تسجيل الدخولSa Okada Manila ginanap ang ika-80 na kaarawan ng lola ni Jade. Alas diyes ng umaga nang magsimula ang kaniyang birthday banquet na gaganapin sa isa sa mga pinakamagandang hotel dito sa Manila.
Pero bago 'yon, nakiusap ang matandang ginang na magtipon muna ang lahat sa kaniyang private villa.
“Happy birthday po, Lola!” pagbati ni Jade.
“‘Ma, sana po humaba pa ang buhay niyo at umabot ka ng dalawang daang taon!”
Sa loob ng villa, napakaraming tao ang nagtipon. Lahat sila ay mga anak at apo ni Mrs. Gutierrez.
Si Mrs. Gutierrez ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na si Ramil Gutierrez at ang pangalawa na si Romulo Gutierrez, na tatay naman ni Jade.
Mayroon namang anak na lalaki si Ramil na si Sean, at isang babae na si Shaira, na halos kaedad lang ni Jade.
Sa ngayon, ang ari-arian ng pamilya Gutierrez na higit sa sampung bilyong piso, pati na rin ang kapangyarihang hawakan at pamunuan ang mga kumpanya ng pamilya, ay nasa mga kamay pa ring lahat ni Mrs. Gutierrez.
Kaya naman ang magkapatid na sina Ramil at Romulo ay ginagawa ang lahat para pasayahin ang matanda at makipag-agawan sa mana ng pamilya.
Sa gitna ng living room, nakaupo si Mrs. Gutierrez sa isang mahogany chair na nagkakahalaga ng isang daang libong piso, habang hawak ang isang poodle sa kaniyang mga braso. Tinitingnan niya ang mga regalong ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga anak at apo, nakikinig sa kanilang mga bati, at masayang tumatango.
Nahagip naman ng paningin niya ang makalat na sahig na may dumi pa ng poodle sa ilalim ng isang upuan.
“Nasaan na 'yong walang kuwentang manugang na 'yon? Halika rito at linisin mo 'to.”
Ang walang kuwentang manugang na binanggit ni Mrs. Gutierrez ay walang iba kundi si Mark.
Sa nakalipas na tatlong taon, si Mark ang gumagawa ng trabahong paglilinis ng dumi ng aso ng pamilya.
Tumingin si Ramil sa paligid ng kwarto at nagtaka. “Huh? Si Mark, ang basurang 'yon, parang hindi yata pumunta.”
Agad na nagpuyos sa galit si Mrs. Gutierrez. “Ano? Ika-80 kaarawan ko ngayon, paano niya naisip na hindi pumunta? Jade, anong nangyayari?”
“Baka po may trabaho, lola,” sagot ni Jade.
“May trabaho? Ano? Nag-deliver?” Tumawa nang may pang-aasar si Shaira. “Nakakatawa!”
“Nakakahiya talaga siya sa pamilya natin!” panggagatong naman ni Sean. “Nakasalubong ko siya minsan habang nagmamaneho ako ng Maserati at natatakot akong sabihin sa mga kaibigan ko na kabilang siya sa pamilya natin.”
Mas lalong nagpuyos sa galit si Mrs. Gutierrez. “Sabihan niyo siyang pumunta rito agad para makipagkita sa akin! Wala man lang siyang kaalam-alam sa mga patakaran ko.”
Nang makitang galit ang kaniyang lola, walang nagawa si Jade kundi sabihin ang totoo.
“Lola, sa totoo lang po, hindi siya makakapunta ngayon dahil maghihiwalay na po kami.”
“Maghihiwalay? Sinong nagpahintulot sa inyong maghiwalay? Alam mo bang ang kasal niyo ay desisyon ng yumao mong lolo?!” naghuhurumintadong sambit ni Mrs. Gutierrez.
Hindi na nangahas pa si Jade na bastusin ang kaniyang lola kaya agad siyang lumuhod sa harap nito nang umiiyak.
“Lola, hindi ko po gustong suwayin ang huling kahilingan ni lolo. Pero si Mark… ang dami na niyang nalinlang na tao!”
Nang makita ang pag-iyak ni Jade, nakaramdam si Mrs. Gutierrez ng awa at lungkot kaya lumapit ito sa kaniya at tinulungang tumayo.
“Jade, 'wag ka munang umiyak. Isa ka sa mga apo ng pamilyang ‘to. Isa lang siyang manugang na nakitira sa bahay natin. Sabihin mo sa akin kung ano-ano ang mga ginawa niya sa ‘yo. Tuturuan ko siya ng leksyon!”
Pinunasan ni Jade ang kaniyang luha na pilit niyang iniyak kanina.
“May ibang babae po si Mark!”
“Ano?!”
Sa sobrang gulat ni Mrs. Gutierrez, nanginig ang kaniyang katawan. Mabuti na lang at agad siyang inalayan ni Ramil para tumayo at hindi tumumba.
Galit na galit ang matandang Gutierrez. “Ang hayop na 'yon! Sa loob ng tatlong taon, binibigyan natin siya ng mansyon na matutuluyan at mamahaling sasakyan na magagamit niya. Tapos hindi ka man lang niya pinapansin at naghanap pa ng ibang babae!”
Pinalabas ni Jade na si Mark ang may kasalanan at ibinintang dito ang pambababae. Kaya naman mabilis niyang nakuha ang tiwala ng nakatatandang Gutierrez.
Magaling magtago si Jade at magaling umarte na para bang isa siyang mabait na bata sa harap ng kaniyang pamilya.
Kung hindi siya nahuli nang personal ni Mark sa hotel kahapon, aakalain niya ring mabait at malinis na babae si Jade na may kaunting kayabangan.
Miski ang mga magulang ni Jade ay naloko ng kanilang anak at galit na pinagmumura si Mark.
Sa kabilang banda, iba naman ang nararamdaman ng pamilya ni Ramil.
“Ate Jade,” mapang-asar na sambit ni Shaira. “Hindi ba at ikaw ang kilalang pinakamagandang babae sa buong lugar natin? Maganda ang katawan mo at maganda ang mukha mo. Paanong pinagpalit ka pa rin niya sa ibang babae?”
Maganda ang pangangatawan ni Shaira. Nagpo-post siya ng mga short video clips sa social media nang hindi pinapakita ang kaniyang mukha, at nakakakuha ito ng mahigit sa isandaang milyong likes at sampung milyong followers.
Siya ang may pinakamaraming followers sa lahat ng mga faceless content creator.
Pero karaniwan lang ang kaniyang mukha. Masyado itong ordinaryo kumpara kay Jade kaya palagi siyang naiinggit dito.
Tumawa rin si Sean at sinabi, “Jade, 'wag mong sisihin si Shai sa sinabi niya, pero may pananagutan ka rin sa bagay na 'to. Tatlong taon na kayong kasal, pero walang humahawak sa'yo. Kahit gaano kaganda ang pakwan, walang silbi kung titingnan mo lang at hindi kakainin. Hindi nakapagtatakang naghanap si Mark ng ibang babae.”
Sa pagkakataong ito, tumayo ang nanay ni Jade na si Beatrice at ipinagtanggol ang kaniyang anak.
“Sean, mali ‘yang pinagsasabi mo. Sino ba si Jade sa pamilyang ‘to kumpara sa kung sino ‘yang Mark na ‘yan? Kung magkakaroon talaga ang anak ko ng totoong ugnayan bilang mag-asawa sa walang kuwentang 'yan, hindi ba't masisira lang ang buhay ni Jade?”
Napasinghal si Sean. “Tita, hindi ba ang iniisip niyo lang naman ay ang mapanatiling malinis ‘yan at makahanap ng pagkakataon para makipaghiwalay kay Mark? Pagkatapos no’n saka kayo hahanap ng mayaman na ipapalit sa kaniya.”
“Anong…”
“Tigil! Huwag na kayong mag-away,” bulalas ni Mrs. Gutierrez. “Kahit pa ginawa 'yon ni Jade, wala pa ring karapatang maghanap ng ibang babae ‘yang si Mark! Ano'ng tingin niya sa pamilya natin? Tawagan niyo agad ang hayop na 'yan nang maparusahan!”
“Sige, 'wag ka nang magsalita ng kung ano-ano diyan,” naiinip na sambit ni Sean. “Bilisan mo at sumakay ka na sa kotse. Pumunta ka muna sa hotel para batiin ang mga bisita. Maghintay ka hanggang sa matapos ang birthday party ngayong araw, saka mo tanggapin nang buong-puso ang parusa. Pagkatapos ay pakinggan mo ang paliwanag ni lola tungkol sa annulment.”Napuno ng galit ang mga mata ni Mark: “Sinabi ko nang ayoko!”Nagalit din si Sean. “Ikaw na walang kuwentang tao ka, naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan, ano?”Habang nagsasalita, binuksan ni Sean ang pinto ng kotse, bumaba, at mabilis na sumugod papunta kay Mark na nakasakay sa motor. Agad niya itong inambahan ng sipa!Sa hindi inaasahang pagkakataon, inilihis ni Mark ang motor at matagumpay na naiwasan ang sipa ni Sean.Pagkatapos, bumaba si Mark sa motor at malakas na sinipa si Sean sa tiyan!Isang playboy si Sean. Araw-araw siyang may kasamang girlfriend kaya napakahina ng katawan niya. Sa isang sipa lang ni Mark, tumalsik na
Mabigat ang mga patakaran ng pamilya Gutierrez. Sa pinakamagaang parusa, hindi ka makakalakad ng ilang araw. Sa pinakamalala naman ay pwede pang mabali ang mga daliri mo.Agad ding tinawagan ni Jade si Mark.“Ano 'yon?” Mabilis na sinagot ni Mark ang telepono.“Pinapapunta ka ni Lola rito.”“Ayoko.” Agad na ibinaba ni Mark ang telepono.Hindi inaasahan ni Jade na tatanggihan siya ni Mark nang ganoon kabilis. Ibinaba niya ang telepono at sinabi sa kaniyang lola, “Ayaw niya pong pumunta.”Nang mapansin ang nakakailang na sitwasyon, mabilis na nagsalita si Beatrice, “Ma, ika-80 kaarawan niyo po ngayon. Asikasuhin muna natin ang okasyon niyo at 'wag niyo na pong pansinin ang walang kuwentang 'yan.”Ngunit matigas ang ulo nito. “Kahit sinong pag-aari ng pamilyang ‘to, tao man o aso, ay kailangang magpunta sa oras na inutos ko!”Pagkasabi niyon, tumingin siya kay Sean. “Apo, pumunta ka at dalhin mo siya sa akin!”“Sige po.”Pinatunog ni Sean ang mga daliri niya. Siya ang madalas mam-bully k
Sa Okada Manila ginanap ang ika-80 na kaarawan ng lola ni Jade. Alas diyes ng umaga nang magsimula ang kaniyang birthday banquet na gaganapin sa isa sa mga pinakamagandang hotel dito sa Manila.Pero bago 'yon, nakiusap ang matandang ginang na magtipon muna ang lahat sa kaniyang private villa.“Happy birthday po, Lola!” pagbati ni Jade.“‘Ma, sana po humaba pa ang buhay niyo at umabot ka ng dalawang daang taon!”Sa loob ng villa, napakaraming tao ang nagtipon. Lahat sila ay mga anak at apo ni Mrs. Gutierrez.Si Mrs. Gutierrez ay may dalawang anak na lalaki. Ang panganay na si Ramil Gutierrez at ang pangalawa na si Romulo Gutierrez, na tatay naman ni Jade.Mayroon namang anak na lalaki si Ramil na si Sean, at isang babae na si Shaira, na halos kaedad lang ni Jade.Sa ngayon, ang ari-arian ng pamilya Gutierrez na higit sa sampung bilyong piso, pati na rin ang kapangyarihang hawakan at pamunuan ang mga kumpanya ng pamilya, ay nasa mga kamay pa ring lahat ni Mrs. Gutierrez.Kaya naman ang
Para masagot ang mga tawag mula sa customer anumang oras, may nakasabit na Bluetooth headphones sa tainga ni Mark. At sa oras na ito, tumutugtog ang kanta ng Beyond na "Early Train" sa kaniyang headphones.Habang nakikinig sa tugtog, biglang naalala ni Mark noong unang beses niyang makilala si Jade tatlong taon na ang nakakalipas.Pinanganak si Mark sa isa sa mga pinakamayaman at pinakamisteryosong pamilya sa mundo gaya ng pamilyang Madrigal, Ortigas at Miranda.Pero hindi nila alam na ang pinakamisteryosong pamilya ay ang pamilya Ayala.Mayroon silang mahigit isang trilyong piso na asset, pero sobrang tahimik lang nila. Hindi makikita ang mga pangalan nila sa listahan ng mga mayayamang tao.Hindi lang 'yon, iba rin ang paraan ng pagpapalaki at pagtuturo nila sa kanilang mga anak kumpara sa iba.Sobrang binigyang-pansin ng lolo ni Mark ang pagpapalaki sa kaniyang mga anak at apo.Isang halimbawa rito si Mark. Nagsimula siyang mag-aral ng martial arts sa edad na lima at natuto rin siya
The Manila Hotel“Sir, nandito na po ang takeout niyo.” Kumatok si Mark sa pinto ng hotel room suot ang kaniyang takeout uniform.“Sandali! Nandiyan na.”Nang bumukas ang pinto ng kwarto, bumungad kay Mark ang isang lalaki at isang babae, dahilan para matulala siya sa kinatatayuan niya.Hindi kilala ni Mark ang lalaking nagbukas ng pinto. Pero sa likod ng lalaki, ang magandang babaeng nakasuot ng bathrobe ay walang iba kundi ang asawa niyang si Jade!BLAG!Agad na nahulog sa lupa ang takeout na hawak ni Mark mula sa kaniyang mga kamay.Parang kanina lang, curious pa siya kung sino ang nagpa-deliver nito.Isang five-star hotel naman kasi ang The Manila Hotel, at ang mga taong nagche-check-in dito ay hindi naman nagpapa-takeout.Kung magpa-deliver man sila, hanggang sa lobby lang sila papayagan ng hotel.Pero ang lalaking ito ay nakahanap ng paraan para maipa-deliver kay Mark ang pagkain nang deretso na mismo sa kwarto.Pero sino ba naman ang mag-aakala na makikita pala ni Mark ang sa







