilis na sinagot ni Mark ang telepono.
“Pinapapunta ka ni Lola rito.”
“Ayoko.” Agad na ibinaba ni Mark ang telepono.
Hindi inaasahan ni Jade na tatanggihan siya ni Mark nang ganoon kabilis. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kaniyang lola, “Ayaw niya pong pumunta.”
Nang mapansin ang nakakailang na sitwasyon, mabilis na nagsalita si Beatrice, “Ma, ika-80 kaarawan niyo po ngayon. Asikasuhin muna natin ang okasyon niyo at 'wag niyo na pong pansinin ang walang kuwentang 'yan.”
Ngunit matigas ang ulo nito. “Kahit sinong pag-aari ng pamilyang ‘to, tao man o aso, ay kailangang magpunta sa oras na inutos ko!”
Pagkasabi niyon, tumingin siya kay Sean. “Apo, pumunta ka at dalhin mo siya sa akin!”
“Sige po.”
Pinatunog ni Sean ang mga daliri niya. Siya ang madalas mam-bully kay Mark kaya susulitin niya talaga ang pagkakataong ito.
Pagkaalis ni Sean, bumalik si Mrs. Gutierrez sa kaniyang kinauupuan, hinawakan ang poodle, at kumalma sandali.
Pagkatapos ay sinabi niya, “Pinapunta ko kayo rito nang maaga ngayong araw dahil may gusto akong sabihin sa inyo.”
Sina Ramil, Romulo, at ang iba pa ay maayos na napaupo, habang naghihintay sa mga tagubilin ng matanda.
“Kahapon lang, mayroon na silang bagong in-assign na chairman sa Roxas Group. Walang nakakaalam kung ano'ng pangalan niya o kung saan siya galing.”
“Tulad ng alam ninyong lahat, matagal nang magkasosyo sa negosyo ang Gutierrez Real Estate at Roxas Group. Kamakailan lang ay nakipag-areglo tayo para sa isang 600 million pesos na investment, pero hindi pa sila nakakapirma ng kontrata. Kaya naman kailangan nating mapanatili ang magandang relasyon sa bagong chairman ng Roxas Group.”
Ang Gutierrez Real Estate ay isa sa mga ari-arian ng pamilya nito. Kabilang dito ang Okada community kung saan nakatira si Jade, na siyang isa rin sa mga d-in-evelop ng pamilya nila.
Ngunit nagkaroon ng problema sa pondo ang Gutierrez Real Estate kamakailan. Kaya naman kailangan na kailangan nila ang 600 million na investment mula sa Roxas Group.
Pagkarinig sa mga sinabi ni Mrs. Gutierrez, alam ng lahat na kung sino man ang unang makakabuo ng magandang ugnayan sa bagong chairman ng Roxas Group at makakakuha ng investment ay makakatanggap ng parangal mula sa kaniya.
Ang parangal na ito ay pwedeng maging promosyon sa posisyon sa kumpanya ng pamilya, o pwedeng direktang nauugnay sa pamamahala ng kumpanya at sa mamanahing ari-arian sa huli!
Unang nagsalita si Romulo. “Ma, ipagkatiwala niyo po sa akin ang bagay na 'to. Gagawin ko ang lahat para makabuo ng magandang relasyon sa bagong presidente ng Roxas Group!”
“Bakit sa'yo ipagkakatiwala?” tutol naman ng kapatid nitong si Ramil. “Ako naman ang ‘laging namamahala sa paghahanap ng pondo, at kami ni Sean ang humahawak nito!”
Nang makitang handang tumulong ang dalawa, napangiti si Mrs. Gutierrez at sinabi, “Ika-80 kaarawan ko ngayon. Ang mga taong pupunta para magdiwang kasama ko ay mga prominenteng tao mula sa iba't ibang larangan dito sa Manila. Habang inaasikaso niyo ang mga bisita, magtanong-tanong kayo tungkol sa bagong presidente. Kung sino ang unang makakakuha ng impormasyon, siya ang mamamahala nito.”
“Opo, Ma!” sabay na sinabi nina Ramil at Romulo.
Umalis si Sean sa villa at pinatakbo ang kaniyang Maserati sa kalsada na nabasa ng tubig-ulan.
Umihit ng sigarilyo si Sean at tinawagan si Mark.
“Ano'ng kailangan mo?” tanong ni Mark.
Narinig ni Sean ang boses ni Mark at tumawa. “Mark, sinabi na sa amin ni Jade ang lahat tungkol sa'yo. Hindi ko inakalang ganyan ka pala!”
Medyo nagulat si Mark. “Sinabi ni Jade... ang lahat sa inyo?”
“Pagkatapos niyang ikwento, grabe ‘yong iyak niya. Talagang tumulo ‘yong laway pati sipon. Mali ring sabihing kasalanan ni Jade. Bakit kasi siya nagpakipot? Hindi man kasingganda ng katawan niya ang katawan ni Shaira, ‘di ba maganda naman siya? Bakit hindi na lang siya pumayag?”
Ang buong akala ni Mark ay umiyak na ito dahil sa konsensiya. Napabuntonghininga na lang siya. “Hayaan na natin ang nakaraan.”
“Nasaan ka? Mag-usap tayo,” tanong ni Sean.
“Nagde-deliver ako ng pagkain dito sa Don Galo.”
“Pupunta ako diyan. Hintayin mo ‘ko.”
Tinapakan ni Sean ang accelerator at nakarating sa Barangay Don Galo sa loob lang ng ilang minuto, sakto para makitang lalabas na si Mark sakay ng kaniyang motor.
Hindi bumaba ng kotse si Sean. Binuksan niya lang ang bintana sa passenger seat, at sinabi kay Mark, “Sumakay ka sa kotse. Gustong makipagkita sa'yo ni lola.”
Ang buong akala ni Mark ay makikipagkita ang matandang ginang para magmakaawa para sa kaniyang apo.
Madiing sinabi ni Mark, “Kahit magmakaawa pa ang lola mo para kay Jade, walang mangyayari. Tuloy ang annulment na 'to!”
Nagtatakang tumingin si Sean sa kaniya. “Ano'ng pinagsasabi mo, boy? Magmamakaawa sa'yo ang lola ko? Gusto ng lola ko na parusahan ka!”
Dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw, halos hindi maidilat ni Mark ang kaniyang mga mata.
Sobrang nagulat si Mark. “Paparusahan ako ng pamilya niyo? Bakit?”
Galit na minura siya ni Sean. “Bakit? Naghanap ka ng ibang babae, tapos magtatanong ka pa kung bakit? Oo, gusto kong nakikitang nagkakaganito si Jade pero myembro pa rin siya ng pamilya namin. Kaya kung may nagawa kang kasalanan sa pamilya ko, dapat lang na parusahan ka!”
Natulala si Mark. “Naghanap ako ng ibang babae? Sinabi ‘yon ni Jade?”
Hindi kailanman inakala ni Mark na pagkatapos siyang lokohin ni Jade ay ibabaling pa nito ang sisi at ipapahamak siya!
Napakawalang-hiyang babae!
May hangganan dapat ang panggagago sa tao!
“Sige, 'wag ka nang magsalita ng kung ano-ano diyan,” naiinip na sambit ni Sean. “Bilisan mo at sumakay ka na sa kotse. Pumunta ka muna sa hotel para batiin ang mga bisita. Maghintay ka hanggang sa matapos ang birthday party ngayong araw, saka mo tanggapin nang buong-puso ang parusa. Pagkatapos ay pakinggan mo ang paliwanag ni lola tungkol sa annulment.”Napuno ng galit ang mga mata ni Mark: “Sinabi ko nang ayoko!”Nagalit din si Sean. “Ikaw na walang kuwentang tao ka, naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, ano?”Habang nagsasalita, binuksan ni Sean ang pinto ng kotse, bumaba, at mabilis na sumugod papunta kay Mark na nakasakay sa motor. Agad niya itong inambahan ng sipa!Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilihis ni Mark ang motor at matagumpay na naiwasan ang sipa ni Sean.Pagkatapos, bumaba si Mark sa motor at malakas na sinipa si Sean sa tiyan!Isang playboy si Sean. Araw-araw siyang may kasamang girlfriend kaya napakahina ng katawan niya. Sa isang sipa lang ni Mark, tumalsik na
Mabigat ang mga patakaran ng pamilya Gutierrez. Sa pinakamagaang parusa, hindi ka makakalakad ng ilang araw. Sa pinakamalala naman ay pwede pang mabali ang mga daliri mo.Agad ding tinawagan ni Jade si Mark.“Ano 'yon?” Mabilis na sinagot ni Mark ang telepono.“Pinapapunta ka ni Lola rito.”“Ayoko.” Agad na ibinaba ni Mark ang telepono.Hindi inaasahan ni Jade na tatanggihan siya ni Mark nang ganoon kabilis. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kaniyang lola, “Ayaw niya pong pumunta.”Nang mapansin ang nakakailang na sitwasyon, mabilis na nagsalita si Beatrice, “Ma, ika-80 kaarawan niyo po ngayon. Asikasuhin muna natin ang okasyon niyo at 'wag niyo na pong pansinin ang walang kuwentang 'yan.”Ngunit matigas ang ulo nito. “Kahit sinong pag-aari ng pamilyang ‘to, tao man o aso, ay kailangang magpunta sa oras na inutos ko!”Pagkasabi niyon, tumingin siya kay Sean. “Apo, pumunta ka at dalhin mo siya sa akin!”“Sige po.”Pinatunog ni Sean ang mga daliri niya. Siya ang madalas mam-bully k
Sa Okada Manila ginanap ang ika-80 na kaarawan ng lola ni Jade. Alas diyes ng umaga nang magsimula ang kaniyang birthday banquet na gaganapin sa isa sa mga pinakamagandang hotel dito sa Manila.Pero bago 'yon, nakiusap ang matandang ginang na magtipon muna ang lahat sa kaniyang private villa.“Happy birthday po, Lola!” pagbati ni Jade.“‘Ma, sana po humaba pa ang buhay niyo at umabot ka ng dalawang daang taon!”Sa loob ng villa, napakaraming tao ang nagtipon. Lahat sila ay mga anak at apo ni Mrs. Gutierrez.Si Mrs. Gutierrez ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na si Ramil Gutierrez at ang pangalawa na si Romulo Gutierrez, na tatay naman ni Jade.Mayroon namang anak na lalaki si Ramil na si Sean, at isang babae na si Shaira, na halos kaedad lang ni Jade.Sa ngayon, ang ari-arian ng pamilya Gutierrez na higit sa sampung bilyong piso, pati na rin ang kapangyarihang hawakan at pamunuan ang mga kumpanya ng pamilya, ay nasa mga kamay pa ring lahat ni Mrs. Gutierrez.Kaya naman ang
Para masagot ang mga tawag mula sa customer anumang oras, may nakasabit na Bluetooth headphones sa tainga ni Mark. At sa oras na ito, tumutugtog ang kanta ng Beyond na "Early Train" sa kaniyang headphones.Habang nakikinig sa tugtog, biglang naalala ni Mark noong unang beses niyang makilala si Jade tatlong taon na ang nakakalipas.Pinanganak si Mark sa isa sa mga pinakamayaman at pinakamisteryosong pamilya sa mundo gaya ng pamilyang Madrigal, Ortigas at Miranda.Pero hindi nila alam na ang pinakamisteryosong pamilya ay ang pamilya Ayala.Mayroon silang mahigit isang trilyong piso na asset, pero sobrang tahimik lang nila. Hindi makikita ang mga pangalan nila sa listahan ng mga mayayamang tao.Hindi lang 'yon, iba rin ang paraan ng pagpapalaki at pagtuturo nila sa kanilang mga anak kumpara sa iba.Sobrang binigyang-pansin ng lolo ni Mark ang pagpapalaki sa kaniyang mga anak at apo.Isang halimbawa rito si Mark. Nagsimula siyang mag-aral ng martial arts sa edad na lima at natuto rin siya
The Manila Hotel“Sir, nandito na po ang takeout niyo.” Kumatok si Mark sa pinto ng hotel room suot ang kaniyang takeout uniform.“Sandali! Nandiyan na.”Nang bumukas ang pinto ng kwarto, bumungad kay Mark ang isang lalaki at isang babae, dahilan para matulala siya sa kinatatayuan niya.Hindi kilala ni Mark ang lalaking nagbukas ng pinto. Pero sa likod ng lalaki, ang magandang babaeng nakasuot ng bathrobe ay walang iba kundi ang asawa niyang si Jade!BLAG!Agad na nahulog sa lupa ang takeout na hawak ni Mark mula sa kaniyang mga kamay.Parang kanina lang, curious pa siya kung sino ang nagpa-deliver nito.Isang five-star hotel naman kasi ang The Manila Hotel, at ang mga taong nagche-check-in dito ay hindi naman nagpapa-takeout.Kung magpa-deliver man sila, hanggang sa lobby lang sila papayagan ng hotel.Pero ang lalaking ito ay nakahanap ng paraan para maipa-deliver kay Mark ang pagkain nang deretso na mismo sa kwarto.Pero sino ba naman ang mag-aakala na makikita pala ni Mark ang sa







