ログインHabang wala pa si Riley sa bahay, tahimik na pumasok si Carla sa silid na dati’y pinaghahatian nina Riley at Vera. Sarado ang kurtina, malamlam ang ilaw. Ramdam niya ang katahimikan ng kwarto, pero imbes na makonsensya, mas lalo siyang naging kampante. Para sa kaniya, wala na ang tunay na may-ari ng lugar na iyon.
Diretso siyang naglakad papunta sa closet. Binuksan niya ang mga pinto at bumungad ang mga damit ni Vera na naiwan. Isa-isa niya iyong hinila, sinusuri ang mga tela, ang mga brand, ang mga kulay. May bahagyang iritasyon sa mukha niya, pero nanaig ang ngiti.
“Sayang naman kung itatapon ko kayong lahat,” bulong niya sa sarili. “Pero sa ‘kin na rin kayo. Ako na ang bagong may-ari.”
Sinubukan niyang isuot ang ilan. Isang blouse, isang dress. Tumapat siya sa malaking salamin at inikot ang sarili.
“Mas bagay sa akin,” sabi niya, may halong pangmamaliit. “Hindi ko alam bakit pinatulan ka pa ni Riley.”
Lumapit siya sa drawers. Binuksan isa-isa. Nakita niyaang ilang personal na gamit ni Vera, mga papeles, resibo, ilang alahas. Hanggang sa may makita siyang isang papel na maingat na nakatupi. Kinuha niya iyon at binuklat.
Naningkit ang mga mata niya.
“Pregnancy result?” mahina niyang basa.
Tumigil ang mundo niya sa ilang segundo. Mabilis niyang binasa ang petsa. Nanghina ang tuhod niya pero agad niyang pinigilan ang sarili.
“Hindi,” bulong niya. “Hindi puwede.”
Agad niyang tinupi ang papel at isiniksik sa bag niya.
“Hindi ‘to pwedeng malaman ni Riley,” mariing sabi niya sa sarili. “Hindi niya ako iiwan. Hindi ako papayag.” Napatitig siya sa salamin, seryoso ang mukha. “Kailangan mawala ang batang ‘yon sa sinapupunan ni Vera,” bulong niya. “Bago pa siya magsalita.”
Samantala, si Vera naman ay abala sa ospital. Kahit may bigat sa dibdib, tuloy pa rin ang trabaho niya. Isa-isa niyang kinakausap ang mga pasyente, iniingatan ang bawat kilos. Anim na linggo siyang buntis at alam niyang kailangan niyang maging maingat.
“Doc, okay na po ba ako?” tanong ng pasyente.
“Oo,” sagot ni Vera, pilit na ngumingiti. “Just follow the meds.”
Pagkatapos ng huling pasyente, tinignan niya ang oras.
“Maaga pa,” bulong niya. “Makakaabot pa ako.”
Nagpaalam siya sa mga kasamahan.
“Doc Vera, uuwi na kayo?” tanong ng nurse.
“Oo,” sagot niya. “Birthday ni Celeste. Saglit lang ako.”
“Congrats ulit,” nakangiting sabi ng nurse. “Ingat po kayo.”
Ngumiti si Vera. “Salamat.”
Dumaan muna siya sa isang bakeshop upang bilhan si Celeste ng cake
“Good afternoon,” bati niya sa staff. “One chocolate cake, please.”
“Birthday?” tanong ng cashier.
“Oo,” sagot niya. “Best friend ko.”
Paglabas niya ng bakeshop, hawak ang cake, tahimik siyang naglakad. Iniisip niya ang sasabihin niya kay Celeste mamaya.
Habang naglalakad, biglang may mabilis na tunog sa likod niya.
“Hoy—”
Hindi na niya natapos ang salita. Bago pa siya makarakbo nang nakita ang sasakyan, isang malakas na impact ang tumama sa kaniya. Bumagsak siya sa semento. Nabitiwan ang cake. Gumulong ang kahon sa gilid ng daan.
“Ah—” Napaubo siya. May lasang bakal sa bibig niya. “Help…”
Ngumisi si Carla nang nakita si Vera na nahihirapan.
Pinaharurot niya agad paalis ang kotse bago pa may makakita sa kaniya.
Biglang sumigaw ang mga taong nakakita. Nilapitan nila si Vera at sinubukang tulungan.
Ramdam ni Vera ang matinding sakit sa tiyan niya.
“My baby…” bulong niya nang nakita ang dugo sa hita niya. Hanggang sa unti-unting nagdilim ang paningin niya.
Pagmulat ni Vera, puting kisame ang bumungad sa kaniya. Masakit ang ulo niya. Masakit ang katawan niya. Pilit niyang iginalaw ang kamay niya at inaalala ang buong pangyayari kagabi.
“Vera!” sigaw ng isang pamilyar na boses.
Dumungaw si Celeste, namumula ang mga mata.
“Thank God, gising ka na.”
“Celeste…” mahina niyang sabi. “My baby…”
Nanlumo ang mukha ni Celeste. “Vera… I’m sorry.”
Napatingin siya sa gilid ng kama. May isang lalaking nakatayo roon, nakaayos, tahimik, pero ramdam ang bigat ng presensiya.
“Who are you?” tanong niya, paos ang boses.
“Rico Garcia,” sagot ng lalaki. “Kapatid ni Riley.”
Nanlaki ang mata ni Vera. “Bakit ikaw ang nandito?”
“Because someone had to be,” malamig na sagot ni Rico. “At mukhang hindi iyon ang asawa mo.”
Bumukas ang pinto at pumasok ang kaibigang doktor ni Vera. Kita agad ang pag-aalinlangan sa mukha nito, parang hirap magbitaw ng salitang matagal nang nakahanda.
“Dra. Vera…”
“How’s my baby?” tanong ni Vera, pilit na pinatatatag ang boses habang marahang hinahaplos ang tiyan niya, na para bang kaya pa niyang ipaglaban ang nararamdaman niyang buhay doon.
Huminga nang malalim ang doktor. “I’m so sorry, Dra. Vera,” sabi niya, halos pabulong. “The baby is gone.”
Parang biglang nawala ang lahat ng hangin sa dibdib ni Vera. Nanlumo ang mga mata niya, at napahawak siya sa sarili niyang tiyan na parang umaasang may magbabago pa.
“My baby…” mahinang bulong niya, basag ang boses. “Hindi… hindi puwede…” Sunod-sunod na ang luha niyang bumagsak. “My baby… please…”
Napaupo si Celeste sa gilid ng kama, nanginginig ang mga kamay habang umiiyak din. “I’m sorry,” paulit-ulit niyang sabi, puno ng guilt. “Kasalanan ko ‘to.”
“Hindi…” sagot ni Vera sa pagitan ng paghikbi, pilit na umiiling. “Hindi mo kasalanan…”
Tahimik lang si Rico sa isang sulok, nakapamewang. Kita ang pag-igting ng panga niya, ang galit na pilit kinokontrol habang pinagmamasdan ang eksena.
Maya-maya’y lumabas ang doktor, iniwan silang tatlo sa silid na puno ng katahimikang mabigat sa dibdib.
“Pinaghahanap na ng pulis ang driver,” sabi ni Celeste matapos punasan ang luha. “Wala pa raw lead.”
Dahan-dahang napalingon si Vera kay Rico. “Kausap mo ba si Riley?”
Tumango si Rico, pero hindi niya maitago ang inis sa boses. “Katatapos ko lang siyang kausapin.”
“Ano’ng sabi niya?” tanong ni Vera, may bahid ng pag-asa—umaasang darating ang asawa niya.
Huminga nang malalim si Rico. “Sabi niya, nag-iinarte ka lang. Hindi siya pupunta rito. May mas importante raw siyang gagawin.”
Parang may tuluyang nabasag sa loob ni Vera.
“Gano’n ba…” mahina niyang sabi, halos wala nang lakas.
Biglang tumayo si Rico. “Enough,” mariing sabi niya. “Hindi ka na babalik sa kaniya.”
“Huwag mo akong pangunahan,” sagot ni Vera, kahit nanginginig. “I’m still his wife.”
Nangunot ang noo ni Rico. “You lost a child,” mariin niyang sabi. “Huwag kang magpaka-martir kung ayaw na ng kapatid ko.”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Vera. Ngayon niya lang tunay na nasilayan ang lalaki—ang nakatatandang kapatid ni Riley, ang taong limang taon niyang alam na umiiral lang sa kuwento.
Tumango siya, pagod na pagod, wala nang lakas para makipagtalo lalo pa’t halos hindi niya kilala si Rico.
“Pagod na ako,” mahina niyang sabi. “Wala na akong lakas makipagtalo.”
“Then let me handle it,” sagot ni Rico, seryoso at walang pag-aalinlangan. “File an annulment as soon as possible—so you can marry me.”
Tahimik ang loob ng apartment ni Vera habang hawak niya ang cellphone. Paulit-ulit siyang napapatingin sa screen, hinihintay ang tawag na magpapatunay na tuluyan nang tapos ang kabanata niya kay Riley Garcia matapos makipaglaban sa loob ng ilang buwan. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, tuwid ang likod pero halatang naninigas ang mga balikat niya sa kaba.“Come on…” mahina niyang bulong. “Tumawag ka na.”Nag-vibrate ang cellphone niya. Napapitlag siya bago sinagot ang tawag. “Hello?” pilit niyang pinakalma ang boses.“Vera,” boses ni Atty. Celeste Rockwell ang narinig niya. “May balita na.”Humigpit ang kapit ni Vera sa phone. “Ano… ano’ng sabi?”“Na-approve na,” diretsong sagot ni Celeste. “Matagal na palang pinirmahan ni Riley ang annulment. Na-delay lang ang submission dahil sa side niya.”Parang may dumaan na malamig sa dibdib ni Vera.“So… ganoon na lang?” tanong niya. “Wala man lang laban?”“Tapos na,” sagot ni Celeste. “Legal ka nang malaya sa piling ng ex mo.”Natahimik si Vera.
“File an annulment as soon as possible—so you can marry me.”Tumigil ang mundo nina Vera at Celeste sa mga salitang iyon.Napatingin si Vera kay Rico na parang mali ang narinig niya. Nasa loob pa rin sila ng ospital room. “Ano’ng sinabi mo?” paos na tanong ni Vera.Hindi nagbago ang ekspresyon ni Rico. Parang business partners ang kaharap niya. “Mag-file ka ng annulment. Ngayon din. I’ll handle everything. After that, pakakasalan kita.”Napanganga si Celeste. “Wait. What?” napasigaw siya. “Rico, are you even listening to yourself? Kapatid ka ng asawa niya!”Tumawa si Rico. “Exactly.”Para kay Vera, parang may sumabog sa ulo niya.“You’re insane,” mariing sabi niya. “Pa-check ka sa utak mo. Hindi ka yata normal. May sira yata ang utak mo.”Sinubukan niyang bumangon mula sa kama. Nanginginig pa ang mga binti niya, pero pinilit niya. Hindi pa siya nakakatayo nang hawakan ni Rico ang braso niya.“Don’t,” malamig na sabi ng lalaki. “Hindi ka pa puwedeng umalis.”“Don’t touch me,” sigaw ni
Habang wala pa si Riley sa bahay, tahimik na pumasok si Carla sa silid na dati’y pinaghahatian nina Riley at Vera. Sarado ang kurtina, malamlam ang ilaw. Ramdam niya ang katahimikan ng kwarto, pero imbes na makonsensya, mas lalo siyang naging kampante. Para sa kaniya, wala na ang tunay na may-ari ng lugar na iyon.Diretso siyang naglakad papunta sa closet. Binuksan niya ang mga pinto at bumungad ang mga damit ni Vera na naiwan. Isa-isa niya iyong hinila, sinusuri ang mga tela, ang mga brand, ang mga kulay. May bahagyang iritasyon sa mukha niya, pero nanaig ang ngiti.“Sayang naman kung itatapon ko kayong lahat,” bulong niya sa sarili. “Pero sa ‘kin na rin kayo. Ako na ang bagong may-ari.”Sinubukan niyang isuot ang ilan. Isang blouse, isang dress. Tumapat siya sa malaking salamin at inikot ang sarili.“Mas bagay sa akin,” sabi niya, may halong pangmamaliit. “Hindi ko alam bakit pinatulan ka pa ni Riley.”Lumapit siya sa drawers. Binuksan isa-isa. Nakita niyaang ilang personal na gamit
Lumipat si Vera sa isang maliit na apartment, malayo sa bahay na minsang tinawag niyang tahanan. Tahimik ang lugar at sapat lang ang espasyo para sa isang taong gustong maghilom. Pinilit niyang gawing normal ang lahat. Gigising siya nang maaga, papasok sa ospital, gagampanan ang tungkulin bilang doktor, at uuwi nang tahimik. May trabaho pa siyang kailangang tapusin at mahaba pa ang pila ng mga taong nangangailangan ng tulong niya. Hindi niya puwedeng hayaang makita ng mundo kung gaano siya kabasag sa loob.Pero hindi niya aakalaing hindi rin siya tatawagan ni Riley. Parang wala itong pakialam sa pag-alis niya.Sa ospital, pilit niyang iniiwasan ang mga usap-usapan. Ngunit isang araw, pagpasok niya sa isang silid, agad siyang napatigil.“Doc Vera, ito po ‘yung pasyenteng sinasabi ko sa ‘yo,” bulong ng nurse na kasama niya. “Medyo… mahirap kausap.”Hindi na kailangan pang ipaliwanag. Sa kama, nakaupo si Carla, naka-cross ang mga braso, may bahagyang paso sa kamay, at halatang galit na g
“Happy birthday and congratulations, Dr. Vera. You are two weeks pregnant!” masayang sabi ni Dr. Andrea Morgan, ang kaibigan at kasamahan ni Vera sa ospital, habang hawak ang resulta ng check-up.Nanigas si Vera sa kinauupuan, hindi makapaniwala sa nakikita. Hawak-hawak niya ang papel, ramdam ang mabilis na tibok ng puso sa tuwa at kaba. Birthday niya ngayong araw, at hindi niya inasahan ang ganitong sorpresa. Ilang taon na siyang naghintay at nagdasal. Limang taon na silang kasal ni Riley, at alam niyang gusto rin ng asawa niyang magkaroon ng anak.“Dalawang linggo na akong buntis, Andrea? Totoo ba ito?” tanong ni Vera, nanginginig ang boses habang pinipilit kontrolin ang excitement.“Yes, Vera. Naka-confirm sa ultrasound. Two weeks ka nang buntis. Sobrang bago pa lang, pero congrats! Malaking blessing ito,” sagot ni Andrea, pinipisil ang kamay niya at ngumiti ng buong puso.Napatakip si Vera ng bibig, hindi makapaniwala. Gusto niyang tumawag kay Riley kaagad at ibahagi ang balita, p







