Share

chapter 2

Punuan ang school canteen during lunch break kaya parang ayaw ko na tuloy kumain.

Habang nakapila sa counter ay palinga-linga ako at nagbabakasaling mamataan iyong mga pinsan ko kahit may hinala akong nag-lunch-out ang mga ito.

Sa taglay na kaartehan ba naman ni Vanessa ay tiyak ayaw kumain ng isang iyon ng itinitindang mga pagkain dito sa canteen. Fine dining ang nakasanayan ng babaeng iyon! Kahit gaano pa kasosyal itong canteen ng MU ay kinakailangan pa nila ng waiters at international cuisines para pumasa sa panlasa ni Vanessa.

Ano ba naman kasi ang pinaglihian doon ni Tita Andria at gano'n ang kinalalabasan ng anak nito, half-tao half-engkanto!

"Oh shiiit!" Isang matinis na sigaw ang nagpabalik sa atensiyon ko sa kasalukuyan.

Nagulat pa ako nang mapansin ang isang babaeng pinanggagalingan nito na nasa mismong harapan ko. Teka, paano napunta rito ang babaeng ito na kasalukuyang naliligo ng dala kong iced tea? Nauna ko kasing nabili iyong drinks.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa basang-sisiw na babae at sa basong nasa food tray ko na wala nang laman habang nakatumba. Sayang naman iyong iced tea!

Kinakailangan ko pa yatang pumila ulit para makabili ng panibago.

"You!" Gigil na duro sa'kin ng babaeng naligo ng iced tea.

Hindi ito ang unang beses na may nanduduro sa'kin pero ito iyong unang pagkakataon na gusto kong matawa sa hitsura nang gumawa niyon.

Hindi ko napansin kung paano nabuhos sa kanya ang inuming dala ko pero mukhang kasalanan ko talaga dahil lumilipad ang isip ko habang nasa pila.

Medyo nakakakaabala na kami sa pila pero wala naman akong naririnig na reklamo roon sa iba.

Kapnasin-pansin ang pag-iwas ng mga nasa malapit sa kinaroroonan namin lalo na no'ng papalapit ang iilang mga kababaehan na base sa ibinibigay na tingin sa'kin sakin ay tiyak mga kasamahan nitong babae naatraso ko.

"Ang tanga mo! Alam mo bang mas mahal pa sa buhay mo itong damit ko?"

Ay, grabe siya oh!

Kung makapagsalita parang palamunin niya ako. Oo nga't puro mayayaman as in sobrang yaman ng mga estudyante rito sa MU pero ganito pala sila pinalaki ng mga parents nila?

Gusto kong mag-kulikot ng tainga dahil bumara yata roon ang matinis na boses ng kaharap. Bakit ba kasi pasigaw talaga kung magsasalita?

"I'm sorry, babayaran na lang kita," mahinahon kong paumanhin.

Kahit hindi kagandahan ang ugali ni girl ay kailangan ko pa ring umako ng pagkakamali dahil iyon ang turo sa'kin ng mga magulang ko.

"Sorry?! Anong babayaran?? 'Di mo ba ako naririnig?" patuloy nitong pagtataray. "Mas mahal pa 'to sa buhay mo! At sa itsura mong iyan akala mo ba ay makakaya mo 'tong bayaran?" nang-iinsulto pa nitong dagdag.

Mapanghamak na pumasada sa kabuuan ko ang matalim nitong tingin at bahagya pang umismid.

Ay, si inday masyadong judgemental!

Dahil ba nakamaong pants at t-shirt lang ako na pinaresan ng lumang rubber shoes ay 'di na agad maka-afford?

"Hindi ako tumatanggap ng sorry! You ruin my dress! You ugly girl!" patili nitong sigaw sa mismong mukha ko.

Aray hah, hindi ako maganda pero hindi rin naman ako ugly!

Ang sakit na nga ng boses niya sa tainga, ang sakit niya pang magsalita! Kasalanan ko pero parang gusto ko na yatang bawiin iyong sorry ko dahil mukhang hindi naman niya kailangan.

"Hala , kawawa naman iyong babae. Tiyak na pag-iinitan siya ni Cherry."

Pinigilan kong magtaas ng kilay nang marinig ang sinabi ng isa sa mga estudyante.

"May bago na namang ibu-bully ang grupo ni Cherry".

" Malalagot din siya sa boyfriend ni Cherry. Kawawa siya, lagot siya kay Blake Veñarez."

Nakakatawa talaga ang mga ito kung magbubulungan lang naman ay kailangan pang iparinig sa'kin, alam yata nilang tsismosa rin ako!

Alam ko namang ako ang pinag-uusapan nila dahil kahit bahagya silang lumayo upang makaiwas sa nagbabantang kaguluhan ay hindi naman talaga sila tuluyang umalis. At ano itong bullying na naririnig ko? High school lang?

"You're dead! You're definitely dead stupid son of a b*tch!" bulyaw sa'kin ng babaeng sa tingin ko ay ang tinatawag nila na Cherry na mahilig maligo ng iced tea.

Narindi ako sa pasigaw-sigaw nito kaya bahagya akong nalingat at iglap lang ay natagpuan ko ang sariling napahiyaw dahil may kung sinong nagbuhos sa'kin ng iced tea!

Piste ang lamig!

"Serves you right bitch!" sabi ng isa sa mga kasamahan ni Cherry na mukhang siyang gumawa niyon sa'kin.

Putang*ina! 'Di ako kasing galing ni Clair sa balian ng buto pero na-master ko ang art of sabunutan kaya wala nang isip-isip na hinila ko agad ang buhok ng babaeng nambuhos sa'kin ng iced tea!

War freak kung war freak, bahala nang ma-kick-out na naman ako basta makulot ko lang ang rebonded nitong buhok!

Kaya pala gano'n na lang ang galit ni Cherry matapos aksidenteng matapunan ng iced tea dahil sobrang lamig pala talaga nito at wala pa man ay parang kukuyugin na ako ng mga langgam dahil nalalasahan ko iyong tamis nito.

Ang sarap sa pakiramdam nang mahila ko ang buhok ng kaaway pero iglap lang ay pinagtutulungan na ako ng mga higad pero dahil black belter ako sa sabunutan ay ilan din sa kanila ang natanggalan ko ng hair extension.

Buti na lang talaga at 'di gano'n kahaba ang buhok ko kaya mas marami akong buhok na nahila.

Nagkakagulo na nga kami at lahat pero nakapagtatakang walang dumating upang umawat sa'min.

Nasaan na ba iyong mga school personnel kung kinakailangan mo sila? Ano ito rambolan, isa laban sa apat?

Kung ganito araw-araw ay kinakailangan ko nang mag-enroll sa martial art classes ni Clair!

"Hoy, Bato! Ano to? Welcome party?" dinig kong sigaw ni Clair mula sa kung saan.

Maang akong na napatingin sa pinanggagalingan ng boses nito at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi ito nag-iisa bagkus ay kumpleto silang apat.

Sa pagkakangisi ng mga ito ay alam na alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip nila!

Naku, paktay na this!

Sa saglit kong pagkalingat ay nalusutan ako ng isang kalaban na kumalmot sa mukha ko.

Ginantihan ko rin ng sapak sabay tadyak.

Not my face!

" Sali kami! Wohoooo!" malakas na sigaw ni Niña!

Wala na... detention here we come!

Buong akala ko ay mag-iisa lang akong paparusahan ngayong araw pero mukhang sasamahan ako ng mga pinsan slash kaibigan kong mahihilig makisawsaw sa gulo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status