“Lem, huwag mo naman akong ipahiya sa mga kaibigan mo,” pakiusap ko sa lalaki.
Humalaklak ito. Napauwang ang mga labi ko dahil parang ibang tao ang nasa harapan ko. Parang hindi na siya ang lalaking nagtiyagang nanligaw para mapasagot ako.
“Gusto mo sa kuwarto ko tayo mag-usap?” Tumayo ang lalaki at saka ako binulungan. “Pero ipangako mo muna na hindi mo na ako ulit tatakasan.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagsimula na ring tumambol ang puso ko sa takot. Kakayanin ko bang ibigay ang sarili ko para kay Ayah?
Nalipat ang atensyon ko nang lumapit ang babaeng hitad sa boyfriend ko at saka sila naghalikan sa harap ko. Pagkuwan ay malanding niyakap ng babae si Lemuel. “Virginity lang makukuha mo sa kanya pero hindi ka niya kayang paligayahin tulad nang paulit-ulit kong ginagawa sa iyo.”
Umakyat ang dugo sa ulo ko sa narinig at hindi makapaniwalang napatingin kay Lemuel. “May nangyayari na sa inyo?”
Napangisi ang lalaki. “Anong magagawa ko kung siya ang kayang magbigay sa akin nang ipinagdadamot mo?”
Napatango ako. I don’t deserve this kind of man in my life. “Tutal kuntento ka naman sa kanya, break na tayo!”
Nawala ang ngiti sa mukha ni Lemuel, akmang lalapitan niya ako pero pinigil siya ng malanding babae kaya tumalikod na ako. Sobrang sikip na rin ng dibdib ko at hindi ko na kayang matagalan ang mga nakikita ko.
Lakad takbo ako hanggang sa marating ang gate ng resort. Wala nang tricycle sa sakayan kaya napilitan akong maglakad. Muling bumalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Lemuel at ginawang kababuyan nito at saka ko naalala si Ayah.
“I’m so sorry, bunso!” Nanginig ang mga tuhod ko sa takot na may mangyaring masama sa kapatid ko. Napaupo na lamang ako sa tabi ng kalsada at hindi ko na napigilan ang umiyak.
Isang itim na 4x4 off road vehicle ang huminto sa harap ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Nagulat ako nang makitang nag-squat sa harapan ko ang lalaking bumaba sa sasakyan. Nang iangat ko ang paningin ko ay mukha ni Abe ang nakita ko.
Inialok niya sa akin ang kanyang kamay. “Get up!”
Mas gusto ko sana ang umiyak dito pero naisip ko na baka makita ako ng mga kaibigan ni Lemuel at ayaw kong lalo pa nila akong pagtawanan. Kaya tinanggap ko ang kamay ni Abe para tumayo. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat.
“Get in. Ihahatid na kita sa inyo.” Pautos iyon pero mahinahon ang kanyang pagkakasabi.
Napailing ako. Nakakahiya sumakay sa sasakyan ng boss ko lalo na siya pa ang nagmamaneho.
“Isla, this place is too dark. It’s not safe for you to walk,” paliwanag ng lalaki at parang ito pa ang nagsusumamo na sumakay na ako.
Napatingin ako sa unahan. Madilim na nga talaga at wala na ring pumapasok na tricycle dito ng ganitong oras. Napilitan akong sumakay.
Tahimik siyang nagmaneho hanggang sa marating ang lugar kung saan siya nag-park noon. Mula sa sasakyan ay tanaw na tanaw ko na ang aming munting bahay. Walang ilaw dahil nasa ospital si Ayah.
“S-salamat po,” nahihiya kong sabi bago nagtangkang buksan sana ang pinto pero ini-lock iyon ng lalaki kaya napalingon ako sa kanya.
Hinarap niya ako. Madilim sa loob ng sasakyan pero kitang-kita ko ang ginagawa niyang pagtitig sa buong mukha ko. Bigla akong na-concious dahil kanina pa ako iyak ng iyak at siguradong namamaga na ang mga mata at ilong ko.
Narinig ko ang pagbunot niya ng malalim na hininga. “Ipapagamot natin sa Manila ang kapatid mo.”
Kumunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya. Tama ba ang narinig ko?
“Ano po?”
“I’ll make sure your sister will get the best treatment,” muling sabi niya dahilan para mas maguluhan ako.
“Sir, wala po kaming pambayad,” napahagulgol kong sagot.
Napatiimbagang ang lalaki sa harap ko. Mula sa guwapo niyang mukha ay lumipat ang atensyon ko nang kuhanin niya ang kamay kong nakapatong sa aking tuhod at saka pinisil iyon.
“Marry me, and I’ll make your life better.”
Gulat akong napatingin sa kanya. Nahila ko rin ang aking kamay na kanina ay hawak niya.
“Sir, nirerespeto ko po kayo bilang boss ko kaya sana…”
“Isla, hindi kita binabastos. Hindi kita pinaglalaruan,” kunot ang noong sabi niya sa akin.
Seryoso ang mukha niya na tila ba nagsusumamo na paniwalaan ko siya. “I want to help you.”
“W-wala akong ibabayad sa iyo, Sir!” tumaas na ang boses ko.
“Kaya nga tulungan mo rin ako, pumayag kang magpakasal sa akin,” nagsusumamong sabi ng lalaki.
“Bakit?” naguguluhan kong tanong.
Tinitigan niya ako sa aking mga mata. “Para tigilan na ako ng pamilya ko na ihanapan ng babaeng ipapakasal sa akin.”
Wala akong masabi.
“Magugulat sina Inay at Ayah kapag nagpakasal ako sa iyo bigla… pati ang mga tao sa kumpanya,” nag-aalala kong sagot.
“Then, let’s keep it from them except from my family until you are ready,” parang wala lang na sabi ng lalaki.
Kumunot ang noo ko. “Kasal ang inaalok mo sa akin, Sir. hindi trabaho. It’s a lifetime commitment and we do not love each other!”
Muling napatiimbagang ang lalaki. Sandali itong nag-isip. “One year, kahit isang taon lang. I will respect you. Walang mangyayari sa atin unless you want it. Then, I will file for annulment after a year.”
Napauwang ang mga labi ko. Is this for real? Kinurot ko ang tuhod ko para masigurong hindi ako nananaginip.
Napaigtad ako nang mag-ring ang aking cellphone. Si Inay kaya mabilis ko itong sinagot.
“Islaaaa! Si Ayah hirap na naman huminga!” umiiyak na sabi ni Inay.
Naputol na agad ang linya at nanginginig akong hinarap ang CEO.
“Madadala mo ba ngayon sa Maynila ang kapatid ko? Mapapaoperahan mo siya agad?” umiiyak na tanong ko.
“Oo,” kunot noong sagot niya.
“Pumapayag na ako. Pakakasalan kita kahit saan mo pa gusto basta iligtas mo ang kapatid ko,” umiiyak kong sabi.
Hinila ni Abe ang katawan ko at saka ako ikinulong sa matitigas niyang braso. Pakiramdam ko nang oras na iyon ay may masasandigan na ako. Nabawasan ang panginginig ng katawan ko sa takot at unti-unti ay humina ang pagtambol ng puso ko.
Nang mga sumunod na araw, sumasama na ako kay Abe na umakyat na agad sa kanyang opisina imbes na dadaan muna ako sa Marketing Department. Tinatawagan na lang ako ni Maddie kapag kailangan kong bumaba.Ilang araw na akong busy dahil may pinagagawang presentation si Abe para sa kanyang quarterly report sa board ng DTM. Si Harris ang dating gumagawa nito pero parang may ibang pinagkakaabalahan ang kanyang assistant nitong mga nakaraang linggo kaya imbes mainis si Abe dahil hindi nagagawa agad ang report ay sa amin ni Gabbine na lamang niya ipinagagawa.Lumapit si Abe sa work station ko at saka yumuko para tingnan ang ginagawa ko. “My love, tapos na ba period mo?” malambing niyang tanong.“Hindi pa,” tipid kong sagot.Humaba ang nguso niya at saka yumuko. “Sabi ko sa iyo buddy hindi pa puwede eh.”Nilingon ko siya kung sino ang kausap niya at natawa ako na nakatingin siya sa bumukol niyang pagkalalaki. “Kawawa naman,” pang-aasar ko.“Mas kawawa iyan pagtapos ng period mo,” bulong niya s
Malapit nang magtanghalian kaya nag-shutdown na ako ng aking desktop para umakyat na sa CEO’s office. Pagbukas ng elevator ay napalingon ako sa puwesto ni Ms. Mona at kumunot ang noo ko nang makita na katabi niya si Brianna. Tig-isa na sila ng table doon!Tinaasan lang ako ng kilay ni Brianna habang nakatingin sa kanyang keyboard at kunwari ay abala sa kung anuman ang tinitipa niya kuno.Huminto ako sa harap ng pinto ng CEO at kunwari’y hindi ako apektado na naroon siya. “Ms. Mona, nasa loob ba ang CEO?”“Oo, may kausap yata sa phone,” sabi niya bago inginuso sa akin ang katabing babae.Mabilis ko lang tinapunan nang tingin ang katabi niya bago pumasok sa loob ng opisina ni Abe. May kausap nga siya sa kanyang cellphone habang salubong ang mga kilay. Inilapag ko lang ang gamit ko sa aking work station at saka siya nilapitan.“Tatawagan kita ulit mamaya, dapat ayos na iyan,” mariin niyang sabi bago ibinaba ang tawag.Humarap siya sa akin at saka hinila ang aking katawan para paupuin sa
Isang linggo na akong nakabalik sa opisina at pakiramdam ko ay mas dumami ang bodyguard ko dahil sa maraming mata ang laging nakatingin sa akin na para bang naghihintay sila lagi na magkamali ako. Nagagawa ko pa ring hatiin ang oras ko sa responsibilidad ko bilang marketing officer at executive assistant ni Abe.“Marami pa ring hindi naniniwala na hetong Rookie of the Year natin ang nanalong Mrs. Dela Torre!” tatawa-tawang sabi ni Selwyn habang ikinukumpas-kumpas pa ang kanyang kamay na parang nasa entablado.“Hayaan na ninyo sila, karamihan naman sa mga hindi naniniwala ay mga boto kay retouch girl,” natatawang sabi ni Maricar.Lahat kami ay napalingon sa kanya. Sabay-sabay pa kaming nagtanong, “Retouch girl?”“Ang babaeng retoke! Duh?” nanlalaki ang mga mata niyang sabi dahilan para matawa kaming lahat.“Shunga! Paano naman naging retouch eh ‘diba pang make-up iyon?” tanong ni Selwyn na binatukan pa si Maricar.“Aray ko!” inis na sabi ng babae. “I-search mo kaya!”Sinubukan naman ni
Hindi nagtagal ay itinihaya niya ako at isinampay ang aking mga binti sa kanyang balikat. Nagulat ako ng ganun niya ipinasok ang kanyang malaki pa ring sandata at muli akong binayo. “Ohhh, Abeee,” hiyaw ko. “You want more, my love?” tanong niya habang titig na titig sa aking mga mata.“Y-Yes!” sagot ko.“Galit ka pa sa akin?” tanong niya habang patuloy ang pagkadyot.“N-Nai-inis langggg,” nahihirapan kong sagot dahil pabilis na naman siya nang pabilis.Muli kong naramdaman ang paglawa ng aking puwerta. Namumuti na rin ang ibaba ng kanyang puson. Tila bula ng pinaghalong katas ko at similya niya.Marahan niyang ibinaba ang mga binti ko sa kama. Nakita ko siyang nagpunta sa banyo at siguro ay naghugas siya dahil narinig ko ang lagaslas ng tubig. Pagbalik niya ay may hawak siyang basang paper towel na ipinunas sa perlas ko at paligid nito.Binuhat niya ako at inihiga nang maayos sa gitna ng kama at saka siya humiga sa tabi ko. Akala ko ay tapos na pero bigla niya akong kinubabawan at m
Napaupo ako sa inis at hindi ko na napigilang magtaas ng boses, “Ako ang nag-i-ignite ng inis niya? Binabastos ako ng babaeng iyon bilang asawa mo at pinamumukha sa akin na hindi ako nararapat sa iyo!”Lumamlam ang tingin ni Abe sa akin pero bahagyang nanigas ang panga niya. “You are my wife. Ilang beses ko na sinabi sa iyo kung anong klase kang tao at karapat-dapat kang maging misis ko. Bakit nagpapatalo ka sa sinasabi ng babaeng iyon na hindi naman totoo?” mariin niyang sabi na parang napipikon.“Hindi mo nga ako ipinagtanggol,” puno ng hinanakit kong sabi. “Hindi mo rin ako pinigilang umalis habang ang babaeng iyon ay naiwan sa opisina mo na kasama ka.”Napahawak si Abe sa kanyang noo at pinaglapat niya ang kanyang mga labi na parang nawawalan ng pasensiya sa akin. Gusto kong maiyak. Hindi ba valid ang nararamdaman ko?“Hindi kita pinigilang umalis dahil alam kong mainit ang ulo mo at baka mag-away lang tayo sa harap ng babaeng iyon!” tumaas na rin ang boses ni Abe.“Gusto mo bang
Sa kakalakad ko, may nakita akong bakanteng bench sa ilalim ng isang mayabong na puno. Doon ako nagdesisyong magpahinga. Pinaglunoy ko ang aking mga mata sa mga taong naglalakad sa paligid. Alam kong mali na pinatulan si Cassandra sa harap ng board members, pero wala rin namang ginawa si Abe para ipagtanggol ako kaya ako nagsalita. At kung nakakasira iyon sa imahe ng DTM ay hindi ko sinasadya. Hindi ko kayang magtimpi sa lahat ng oras lalo na kung paulit-ulit na ang pambabastos ng babaeng iyon sa akin bilang asawa ni Abe.Hindi pangkaraniwan ang love story naming mag-asawa dahil nagsimula kami sa isang kontrata, na kung tutuusin ay hindi pa tapos dahil pitong buwan pa lang naman kaming kasal. Ngunit mahal ko na si Abe, higit pa sa naramdaman kong pagmamahal para kay Lemuel. Minsan nga iniisip ko na kung ang nararamdaman ko para kay Abe ang tunay na pagmamahal, ibig bang sabihin na noong naging kami ni Lemuel ay hindi pa iyon pagmamahal?Napabuntong-hininga ako. Sino ba ang tamang mak