ログイン“File an annulment as soon as possible—so you can marry me.”
Tumigil ang mundo nina Vera at Celeste sa mga salitang iyon.
Napatingin si Vera kay Rico na parang mali ang narinig niya. Nasa loob pa rin sila ng ospital room.
“Ano’ng sinabi mo?” paos na tanong ni Vera.
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Rico. Parang business partners ang kaharap niya. “Mag-file ka ng annulment. Ngayon din. I’ll handle everything. After that, pakakasalan kita.”
Napanganga si Celeste. “Wait. What?” napasigaw siya. “Rico, are you even listening to yourself? Kapatid ka ng asawa niya!”
Tumawa si Rico. “Exactly.”
Para kay Vera, parang may sumabog sa ulo niya.
“You’re insane,” mariing sabi niya. “Pa-check ka sa utak mo. Hindi ka yata normal. May sira yata ang utak mo.”
Sinubukan niyang bumangon mula sa kama. Nanginginig pa ang mga binti niya, pero pinilit niya. Hindi pa siya nakakatayo nang hawakan ni Rico ang braso niya.
“Don’t,” malamig na sabi ng lalaki. “Hindi ka pa puwedeng umalis.”
“Don’t touch me,” sigaw ni Vera. “Wala kang karapatan—”
Hindi na siya pinatapos ni Rico. Bigla niya itong binuhat, parang wala lang ang bigat niya. Napasigaw si Vera sa gulat.
“Rico!” sigaw ni Celeste. “Ano’ng ginagawa mo?!”
“Taking her out of here,” sagot ni Rico, diretsong naglakad palabas. “She’s not staying another minute in this place.”
“Put me down!” galit na sigaw ni Vera, pumapalag. “Mr. Garcia, I swear—”
“Tumahimik ka muna,” mariing sabi ni Rico. “Kung ayaw mong bumukas ang sugat mo.”
Napilitan si Celeste na sumunod. Hindi niya puwedeng iwan si Vera.
“Rico, this is kidnapping,” babala niya. “Abogado ako. Kaya kitang ipakulong.”
“Try me, Attorney. This is not kidnapping. I’m just helping her.”
Pagdating sa parking area, maingat na ipinasok ni Rico si Vera sa loob ng kotse. Sinara niya ang pinto bago umikot sa driver’s seat. Walang nagawa si Celeste kundi sumakay rin sa likod dahil natatakot siya na dahil si Vera sa malayong lugar.
“Explain,” mariing sabi ni Vera. Nanginginig ang katawan sa galit. “Ngayon din.”
Huminga nang malalim si Rico. “My brother crossed a line,” sabi niya. “Hindi lang bilang asawa mo. Bilang kapatid ko na rin.”
“Hindi mo kailangang idamay ang sarili mo,” sagot ni Vera. “This is my marriage. My mess.”
“Hindi na,” sagot ni Rico. “Hindi na ‘to simpleng problema ng mag-asawa. Someone tried to kill you.”
Tumahimik si Vera. Hanggang hindi nalalaman kung sino ang bumangga sa kaniya, hindi rin siya matatahimik.
“And you lost a child,” dagdag ni Rico. “Because of them.”
“Kaya mo akong pakasalan?” mapait na tanong ni Vera. “Out of pity?”
Tumigil ang kotse sa harap ng isang gusali.
Bumaling si Rico sa kaniya. “Hindi ako gumagawa ng kahit anong bagay dahil sa awa.”
“Then why?” tanong ni Vera, diretso ang tingin.
“Because I want to help,” sagot ni Rico. Ayaw niya munang sabihin kay Vera na kaya niya gustong pakasalan ang siya upang hindi mailipat kay Riley ang posisyon dahil masama nila ang kaibigan nito. “And because it will destroy my brother,” he added.
Napailing si Celeste. “So this is revenge,” sabi niya. “You’re using her.”
“Aware naman siya,” sagot ni Rico. “And she benefits from it.”
“Hindi ako laruan, Mr. Garcia” mariing sabi ni Vera. “Hindi mo ako puwedeng gamitin para gantihan ang kapatid mo.”
“Then don’t,” sagot ni Rico. “But listen.”
Bumaba sila ng kotse. Doon lang napagtanto ni Vera kung saan sila dinala.
“A law firm?” tanong ni Celeste. “You planned this.”
“Of course,” sagot ni Rico. “I don’t do impulsive decisions.”
Pumasok sila. May naghihintay nang abogado. Tumayo ito agad nang makita si Rico.
“Mr. Garcia.”
“Start,” utos ni Rico.
Napaupo si Vera, parang nanlalambot. “Hindi pa nga ako pumapayag,” inis niyang sabi.
“Makinig ka muna,” sagot ng abogado. “Dra. Vera, base sa sinabi ni Mr. Garcia, you were abused verbally, emotionally, and psychologically. Your husband also committed infidelity that resulted in pregnancy. Strong ground for annulment.”
Alam na ni Vera ang mga salitang iyon. Pero iba kapag iba ang nagsabi. Nagtataka rin siya kung paano nalaman ni Rico ang tungkol doon.
“Gaano katagal ang proseso ng annulment?” tanong ni Vera sa abogado.
“Normally, matagal,” sagot ng abogado. “Pero with the resources Mr. Garcia has, puwedeng mapabilis. Hindi aabot ng isang taon.”
Napatingin si Celeste kay Rico. Hindi makapaniwala. “You’re manipulating the system.”
“Using it, Attorney,” sagot ni Rico. “Legally.”
“After that?” tanong ni Vera, mahina ang boses.
“I’ll marry you,” sagot ni Rico agad. “Contract marriage for three years.”
“Ano ang kapalit?” tanong ni Vera.
“Protection,” sagot ni Rico. “Security. Financial stability. And my name.”
Napahawak si Vera sa ulo niya. “This is too much,” bulong niya. “I lost my baby…”
Tumayo si Rico at lumapit sa kaniya. “Hear me, Doktora,” sabi niya, mas mababa ang boses. “If you go back to being alone, Riley will find a way to reach you. You will never be safe. Mas lalo ka lang masasaktan kung ipagsiksikan mo pa rin ang sarili mo sa kapatid ko.”
“Tinatakot mo ba ako?” tanong ni Vera.
“Nagsasabi ako ng totoo,” sagot ni Rico. “At bilang Garcia, I know how far they can go. Magpustahan pa tayo. Kahit bukas mo ipadala ang annulment papers, he will sign it.”
Tahimik na umiyak si Vera.
“Vera,” mahinang sabi ni Celeste, hawak ang kamay niya. “Hindi mo kailangang magdesisyon ngayon.”
Napapikit si Vera.
“Ano ang gusto mo?” tanong ni Rico.
Matagal bago siya sumagot. “Gusto kong matahimik,” sabi niya. “Gusto kong hindi na masaktan. Gusto kong makaganti sa kapatid mo.”
“Then marry me,” sagot ni Rico. “And I’ll make sure no one touches you again.”
Tumingin siya kay Celeste. “Ano sa tingin mo?”
Huminga nang malalim si Celeste. “Legally, protected ka,” sabi niya. “Pero emotionally, this is dangerous, Vera.”
Ngumiti si Rico. “I warned her.”
Tumayo si Vera. Diretso niyang tiningnan si Rico.
“Kung gagawin ko ‘to. Hindi mo ako pwedeng kontrolin,” sabi niya.
Tumango si Rico. “Deal.”
Nagugulohan ang abogadong tumingin sa kanila.
“So… Do we proceed?”
Huminga nang malalim si Vera. “Start the annulment,” sabi niya. “But this marriage—this will be on my terms too.”
Ngumiti si Rico, mabagal at siguradong-sigurado. “Welcome to my world, Dr. Vera Almonte. My soon-to-be wife.”
Tahimik ang loob ng apartment ni Vera habang hawak niya ang cellphone. Paulit-ulit siyang napapatingin sa screen, hinihintay ang tawag na magpapatunay na tuluyan nang tapos ang kabanata niya kay Riley Garcia matapos makipaglaban sa loob ng ilang buwan. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, tuwid ang likod pero halatang naninigas ang mga balikat niya sa kaba.“Come on…” mahina niyang bulong. “Tumawag ka na.”Nag-vibrate ang cellphone niya. Napapitlag siya bago sinagot ang tawag. “Hello?” pilit niyang pinakalma ang boses.“Vera,” boses ni Atty. Celeste Rockwell ang narinig niya. “May balita na.”Humigpit ang kapit ni Vera sa phone. “Ano… ano’ng sabi?”“Na-approve na,” diretsong sagot ni Celeste. “Matagal na palang pinirmahan ni Riley ang annulment. Na-delay lang ang submission dahil sa side niya.”Parang may dumaan na malamig sa dibdib ni Vera.“So… ganoon na lang?” tanong niya. “Wala man lang laban?”“Tapos na,” sagot ni Celeste. “Legal ka nang malaya sa piling ng ex mo.”Natahimik si Vera.
“File an annulment as soon as possible—so you can marry me.”Tumigil ang mundo nina Vera at Celeste sa mga salitang iyon.Napatingin si Vera kay Rico na parang mali ang narinig niya. Nasa loob pa rin sila ng ospital room. “Ano’ng sinabi mo?” paos na tanong ni Vera.Hindi nagbago ang ekspresyon ni Rico. Parang business partners ang kaharap niya. “Mag-file ka ng annulment. Ngayon din. I’ll handle everything. After that, pakakasalan kita.”Napanganga si Celeste. “Wait. What?” napasigaw siya. “Rico, are you even listening to yourself? Kapatid ka ng asawa niya!”Tumawa si Rico. “Exactly.”Para kay Vera, parang may sumabog sa ulo niya.“You’re insane,” mariing sabi niya. “Pa-check ka sa utak mo. Hindi ka yata normal. May sira yata ang utak mo.”Sinubukan niyang bumangon mula sa kama. Nanginginig pa ang mga binti niya, pero pinilit niya. Hindi pa siya nakakatayo nang hawakan ni Rico ang braso niya.“Don’t,” malamig na sabi ng lalaki. “Hindi ka pa puwedeng umalis.”“Don’t touch me,” sigaw ni
Habang wala pa si Riley sa bahay, tahimik na pumasok si Carla sa silid na dati’y pinaghahatian nina Riley at Vera. Sarado ang kurtina, malamlam ang ilaw. Ramdam niya ang katahimikan ng kwarto, pero imbes na makonsensya, mas lalo siyang naging kampante. Para sa kaniya, wala na ang tunay na may-ari ng lugar na iyon.Diretso siyang naglakad papunta sa closet. Binuksan niya ang mga pinto at bumungad ang mga damit ni Vera na naiwan. Isa-isa niya iyong hinila, sinusuri ang mga tela, ang mga brand, ang mga kulay. May bahagyang iritasyon sa mukha niya, pero nanaig ang ngiti.“Sayang naman kung itatapon ko kayong lahat,” bulong niya sa sarili. “Pero sa ‘kin na rin kayo. Ako na ang bagong may-ari.”Sinubukan niyang isuot ang ilan. Isang blouse, isang dress. Tumapat siya sa malaking salamin at inikot ang sarili.“Mas bagay sa akin,” sabi niya, may halong pangmamaliit. “Hindi ko alam bakit pinatulan ka pa ni Riley.”Lumapit siya sa drawers. Binuksan isa-isa. Nakita niyaang ilang personal na gamit
Lumipat si Vera sa isang maliit na apartment, malayo sa bahay na minsang tinawag niyang tahanan. Tahimik ang lugar at sapat lang ang espasyo para sa isang taong gustong maghilom. Pinilit niyang gawing normal ang lahat. Gigising siya nang maaga, papasok sa ospital, gagampanan ang tungkulin bilang doktor, at uuwi nang tahimik. May trabaho pa siyang kailangang tapusin at mahaba pa ang pila ng mga taong nangangailangan ng tulong niya. Hindi niya puwedeng hayaang makita ng mundo kung gaano siya kabasag sa loob.Pero hindi niya aakalaing hindi rin siya tatawagan ni Riley. Parang wala itong pakialam sa pag-alis niya.Sa ospital, pilit niyang iniiwasan ang mga usap-usapan. Ngunit isang araw, pagpasok niya sa isang silid, agad siyang napatigil.“Doc Vera, ito po ‘yung pasyenteng sinasabi ko sa ‘yo,” bulong ng nurse na kasama niya. “Medyo… mahirap kausap.”Hindi na kailangan pang ipaliwanag. Sa kama, nakaupo si Carla, naka-cross ang mga braso, may bahagyang paso sa kamay, at halatang galit na g
“Happy birthday and congratulations, Dr. Vera. You are two weeks pregnant!” masayang sabi ni Dr. Andrea Morgan, ang kaibigan at kasamahan ni Vera sa ospital, habang hawak ang resulta ng check-up.Nanigas si Vera sa kinauupuan, hindi makapaniwala sa nakikita. Hawak-hawak niya ang papel, ramdam ang mabilis na tibok ng puso sa tuwa at kaba. Birthday niya ngayong araw, at hindi niya inasahan ang ganitong sorpresa. Ilang taon na siyang naghintay at nagdasal. Limang taon na silang kasal ni Riley, at alam niyang gusto rin ng asawa niyang magkaroon ng anak.“Dalawang linggo na akong buntis, Andrea? Totoo ba ito?” tanong ni Vera, nanginginig ang boses habang pinipilit kontrolin ang excitement.“Yes, Vera. Naka-confirm sa ultrasound. Two weeks ka nang buntis. Sobrang bago pa lang, pero congrats! Malaking blessing ito,” sagot ni Andrea, pinipisil ang kamay niya at ngumiti ng buong puso.Napatakip si Vera ng bibig, hindi makapaniwala. Gusto niyang tumawag kay Riley kaagad at ibahagi ang balita, p







