''GUMISING ka nga riyan!''''Uhm...''''Gumising ka!''Inis na bumalikwas ng bangon si Amira. Namimigat pa ang kanyang mga mata sa antok. Gusto niya pa sanang habaan ang pagtulog. ''Lola! Bakit ang aga-aga niyo na naman na mambulabog? Aray!'' daing niya nang makatanggap ng mahinang hampas sa abuwela. ''Bakit po ba?''''Nag-away ba kayo ni Hardhie?''''Nagsumbong na naman po ba siya sa 'yo? Huwag niyo nga siyang itinatrato na bata!''''Magkasama ba kayo kagabi?''Bumalik siya sa paghiga at pagpikit ng mga mata. ''Hindi!''''Huwag mo ngang itanggi!''''Lola!'' asik niya nang makatanggap na naman ng hampas sa abuwela. ''Bakit po hindi na lang siya ang tanungin niyo?''''Tinanong ko nga. At sinabi niyang magkasama kayo kagabi hanggang madaling-araw.''''Si Kenji ang kasama ko. Bumuntot lang siya.''''Pero bakit kailangan mong patulugin siya sa labas ng bahay?'' asik ni Lola Tasing.Napadilat naman si Amira. Nag-uulap man sa antok ang mga mata ay deretso siyang tumingin sa abuwela. ''Sino
"MASAYA ka ba, babe?""Masayang-masaya, babe. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito."Inabot ni Kenji ang kamay ni Amira at pinisil iyon nang may kasama pang matamis na ngiti. "Gusto mo bang ulitin natin ito bukas?""Kahit araw-araw pa at oras-oras.""Magmaneho ka lang!" singit ni Hardhie na nakaupo sa backseat. Pinaghiwalay niya ang kamay ng dalawa. "At sa kalsada ka tumingin!"''Bakit ba hanggang dito nakasunod ka pa rin?'' asik ni Kenji.''Kailangan kong makasiguro na hindi ka lalagpas sa limitasyon mo.''''May respeto ako sa boundary ng mga babae.''''Mabuti naman.''''Pero hindi ko maipapangako iyon sa susunod.''''Wala nang susunod!''''Hindi ka na iinom?''''Pinilit mo lang ako.''''Hindi mo na ako hahamunin ng karaoke?''''Ikaw ang naunang manghamon sa akin!''''Tingnan lang natin. Alam kong hindi ka makakatanggi kung sina Lolo Dan at Papa Pablo ang umaya sa 'yo. Sisiguraduhin ko na kapag nangyari iyon ay present ako.''''Pag-aari ko na si Amira...''''Pero nagawa mo siyang i
MAGKAHAWAK-KAMAY pa sina Amira at Kenji habang naglalakad sa loob ng mall. Hindi naman awkward iyon sa dalawa dahil palagay naman ang loob nila sa isa't isa.Si Hardhie lang ang hindi mapakali. He's following from the back at parang gusto na niyang liparin ang binata at bugbugin nang malaman nito na pag-aari na niya ang babaing nililingkis nito.Yes, it's his fault. Pero hindi lang niya matanggap na pumayag din si Amira. Alam nitong magseselos siya."Maaga pa naman para pumasok ng sinehan. Halika. Mag-shopping muna tayo."Tumungo ang dalawa sa isang department store na sinundan din ni Hardhie."It's my treat. Piliin mo ang magustuhan mo.""Bakit mo naman ako bibilhan?""As a farewell gift.""Bakit? Aalis ka?""Baka kasi maging busy ako sa trabaho.""Sa trabaho o kay Honey?""Both."Nagpalitan ng ngiti ang dalawa na lalo lang nagpainis kay Hardhie."Hello, sir." Lumapit ang saleslady. "Anything I can help?""Mat kutsilyo ba kayo rito?" tanong ni Hardhie."Ho? Uhm, meron po. Sa Home Sec
IBINUKA ni Amira ang bibig at ipinasok naman dito ni Kenji ang kutsara na may laman na pagkain."Masarap ba, Babe?""Masarap, Babe." Ngumiti si Amira. "Pero hanggang kailan ka ba magiging extra sa love story namin?" pasimple niyang asik sa binata."Sisihin mo ang boyfriend mo dahil pumayag siya.""Sinamantala mo na lasing siya.""Kaya pagsabihan mo na sa susunod ay huwag siyang iinom nang hindi naman pala niya kaya.""Wala ka bang nililigawan?""Marami. At nahihirapan akong pumili sa kanila.""Ang yabang nito!"Pinabuka ulit ni Kenji ang bibig ni Amira na wala namang reklamong tinanggap ang isinubo nito."Kailan mo ba balak mag-asawa, ha? Sinabi ni Kuya Khal na ikaw na lang ang bachelor sa batch niyo.""Haist! Ang daldal niya rin, 'no?""Gusto mo bang ihanap kita? Marami akong mga kaibigan -""No, thanks."Bahagya niyang inilapit ang mukha kay Kenji at bumulong dito, "Bakla ka ba?""Oo yata."Napatakip sa bibig si Amira. "Talaga?" mulagat niya. "Naramdaman mo ba iyon?""Ramdam na ramd
"MA, saan ba kayo galing?"Nakaalalay sa magkabilang tagiliran ni Lola Tasing sina Amira at Miko nang salubungin sila sa pagpasok sa bahay ni Alona."Anong nangyari sa 'yo?" puna ng ginang nang mapansin nito ang paglalakad ng matanda na paika-ika. "Bakit para yatang nanghihina ka?""Paano akong hindi hihina na ilang oras akong nakahiga sa ospital?"Inalalayan ng tatlo si Lola Tasing na makaupo. Tinabihan ito na Alona na puno ng pag-aalala. "Ma...""Sisihin mo ang mga anak mo!' asik nito na hindi na pinatapos ang pagsasalita ng manugang. "Matanda na ako, pero kailangang ako pa ang mag-asikaso ng lovelife nila. Ang kukupad nang kumilos, wala pang diskarte para mabigyan ako ng mga apo-sa-tuhod bago man lang ako mawala sa mundong ito."Pinanlisikan ng mga mata ni Alona sina Amira at Miko. Hindi na nito inintindi ang mahabang litanya ng biyenan dahil wala naman siyang naunawaan doon. "Anong ginawa niyo?"Walang umimik sa dalawa na parehong umiwas ng tingin sa kanilang ina."Ikaw!" sabay ha
''SANA pala talaga bumili ka ng popcorn.''''Kaya nga po,'' ganting-bulong ni Amira sa sinabi ng abuwela. "Mukhang box-office ito."Parehong walang kurap na nakatingin ang dalawa sa pagkakatulos nina Jade at Miko nang magtagpo ang mga mata ng mga ito.''May 'spark' pa nga talaga sila. At tama ka. Parang gusto na nilang yakapin ang isa't isa.''Marahang tumango si Amira. ''Sino kaya sa kanilang dalawa ang gagawa ng unang hakbang para sa second chance?''''Mukhang wala kaya unahan na natin.''''Ho?''''Aray, aray!'' daing ulit ni Lola Tasing.Muli namang nataranta si Miko at saka lang din pumasok si Jade.''Doc, mamamatay na ba ako?''''Hindi pa po, Ma'am.''Isinantabi muna nito ang pagdaing saka ngumiti kay Jade. ''Puwede bang LOLA na lamang ang itawag mo sa akin? Parang pormal na pormal kasi ang MA'AM. Baka ma-trigger ang diabetes ko.''''Anong kinalaman ng diabetes mo roon?'' usisa ni Amira.''Wala po kayong diabetes,'' wika ni Jade. ''Lahat po ng resulta ng lab tests niyo ay normal.