Share

Chapter 120

Penulis: EL Nopre
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-29 12:53:54

DALAWANG beses nang nagpalit ng ice sa bucket si Khal. Pinatay at sinindihan niya na rin ng ilang ulit ang mga scented candles. Inayos ang mga ikinalat niyang petals ng mga red roses sa sahit at kama.

Naiinip na siya. Nawawala na ang init ng kanyang katawan na nasasabik na para sa haplos at dantay ng asawa.

Muling napasulyap si Khal sa direksiyon ng pinto ng banyo. At saka siya tumingin sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Halos kalahating oras na sa loob si Yeonna. Naririnig naman niya ang lagaslas ng tubig sa dutsa.

"Women!" wika niya nang naiiling.

Alam ni Khal na matagal mag-ayos ng sarili si Yeonna lalo na kapag mayroon silang mahalagang lakad. Ganoon din naman si Amira. Madalas iyong ipaalala sa kanya ng dalawa sa tuwing bagot na bagot na siya sa paghihintay.

"Haist! What took her so long?" Tumayo siya at saka maingat niyang idinikit ang tainga sa nakasarang pinto. Pinakinggan niya ang komosyon sa loob. "Sweetie?"

Walang tugon na narinig si Khal maliban lang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Haha khal under de saya kna ba??hahahah
goodnovel comment avatar
Dhei A. Tomines
can't wait for hardhie to fall in love with Amirah
goodnovel comment avatar
Gina Bangay
thank you po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 17

    "NO way!""Kaya dapat na manalo ka. Dahil alam na alam mo ang magiging buhay mo roon."Kumalma si Amira. "Hindi papayag sina Mama at Papa na mahiwalay ulit ako sa kanila.""Kaya isasama ko rin sila. At alam mong hindi sila makakatanggi, 'di ba?"Muling nanlaki ang mga mata ni Amira. Ilang buwan pa lang mula nang makilala niya ang tunay na pamilya. And base sa obserbasyon niya ay walang isa man sa mga ito ang sumusuway sa bawat utos at salita ng kanyang abuwela. Batas ito sa kanilang bahay."Haist!" bulalas na pagkadismaya ng dalaga. "Lola, sinasamantala mo ang kahinaan namin!""Pagmamahal ang tawag doon. At mahal kita. Gusto kong lagi kayong nakikita."Umismid si Amira."Sige na. Magtago ka na.""Akala ko ba gusto mo akong laging nakikita? Bakit pinapatago mo ako?""Bakit ba ang dami mo pang sinasabi? Sige na!"Nakaingos na tumalikod ang dalaga at tinahak ang paakyat sa second floor ng tinutuluyan nilang bahay. "Lola -""Ssshhhh," maagap na saway ni Lola Tasing sa paglapit ni Hardhie

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 16

    "ANO bang pinagbubulungan ninyo riyan?"Mabilis na naghiwalay sina Hardhie at Lola Tasing nang dumating si Amira na may tangan na tray ng apat na tasa ng kape. Kasunod nito si Kenji na may dala namang cake.Katatapos lang nilang maghapunan. At kasalukuyan silang nasa veranda upang hintayin ang paglubog ng araw. Tatlong oras pa iyon. Pero may iba kasing plano ang matanda."Wala," tugon ni Lola Tasing. "Ganito lang talaga kami ka-close."Inirapan ni Amira si Hardhie nang magtama ang kanilang mga mata. Inilapag nito ang tray at saka naupo sa kabilang bakanteng silya, tinabihan naman ito ni Kenji."How do you find this place, Lola? Maganda ba ritong pagdausan ng kasalan?"Nabaling ang tingin ng lahat kay Kenji. "Sinong ikakasal?" tanong ng matanda."Well, may plano rin naman po akong bumuo ng pamilya. At gusto kong sa lugar na ito gaganapin ang magiging sumpaan namin ng future wife ko."Nakita ni Hardhie ang pagtingin at pagngiti ni Kenji kay Amira. "Lola...""Hmm?""Ayoko ng beach weddin

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 15

    "SA tingin ko, marunong talaga siyang lumangoy..."Mula sa maya't mayang pagsulyap kay Amira na nakaupo sa kanyang tabi sa pampang ay natuon ang tingin niya sa unahan. Abala si Kenji sa pagtuturo kay Lola Tasing sa paglangoy."Bakit mo naman nasabi 'yon?""Para kasing may nakita akong mga old photos niya sa isang swimming class."Napatikhim si Hardhie. "Uhm, baka naman hindi siya iyon.""Pero bakit kay Kenji siya nagpapaturo?" Binalingan nito ang binata, "Hindi sa iyo?"Mabilis siyang umiwas ng tingin nang magsalubong ang kanilang mga mata. "Hindi kasi ako marunong.""Hindi ka marunong lumangoy?""Tabo lang ang gamit ko at hanggang pampang lang ako."".Sure ka sa sagot mo?"Ibinalik niya ang tingin kay Amira. "Ha?""Paano kung malunod ako? Hindi mo pala ako masasagip.""Kaya huwag kang lalangoy sa malayo at malalim."Tumayo si Amira nang nakaguhit sa labi ang pilyang ngiti.At naalarma si Hardhie. "Saan ka pupunta?" "Lalangoy ako sa malayo at malalim.""Hey!" Napatayo siya nang tumak

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 14

    NAITAKIP ni Amira ang mga palad sa mukha nang matanaw na patungo sa kinaroroonan nila ang kanyang lola na animo'y model na inirarampa ang suot nitong two-piece bikini na nanggaling kay Hardhie, pero mismong si Yeonna naman ang bumili at pumili niyon."How do I look?" tanong agad ng matanda nang makalapit sa grupo."Ang seksi mo pala, Lola!"Marahan nitong hinampas sa braso si Hardhie na parang teenager na kinikilig dahil sa narinig na papuri. "Maliit na bagay," pagbibida nito. "At saka nasa lahi na talaga namin iyon!" sabay hagikhik nito.Kasalukuyan silang nasa isang resort sa Batangas na pag-aari ng pamilya ni Kenji. Ito ang pumili ng venue para sa una nilang double-date. All agreed, maliban kay Amira na ngayon nga ay nakakaramdam ng hiya dahil sa iginagawi ng abuwela."Lola, hindi ka na bata!"Pinanlisikan nito ng mga mata ang apo. "Bakit? May age limit na ba ngayon ang pagpunta ng beach?""Nagpaalam ba kayo kay Lolo?""Nakita mo ba siya kanina pag-alis natin?'Sandali namang napai

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 13

    "UUBUSIN mo na naman ba lahat nang iyan?"Nabaling ang namumungay na mga mata ni Amira kay Hardhie. "Bakit? Wala ka nang pera riyan?""Lasing ka na."Ikatlong balik na nila sa convenience store. At hindi umaabot sa bahay ang kanilang mga napamili."Darn! What a dumb! I'm not really asking if you have money," wika ni Amira na iika-ika na ang paglakad. "Alam mong wala akong pakialam kung mayaman ka o mahirap. It's you. You alone is more important than any wealth in the world. Manhid ka lang talaga."Hindi nakaimik si Hardhie."But this will be the last time..." Napasinok si Amira, "Hindi na iyon mauulit. Hinding-hindi na ako babalik ng convenience store. 'Couz I already gave you three chances. At lahat nang iyon ay sinayang mo."Napakunot ng noo si Hardhie."Uuwi na ako," sabay tapon nito ng huling lata ng beer matapos sairin ang natitirang laman niyon. "I just waste my time to a man who's not even worthy of my glance. Oppss! Hindi ka nga pala tunay na lalaki."Binalewala niya ang nagin

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 2: Chapter 12

    WALANG imikan sina Hardhie at Amira habang magkaabay sila sa paglalakad. Pareho silang nagpapakiramdaman at naghahanap ng tiyempo na magsalita.Dinaanan na nila ang isang convenience store, pero nilagpasan nila iyon. At katulad nga ng sinabi ni Lola Tasing, naghanap sila ng malayo. "Maganda ang panahon ngayon." Hindi na rin nakatiis si Hardhie sa namamagitan na katahimikan sa kanila. "Sana lang ay hindi umulan sa mga susunod na araw.""At bakit naman?""Hindi magandang mamasyal nang umuulan.""So, may panahon ka nang mamasyal?""May lugar ka bang naiisip na gustong puntahan?""Busy ako.""At anong pinagkakaabalahan mo? Wala ka namang trabaho!" asik ni Hardhie."Busy ako dahil may mga lakad kami ni Kenji.""Whoa! Ngayong araw lang kayo nagkita, pero nakapagplano na agad kayo?""Dahil malakas ang loob niya. Hindi siya natatakot na sumubok."Lihim na naikuyom ni Hardhie ang mga kamao. Alam niya na para sa kanya ang sinabing iyon ni Amira.Hindi naman dinadaga ang kanyang dibdib na ipagt

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status