Share

chapter 6

Wala sa sariling naglalakad ako, hinayaan ko ang mga paa kong dalhin ako sa lugar na alam na alam ng mga ito.

ROY (ROYZ) ZALDE

Forever in my heart.

Parang lantang gulay akong napaupo sa puntod niya.

"Royz, malapit ko nang matupad ang pangarap natin... malapit na akong maging teacher," lumuluha kong kausap sa taong hindi ko na muli pang mayayakap.

Sa buhay kong laging may mga matang nakabantay ay itong kinaroroonan ni Royz ang takbuhan ko sa tuwina. Kapag nandito ako ay pakiramdam ko'y hindi ako sinusundan nang kahit na sino sa pamilya ko.

Dito, nailalabas ko ang totoong ako dahil tanging si Royz lang iyong nandito, kasama ko. Hindi ko man siya nakikita ay nararamdaman ko ang presensya niya.

Isang kaluskos ang nagpaangat ng mukha ko. Agad akong naging alerto.

Kahit ni minsan ay walang ni isa sa pamilya ko na nagtangkang umisturbo sa'kin'pag nandito ako sa lugar na ito ay walang kasiguruhang hindi gagawin iyon ng sinuman sa kalabanan namin.

Isang lalaki ang nakatayo sa 'di kalayuan ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status