共有

Kabanata 5

last update 最終更新日: 2026-01-18 02:02:42

Tahimik ang loob ng apartment ni Vera habang hawak niya ang cellphone. Paulit-ulit siyang napapatingin sa screen, hinihintay ang tawag na magpapatunay na tuluyan nang tapos ang kabanata niya kay Riley Garcia matapos makipaglaban sa loob ng ilang buwan. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, tuwid ang likod pero halatang naninigas ang mga balikat niya sa kaba.

“Come on…” mahina niyang bulong. “Tumawag ka na.”

Nag-vibrate ang cellphone niya. Napapitlag siya bago sinagot ang tawag. 

“Hello?” pilit niyang pinakalma ang boses.

“Vera,” boses ni Atty. Celeste Rockwell ang narinig niya. “May balita na.”

Humigpit ang kapit ni Vera sa phone. “Ano… ano’ng sabi?”

“Na-approve na,” diretsong sagot ni Celeste. “Matagal na palang pinirmahan ni Riley ang annulment. Na-delay lang ang submission dahil sa side niya.”

Parang may dumaan na malamig sa dibdib ni Vera.

“So… ganoon na lang?” tanong niya. “Wala man lang laban?”

“Tapos na,” sagot ni Celeste. “Legal ka nang malaya sa piling ng ex mo.”

Natahimik si Vera. Hindi siya makapaniwalang ganoon lang kadaling bitawan kasal na ilang taon niyang iningatan.

“Vera?” tawag ni Celeste. “Okay ka lang ba?”

“Oo,” sagot niya pagkatapos ng ilang segundo. “I guess… I should be happy.”

“Natural lang masaktan,” mahinang sabi ng kaibigan niya. “Limang taon ‘yon.”

“Oo,” ulit ni Vera. “Limang taon na parang wala lang sa kaniya.”

Pagkababa ng tawag, napapikit si Vera. Masakit pa rin pala. Hindi dahil mahal pa niya si Riley, kundi dahil ganoon lang siya kadaling binitawan ng lalaking minahal niya.

Kasabay ng araw na ‘yon, pinurmahan niya rin ang kontrata na binigay ni Rico sa kaniya.

Sa tabi niya, nakatayo si Rico, maayos ang suot, kalmado ang mukha.

“Basahin mo ulit,” sabi ni Rico. “Walang pilitan.”

Binasa ni Vera ang kontrata. Contract marriage. Walang love clause. May protection clause. May confidentiality clause.

“Clear?” tanong ni Rico.

“Clear,” sagot ni Vera. “You marry me for your image. I will marry you for revenge.”

Papakasalan niya si Rico upang malinis ang pangalan nito sa publiko—ang pagiging bakla dahil ilang beses nang na-link sa lalaki. At lahat ng ‘yon, si Riley ang may gawa. Sinisiraan ang sariling kapatid upang mawalan ng tiwala ang ibang tao kay Rico.

Napapikit si Vera bago pumirma. “This is insane,” bulong niya.

“Too late to back out?” tanong ni Rico.

Hindi siya sumagot. Nilagdaan niya ang papel.

Paglabas nila ng law office, naroon ang ilan sa mga kaibigan ni Vera. May dala pang maliit na bouquet at may pumalakpak pa.

“Oh my God,” sabi ng isa. “Mrs. Garcia ka na ulit!”

“Second time’s the charm!” biro ng isa pa.

Napairap si Vera. “Tumahimik kayo,” sabi niya. “Contract lang ‘to.”

Ngumiti si Rico at inilagay ang kamay sa baywang ni Vera. “Smile, honey,” bulong niya. “May nanonood sa atin.”

Napilitan siyang ngumiti.

“You’ll live under my roof, honey,” bulong ni Rico habang pinagbubuksan siya ng pinto ng kotse.

“Don’t call me honey,” iritable niyang sagot.

“Wife,” sagot ni Rico. “Mas bagay.”

Vera rolled her eyes. Pagod na siyang makipagtalo.

Pagdating nila sa mansiyon, kusang huminto ang mga paa ni Vera sa tapat ng napakalaking pinto. Napatingala siya, bahagyang napabuntong-hininga. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa sa sarili niya.

“This is too much,” diretsong sabi niya.

Huminto si Rico sa tabi niya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa, parang sinusukat kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin. “You’re my wife now, Doc.”

Napairap si Vera. “Ang dali mong sabihin.”

“Hindi ko sinabing madali,” sagot ni Rico. “Sinabi kong kailangan.”

Bago pa siya makasagot, bumukas na ang pinto. Sinalubong agad sila ng mga staff na maayos ang ayos, parang sanay na sanay sa ganitong eksena.

“Good evening, Sir. Ma’am,” sabay-sabay na bati.

Napaatras nang bahagya si Vera. “Good evening,” mahina niyang sagot.

“Prepare dinner,” utos ni Rico nang walang pag-aalinlangan. “And no visitors tonight.”

“Yes, Sir,” sabay-sabay ulit na sagot ng mga staff.

Napatingin si Vera kay Rico habang naglalakad sila papasok.

“Strict ka pala.”

“Discipline,” sagot ni Rico. “Kailangan dito.”

Diretso silang umakyat. Pagbukas ni Rico ng pinto ng master’s bedroom, agad napahinto si Vera.

“Wait,” bigla niyang sabi. “Isang kama lang?”

“Yes,” diretso ang sagot ni Rico, parang wala lang.

“Hindi kasama sa kontrata ‘to,” mariing sabi ni Vera, napaharap sa kaniya.

Lumapit si Rico at ipinatong ang kamay sa pinto, isinara iyon.

“Read again,” sagot niya. “Shared bedroom. No physical obligation.”

“So matutulog lang?” tanong ni Vera, halatang nagdadalawang-isip.

“Matutulog,” sagot ni Rico, may bahagyang ngiti. “Unless magbago isip mo. Mas masarap pa naman akong kasama kesa sa kapatid ko.”

Mabilis napangiwi si Vera. “Hindi,” mabilis niyang sagot. “No sex.”

Tumango si Rico. Palihim na napangisi. “Then we’re clear, Wife.”

Nabigla si Vera sa tawag. “Huwag mo akong tawaging ganiyan na parang—”

“Asawa kita,” putol ni Rico. “Legal. Contract man o hindi.”

Nakagat ni Vera ang labi niya. Parang bumilis bigla ang pagtibok ng puso niya kaya umupo na lang siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone pero hindi naman ginagamit. Si Rico naman ay nagtanggal ng jacket, inilapag iyon sa upuan.

“This is awkward,” biglang sabi ni Vera, hindi siya tumitingin sa asawa niya.

“Give it time,” sagot ni Rico. “Lahat naman nagiging normal kapag paulit-ulit.”

“Hindi lahat,” sagot niya. “Lalo na kung ganito ang simula.”

Humakbang palapit si Rico. “Then change how you see it.”

Bago pa makapagsalita si Vera, bigla siyang napahiga nang dinaganan siya ni Rico. Napasinghap siya sa gulat.

“Ang laki-laki ng kama, R-Rico,” nanginginig ang boses ni Vera. Hindi siya makatingin ng diretso sa bago niyang asawa. “Anong ginagawa mo?”

“Tonight is our wedding night,” mababang sabi ni Rico, nakatitig sa kaniya. “We start acting like it. Let’s show my brother that you’re worth keeping. That you’re happy to be my wife.”

“Rico—” tangka niyang pigilan.

Ngunit bago pa man makapagsalita si Vera, hinalikan na ni Rico ang labi niya.

Nanigas si Vera sa unang segundo. Ramdam niya ang init, ang bigat ng presensiya ni Rico. Ngunit sa halip na itulak, dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya at hinawakan ang balikat ng lalaki.

Hindi na siya pumalag. Hinalikan niya rin pabalik ang asawa niya.

Saglit na humiwalay si Rico. “Last chance,” sabi niya. “Sabihin mong ayaw mo.”

Hindi sumagot si Vera. Sa halip, hinila niya ang kwelyo ni Rico palapit. “Tapusin mo na,” mahina niyang sabi. “Pero tandaan mo, may dahilan ito. Mutual benefits.”

Tumango si Rico. “Okay. Enjoy the trip to heaven, Wife,” bulong ni Rico, saka hinàlikan ang leeg ni Vera. 

Napapikit si Vera sa kakaibang sensasyong bumabalot sa katawan niya ngayon. Hinawakan niya ang buhok ng asawa niya at tuluyang nagparaya sa namumuong init ng kanilang mga katawan.

***

Kinabukasan, mabigat ang katawan ni Vera nang magising siya. Bahagya siyang umungol habang iniinat ang likod. Paglingon niya, mahimbing pa ring natutulog si Rico sa tabi niya. Nakakunot ang noo nito, parang pagod na pagod.

“Grabe ka naman, Mr. Garcia,” bulong ni Vera. “Parang wala kang balak magising. Iba talaga basta CEO!”

Hindi mapigilan ni Vera ang mapangiti nang maalala ang nangyari kagabi. Pero agad niyang pinigilan ang sarili. Mas nangibabaw pa rin ang dahilan kung bakit niya ginawa ang lahat ng iyon.

Paghihiganti.

Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi magising si Rico. Kinuha niya ang mga damit niya at pumasok sa banyo. Paglabas niya, bihis na siya, maayos ang buhok, balik ang propesyonal na anyo.

May trabaho pa siya sa ospital.

Paglabas ni Vera ng silid, saka pa lang idinilat ni Rico ang mga mata niya. Mabagal siyang umupo sa kama, parang bawat galaw ay puno ng desisyon. Kinuha niya ang cellphone at agad tumawag.

“Start the rollout,” malamig at kontrolado niyang utos. “Kasal na ako.”

Huminto siya sandali, pinakikinggan ang sagot sa kabilang linya.

“But make sure of one thing—keep my wife’s identity confidential. Hindi puwedeng madamay ang pangalan niya. Hindi puwedeng masira ang trabaho niya. Protect her at all costs.”

Muli siyang natahimik, mas tumigas ang panga.

“Yes,” dugtong niya, mas madiin. “Effective immediately.”

Ibinalik niya ang cellphone sa mesa at napangiti.

“Game on, brother,” bulong niya. “You betrayed her. You abandoned her when she needed you the most.” Bahagya siyang huminga nang malalim. “So now, she’s mine. And I won’t make the same mistakes you did.”

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 5

    Tahimik ang loob ng apartment ni Vera habang hawak niya ang cellphone. Paulit-ulit siyang napapatingin sa screen, hinihintay ang tawag na magpapatunay na tuluyan nang tapos ang kabanata niya kay Riley Garcia matapos makipaglaban sa loob ng ilang buwan. Nakaupo siya sa gilid ng sofa, tuwid ang likod pero halatang naninigas ang mga balikat niya sa kaba.“Come on…” mahina niyang bulong. “Tumawag ka na.”Nag-vibrate ang cellphone niya. Napapitlag siya bago sinagot ang tawag. “Hello?” pilit niyang pinakalma ang boses.“Vera,” boses ni Atty. Celeste Rockwell ang narinig niya. “May balita na.”Humigpit ang kapit ni Vera sa phone. “Ano… ano’ng sabi?”“Na-approve na,” diretsong sagot ni Celeste. “Matagal na palang pinirmahan ni Riley ang annulment. Na-delay lang ang submission dahil sa side niya.”Parang may dumaan na malamig sa dibdib ni Vera.“So… ganoon na lang?” tanong niya. “Wala man lang laban?”“Tapos na,” sagot ni Celeste. “Legal ka nang malaya sa piling ng ex mo.”Natahimik si Vera.

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 4

    “File an annulment as soon as possible—so you can marry me.”Tumigil ang mundo nina Vera at Celeste sa mga salitang iyon.Napatingin si Vera kay Rico na parang mali ang narinig niya. Nasa loob pa rin sila ng ospital room. “Ano’ng sinabi mo?” paos na tanong ni Vera.Hindi nagbago ang ekspresyon ni Rico. Parang business partners ang kaharap niya. “Mag-file ka ng annulment. Ngayon din. I’ll handle everything. After that, pakakasalan kita.”Napanganga si Celeste. “Wait. What?” napasigaw siya. “Rico, are you even listening to yourself? Kapatid ka ng asawa niya!”Tumawa si Rico. “Exactly.”Para kay Vera, parang may sumabog sa ulo niya.“You’re insane,” mariing sabi niya. “Pa-check ka sa utak mo. Hindi ka yata normal. May sira yata ang utak mo.”Sinubukan niyang bumangon mula sa kama. Nanginginig pa ang mga binti niya, pero pinilit niya. Hindi pa siya nakakatayo nang hawakan ni Rico ang braso niya.“Don’t,” malamig na sabi ng lalaki. “Hindi ka pa puwedeng umalis.”“Don’t touch me,” sigaw ni

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 3

    Habang wala pa si Riley sa bahay, tahimik na pumasok si Carla sa silid na dati’y pinaghahatian nina Riley at Vera. Sarado ang kurtina, malamlam ang ilaw. Ramdam niya ang katahimikan ng kwarto, pero imbes na makonsensya, mas lalo siyang naging kampante. Para sa kaniya, wala na ang tunay na may-ari ng lugar na iyon.Diretso siyang naglakad papunta sa closet. Binuksan niya ang mga pinto at bumungad ang mga damit ni Vera na naiwan. Isa-isa niya iyong hinila, sinusuri ang mga tela, ang mga brand, ang mga kulay. May bahagyang iritasyon sa mukha niya, pero nanaig ang ngiti.“Sayang naman kung itatapon ko kayong lahat,” bulong niya sa sarili. “Pero sa ‘kin na rin kayo. Ako na ang bagong may-ari.”Sinubukan niyang isuot ang ilan. Isang blouse, isang dress. Tumapat siya sa malaking salamin at inikot ang sarili.“Mas bagay sa akin,” sabi niya, may halong pangmamaliit. “Hindi ko alam bakit pinatulan ka pa ni Riley.”Lumapit siya sa drawers. Binuksan isa-isa. Nakita niyaang ilang personal na gamit

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 2

    Lumipat si Vera sa isang maliit na apartment, malayo sa bahay na minsang tinawag niyang tahanan. Tahimik ang lugar at sapat lang ang espasyo para sa isang taong gustong maghilom. Pinilit niyang gawing normal ang lahat. Gigising siya nang maaga, papasok sa ospital, gagampanan ang tungkulin bilang doktor, at uuwi nang tahimik. May trabaho pa siyang kailangang tapusin at mahaba pa ang pila ng mga taong nangangailangan ng tulong niya. Hindi niya puwedeng hayaang makita ng mundo kung gaano siya kabasag sa loob.Pero hindi niya aakalaing hindi rin siya tatawagan ni Riley. Parang wala itong pakialam sa pag-alis niya.Sa ospital, pilit niyang iniiwasan ang mga usap-usapan. Ngunit isang araw, pagpasok niya sa isang silid, agad siyang napatigil.“Doc Vera, ito po ‘yung pasyenteng sinasabi ko sa ‘yo,” bulong ng nurse na kasama niya. “Medyo… mahirap kausap.”Hindi na kailangan pang ipaliwanag. Sa kama, nakaupo si Carla, naka-cross ang mga braso, may bahagyang paso sa kamay, at halatang galit na g

  • A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother   Kabanata 1

    “Happy birthday and congratulations, Dr. Vera. You are two weeks pregnant!” masayang sabi ni Dr. Andrea Morgan, ang kaibigan at kasamahan ni Vera sa ospital, habang hawak ang resulta ng check-up.Nanigas si Vera sa kinauupuan, hindi makapaniwala sa nakikita. Hawak-hawak niya ang papel, ramdam ang mabilis na tibok ng puso sa tuwa at kaba. Birthday niya ngayong araw, at hindi niya inasahan ang ganitong sorpresa. Ilang taon na siyang naghintay at nagdasal. Limang taon na silang kasal ni Riley, at alam niyang gusto rin ng asawa niyang magkaroon ng anak.“Dalawang linggo na akong buntis, Andrea? Totoo ba ito?” tanong ni Vera, nanginginig ang boses habang pinipilit kontrolin ang excitement.“Yes, Vera. Naka-confirm sa ultrasound. Two weeks ka nang buntis. Sobrang bago pa lang, pero congrats! Malaking blessing ito,” sagot ni Andrea, pinipisil ang kamay niya at ngumiti ng buong puso.Napatakip si Vera ng bibig, hindi makapaniwala. Gusto niyang tumawag kay Riley kaagad at ibahagi ang balita, p

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status