Share

Chapter 18

DUMATING kami sa restaurant na sinasabi ng photographer na si Mr. Leonardo at kasama nito ang asawa.

"Hello, ako nga pala si Pia," ang bati agad sa amin ng asawa ni Mr. Leonardo.

"Hello, salamat sa pag-imbita sa amin," ang sagot ko at nilahad ang kamay para makipag-shake hands.

"No'ng nalaman ko na ikaw ang isa sa makakatrabaho ng asawa ko ay agad akong nag-request sa kanya na mag-dinner kasama kayo. By the way, 'yung bunso kong kapatid ay fan mo."

"Oh, talaga... naku, nakakatuwa naman," ang sagot ko. Matapos ay naupo katabi ni Gab.

Nilibot ko ang paningin. Kami pa lang apat ang nandito. Hindi pa dumarating ang iba.

Napansin ko naman ang baby bump niya nang mapatingin sa kanyang tiyan. At mukhang napansin niya kung saang direksiyon ako nakatingin kaya napahawak siya rito.

"Ilang months na?" Hindi rin kasi masiyadong halata dahil sa suot niyang jacket.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status