Share

A Bullet for Love
A Bullet for Love
Author: ljArci

chapter 1

Sheet of paper! What's the meaning of this? Ang daming gwapo dito sa bago kong school! Ito na talaga iyong sinasabi nilang blessing in disguise.

Isipin mo, dahil sa na-kick out ako sa rati kong pinapasukan ay napunta ako rito sa Mendrez University na 'di ko alam na school pala ng mga fafalicious!

Ang sarap sana magbilang na lang ng mga gwapo buong araw pero kailangan ko na talagang pumasok sa first subject ko.

Ikalawang taon ko na 'to sa kursong Bachelor of Secondary Education. Mabait ako pero sadyang lapitin lang ng gulo kaya heto palipat-lipat ng school.Na-tour ko na ang buong Cebu dahil sa kakalipat ko at itong Mendrez University ang last chance ko para hindi tuluyang ipatapon ni Mother dear sa America kasama ang tiyahin kong singtapang ni Gabriela Silang.

Kahit pasaway ako ay takot ako sa tiyahin kong iyon 'no!

Hindi lang naman ako kundi lahat kaming magpipinsan. Ayaw ko rin namang mapapalayo sa Cebu. Nandito kaya ang mga katropa ko, paano na lang sila kong iiwanan ko? Mga siraulo pa naman ang mga iyon baka biglang magugunaw ang buong Cebu sa kalokohan nila kung wala akong sasaway sa kanila.

And speaking of katropa, mukhang naaamoy ko ang pagmumukha ng mga ito!

Anong ginagawa ng mga baliw dito sa bago kong school? Sus Ginoo! Iniwan ko ang mga ito sa dati kong school pero mukhang sumunod sa'kin ang mga siraulo.

"Oy Bato! Yohoooo! Astig tong bago nating school ah!" hiyaw ni Niña dela Torre with matching kaway pa.

Ito ang pinakamaingay sa grupo, Business Ad ang course nito. Lahat naman ng mga kaibigan ko ay business adminstration ang kinuhang kurso. Ako lang iyong umiba ng linya dahil ayaw kong sabay-sabay kaming babagsak kung sakali.

Sa likaw ng mga bituka namin ay tiyak doon kami papunta lahat. Lalo na itong si Niña na mas magaling pang humawak ng racket ng badminton kaysa ballpen. Ilang beses na kasi itong nag-champion sa badminton tournament sa national. Minsan na rin ito nakalaro internationally at this year ay balak nitong sumali sa ASEAN summit.

"Bato! Bato! Pik! Angat talaga ang ganda ko rito! Ang daming gwapo pero so far ako pa lang ang pinakamaganda!" Isa pa itong si Clair Dale Granzon na kung pagandahan ang usapan ay mabilis itong magbuhat ng sariling bangko.

Coming from family of beauty queens kaya nag-uumapaw ang self-confident.Iyon nga lang dahil sa ugali nitong iyon ay maraming nagagalit dito. At sa halip na beauty pageants ang sinasalihan ay nahilig ito sa martial arts.

Black belter ito sa jodo, taekwondo, muai tai, at kung ano pang balian ng buto. Abala ito ngayong taon dahil sasali ito sa international mixed martial arts competition. Good luck kay Tita Maye na mommy nito, sana lang ay hindi aatakihin pag umuwing may bangas ang maganda nitong anak.

"Hello Gem! Surprise! We will never be apart!" maarte namang sigaw ng kikay ng grupo.

Kung sina Niña at Clair ay nakasimpleng pants at blouse lang without accessories ay ibahin mo itong si Vanessa Pergora dahil pangrampa lagi ang get-up nito mula sa six-inch high heels na suot, branded na damit, fully made-up na mukha hanggang sa sobrang ayos nitong buhok na mahihiyang dadapo ang langaw.

Nagdala pa talaga ito ng shawl na pang-winter, sa sobrang kaartihan laging minu-murder ang fashion.

Nag-iisang babae kasi ito sa pamilya ng mga piloto. Kahit ang Mommy nito ay isa ring piloto. Pagmamay-ari ng mga ito ang pinakamalaking International Airline sa buong Asia at pangarap nitong maging Asia's top model.

"Alam niyo bang pwede kayong makasohan dahil sa kakabigay niyo ng palayaw kay Emerald? " singhal ni Aireen Legaspi sa mga ito.

Aireen came from a family of politicians. Lolo nito ang kasalukuyang mayor sa lugar nila at isang Senador ang daddy nito. May kapatid din itong gobernador habang ang ang mother side nito ay puro lawyers. Isa sa family businesses ng mga ito ang top law firm ng bansa.

"Shut up Ai-Ai, wala pa sa batas ng bansa iyang pinagsasabi mo! Talk to my lawyers!" nakatikwas ang kilay na sabi ni Vanessa.

" Vans... baka limot mo, mula sa law firm nila Ai ang mga lawyers mo," ngising saad ni Clair.

"Ang panget mo Claro!"

" Excuse me! Maganda ako."

"Sinong maysabi? 'Di naman totoo!" pakantang sabat ni Niña.

"Teka, wait, tympers!" sansala ko sa bangayan ng mga ito. Mahirap na baka 'di pa nagsisimula ang klase ay ma-detention na naman kami.

" Sila kasi Gem-Bato oh! Inaaway ako! Maganda naman ako 'di ba?" yamot na tanong ni Clair na parang bata.

"Tss... maganda ka okay! Balian mo ng tadyang ang magsasabing hindi."

"Oh, pa'no ba yan? Sinong gustong mauna?" nakangisi nitong baling kay Niña at Vanessa na imbes ay matakot ay sabay pang bumungisngis.

Alam kasi nilang never as in never silang pagbubuhatan ng kamay ni Clair.

"Alam mo Em, ako lang naman talaga dapat ang magta-transfer dito dahil ayaw kong maiwan kasama ang tatlong iyan pero ang mga ungas....nauna pa sa'king nag-enroll!" himutok ni Aireen.

"Traitor you! Buti na lang wise kami! Ayaw naming maiwan doon 'no!" ani Vanessa.

"Kung nasaan si Bato, nandoon si Darna!" hiyaw ni Clair with matching aksyon pa na parang lilipad katulad ni Darna.

"Kasama si Narda!" ani Niña "At Ding." Turo nito kay Aireen.

"Teka, sino ako?" ungot ni Vanessa.

"Wala ka sa casting, uwi na!" Taboy rito ni Niña.

" Gusto mo ipalo ko sayo iyang racket mo?"

"Gusto mo ikaw iyong paluin ko na parang shuttle cock?"

"Cock? Yuck! Bastos you!"

" Bastos utak mo!"

Habang nagkakagulo pa ang dalawa ay malakas namang tumunog ang bell kaya sing-bilis ni flash na nagtatakbuhan kaming lima. Bago na nga naman ang school namin pero as usual magulo pa rin kami. Good luck na lang sa'kin!

Ito iyong sinasabi kong mabait ako iyon nga lang lapitin ako ng gulo. Paano ko nga naman maiiwasan iyong gulo gayong maliban sa kaibigan ko ang mga ito ay magpipinsan pa kami.

Kapatid ng papa ko ang mga mommy nila Niña, Clair at Vanessa. Kapatid naman ng mama ko ang mommy ni Aireen. Ang galing 'di ba? Kadugo ko ang mga baliw na iyon kaya 'di nakapagtatakang minsan may pagkabaliw rin ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status