Share

chapter 3

"I can't believe this. Ang bago- bago ni'yo pa lang dito ay nasangkot na agad kayo sa gulo!" sermon ng school dean na si Mr. Sanchu. "Ano na lang sasabihin ng mga parents ni'yo kapag makarating ito sa kanila?"

Almost 2 hours na niya kaming sinesermonan na halos makatulog na ako sa antok.

Pati iyong tatlo kong mga kasama ay nahuhuli kong naghihikab habang pinapanood ang nangyayari sa harapan namin.

" Excuse me, Sir, bakit ba kami lang iyong pinapagalitan ninyo?" reklamo ni Aireen. "Hindi lang naman kami ang sangkot dito ah?"

Kanina pa ganito ang senaryo, maninermon si Sir tapos sasabat si Aireen habang kami naman dito ay nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"Paano ko naman sesermonan iyong iba? Eh nandoon sila sa clinic!" gigil na sabi ni Sir.

"Iyon nga ang pinupunto ko, Sir, eh... hindi dahil nasa clinic sila ngayon ay wala na silang kasalanan!"

Bravo, pwede na talagang maging abogado itong si Aireen.

"Ms. Legaspi, 'di ko sinasabing abswelto na sila dahil lang sa nandoon sila sa clinic. Ang problema rito ay kung paano ko ipapaliwanag sa mga magulang nila na iyong kanilang mga anak ay kasalukuyang nasa clinic!"

Halos umusok na ang ilong ng dean sa kakapaliwanag sa kakulitan nitong si Aireen.

"No worries, Mr. Sanchu, ako na ang bahalang magpapaliwanag sa mga magulang nila," pahinamad kong sabat sa usapan.

"And how will you do that Ms. De Jesus?" walang tiwalang tanong sa'kin ng dean.

"I'm the best negotiator this damn country has ever seen," nakangiti kong anas.

Well... 'di ako nagsisinungaling sa bagay na iyon... sa linya ba naman ng negosyo ng pamilya ko ay hindi na bago ang mga ganoong senaryo.

Sa mga negosasyong napamunuan ko ay isang pagkakamali at pagkakalingat lang ay tiyak dedo ka... gano'n kasi ang kalakaran sa underground business kung saan ay nangunguna ang pamilya ko.

At bilang isa sa mga jewels ng pamilya slash organisasyon namin ay kailangan kong maging hands on sa negosyo.

Iyon nga lang miminsan lang ako hinahayaan ng mama ko at 'di tulad ng mga kuya ko na sina Diamond at Onyx na under training na para hawakan ang mafia!

Pinamumunuan ng pamilya ko ang pinakamalaking mafia sa Asia o mas tamang sabihin kami ang mafia!

Hawak namin ang halos kalahati ng illegal na negosyo sa mundo. Iyong isang kalahati ay pinaghahatian ng halos isang libong malilit na mafia mula sa iba't ibang panig ng mundo.

Ang galing 'no? Para ko na ring sinasabi na ang pamilya ko ang pinakamasama sa lahat ng masasama pero sad to say iyon ang totoo.

'Di lang naman kami puro kasamaan. Tumutulong din kami sa gobyerno... syempre sa tamang presyo!

Turo ng Papa ko na ang mundo raw ay parang give and take, iyon nga lang sa sitwasyon namin, we give some then we take all.

Minsan din naisip ko noon na super wrong ang ginagawa ng Papa ko dahil bata pa ako noon pero mulat na ako sa pagpatay ng Papa ko sa mga kaaway o maging sa mga kaibigan niyang tumatraydor sa kanya.

Iyon ang kinasama ng loob ko sa Papa ko dahil walang second chance sa vocabulary niya oras na traydurin mo siya.

Minsan tinanong ko siya kung bakit gano'n, sagot niya sa'kin ay kinagat ka na nga sa kalingkingan 'wag mo nang hintaying lunukin ka na nang buo next time.

Dahil sa prinsipyo niyang iyon ay nawala sa'kin ang isang malapit na kaibigan. Sa mundong ginagalawan ng pamilya ko ay mahirap mamuhay nang normal kaya noong bata pa ako ay itinago ng pamilya ko ang katauhan ko mula sa mga taong may koneksiyon sa mundo ng mafia .

Sa kaalaman ng lahat ng mga kalaban at maging ng mga tinuturing na kakampi ng pamilya ko ay puro lalake ang jewels ng mga de Jesus.

Iyong mga kapatid ko ay protektado ng mga bodyguard na handang sumalo sa mga bala na para sa kanila habang ako na tinatago sa lahat ay iisa lang ang bantay na laging kasama... si Royz.

Batang pinalaki ng mafia si Royz, bihasa sa lahat ng klase ng labanan at ang tanging misyon niya ay protektahan ako pero wala siyang idea kung ano ang tunay kong pagkatao.

Si Royz ang halos lagi kong kasa-kasama noon. Kasama ko siyang umiyak noong namatay ang alaga kong pusa at kasama ko rin siyang tumawa noong laging naiisahan ni Jerry si Tom.

Tinuring ko siyang pinakamalapit na kaibigan dahil siya lang naman ang tangi kong kaibigan kaya kahit pinagbabawal ni Papa ay sinabi ko sa kanya kung sino ako sa buhay ng mga de Jesus. Noong una ay naging ligtas naman ang lihim ko hanggang sa isang banta ng pangingidnap ang nangyari.

Takot na takot ako noon buti na lang kasama ko si Royz at tulad nang inaasahan ay nailigtas niya ako sa kamay ng mga kaaway pero hindi ko siya nailigtas sa kamay ng Papa ko.

Isang tanong lang ang tinanong ng Papa ko kay Royz nang malaman niyang sinabi ko kay Royz ang tunay kong pagkatao.

Isang tanong lang bago siya walang pagdadalawang-isip na binaril ni Papa sa mismong harapan ko.

Isang tanong, isang sagot at isang bala na mula sa hawak na baril ni Papa ang tumapos sa buhay ng pinakamahalaga kong kaibigan.

Twelve years old pa lang ako noon pero hanggang ngayon ay binabalik-balikan pa rin ako ng bangungot na iyon pagkatapos ng halos isang dekada.

Sinisisi ko noon si Papa dahil siya ang kumalabit ng gatilyo ng baril.

Galit ako sa kanya noon pero ang sabi niya lang ay nalingat lang daw siya sandali at natuklaw na ako ng ahas kaya hindi raw niya hahayaang lunukin ako nito nang buo balang araw.

Sa murang edad ay wala akong maintindihan noon kundi ang katotohanang pinatay ng Papa ko ang nag-iisa kong kaibigan.

Kalaunan ay napagtanto kong kasalanan ko pala ang nangyari.

Kung hindi ko sinabi kay Royz kung sino talaga ako... sana ay buhay pa ito hanggang ngayon.

Siguro ay nakapag-asawa na ito ngayon dahil mas matanda ito sa'kin ng limang taon. Tiyak may mga anak na rin sana ito pero dahil sa isang pagkakamali ko ay mananatili na lamang na sana ang lahat ng bagay.

Simula rin noon ay tuluyan na akong napasok sa mundo ng Papa ko, after all I'm my father's daughter and being ruthless runs in my blood.

'Di man ako kasing galing ni Clair sa martial arts pero kaya ko namang patamaan ng bala ang kahit na anong inaasinta ko. Sa mga nagdaang taon, ang bagay na tumapos sa buhay ni Royz ay ang bagay na na-master kong gamitin.

Isa sa mga negosyo namin ang pagbebenta ng iba't-ibang uri ng mga baril, legal man o illegal kaya 'di nakapagtatakang halos kasing dali na lang ng paghinga ang paggamit ko ng mga ito.

Swerte lang kanina ng Cherry na iyon at wala akong hawak na baril dahil kung nagkataon ay malaking gulo ang aayusin ng pamilya ko.

Kaya din ako na-kick-out sa dati kong school dahil pinaputukan ko lang naman ang school guard doon gamit ang sarili niyang service gun.

Ang yabang kasi ng hayop kaya hayon naging fish food tuloy siya sa fishpond ni Kuya Diamond.

"Tingnan natin kung paano mo ipapaliwanag sa Vice President ang nangyari sa paborito niyang apo."

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang apo pala ng V-President ng bansa ang Cherry na iyon?

Kailangan ko sigurong tawagan ang Ninong ko na si President Benitez. Pahamak na Cherry!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status